Chapter 1

822 Words
"Papasok na po ako sa trabaho!" Masiglang paalam ni Charm sa mga magulang at kapatid. Humalik na sya isa-isa sa mga ito bago lumabas ng bahay. Isa siyang tindera sa palengke. Dahil sa kakapusan ng pera at pang suporta para sa pag-aaral niya sa kolehiyo ay pagtitinda na lamang ng isda at gulay sa palengke ang naging hanap buhay niya. Hindi niya kaylan man sinisi ang mga magulang niya kahit na hindi siya nito masuportahan sa pag-aaral. Napaka matulunging tao ni Charm. May nag magandang loob lamang na bigyan sila ng puhunan para sa pwesto nila ngayon. Isang hindi niya kilalang tao ang nag alok ng tulong na pera sakanilang pamilya. Nagawan niya kasi ito ng magandang bagay kaya naman agad na ibinalik ito sakanya. Ganun nga yata talaga kapag nasa dugo na ang pagiging matulungin, may ibinibigay agad na kapalit sa mga taong mababait. Gaya na lamang niya na ang tanging ginagawa ay tumulong sa pamilya at sumuporta sa dalawang nakababatang kapatid na si Lenlen at Buknoy. Elementary na ang dalawa niyang kapatid, at siya na lamang ang tanging inaasahan ng pamilya. Mahina narin kasi ang dalawang matanda na si Papa Joji at Mama Nida niya. Paminsan minsa'y nakikipag arawan ang Papa Joji niya sa bukid upang makadagdag para sa pagkain nila. Ngunit ang Mama Nida niya ay sa bahay nalang dahil sa iniinda nitong high blood na kasalukuyang nag me- maintenance. Isa pa itong alalahanin para kay Charm. Hindi pa silang handa na iwan ng kaniyang Ina. Bata pa ang dalawa niyang kapatid, at maging siya ay hindi kakayanin. Kaya naman kahit mag kandakuba na siya ay pinipilit talaga niyang maabot ang kota niya. Dapat ay maging sapat ang maiuuwi niya sa bawat araw para makabili pa ng gamot ng Ina. Ganito siya kaulirang anak kaya maging ang mga kababaryo nila ay walang masabi sakanya at sa pamilya nila na kilalang may mabuting puso. Kapag may nakikitang na ngangaylangan ng tulong si Charm ay agad siyang tumutulong may kapalit man o wala. "Suki bili na po kayo! Mura lang at affordable at sariwa pa!" Sigaw ni Charm. Hindi na siya nahihiya kahit na maraming tindera ang nakatingin sakanya na tila ba na iinis dahil iniisip ng mga ito na ginagamit ni Charm ang ganda niya sa mga lalaking customer. Minsan narin siyang nasugod ng asawa ng isa niyang suki dahil sa pagseselos ngunit mahinahon niya itong napaliwanagan. Para kay Charm. Hindi naman palaging dapat ay ginagantihan ng masama ang gumawa sayo ng masama. Mas nais niyang kausapin na lamang ng maayos kaysa ang mag mataas. "Ganda!" Tawag ni Marie, suki niya. "Isang kilong tilapia nga. Gusto mag sigang ni mister," wika pa nito sakanya. "Tamang-tama lang ang dating mo ate Marie dahil sariwa pa ang mga isda ko." "Sariwa pa talaga dahil dalaga ka pa naman!" Pagbibiro ni Marie bago napahalakhak. Nakitawa narin siya upang sakyan ang pagbibiro ng suki niya. "Sayo na ang sukli iha. Dagdag mo na yan sa kita mo." "Naku! Ate Marie salamat po talaga. Palagi nalang kayong hindi nangunguha ng sukli, nakakahiya na po." Ngumiti lamang si Marie bago umalis na. Ilang oras pa ay nangalahati na ang tinda niyang gulay at isda kaya masayang uuwi si Charm ngayon. Hapon na at napag pasyahan na ni Charm na umuwi. Habang nag a-ayos ay may gwapong lalaki ang dumampot sa isang buong manok na nasa tray. "How much?" Tanong nito bago ngumiti. "Mura nalang po para sainyo sir." Sagot niya bago kinuha ang manok. "Anong luto po ba? Hihiwain ko na po." "No, thanks. Isang buo kasi ang gusto ni Daddy. Kunin ko narin hipon mo." Napatango siya at agad na iplinastik ang bawat ituro ng gwapong binata. "Palagay ko sir hindi ka taga rito?" "How did you know?" "Sa pananalita ninyo palang po halata na. At tsaka hindi po kayo marunong tumawad," nahihiyang sagot ni Charm. "Actually, you're right. May rest house kasi kami rito na pinapaasikaso ng parents ko." Napatango si Charm. Kaya pala muka talaga itong yayamin. Inabot na niya ang pinamili nito ngunit isang libo ang pera ng binata. "Wala po ba kayong limang daan?" "Keep the change," nakangiting wika nito bago tumalikod sakanya at umalis. Napakalaki ng sukli nito kaya nagulat sya. Gusto pa sana niyang habulin ang binata ngunit nahihiya naman siyang mapahiya rin ito. Habang tinatahak ni Charm ang magubat na daanan. May kalayuan kasi ang bahay nila sa baryo kaya naman kinakaylangan pa niyang dumaan sa makahoy na parte ng lugar nila. "T-tulong." "Lolo!" Agad niya itong tinulungang tumayo. "Ayos lang po kayo?" Nag aalalang tanong pa niya. "Help me," hinawakan siya nito sa braso. "Sino po bang kasama ninyo? Wala po ba kayong kamag anak?" "Wala." Akmang hahawakan sana niya ang mukha nito upang punasan ang dumi ng sawayin siya nito. "Don't touch my face." Dun palang ay nag taka na siya. Ngunit dahil sa pagiging likas na matulungin ay walang pasabing isinama niya ito sakanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD