Water bubble g*n

1165 Words
Napahinto sa pagpasok ng gate nila Maxim si Nicholas ng makitang palabas ng pinto ang dalaga, may hila hila itong luggage at may kausap sa cellphone nito. "Oo na nga papunta nako." Pause... "Basta! mga 5 minutes dyan nako, ok? Bye na, mwah." Mabilis ang bawat paghakbang ni Nicholas pasalubong sa kasintahan na aligaga sa mga dala nitong gamit. "Babe, san lakad mo?" Tanong nyang palipat lipat ang tingin sa maleta at kay Maxim. "Oh, Hi Babe, mwah... Punta lang kami saglit ng Singapore." Matapos halikan sa labi ang kasintahan, binuhat na ni Nicholas ang maliit na maleta saka inalalayan si Maxim na panay ang pagpag sa laylayan ng damit na suot nito. "Singapore?" Kunot ang noong napabaling bigla ng tingin si Nicholas kay Maxim. "Yep!... " malapad ang pagkakangiti ni Maxim ng humarap sa binata, at ng makita nyang pagkakakunot ng nuo nito, umangat ang kamay nya para haplusin ang nuo ni Nicholas. Bahagyang napangiti naman ito sa kanyang ginawa. "Eh... Babe, paano yung lakad natin? Nakalimutan mo na bang bibisitahin natin sila Mamang sa Cebu?" Biglang natutop ni Maxim ang bibig... "Hala! Oo nga pala... Sorry... Sorry... talaga nakalimutan ko Nicko!" Napabuntong hininga na lang si Nicholas saka masuyong hinila si Maxim patungo sa kotse nyang nakaparada sa kabilang kalsada. Hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena, madalas itong mangyari, minsan nakakatampo ng pagkakalimutin ng kasintahan pero iniintindi na lang nya ito. Wala eh!.. Masyado nyang mahal si Maxim kaya nilalawakan pa nyang pang unawa dito. "Babe, hoy! Sorry na! Promise babawi ako sayo sa pagbalik ko ha!" Hinalik halikan ni Maxim ang kasintahan habang seryoso itong nagmamaneho patungong airport, kanina pa ito tahimik kaya alam nyang nagtatampo na naman ito sa kanya. "Maxim... Nagda drive ako.." Pilit pinapakalma ni Nicholas ang kanyang sarili. "S - sorry..." Napatuwid ng upo si Maxim at inayos ayos ang kanyang seatbelt. Maya maya napalabi ito. Masyado syang sensitive kapag ganitong bad mood ang kanyang boyfriend. Konting kibot lang ni Nicholas apektado na sya. 'Haizt... Bakit ko ba kasi nakalimutan ang pagdalaw namin sa pamilya nya... Kainisss... Ump ump... umpp...' Panay ang hampas nya sa kanyang hita dahil sa inis at yamot nyang nararamdaman. Nakokonsensya talaga sya sa tuwing nakakalimutan nyang mahahalagang lakad nila ni Nicholas. "Maxim, stop it!" Saway ni Nicholas ng makitang ginagawa ng dalaga. Parang walang naririnig na tuloy lang sa kanyang ginagawa si Maxim, sinisisi pa rin nitong sarili... 'Bakit ba kasi napaka makakalimutin ko?' Unti unting nagtubig ang mga mata nya, kinusot kusot nya ito gamit ang kanyang daliri, pero mas lalong lumala kasi nanghapdi at kumirot lang ito saka tumulo ng kanyang mga luha. 'Sorry... sorry naaa....' Pabulong na lang ang boses na lumalabas sa kanyang bibig, panay ang hikbi nya't pagpunas sa mga luhang di maampat ampat sa pagpatak. Napailing iling na lang si Nicholas saka inihinto sa isang tabi ang kanyang sasakyan ng makita ang emotional na si Maxim sa kanyang tabi. Tinanggal nyang kanyang seatbelt saka humarap sa dalaga. "Babe, hindi ako galit sayo okay! lam ko naman kasi na makakalimutin ka lalo na kapag nayaya ng mga kaibigan mo." Parang batang nanulis ang labi ni Maxim habang tuloy pa rin ang pagpunas ng kanyang luha. Hindi na sya makatingin ng deretso sa binata. Hanggang sa niyakap na lang sya nito saka masuyong hinaplos ang kanyang buhok at likod. "Ssss... Tahan na.... Ok lang yan, pagbalik mo na lang galing Singapore tayo dadalaw kila Mamang sa Cebu, hmmm.." "Sorry ha!.. Promise babawi ako sayo!" Ayan na naman ang ugali nyang nangangako na hindi naman nya natutupad. "Ano bang gagawin nyo sa Singapore?" Tanong ni Nicholas sa lakwatsera nyang girlfriend habang pinupunasan ng tissue ang pisngi nito. Napapailing na lang sya dahil sa pagka childish nitong pag uugali. "May offer kasing trabaho dun kay Lovely, sasamahan namin sya papunta dun, moral support, ganun.." Ngumiti sya saka sinuklay suklay ng kanyang daliri ang magulong buhok. Lihim na napangiti na lang si Nicholas ng makitang pagbabago ng mood ni Maxim. Ito ang pinakagusto nyang ugali ng kasintahan, kahit na may pagka childish ito mahal na mahal nya pa rin ito. Saka mababaw lang kaligayahan nito, na konting lambing lang ok na kaagad. Limot na nito ang kalungkutan. Inabot nyang malaking box sa dashboard ng kotse saka ibinigay yun kay Maxim. "Hmmm.. Ano na naman ba'to Babe?" Nakangiting sinuri suri ni Maxim ang kahon na hawak. "Buksan mo, binili ko yan, kasi alam kong mapapasaya ka nyan." "Talaga!.. Thank you.." Excited na binuksan ni Maxim ang kahon. Nagniningning ang mga mata nito ng tumambad ang isang water g*n, kaagad nyang inilabas yun sa kahon. Gustong gusto talaga nyang mga bulang lumalabas sa bawat pagpindot nya dito. Kapag naliligo nga sya inaabot ng oras dahil nawiwili syang maglaro sa mga bula. "Dito na tayo.." Nakangiting tinapik tapik ni Nicholas ang pisngi ni Maxim na tila nangangarap habang sinusundan ng tingin ang mga bulang lumulutang sa harapan nito. Napakurap kurap pa ito bago bumaling ng tingin sa kanya. "B - Babe?" Disoriented pang sabi ni Maxim. "Nasa airport na tayo, Babe. Halika na.." "Ah, Oo nga pala, nakalimutan ko." nagmamadaling bumaba ng sasakyan si Maxim. Natatawa namang lumabas na rin ng sasakyan si Nicholas at kinuha ang traveling bag ni Maxim. "Maxim!..." Si Meran na kumakaway habang papalapit sa kanila. Sa likuran nito nakasunod sina Kimy at Lovely. "Girl, tagal mo ha! Lmalapit ng boarding natin." Halatang pagkainip sa mukha ni Kimy habang papalapit sa kanila ni Nicholas. "Pasensya na mga bff." Nahihiyang hingi nya ng paumanhin sa tatlong kaibigan. "Sige, okay na kami ngayon kasi nandito kana, o, ano, pasok na tayo?" Tanong ni Lovely. "Naka check in ng mga bagahe namin Maxim, kaya tayo ng pumasok." Si Meran na hinihila na sya papasok ng airport. "Babe..." Inabot ni Maxim ang kamay ni Nicholas saka hinila ito palapit sa kanya. "Mag iingat ka dun Babe, ha! Saka tawagan moko pagkarating nyu dun, okay!" Inayos pa ni Nicholas ang buhok ni Maxim. "Hoy Lovebirds, tama na yang kasweetan nyu dyan pede, ha! Maiiwan na tayo ng eroplano abah!." Nakasimangot na pinaglayo ni Kimy ang dalawang naglalambingan. "Saka, heloo... Maxim our friend... One week lang tayo dun." Sabat naman ni Lovely na kinuha ang traveling bag ni Maxim mula sa pagkakahawak ni Nicholas, at ito ng nag check in sa counter ng PAL. "Sige na Babe, sama kana sa kanila, pasok na kayo sa loob, sunduin kita pagbalik mo dito hmmm." Nangingiting hinalikan ni Maxim ang boyfriend nyang ubod ng bait. Talagang napaka swerte nya kay Nicholas. Mula ng maging silang dalawa naging masaya pa lalo ang buhay nya. "Mahal na Mahal kita, Babe. Ingat ka palagi...mwah.. Babye.." Palingon lingon pa si Maxim kay Nicholas habang hila hila ng mga kaibigan papasok ng departure area. Panay naman ang flying kiss ng binata sa kanya. Umalis lang ito ng tuluyan na silang makapasok sa loob. 'Mahal na mahal kita Maxim, kung alam mo lang, na diko kayang mabuhay kung wala ka sa tabi ko.' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD