Lakwatsera

1423 Words
Kanina pa pinagmamasdan ni Nicholas si Robert Viette, isa sa mga ka business partner nya sa real estate industry. Maaliwalas ang bukas ng mukha nito at maganda ang aura na nakapalibot dito. 'Hmm.. ano kayang pinagkakaabalahan nito sa laptop at tila nakalimutan nako dito?' Tumayo si Nicholas at pasimpleng naglakad patungo sa likuran ni Robert at sinilip kung anong pinagkakaabalahan nito. 'Cupid Dating Site for Singles? Whoa, diko inakalang nahihilig pala sa dating site itong si Robert haha.' Napabaling ang tingin nya sa librong nakapatong sa mesa kasamang mga ibang gamit ni Robert. Manipis lang ito saka nakakaagaw ng pansin ang kulay ng cover nito. Natawa sya ng lihim ng mabasa ang title ng libro. 'Zodiac?'.... Mapaniwalain din palang Australyanong 'to haha kala ko ako lang.' Bumalik sya sa kinauupuan kanina saka sumimsim ng kape, pinalibot nyang tingin sa kabuoan ng maliit na cafe. Maganda ang decorations ng cafe, maaliwalas ang kulay at simple lang ang mga design, saka ang cute ng mga gamit nila kakaiba.. Mababait din ang mga crew lalo ng manager na kaibigan pala ni Robert. Napabaling ang pansin nya ng magsalita ang kaharap na may ipinapakita sa kanyang litrato. "Hey, Nicholas! look at this picture...she's so amazing, right?" Wika nito na kaylapad ng pagkakangiti habang tutok ang mata sa laptop nito. 'Ohh..Wait! I know that woman!' Bumaba ang tingin nya sa profile nito.. Kimy Bamashi / 20 Masayahin, malambing Malaki ang puso, matulungin Tapat sa sarili lalo na sa mga taong malapit sa kanyang damdamin. "Yeah, she's a good catch.. Your attracted to her?" Tinitigan nya si Robert, lihim syang napangiti ng makita ang ningning sa mga mata nito habang tutok ang tingin sa litrato ni Kimy, na isa sa mga kaibigan ng girlfriend nyang si Maxim. "Yes! I think I'm fallen in love with her.. I'm impressed with her bio.." Binasa nito ng malakas ang nakasulat sa profile ni Kimy. "I must live with myself so I’m the one that must know who am I… I want to go with my head not look down but look forward … I want to be respected by others because of myself… I don’t want to look on the mirror and realize that I’m nothing… I never can hide from myself… I see what everyone not see… I know what everyone don’t know… I never can fool myself… so no matter what happen, I want to stay awake and have PRIDE….." Nakangiting bumaling ito ng tingin sa kanya at nagtanong. "So, Nicholas, What can you say about her?" "She's perfect... for you Robert." Tipid syang ngumiti dito. Sa tingin nya bagay yung dalawa, mabait at mapagmahal itong si Robert, samantalang taklesa at masayahin naman si Kimy . "Really? Thanks.. Oh! Look at this picture, Nicholas. She have a gorgeous circle of friends..." Ihinarap pa sa kanya ni Robert ang laptop nito. Napangiti sya ng makita ang picture ng apat na magkakaibigan. At sa baba ng picture ay may caption na napakahaba. Pinasadahan nya yun ng basa. Napapangiti na lang sya ng lihim dahil sa mga nakasulat na tugmang tugma talaga kay Maxim... At siguro di lang ang girlfriend nya kundi maging ang tatlong kaibigan pa nito. 'Pasensya na kayong mga lalaki ha?'.... Mahirap magmahal ng isang babaeng napakahirap intindihin ang ugali. Yung babaeng di mo makuha kuha ang timpla ng mood niya. Madaling magalit, pero madali namang suyuin. Malambing pero minsan, bigla ka na lang hindi papansinin. Maarte at masyadong sensitibo. Iyakin, selosa at madamot. Minsan, mas nanaisin mong sukuan na lang siya dahil hirap na hirap ka na. Pero sa isang banda, maiisip mo na lang, papakawalan ko nga ba talaga siya? Madali siyang magalit dahil alam niyang hindi tama ang ginagawa mo at ayaw na ayaw ka niyang napapahamak. Sa maliliit na pagkakamaling nagagawa mo, nagagalit siya sapagkat ayaw niyang sa huli ay magsisisi ka sa isang maliit na pagkakamali na malaki ang kahihinatnan. Ayaw na ayaw niyang mawala ka sa kanya kaya hangga’t maaari ay pinagbabawalan ka niya sa mga bagay na alam niyang hindi makabubuti sa iyo. Hindi makabubuti sa relasyon niyo. Bulaklak o isang simpleng kanta lamang, masusuyo mo na siya. Minsan nga, isang text o tawag lang, ayos na siya. Basta’t ipapangako mo lang na hindi mo na uulitin ang mga ginawa mong ikinagalit niya. Kahit ganun siya, di ka rin naman niya matitiis dahil mahal ka niya. Pero hindi porke’t madali siya masuyo ay paulit ulit mo na itong gagawin, sapagkat ang isang tulad niya ay napapagod magpatawad sa paulit ulit na kasalanan. Malambing siya. Laging nakayakap, biglang nanghahalik at laging nakadikit sayo. Lagi rin siyang nagsasabi ng “I love you”, laging nagpapaalala na kumain ka sa tamang oras at huwag kang magpapagutom. Nagaalala siya ng sobra sa tuweing nagkakasakit ka at siya pa ang nagaalaga saiyo. Ngunit, may mga pagkakataong bigla ka na lang niyang hindi iimikin. Hindi ka kakausapin. Ni hindi ka titingnan. Mananahimik siya sa isang tabi at hindi ka papansinin. Yun ay maaaring dahil nagtatampo siya sayo, o kaya may nakalimutan ka o kaya sadyang malungkot lang talaga siya at ayaw niyang mag alala ka sa kanya. Ngunit kahit ganun ang ginagawi niya, nais niyang nasa tabi ka lang niya. Yung kahit hindi kayo naguusap, nararamdaman niyang andiyan ka lang kapag naisip niya nang magsalita. Yung alam niyang nais mo siyang damayan at lagi ka lang andiyan para sa kanya. Maarte siya sa mga bagay na hindi niya nakagawiang gawin. Intindihin mo dahil babae siya. Sensitibo ang puso niya. Madali siyang masaktan lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa relasyon niyo. Maaaring hindi mo sinasadya pero malaki ang epekto nun sa puso niya. Mga simpleng bagay para sayo, pero malaking bagay para sa kanya. Minsan, hindi na lang yun maituturing na kaartehan dahil totoo yung nararamdaman ng kanyang sensitibong pakiramdam. Napakaiyakin at selosa. Naiinis ka na ba? Pero naisip mo ba na madali siyang magselos dahil ayaw na ayaw niyang mapunta ka sa iba? Hindi niya kayang makitang nakikipaglandian ka sa iba. Nakikipagtawanan at nakikipagbiruan. Dahil naiisip niya na dun kayo nagsimula. Na yun ang naging daan kung bakit nagkaroon ng “kayo”. Ipinagdadamot ka niya sa iba dahil ipinagdadamot niya rin ang sarili niya sa iba para lang sayo. Ikaw ang maswerteng nilalang na binigyan niya ng matamis na “oo” at ang nagiisang pinatakan niya ng kanyang mga luha. Kaya sana pahalagahan mo ito. Sana, huwag mong sukuan ang isang babaeng mahirap intindihin ang ugali. Sapagkat, sa mga darating na panahon, matutunan mo din kung paano siya initindihin at mas makikilala mo siyang maigi. At kapag dumating ang panahong iyon, tinitiyak kong hinding hindi ka magsisisi. Mahalin mo siya ng totoo dahil sa kabila ng ugali niyang ganyan, kung magmahal naman siya ay buong puso.' Matapos nyang basahin ang napakahabang caption ni Kimy ay ihinarap nya pabalik kay Robert ang laptop nito. Tatayo na sana sya para mag cr ng tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad nya itong hinugot sa bulsa ng kanyang suot na suit. 'Maxim calling..' "Hello, Babe!.. Uuwi kana ba? Ano, susunduin na ba kit - " excited nyang sagot na pinutol naman ng tila nag aalinlangang boses ni Maxim. "A- Ahm... B-Babe.. kasi dipa kami makakauwi eh." "Ha! Bakit naman hindi?" "Kasi, sasaglit kami ng 2days sa Japan... Babe, sorry ha!" Hindi kaagad nakasagot si Nicholas, ang sayang nararamdaman nya kanina kaagad napalitan ng lungkot dahil sa sinabi ni Maxim sa kanya. "Babe?.. Hello Babe.. dyan kapa ba?" Boses ni Maxim na may halong kaba at pangamba. Napabuntung hininga na lang si Nicholas, may magagawa pa ba sya? eh alam naman nyang pag ginusto ni Maxim kahit na tumutol man sya tutuloy pa rin ito. "Mag iingat ka palagi ha! Saka kumain sa oras, Maxim... mahal na mahal kita!" "Alam ko! mahal din kita Nicholas.. mwahh." Yun lang nawala na sa linya si Maxim. "Tsss.. di man lang nagba bye sakin ang babaeng yun." Iiling iling na tumayo na si Nicholas saka tinapik sa balikat si Robert na abala kaka chat kay Kimy. Ng tumango ito sa kanya saka sya nagpaalam na mauuna ng umalis. Pakiramdam nya'y nanlalata sya at gusto na lang nyang humilata para gumaan ang kanyang pakiramdam. 'Maxim... kelan ka ba mapapagod kakalakwatsa? kelan ka ba mananatili sa tabi ko ha?..' Lulugo lugong lumabas na ng cafe si Nicholas. Sumakay sa kanyang kotse saka pinaharorot yun pauwi sa kanyang bahay. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD