Ng minsang magkayayaan kaming magkakaibigan, Napadpad kami sa disco para maglibang, ng biglang tumugtog ang lambada music na di namin inaasahan, naparampa sa dance floor at nag umpisang mag indakan. Diko inaasahan na habang kami'y nagsasayaw ng aking mga kaibigan, may mga mata palang nakamasid sa bawat galaw ng aking katawan, ng mapagod kami agad nag si upuan, habang tuloy ang biruan at halakhakan...
Biglang lumapit ang waiter at kami ay nagtaka, ng inabot sakin ang bote ng alak at sinabing galing sa isang tagahanga, nagkatinginan na lang kaming apat dahil bawat isa walang idea, nagbulungan at nagkabiruan dahil may tagahanga na naman daw ako bongga...
"Wow... Maxim, haba ng hair mo fren, kainggit ka naman..."
Kinikilig na sambit ni Kimmy, sabay kindat kila Meran at Lovely na nagpupunas ng mga pawis habang nangingiti't may panunudyong sumulyap kay Maxim.
"Uhuhooyyy... Nakakasilaw ang yung ganda fren.."
Tinanong kong waiter kung sino naman yong tagahanga kong yun. Pero ayaw sabihin dahil secret daw yon.
"Hmmm.." Napag isip ako't iginala ang mga mata sa mga lalaki doon, Pero mahirap hulaan lalo pa't madilim ang disco pub na iyon...
" Cheers.. Magdamagan na ito ha! Girls.." Ani Kimy.
"Oo naman, basta ba sa condo mo kami matutulog eh."
"Panu si boyfie mo Lovely? diba hahabol daw sya dito?"
"Haha, hay naku Meran, I'm sure dina naman makakarating yun, kaya magdamagan tayong magkakasamang apat."
True, may pagka paasa kasing bf ni Lovely kaya mahirap ng maniwala sa mga sinasabi nito parati. Habang kami nag iinuman, Napansin kong may isang lalaking nakatayo saking tagiliran, may hawak na rose at mukha niya'y aking sinulyapan.
'Oh my gosh! naibulong ko tuloy. 'Ito na bang lalaking iyon?'
"Hi..." Kaysimpatiko ng ngiti sa labi niya, Ala Robin ang dating hanga ako sa astig niyang porma, naki join sa amin at nakipag kilala, At libre niya lahat ganyan siya kagalante ha!...
"Uyyy... may pa rose pa, so sweet." Si Meran.
"Hopeless romantic ang datingan natin ah!" Si Lovely.
"Hmmm... At kay bango bango pa ni fafa." Si Kimy na lumipat ng upo sa tabi ni Lovely.
Napakamot na lang sa batok ang binata at umupo sa tabi ni Maxim na sinusuri talaga sya ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Hello, Girls, ako nga pala si Nicholas Lim."
"Ahm... Hi Nick, ok lang ba na Nick na lang ang itawag namin sayo?" Si Kimy na pinaka madaldal sa kanilang magkakaibigan.
"Sure, no worries." Nakangiting sabi naman ni Nicholas na pasulyap sulyap kay Maxim.
"Owkey! I'm Kimy, thanks sa complement whiskey na'to." Itinaas pa ni Kimy ang bote ng alak sa kaharap.
"Your welcome Kimy, nice to meet you." Inabot ni Nicholas ang kamay kay Kimy, bahagya pa itong sumalodo sa dalaga.
"Lovely, as in Lovely evening hehe."
"Hello Lovely." Nakipagkamay din dito ang binata.
"Ako naman si Meran, at ang masasabi ko lang sayo Nicholas, kung balak mong diskartehan ang bff namin siguraduhin mo lang na hindi libog lang yang nararamdaman mo ha! kasi kung joke joke lang yan..."
Binitin ni Meran ang sasabihin, bumaling ito sa mga kaibigan na nagtaasan ng mga kilay saka nagsipag tanguan at sabay sabay nagsabi ng...
"Mag disappear kana saming harapan."
Natatawang tinapik tapik ni Maxim ang pisngi ng binatang nakatanga na ngayon sa tatlo nyang kaibigan.
"Chill... Nagbibiro lang ang mga yan, I'm Maxim, nga pala.. Salamat sa alak at dito sa rose."
"Seryoso kamiii.... Maxim!" Sabay sabay na sabi ng tatlo na nandidilat pang mga matang nakatingin sa kanya.
"Haha.. Oo na, sige na, tama na yan. Mag inuman na lang tayo."
Naramdaman ni Maxim ang dahan dahang pag kalma ng mga kaibigan lalo na ang binatang katabi nya. Narinig pa nyang pagbuntong hininga nito.
"Alright.... Cheerssss...." Maingay at magulo man ang kanilang kapaligiran di na nila yun alintana, basta magsasaya sila magdamagan kahit na umabot pa sila hanggang umaga't tanghalian...
Mula noon dina ako tinigilan ni Nicholas, talagang pursigido siyang mapasagot ako't maging kanyang kasintahan, Nahulog ang loob ko't siya'y napamahal na sakin ng lubusan, At dito nakipag sapalaran ako pero diko ito pinagsisihan...
Kapag naglalambingan at nagbibiruan kaming dalawa, Lagi niyang binabanggit na paborito na niya ang kantang lambada, Dahil ito daw ang dahilan kaya puso niya'y nabihag ko na, Ng dahil sa lambada ang pagmamahalan namin ay puno ng ligaya't saya...
?MahikaNiAyana