Miss na miss na kita

1361 Words
"Meran, lam mo bang sa bawat pangako na hindi mo natutupad, may mga tao kang nasasaktan? Wag kang mangako kung hindi mo kayang panindigan. ‘Wag mong sasabihing pupunta ka kung hindi ka naman makakapunta. ‘Wag mong sasabihing gagawin mo kung hindi mo naman magagawa. ‘Wag mong sabihing mahal mo yung tao kung hindi mo naman talaga siya mahal. Kasi sa bawat pangakong sinasabi mo, may tao kang pinapaasa. Kaya kung hindi mo naman kayang gawin yung mga bagay na sinasabi mo, ‘wag mo na lang sabihin para wala ng nasasaktan." Sabay pang napatingin sila Meran at Maxim sa nakapamewang na si Lovely. Pinapayuhan kasi ng mga 'to si Meran, kasi tinakasan na naman nito ang bf na si Axel. Na panay naman ang tawag ngayon kay Kimy. "Huwag mong iwanan basta basta ang isang tao dahil alam mong maghihintay siya. May utak din siya hindi yan forever tanga, hindi porket alam mong hihintayin ka, papaasahin mo na. Kahit gaano kasakit, kaya niyang mag move on at e let go ka. So sa huli ikaw lang din ang masasaktan kasi umasa kang maghihintay siya, umasa kang dahil sobra ang pagmamahal sa'yo hindi na siya maghahanap pa ng iba. Pero ang tao napapagod din lalo na kung alam niyang naghihintay siya sa wala, gigising at gigising din yan, mamumulat din siya sa katotohanan. Kahit nangako siya na kaya niyang maghintay, hindi mo rin masasabi na mapapanindigan niya yun. Life is unpredictable. Bago mo iwan, dapat handa ka sa mga posibleng mangyari" Pakumpas kumpas pang kamay ni Kimy, na napilitang i off ang cellphone dahil walang tigil kakatawag si Axel sa kanya. Kahit na nga ka chat nya rin sa cupid si Robert, no choice sya kundi ignore munang cellphone nya. "Minsan parang paru-paro ang pag-ibig. Ihalintulad natin ang paru-paro sa pag-ibig…hindi ba’t ang sarap hulihin ng paru-paro at hawakan? Ngunit pag hinawakan mo ito ng mahigpit, maaari itong masaktan, maaari itong mamatay. At kapag maluwag naman ang hawak mo dito, maari itong umalis at lumipad. Parang pag-ibig yan eh. Kapag pinaghigpitan o kapag naging possesive ka sa taong mahal mo, maaari itong masaktan at masakal sa’yo at kapag naman pinabayaan at hinayaan mo lang siya, maaari niyang maisip na wala kang pakialam sa kanya at iwan ka niya. Kaya kapag nagmamahal ka, dapat tama lang. Huwag mo siyang paghigpitan, ngunit iparamdam mo rin sa kanya na mahalaga siya sa’yo at mahal mo siya." Natigilan si Maxim sa mga nasabi kay Meran, naisip nyang sa isang banda ay may pagkakatulad silang dalawa ni Meran. Magkaiba nga lang sila ng dahilan. Si Meran, dahil sa priority nitong pamilya at hindi ang love life. Sya naman ang pagiging lakwatsera nya, kaya dina nya nagagampanan ng maayos ang pagiging gf nya kay Nicholas. "Kayo naman... Alam nyo naman na first priority kong pamilya eh! Kaya wag nyo na ngang dagdagan ang guilt ko." Pangangatwiran naman ni Meran sa kanila. "Bff, nagpapayo lang naman kami sayo, kasi, nakakaawa naman si Doc. Heart, saka syempre nakakaawa din ako." Tinuro pa ni Kimy ang sarili nito. "Kasi, ako lang naman ang kinukulit ng bf mo, hmp." Umirap pa ito kay Meran. Lumayo ng bahagya si Maxim sa mga kaibigang maiingay, tinawagan nya si Nicholas. Habang nag uusap usap kasi silang magkakaibigan bigla nyang na miss ang binata. Dalawang ring lang at narinig na nyang boses nito na tila bang nagising lang dahil siguro sa ingay ng cellphone nito. "H- He - Hellooo..." Namamalat ang boses ni Nicholas. "Hello, Babe! bakit ganyan ang boses mo, kagigising mo lang ba?" Nagtatakang tanong nya kay Nicholas ng di ito makasagot agad. 'Uhhh...Shit... Sakit ng ulo ko..fuck.." daing ni Nicholas. "Babe? Ok ka lang ba, ha?" Nag aalalang sabi ni Maxim. Ngayon lang kasi nangyari 'to, ang marinig nyang magmura si Nicholas. " Babe, wala ka bang work ngayon? 10 A.M. na ah! Kagigising mo lang ba?" Sunod sunod nyang tanong dito. 'Uhh... f**k! my head.. it really hurts.. Damn it!' Narinig nyang pabulong na pagmumura ni Nicholas. Pagkatapos nun namatay ng linya. Napatitig na lang sya sa kanyang cellphone. 'May hindi magandang nangyayari kay Nicholas.. Parang may problema syang ayaw sabihin sakin. Eh, anu naman kaya yun?' Nag iisip sya ng kung anu anong dahilan kung bakit ganun ka weird si Nicholas, ng mapabaling ang tingin nya sa mga kaibigan na hanggang ngayon dipa rin natatapos ang pagdedeskasyunan. "Kung patuloy kang matatakot magmahal, Meran, Pinagkakait mo sa sarili mong sumaya. Natatakot kang masaktan sa huli eh masasaktan ka lang rin naman palagi. Even the right person can hurt you." Ani Lovely na seryoso ang mukhang nakatingin kay Meran. "Diko gets talaga. Siguro sa takot ng tao mag handle ng problema. Yung mga bagay na akala nila hindi nila kaya. Eh kaya naman nila once na sinubukan na nila. Takot ang tao sumubok sa panahon ngayon. Dahil ba sa mga manloloko na naranasan dati? Eh parte ng buhay yun eh. Kung patuloy na matatakot. Walang mangyayari. May mga nasasayang na pagkakataon." Sabat naman ni Kimy. "Ang problema kasi ngayon, kapag palaging nasasaktan ang mga worth it na taong mahalin. Yung mga worth it na taong yun. Nagiging makasarili. Kesa masaktan sila ng paulit ulit. Sinasarado na lang nila yung pagkakataong mahalin at may magpatunay sa kanilang may taong pwedeng magmahal sa kanila." Dagdag pa ni Lovely sa sinabi ni Kimy, parang yung dalawa lang naman ang nag uusap kasi si Meran ay kagaya nya ring malalim din ang iniisip. "Girls... Excuse me lang ha! May itatanong lang ako sa inyo pwede?" Kuha nya sa pansin ng tatlo. "Hmmm..?" Si Lovely. "Yes, ano ba yun, Maxim?" Ani Kimy. "Gusto mo ng umuwi?" Sabi naman ni Meran na ngayon ay nakangiti na. Napangiti na lang si Maxim dahil parang gaya nya gusto na ring umuwi ni Meran. "Kelan tayo uwing Pinas? Nag aalala kasi ako kay Nicholas. Parang problemado kasi." "Ngayon na, kung gusto nyo.. walang problema sakin. Nabili ko na naman mga gusto kong bilhin." Ani Kimy. "Okay lang din sakin, kasi naka 3 days na rin naman tayo dito." Si Lovely. "Yeeyy.. Uuwi na rin tayo sa wakas, miss ko ng pamilya kooo.." Excited na sabi ni Meran habang pumapalakpak papasok ng kwarto nila. "Ikaw Lovely, dika pa ba mag aayos ng gamit mo?" Aniya sa kaibigang sumalampak ng upo sa sofa saka inabot nitong gitara at nag umpisang tumugtog. "Mauna na kayo, konti lang naman liligpitin ko kaya dito muna ako." Kinaskas na ni Lovely ang gitara. Saka tinangoan si Maxim na napailing na lang at nag umpisang maglakad patungong silid nila. 'Nicholas... Babe, pauwi nako! Steady ka lang dyan at parating nako!' Samantala.... Habang nakaupo si Nicholas sa sofa at hinihilot ang ulo saka batok, napapikit sya dahil sa sumigid na kirot sa kanyang sintido. Hindi na nya matandaan kung nakailang bote ba sya ng alak kagabi, kung hindi pa nga nag ring ang kanyang cellphone ay dipa sya magigising. "s**t! Bakit ba di man lang maibsan itong sakit ng ulo ko? Naligo na nga ako, uminom na rin ng gamot, pero bakit ganun pa rin ang nararamdaman ko?" Sumandal sya't ihinilig ang ulo sa sofa saka ipinikit ang kanyang mga mata. Ayaw nyang mag isip kasi lalo lang kumikirot ang kanyang ulo. Hindi nya namalayang nakatulog na naman sya.. Pero kahit anong himbing pa ng tulog nya kusang gumalaw ang kanyang kamay at inabot ang kanyang cellphone ng marinig itong tumutunog. Idinilat nyang namimigat na mga mata saka tiningnan kung sinong nang abala ng kanyang pamamahinga. 13 missed calls at isang Email message. Hindi na sana nya pagtutuunan yun ng pansin, pero may isa pang email message na pumasok at nakita nyang galing yun kay Maxim kaya binuksan nya ito kaagad. Isang mensahe na nagsasabing... 'Hello Babe, we're going back home now... see you later, love you❤..' pin press nyang naka attach na file.. At ng magbukas yun kaagad syang napangiti ng makita ang short clip video nila Maxim na nasa loob ng isang sasakyan. Paulit ulit nyang pinanood yun.. "Babe, miss na miss na kita..' May bahid ng kasiyahan ang ngiting sumilay sa kanyang labi.. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD