Chapter 2.1

2722 Words
Michaella Williams' Pov   Mamamatay na ba talaga kami sa gabing ito? Wala ba talagang darating para tulungan at iligtas kami?   Napapikit ako nang idikit ng lalaki sa ulo ko ang hawak nyang b***l at hinihintay na iputok nya iyon pero lumipas na ang ilang sandali pero wala pa ding nangyayari.   "M-Micha." dinig kong tawag ni Amy kaya dumilat ako at tumingin sa kanya pero wala sa'kin ang atensyon sya kaya sinundan ko ang tingin nya at nakita ang isang babae na ngayon ay nasa likod ng lalaki.   Nakasuot ito ng off shoulder full body black suit. May suot din itong half mask na tanging ilong hanggang leeg ang natatakpan. Nakapusod ang mahaba at itim nitong buhok pero may nakaladlad itong bangs na tumatabing sa mata. Nakasuot ito ng black na may pamilyar na marka.   Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang hawak na katana na nakatutok sa leeg ng lalaking nasa harap nya.   "Drop your g*n or I'll slice your fvcking troat." malamig nitong sabi na nagpataas ng balahibo ko. s**t! Nandito ba sya para tumulong kasi kung hindi, siguradong hindi maganda ang kamatayang naghihintay sa amin.   Doon ko napansin na ang iba pang nakapalibot sa'min ay walang malay.   At maliban sa kanya, may tatlo pang tulad nya ay nakasuot ng full body black suit na syang nakikipaglaban sa mga bumubugbog sa kaibigan ko.   Binitiwan ng lalaki ang b***l pero sinugod nya ang babae at susuntukin pero bago sya tuluyang makatama ay sinikmuraan sya nito. Napaluhod sya at ginamit itong pagkakataon ng babae para patamaan ng likod ng katana ang batok nya dahilan kaya sya nawalan ng malay.   Nanigas ang buong katawan ko nang bigla itong tumingin sa amin.   Pinakatitigan kami nito pagkuwa'y bumuntong hininga at naupo sa harap namin. May inilabas itong panyo at itinupi tsaka ibinalot sa braso ni Amy na dumudugo dahil sa tama ng balang sinalo nya na para dapat sa akin.   "Huwag kang magpakabayani kung hindi ka handang mamatay." anito.   "S-sino ka?" lakas loob kong sabi.   "You don't have to know." sabi nito. Matapos nyang balutin ang braso ni Amy ay may kinuha pa sya sa bulsa tsaka ito isinubo kay Amy.   "H-hey!"   "You need to eat this kung gusto mo pang mabuhay." madiin nitong sabi kaya walang nagawa si Amy kundi kainin iyon.   Ilang sandali ay naging banayad ang paghinga nya na ikinahinga ko ng maluwag. It looks like they are here to help us. They're here to save us.   "After this, kailangan mo nang maghanap ng heart donor kung gusto mo pang mabuhay nang matagal." dagdag ng babae tsaka ginulo ang buhok ni Amy at bumaling sa'kin. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya."   Tumango ako at sinundan sya ng tingin habang palapit sya sa kasama na ngayon ay hawak na si Xander.   **********   Dashiel Rhan Matt's Pov   Sobrang sakit ng buong katawan ko matapos akong pagtulungan ng mga kasama ni Xander. Kung hindi pa dumating ang mga naka-black suit and mask na ito, siguradong pare-pareho na kaming pinaglalamayan ng mga kaibigan ko. Pero sino nga ba ang mga ito?   "S-sino kayo?" tanong ko sa babaeng ngayon ay inaakay ako palapit sa mga kaibigan ko. "Bakit nyo kami tinutulungan?"   "You asked for help kaya nandito kami at tinutulungan kayo kaya huwag na kayong mag-alala sa kaligtasan nyo. And for your first question, you don't need to know. Just be thankful dahil dumating kami."   Napakunot ang noo ko. "We asked for help? H-how?" Akala ko ba ay naka-jam ang signal kaya walang ma-kontak si Micha kanina?   "Don't think to much, Mister." sabi nito. "Malala ang mga naging tama mo kaya kailangan mong magpahinga."   "Pinahirapan tayo nito ah." dinig kong sabi ng isa pang babaeng nakasuot din ng body suit. "Buti at nagpakita na din sya." Mas maliit sya kaysa dito sa babaeng nakaalalay sa'kin pero parang pamilyar ang boses nya. Nakalugay din ang mahaba nitong buhok at may bangs na nakatabing sa mga mata kaya hindi ko maaninag ang mukha nito. "Teka, nasaan na ba si Rosered nang malaman na kung anong gagawin dito." Tukoy nya kay Xander na ngayon ay nakaluhod sa harap nya.   "Busy pa sa dalawang babae." sagot ng nag-iisang lalaki sa kanilang apat. Kasing tangkad ko yata ito at tulad ng nauna ay pamilyar din ang boses nito. Hindi ko lang maalala kung saan ito nadinig.   "Malala ba ang lagay?"   "Hindi naman pero baka kailanganin na ng operasyon."   "We're late." Inilapag ako sa tabi ni Jhelo na tulad ko ay bugbog sarado.   "K-kamusta ang mga babae?" Sa aming apat, sina Prince at Ashley ang higit na napuruhan dahil halos hindi na nila kayang tumayo pa pero iyong mga babae pa din ang una nilang iniisip kaysa sa sarili nila.   "They are fine." sagot ng isa pang babae na bagong dating. Ang malamig nitong boses ay may hatid na kilabot na nagpataas ng balahibo ko. "Just worry about yourself." Bumaling ito sa kasama.   "L, I need you to call the headquarters for clearing. Ikulong ang lahat ng iyan nang hindi na tayo magkaproblema." utos nya sa kasamang babae na may mahabang buhok.   "Okay, Rosered." sambit ng babaeng tinawag na L. So, ito ang Rosered na binabanggit nila kanina. "Ako nang bahalang mag-file ng cases laban sa kanila para masigurong mabubulok sila sa kulungan. At ako na din ang bahalang mag-report nito kay Wesker."   "Dark Angel." tawag nito sa matangkad na babae. "Bigyan mo sila ng first aid." Tukoy sa'min tsaka bumaling sa nag-iisang kasamang lalaki. "Ban, I need the whole report about this man and his cases. Gusto kong malaman ang pinagmulan ng gulong ito."   "Xander Lim, 18 years old and a previous student of Seishun High. Isang sakit sa ulo ng eskwelahan dahil sa mga report ng bullying pero walang magawa ang school dahil walang ebidensya na magpapatunay sa mga ginagawa nya." sabi ni Ban.   "Inuutos nya kasi iyon sa mga galamay nya sa school kaya talagang wala silang ebidensyang makukuha laban sa kanya." Nagawa pang sumabat ni Prince sa usapan ng mga ito sa kabila ng mga sugat na natamo.   "Anong kinalaman nyo sa lalaking ito?" tanong ni Rosered.   "Well, kami lang naman ang huli at pinakapaborito nyang biktima noong nasa Seishun kami." sabat na din ni Jhelo. "Pero hindi kami nagpapatalo sa kanya kaya ayan, lumala ang galit nya sa amin."   Nakita kong lumapit si Ban kay Rosered at may ibinulong. Tumango ito tsaka tumingin sa amin.   "Kayo ang dahilan kung kaya nagkaroon ng m******e sa national tennis tournament noong February." sabi nito na tinanguan namin. "Why?"   "Dahil masyado silang mayabang!"   Napalingon kami kay Xander na nakatayo na at hawak si Ashley mula sa likod habang may nakatutok na syringe sa leeg nito.   "Damn it!" dinig kong mura ni Rosered at bumaling kay Ban. "Hindi mo binantayan ang gago."   "Sorry." sabi nalang ni Ban.   Bumuntong hininga si Rosered at hinarap si Xander. "Anong gusto mong patunayan, Xander? Bakit gusto mo silang saktan?"   "Sinira nila ang buhay ko! Inagaw nilang lahat ang para sa akin!"   "Ano bang ginawa nila sayo?"   "Sila ang dahilan kung bakit nawala ang lahat sa'kin!" sigaw nito. "Lahat ng opportunity na noon ay sa'kin ibinibigay ay inilipat sa kanila nang walang pagdadalawang isip. Bakit? Dahil sila ang Spaetz-le! Lahat ng pinaghirapan kong makamit, naglahong bigla dahil sa kanila. Kung hindi sila lumipat sa Seishun, hindi mawawala ang lahat sa akin."   Bumaling si Rosered kay L dahil may ibinulong ito tsaka bumuntong hininga. "Ang sakit na sa ulo nito." Matalim itong tumingin kay Xander. "So, anong gusto mong gawin ngayon? Hindi mo ba naisip na posible ka nang mamatay kapag ipinagpatuloy mo ang paglaban?"   "Wala akong pakialam!" Idiniin nito ang syringe na nakatutok sa leeg ni Ashley. Sobra nang nanghihina ang kapatid ko kaya hindi nya magawang makalaban. "Kahit mamatay ako, kung magagawa kong mabawasan ang isa man sa kanila, malaking achievement na iyon."   "At bakit?"   "Dahil mababawasan ang mga hadlang para sa aming mga nagsisikap ng mabuti para makuha ang pangarap namin."   "s**t!" Nanlaki nalang ang mga mata ko nang tuluyan nyang itinurok kay Ashley ang laman ng syringe.   "Damn it!" Doon lang din nakakilos sina Rosered at nanlaki ang mga mata ko nang saksakin nya sa ulo si Xander dahilan para tuluyan iyong mamatay. "Sa mundong ito, hindi pantay ang tingin sa taong ipinanganak na may natural na talento at sa taong masikap para sa pangarap. Pero hindi ibig sabihin ay maaari mong gamitin ang ganitong paniniwala para makapanakit ng iba."   "Ashley!" Pinilit kong tumayo para makalapit sa kapatid ko pero agad akong pinigilan ni Dark Angel.   "Hindi ka pwedeng lumapit sa kanya."   "Pero—"   "Shut up!" Natigilan ako sa sigaw ni Rosered.   Nakita kong chine-check nya ang lagay ni Ashley pagkuwa'y bumaling sa mga kasama. "Dalhin silang lahat sa headquarters."   Tumango ang tatlo at nanlaki nalang ang mga mata ko nang bigla akong turukan ng kung ano ni Dark Angel.   "Everything will be fine. Just sleep for a while."   At tuluyan na akong nilamon ng dilim.   ********   Prince Ferrier's Pov   Agad kong idinilat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang sarili kong nasa isang cylinder tube na puno ng tubig. May nakakabit sa aking oxygen mask kaya nagagawa kong makahinga ng maayos pero wala akong ibang suot sa katawan kundi underware.   Anong nangyari? Bakit nandito kami?   Ang huli kong naalala ay matapos iturok ni Xander ang hawak nitong syringe kay Ashley ay agad itong pinatay ng babaeng tinatawag nilang Rosered. May sinabi pa na hindi ko na naintindihan dahil may bigla ding itinurok sa amin ang mga kasamahan nya.   Nasaan kami?   Iginala ko ang tingin sa paligid at napagtantong hindi lang pala ako ang nasa ganitong sitwasyon.   Maging sina Ashley, Jhelo at Dashiel ay nasa loob din ng cylinder tube at may malay na din pero nasaan ang mga babae.   "Mabuti naman at gising na kayo." Nakita ko ang pagdating ng isa sa apat na tumulong sa amin. Ito iyong matangkad na babae na kung tama ang pagkakaalala ko ay tinawag nilang Dark Angel. "Ah, kung hinahanap nyo ang mga kaibigan nyong babae, nandyan sila sa likod nyo."   Nagtangka akong lumingon pero hindi ko naituloy dahil kinatok ni Dark Angel ang salaming kinalalagyan ko.   "Huwag kang titingin sa kanila kung ayaw mong masaktan dahil tulad nyo ay wala din silang ibang suot kundi underware." Sumama ang tingin nya sa akin. "Nagkakaintindihan tayo?"   Agad akong tumango.   "Good." Lumingon sya sa mga kasama ko na agad ding tumango. "So, pag-usapan natin ang dahilan kung bakit kayo nandito sa headquarters."   Kumunot ang noo ko. Headquarters ng ano?   "First, gusto kong sabihin na ang kinalalagyan nyo ay special formula na tumutulong upang mabilis na maghilom ang lahat ng damage na natamo nyo sa nangyari kanina. You're all safe, so you don't have to worry."   So, nandito kami dahil ginagamot kami?   Tiningnan ko ang sariling katawan at mukhang totoo naman ang sinasabi nya dahil unti-unting nawawala ang mga pasa ko. Kahit ang sakit ng katawan ko ay unti-unti ding nababawasan.   "Second, nandyan kayo dahil may kailangan pa tayong pag-usapan na magde-desisyon kung tuluyan ba kayong mabubuhay o kakailanganin na namin kayong patayin."   Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.   "You heard it right." aniya. "Ang nasaksihan nyo kanina ay malaking sikreto na itinatago ng ahensya kaya hindi namin kayo maaaring bitiwan nang hindi nasisiguro na mananatiling sikreto ang lahat ng nangyari."   Anong plano nilang gawin sa amin?   "We will give you options at nasa kamay ninyo ang kapalaran nyo sa gabing ito. Anuman ang sagot nyo ay ang magiging basehan kung mabubuhay kayo o mamamatay sa loob mismo ng kinalalagyan nyo."   Bakit parang wala kaming choice kundi ang pumayag sa gusto nila?   Iginala ko ang tingin sa paligid. Baka may mahanap akong paraan para makatakas dito. Napahawak ako sa oxygen mask na suot ko   "I just want to remind you that once you take off your oxygen mask ay nangangahulugang handa na kayong mamatay at tinatanggihan nyo ang offer namin kaya huwag kayong umasa na ililigtas namin kayo." dagdag pa nito kaya binitiwan ko na ang mask ko. "At huwag kayong umasa na mababasag nyo ang salaming kinalalagyan nyo. Maliban sa nanghihina pa kayo, hindi kayo basta makakakilos ng maayos habang nakapalibot sa inyo ang special formula na iyan."   Mukhang napaghandaan na nila ang mga posible naming gawin.   "Now, I want you to know where you are as of this moment." Huminga ito ng malalim at tumingin sa'min. "Ang lugar na ito ay ang headquarters ng Supreme Investigators for Special Cases. Isa itong ahensyang hindi saklaw ng kahit anong gobyerno sa kahit anong bansa na pumipigil sa mga tao o grupong lihim na nagsasagawa ng eskperimentong labag sa batas ng kalikasan, ng tao at ng mundo. Mga eksperimentong nagdadala ng matinding panganib sa lahat ng nabubuhay sa buong mundo."   Damn! This is a under covered agency.   Napatingin ako kay Dashiel at nakita ko ang kislap sa mga mata nya. Well, malaki kasi ang interes nya sa mga ganitong klaseng bagay.   "And why am I telling you this?" sabi nya. "Because we want you to become part of our agency. Be our agent and we will assure that you will be saved. Reject us and we will assure that you will die."   Sabi na eh. Wala kaming choice kundi tanggapin ang offer dahil kung hindi ay mamamatay kami. Then, para saan ang pagliligtas nila sa amin?   "Don't get us wrong." dagdag nya. "Kung hindi tinurukan ni Xander Lim ng isang nakamamatay na virus ang isa sa kaibigan nyo at kung hindi nyo nasaksihan ang pagpatay sa kanya ng isa sa kasama namin ay walang ganitong offer na mangyayari. We do really want to save you that time nang hindi kayo nadadamay sa mundo namin but things got messed so we also have no other choice but to give you this deal."   Hindi ko maintindihan kung bakit naging malungkot ang mga mata nya?   Kilala ba nya kami? Kilala ba namin sya?   "We will give you at least 1 hour para magkapag-isip." sabi nya. "But if you already decide to accept our offer, press the blue button na makikita sa pinakataas ng kinalalagyan nyo."   Tumingala ako at nakita ko agad ang blue button na tinutukoy nya. Pero mayroon ding red button. Para saan iyon?   "Ang red button na nariyan ay maaari nyo lamang pindutin kung hindi kayo pumapayag." sabi pa nito. "Hindi ba't sinabi kong nasa mga kamay nyo ang kapalaran nyo. So, kayo ang magde-decide kung mabubuhay pa ba kayo o mamamatay sa mismong kinalalagyan nyo." Isa-isa pa nya kaming tiningnan tsaka lumabas.   Pinakatitigan ko ang dalawang button na iyon.   To be honest, kahit hindi pa nagsisimula ang oras na ibinigay nya para makapag-isip kami ay may desisyon na ako. Isang desisyong alam kong hindi lang ako ang nag-iisip. Desisyong alam kong hindi ko pagsisisihan.   **********   3rd Person's Pov   "This is all their profile." Inilapag ni Ban ang pitong folder sa harap ni Rosered na kanina pa masama ang mood.   Nakasimangot ito habang masama ang tingin sa folder. "May makukuha ba akong kapaki-pakinabang dyan?"   "Mayroon man o wala, you don't have any choice dahil napagdesisyunan na ang mangyayari sa kanila." ani Ban. "Bakit hindi ka nalang magtiwala sa amin. Hindi ka namin binigo sa lahat ng recruits namin, di ba?"   "Hindi lang ako kampante sa mga taong iyon. I do know them kaya alam kong hindi sila dapat narito. Maraming maaaring mangyari kapag tuluyan silang na-involve sa mundong ginagalawan natin."   Alam nang lahat ni Rosered ang nakasulat sa folder na iyon. Kilalang tao ang pitong iyon hindi lang sa bansa kung nasaan sila kundi maging sa buong mundo at alam nyang hindi masama ang desisyon ng mga kasama. Pero hindi mawala sa pakiramdam nya ang pag-aalinlangan.   "We also know them." sabi pa ni Ban. "So I can assure you that you can trust them. They will not do anything that may harm our agency."   Tumingin sya sa kasama. Pinakatitigan ito tsaka bumuntong hininga at muling ibinaling ang tingin sa folder. "Fine. Just leave me alone. Tawagin nyo nalang ako kapag nagdesisyon na ang pitong iyon."   "Okay." Ginulo muna ni Ban ang buhok nya na ikinainis nya pero wala na syang nagawa dahil agad itong nakalabas ng office.   Bumuntong hininga sya uli at ibinato sa mesa ang hawak na folder. "Mas dapat yatang sabihin ko agad ito sa kanya bago pa nya malaman sa iba." Agad nyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang taong tinutukoy.   "Hello." bungad ng nasa kabilang caller.   "I made contact with them." sabi nya. "What should I do?"   Hindi nagsalita ang nasa kabilang linya pero naririnig nya ang paghinga nito kaya bigla syang kinabahan.   "I'm sorry. I didn't mean to break my promise."   Narinig nyang bumuntong hininga ito. "It's okay. But you have to make sure that you will never get close to them. They are nothing but trouble."   "Okay. I will do that."   "Good. Call me when something happens." And their call ended. Napailing sya at muling bumuntong hininga.   She needs to do her best to avoid those people because they can bring trouble in her life and make everything into mess. Pero magagawa nga ba nyang iwasan ito gayong nasa iisang lugar sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD