Jhelo Almaine's Pov
Isang linggo na ang nakalipas at unti-unti na kaming nakakapag-adjust sa LMU. Mabait at maalaga kasi ang mga teacher at ang classmates namin. But to be honest, ramdam ko na may ilan sa schoolmates namin ay naiilang sa presensya ng Spaetz-le.
Siguro ay dahil iyon sa gulong kinasangkutan namin.
Hindi iyon lihim pero siniguro ng parents namin na hindi iyon mapagpi-pyestahan ng media kaya hindi din iyon mapapanood sa balita.
At ipagpasalamat nalang namin na sa loob ng isang linggo ay hindi na naulit pa ang hindi magandang enkwentro namin kay Mharvy.Well, si Sylvaine na din kasi ang umiiwas para sa pangako namin sa parents nya.
At kasalukuyan kaming nakatambay dito sa open field at nagre-review dahil magkakaroon ng long test ang klase namin sa afternoon class.
"Hindi talaga madali ang mga naunang topic ng klase natin noh." sabi ko tsaka ibinaba ang librong binabasa. Halos isang oras na kaming nagre-review. "O sadyang mahirap lang intindihin dahil hindi ang LMU teacher ang nag-eexplain sa atin?"
"May hindi ka ba naiintindihan sa topic?" tanong ni Michaella.
"Nah, I'm good." Sigurado kasing tutulungan nya ako sa pagre-review. Eh ayoko naman syang maabala dahil grade concious din ang isang iyan. At sa pamilya kasi nila, hindi pwede ang average grade lang. She needs to get an above average grade para matuwa sa kanya ang Mommy nya.
Ashley, Dashiel, Amy and Prince has nothing to worry about theirs. Sila kasi ang talagang maituturing na genuis sa amin. They just have to read all the topics that we need to review and there, they already understand and memorize all the important things na possibleng lumabas sa exam.
Well, mahalaga ding ma-maintain ang grade ko but at least I get the right grades for me to stay here. Hindi naman pinakikialaman ng parents ko ang pag-aaral ko at may tiwala sila sa akin na hindi ko ito pababayaan. So, I know how to relax kapag hindi na kaya ng utak ko.
Ganoon din si Sylvaine but she still needs to study kung gusto nya pa kaming makasama dahil mataas din talaga ang require grade to maintain.
"Guys, kain tayo." aya ko kaya agad nilang itinabi ang gamit at tumayo.
"Ano pang inuupo mo?" kunot noong tanong ni Dashiel. "Tara sa caf."
Napailing nalang ako at tumayo tsaka kami pumunta sa cafeteria.
Isa sa pinagkakasunduan namin ay ang pagkain. Mahilig kaming kumain kaya kapag may nag-aya isa, kahit ano pang ginagawa ay ititigil para kumain. Katulad ng nangyari kanina nang ayain ko silang pumunta dito.
"Anong gusto nyong kainin?" tanong ko habang nakapila. "Libre ko na."
Tumingin ang lahat kay Ashley na tinaasan kami ng kilay.
"What?"
"It is your turn to suggest what we eat." ani Amy. "Last week was my turn and you're next to me, right?"
"Ah." Tumango sya at tiningnan ang pagkain sa counter. "Dumplings."
Natawa ako. Bakit pa nga ba ako nagtanong? Eh dumplings naman ang madalas kainin nitong si Ashley kapag nakakain na sya ng tanghalian.
"I want 50 pieces for each of us." dagdag nya na ikinawala ng ngiti ko. Yeah, nakalimutan ko din na matakaw silang lahat sa dumplings.
"Fine." Wala akong magagawa noh. Ako ang nagsabi na libre ko. "Girls, hanap na kayo ng mauupuan natin. Kami nang bahalang magdala."
"Okay." Umalis ang mga babae habang si Ashley naman ay pumunta sa beverage area dahil sya din ang mamimili ng iinumin namin.
"Anong nakain mo at nanlibre ka ngayon?" tanong ni Prince.
"Wala naman. Nakita ko kasing medyo pressure na sina Syl at Micha." sabi ko. "Sa ating lahat, sila itong higit na kailangang mag-relax before the exam kasi sila ang naba-blanko kapag kaharap na ang test."
Tumango si Dashiel. "Make sense. Akala ko nagpapalakas ka kay Syl."
Sinamaan ko sya ng tingin na ikinatawa nilang dalawa.
"Chill." Tinapik-tapik ni Prince ang braso ko. "Pero seryoso, kailan ka magtatapat ng nararamdaman mo sa babaeng iyon?"
Sinabi ko muna sa tindera ang order namin tsaka bumaling sa kanila. "To be honest, dude. Nagtapat na ako sa kanya last summer."
"Oh?"
Tumango ako. "But as expected, basted ako. Hindi talaga ako ang type nya but we're still good friends at mas okay iyon kaysa iwasan nya ako."
"Aw." Inakbayan ako ni Dashiel. "You did the right thing, dude. Kahit hindi ikaw ang gusto nya, hindi mo idinamay ang friendship nyo."
"Nag-umpisa kami as friends kaya kung hindi man ako mabigyan ng pagkakataon para mai-level up ang relationship namin then I am still happy to stay as her friend dahil ayokong mawala naumpisahan namin."
Ginulo ni Prince ang buhok ko. "Nagma-matured ka na ah."
"Ikaw lang naman ang hindi." naiiling na sabi ni Dashiel tsaka kinuha ang isang tray na naglalaman ng order namin.
Kumuha din kami ni Prince ng dadalhin namin habang isinunod nalang ng isang server ang dalawang tray na natira.
"Dahil hanggang ngayon, puro laro pa din ang iniisip mo." dagdag ni Dashiel. "Parang wala kang planong magseryoso sa relationship ah."
"Dude, hindi pa ito ang tamang panahon para magseryoso ako sa bagay na iyan." sabi nito. "Darating din ang time na iyon."
"Baka naman dumating na pero natatakot ka lang umamin." Napalingon kami kay Ashley na nasa tabi na pala namin dala ang mga inumin.
"Rhen..."
"What?" bored itong tumingin kay Prince. "Tama ako, di ba? Nato-torpe ka lang kaya ginagamit mo ang mga nagiging babae mo as distraction para hindi ka biglang mapaamin kapag kaharap mo sya."
Bumaling ako kay Prince na natahimik at diretso lang na nakatingin kay Ashley. Mukhang tama nga ang sinabi ni Ashley.
"Hanggang saan ang alam mo, dude?" tanong nya.
"Wala." sabi nito. "Hinuhuli lang kita pero hindi ko inaasahang magiging transparent ka to the point na na-confirm ang sinasabi ko." At nauna na ito sa'min habang si Prince ay napapamura dahil naisahan sya ni Ashlely.
Napailing kami ni Dashiel.
"Damn it! s**t!"
"Don't worry." natatawa kong sabi. "Walang kaming narinig."
Masama syang tumingin sa amin. "You better be sure. Pag-uuntugin ko talaga kayo kapag may nakaalam noon lalo na sa mga babae."
"Bakit? Isa—"
"Oh shut up!" At nauna na din ito sa'min ni Dashiel na tinawanan namin.
Sobra talaga syang nababadtrip kapag naiisahan sa kahit anong bagay.
**********
Michaella Williams' Pov
Matapos ang exam sa afternoon class ay nag-decide kaming tumambay muna sa cafeteria. Sobra kasi akong binalot ng pressure kanina habang nagte-test at mukhang napansin iyon ng mga kaibigan ko at nag-ayang kumain. And this time, si Dashiel naman ang nanlibre.
Sa cafeteria ng College Dept kami tumambay dahil sa tatlong cafeteria ng LMU, narito ang pinakamasarap na dessert na binabalik-balikan.
At dahil nabugbog ang utak ko sa test kanina, kailangan ko ng maraming sugar kaya puro cake ang binili nila.
"Hey." Napalingon ako kay Dashiel. "Dahan-dahan sa pagkain. Hindi ka mauubusan." Pinunasan nya ang gilid ng labi ko na nalagyan ng icing.
"Sorry." sabi ko tsaka uminom ng tubig. "Feeling ko kasi sobra akong napagod dahil sa exam kanina."
"Matalino ka din naman tulad nila Amy, right?" ani Sylvaine. "Pero bakit parang nahihirapan ka kapag nagte-test na?" 2 years palang kasi namin syang nakakasama at hindi nya naabutan ang dahilan kung bakit ako nag-i-struggle every time na magte-take ako ng exam.
"Actually, I can understand our entire lesson just by reading the books." panimula ko. "Pero nagkaroon kasi ng incidents between me and my mom na naging dahilan kung bakit lagi akong name-mental block kapag nakarap ko na ang test."
"Can I know that incident?" tanong muli nito na ikinabuntong hininga ko. "Well, if you're not comfortable, okay lang kahit hindi na."
"My mom keeps pushing me to get an A in ever exam at kapag hindi ko nagagawa, paparusahan nya ako. So, every moring, ipapaalala nya iyon kaya kapag may exam ay lagi akong kabado." kwento ko. "Kinakabahan ako na baka bumagsak ako or hindi ako maka-A. Iniisip ko kung ano ang magiging parusa ko hanggang sa atakihin na ako ng anxiety."
"Seriously?" hindi makapaniwalang sabi nya. "Your mom is impossible. Paano nya nagagawang parusahan ka dahil lang sa hindi ka naka-A?"
"Masyadong mahalaga para kay Mrs. Williams na manatiling mataas ang grade ng mga anak nya dahil isa iyon sa basehan nya ng katalinuhan ng tao." ani Amy. "Grades are more important for her."
"Eh paano iyong g**o sa Seishun?" tanong muli ni Sylvaine. "Malaking eskandalo iyon at nakaapekto sa grade natin iyon."
"Well, bago pa nya malaman ay naipadala na ako ni Daddy kay Lola at sinabihan na doon muna mag-stay hangga't hindi lumalamig ang ulo ni Mommy." sabi ko. "Ban kasi si Mommy kina Lola kaya wala din syang magawa para maparusahan ako."
"Grabe naman pala si Tita Elliana." naiiling pa nitong sabi.
"Eh ikaw, Syl?" singit ni Jhelo. "Sa tingin mo, papasa ka sa exam natin?"
"Oo nga." sabi ko. "Malaki ang hatak ng exam na ito para sa first quarter ng school year kaya kapag bumagsak tayo, pwede nila tayong mapaalis."
"Well, I did my best to answer all questions but I'm not confident if I can get the passing score." Bumuntong hininga sya. "You all know that I am suck at Social Studies. Lalo na sa History."
"Then pareho kayong nanganganib na mapatalsik." naiiling na sabi ni Dashiel. "At kapag nangyari iyon, mapapahiwalay din kayo sa amin."
"Huwag naman sana." ani Jhelo.
"Just eat your cakes and don't worry to much." ani Ashley na ikinalingon namin sa kanya. "As of now, wala kayong magagawa kundi hintayin ang result ng test. Sasakit lang ang ulo ny at lalong hindi makakapag-focus sa mga susunod na exam."
"He's right." sabat ni Amy. "Mabuting ibuhos nyo sa pagkain ang stress nyo sa test. If you did your best then, I'm sure, hindi kayo babagsak."
Sumang-ayon kami sa sinabi nya at masayang kumain. Tama naman kasi sila pareho. Walang magagawa ang pagda-drama namin. Kung sakaling bumagsak kami sa test na iyon, babawi kami sa susunod para masigurong hindi kami mapapaalis dito at mahihiwalay sa mga kaibigan namin.
__________
Gabi na nang magpasya kaming umuwi. Nag-aya pa kasing tumambay sina Amy at Ashley sa library para maghanap ng mga novel books na babasahin nila mamaya pag-uwi.
Halos hindi na din namin napansin ang oras dahil nag-enjoy ang dalawa. Ang dami kasing magagandang books sa library ng LMU na nagustuhan nila kaya heto, ang dami din naming dala habang naglalakad.
Walking distance lang ang school mula sa bahay subdivision namin kaya hindi na kami nag-abala pang tumawag ng susunod.
"I didn't know na madilim ang daang ito kapag gabi." ani Amy habang binabagtas ang kalyeng madalas naming daanan kapag pauwi. Ito kasi ang unang beses na uuwi kami ng ganitong oras mula nang lumipat dito.
"Bago lang kasi ang subdivision kung nasaan ang bahay natin kaya hindi pa nila naaayos ang mga street lights sa daang ito. Inuuna kasi nila ang main road." paliwanag ni Dashiel.
"Bilisan na nga natin." aya ni Sylvaine. "Alam nyong ayoko sa dilim."
Natigilan kami nang may biglang umilaw hindi kalayuan sa amin. At napagtanto kong galing iyon sa headlight ng isang kotseng nakahinto sa mismong gitna ng dinadaanan namin.
Isa pang ilaw na galing din sa kotse ang bumukas mula sa likod namin at doon natuon ang atensyon namin lalo na nang lumabas ang isang taong matagal naming hindi nakita.
"Xander."
"Long time no see, Spaetz-le." nakangisi nitong sabi kasabay noon ang paglabas ng maraming lalaki mula sa dilim at pinalibutan kami.
"s**t!" mura ni Prince at agad kaming inilagay sa likod nila. "Inaasahan nating magpapakita ito pero hindi natin inaasahang sa ganitong lugar pa."
"Mukhang pinaghandaan nya talaga tayo." mahigpit na nakakuyom ng kamao sina Ashley at Dashiel.
Agad ko namang hinawakan si Amy. "Calm down, okay? Huwag kang matakot. Hindi tayo papabayaan nila Ashley."
Huminga sya ng malalim tsaka tumango. Masyadong sensitive ang lagay nya kaya kapag nakaramdam sya ng takot ay hindi imposibleng atakihin sya ng sakit. At iyon ang kailangan naming pagtuunan ng pansin dahil lalong magiging malala ang sitwasyon kapag nangyari iyon.
Bumaling ako kay Sylvaine na bakas na din ang takot. "Hey, humawak ka sa akin at kumalma din. Hindi makakatulong kapag nag-panic ka."
Sumunod sya sa sinabi ko at yumakap nalang sa akin.
"So? Kamusta naman kayo pagkatapos ng huli nating pagkikita?" tanong ni Xander habang naglalakad palapit sa amin. "Balita ko, na-ban kayo sa lahat ng eskwelahang tinangka nyong pasukan ah."
"And whose fault is it?" walang ganang sabi ni Ashley.
"Pero dahil sa pamilyang kinabibilangan nyo, nagawa nyong makapasok sa LMU." Napailing ito. "Iba talaga ang nagagawa ng pera."
"Na wala ka kaya nga ganyan ang inggit mo sa amin." sabat ni Prince. na ikinawala ng ngisi ni Xander. "At dahil sa inggit kaya gusto mo kaming pahirapan. You know what, kahit mawala kami sa landas mo, hindi mo mararating kung nasaan kami dahil una sa lahat, wala kang kakayahan."
"Hindi ko alam kung saan mo hinuhugot ang tapang mo, Ferrier." sabi nito. "Alam mo ba ang sitwasyon nyo sa oras na ito? Kayang-kaya kong pulbusin ang buong katawan mo kaya mag-ingat ka sa mga sinasabi mo."
Bahagya pang natawa si Prince. "Sa tingin mo ba natatakot ako dahil nagsama ka ng ganyan kadam? Naaawa nga ako sayo dahil kinailangan mo pang magtawag ng tulong para lang gumawa ng krimen."
"Prince, tama na." bulong ko dito.
"Let him be, Micha." ani Dashiel. "Kahit hindi tayo magsalita, hindi magbabago ang plano ni Xander na gumanti sa atin."
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumagsak si Xander at si Ashley ang may kagagawan dahil sinuntok nya ito nang walang sabi-sabi.
"Ayoko sa lahat ay ang puro satsat." malamig na sabi ni Ashley. "Kung nandito ka para saktan o patayin kami, gawin mo hindi puro ka salita."
Pumutok ang labi ni Xander dahil sa suntok na iyon. "Hanggang sa huli, puro kayabangan pa din ang pinapairal nyo. Kaya alam kong hanggang huli, hinding-hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa nyo sa akin!"
"Wala kaming ginagawang masama sayo, Xander." mahinahong sabi ni Dashiel. "Ikaw ang unang gumawa ng g**o sa pagitan namin. Kung mayroon man sumira sa buhay mo, iyon ay ang sarili mo. Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng kamalasang nangyayari sa buhay mo kaya huwag kang manisi ng iba dahil lang hindi mo matanggap iyon."
Naalerto kami nang senyasan ni Xander ang mga kasama at agad itong sumugod sa amin. May kanya-kanya itong hawak na tubo, bakal at kahoy na siguradong gagamitin nila sa amin.
Sinalubong nila Ashley, Prince at Jhelo ang mga ito habang iginilid kami ni Dashiel. "Huwag kayong aalis sa likuran ko. I will protect you."
Hindi lang sports magaling ang mga lalaki ng Spaetz-le. Marunong din sila sa martial arts. At sabay-sabay silang nag-aral noon dahil na rin sa patuloy na panggugulo ni Xander kaya alam kong may laban sila.
Pero masyadong madami ang kalaban at may dala pang mga armas kaya nag-aalala pa din ako para sa kanila.
"Micha, you have to call someone." sabi ni Amy. "Kapag nagtagal tayo dito nang walang ginagawa, mapapahamak tayo."
"O-okay." Agad kong kinuha ang phone ko.
"Dito ka sa likod para hindi nila mapansin." Agad nya akong inilagay sa likdo nya. "Make sure na makakarating agad dito ang tatawagan mo."
Una akong tumawag sa emergency hotline pero hindi ko ito makontak kaya agad kong chineck ang phone ko. "s**t!"
"Why?"
"Walang signal."
"Paano nangyari iyon?"
Inilibot ko ang tingin sa paligid at napadako ang atensyon ko sa kotseng nagbibigay ng ilaw. "s**t! They are jamming the signal para hindi tayo makahingi ng tulong." Damn it! Pinagplanuhan nila ang gabing ito.
"Just try to send a message." madiing sabi ni Amy. "Kahit kanino. Basta may makaalam lang ng nangyayari sa atin."
Sinunod ko ang sinabi nya. Sinubukan kong magpadala ng sos message sa lahat ng nasa contact ko pero isa-isa ding nagno-notify na hindi ito nagse-send na syang inikahina ng loob ko.
Kasabay noon, nakita kong pinagtutulungan nang bugbugin si Jhelo habang sina Ashley at Prince ay nahihirapan na ding lumaban.
Napilitan na ding tumulong si Dashiel kaya naiwan kami dito sa gilid.
Ano nang mangyayari sa amin? Dito na ba kami mamamatay? Ganitong eksena ba ang huli naming makikita bago lisanin ang mundong ito?
"Aaahhh!" malakas kong sigaw nang may humablot sa buhok ko kaya nabitiwan ko ang cellphone. Nakita kong may mga nakahawak na din kina Amy at Sylvaine. "B-bitiwan mo ako!" Agad kong sinikmuraan ang lalaking humawak sa akin dahilan para mapabitaw sya.
Ginamit kong pagkakataon iyon para humablot ng isang tubo at agad hinataw ng malakas sa likod ang lalaking nakahawak kay Amy.
"s**t! Okay ka lang?" tanong ko nang makitang mahigpit na ang hawak nya sa dibdib. "Amy, magsalita ka."
"I—I'm..." Ilang beses syang huminga ng malalim. "O-okay lang ako."
"Damn it." Binitiwan ko sya saglit at hinampas ang mga nagtatangkang sumugod sa amin. Nakakatama naman ako pero may ilang nakakaiwas at tinatangkang kunin ang hawak kong tubo.
"Micha!" Nagulat ako nang biglang yumakap sa akin si Amy kasabay ng malakas na putok ng b***l at sa likod nya ay nakita ko ang isang lalaking may hawak nang b***l at nakatutok iyon sa amin.
"A-Amy." Nabitiwan ko ang tubo at agad syang niyakap. "A-Amy!"
"O-okay lang ako." mahina nyang sabi. Pero nanghihina na sya kaya pareho kaming napaupo at doon ko nakitang dumudugo ang balikat nya.
"Kung hindi na kayo nanlalaban pa, hindi tayo aabot sa ganitong punto." sabi ng lalaking may hawak ng b***l. Lumapit sya sa amin at itinutok sa ulo ko ang b***l. "Pinapahirapan nyo pa kasi kami eh."
"Tingnan nyo ang isang kasama nyo. Mukhang mabait na pusa dahil sa takot kaya marunong sumunod." dagdag ng kasama nito at itinuro si Sylvaine na ngayon ay walang imik na nagpapatangay sa mga kalaban.
"s**t talaga." mahina kong bulong. Hindi ko na napigilang maiyak lalo na nang makitang maging sina Ashley at Prince ay pinagtutulungan nang bugbugin. Si Dashiel naman ay nagpipilit habulin si Sylvaine pero hindi nya magawa dahil sinasalubong din sya ng mga kalaban.
Mamamatay na ba talaga kami sa gabing ito? Wala ba talagang darating para tulungan at iligtas kami?