Dashiel Rhan Matt's Pov
"Hindi ko inaasahan na pareho kayong magde-desisyong tanggapin ang offer." sabi ko nang makalabas ng cylinder tube sina Jhelo at Michaella.
Binigyan sila ng robe ng nurse at lumapit sa'min ni Prince. Yeah, kaming dalawa ni Prince ang unang pumayag sa offer nila at nananatili pa kami sa loob ng kwartong ito dahil hinihintay naming magdesisyon ang iba pa.
"We still want to live." ani Michaella at niyakap ang sarili. Malamig kasi sa loob ng kwartong ito. Idagdag pang kagagaling namin sa tubig kaya basa pa kami. "And I remember all the things that Lea told us."
"Yeah." ani Jhelo. "Being an agent is not easy. At puno ng paghihirap ang posibleng harapin natin but we can use this in our advantage."
"We can use whatever we can learn form here to protect our family." dagdag ko. "At lahat ng taong mahalaga sa atin."
"Mabuti pala nakilala natin si Lea noon, noh." nakangiting sabi ni Prince. "Kung hindi dahil sa kanya, siguradong hindi natin mapag-iisipan ng mabuti ang desisyon natin ngayon."
Year 3004 nang may makilala kaming babae. She actually saves us when some g**g group tried to kidnap us. She prefered to call Lea but we don't know if that was her real name. Hindi din namin nakita ang mukha nya dahil sa ilang araw naming magkakasama, nakasuot sya ng dragon mask at oversize black jacket.
Naikwento nya na isa syang under covered agent. Na-curious kami kaya nagtanong kami na sinagot nya. At sinabi nya ang lahat ng maaaring maging advantage ng isang agent pero sinabi din nya na ang kapalit nito.
Back then, hindi ko pa masyadong maintindihan ang mga sinasabi nya pero alam ko sa sarili kong gusto kong maging tulad nya. Gusto kong maging malakas nang sa gayon ay maprotektahan ko ang pamilya ko at makatulong sa mga tao sa paligid ko na hindi alam ang mga panganib na dala ng iba't-ibang lihim na grupo sa buong mundo.Ganoon kataas ang paghangang nararamdaman ko sa kanya dahil sa pagiging malakas nya.
Limang araw naming nakasama ni Lea and after that, bigla nalang syang hindi nagpakita. Ni hindi namin alam kung paano sya hahanapin kaya wala kaming nagawa kundi hintaying sya mismo ang lumapit sa'min.
Pero lumipas na ang apat na tao ay hindi pa din namin sya nakikita uli.
At ngayon nga, nabigyan ako ng pagkakataon para maging tulad nya kaya hindi ko na ito palalagpasin pa.
Maliban sa akin, isa pa sa mga kaibigan ko ang nangarap ding maging tulad ni Lea. Pero alam kong hindi magiging madali ang pagde-desisyon nya dahil maraming maaaring mangyari oras na tanggapin nya ito.
Nakita kong lumabas na din si Sylvaine. Kasunod nito ang pagkaubos ng tubig sa cylinder na kinalalagyan nila Amy at Ashley.
"Damn yes!" masayang sabi ni Prince. Well, masaya kami dahil ang buong grupo ay nagdesisyong tanggapin ang offer ng ahensyang ito. Nilapitan nya sina Amy at binigyan ito ng robe
Lumapit din kami sa kanila.
"Bakit kayo pa ang natagalan sa pagde-desisyon?" tanong ni Michaella habang nakaalalay kay Amy.
"Dahil hindi magiging madali sa akin ang lahat." malungkot na sabi ni Amy. "Nang marinig ko ang offer nila ay gustong-gusto kong pindutin agad ang blue button pero hindi ko magawa dahil nauunahan ako ng takot. Paano ako magiging agent kung gayong hindi kaya ng katawan ko ang pagdadaanan nating training."
"You don't need to think about that."
Napalingon kami sa pinto at nakita namin doon si Rosered. Nakasandal ito at magka-krus ang mga braso.
"When you're still unconsious, one of my team injected some mutant genes in your body so that your heart desease will be cured." sabi nito na ikinalaki ng mga mata namin.
"R-really?"
Tumango ito. "So hindi ka makakaligtas sa training na pagdadaanan ng mga kasama mo." Tumayo sya ng diretso. "Anyway, pumunta kayo sa kabilang kwarto para makapagbihis then ihahatid kayo ng isa sa senior agent sa office para mapag-usapan na ang contract." Agad itong lumabas.
"Damn yes!" Agad niyakap ni Prince si Amy. "Magaling ka na."
"Yeah." sabi ni Amy at yumakap din kay Prince tsaka isinubsob ang mukha sa dibdib nito. I'm sure, masyado syang na-overwhelm sa narinig kaya naiyak na din sya. "F-finally."
"But we still need to make sure kaya pagkatapos natin dito ay magpapa-check up ka." sabi ko. "And hindi ito dapat malaman ni Tito Chen."
"Of course." ani Michaella. "Siguradong magtataka iyon at aalamin kung ano ang nangyari kay Amy at kung paano ito gumaling."
"We can't tell anyone or even our family about this." ani Ashley na ikinalingon namin sa kanya. "When you decide to push that button, you already accept that your normal lives as teenager are over. And you are ready to face the hellish live that are waiting for us. Whatever happens in the future, wala tayong ibang sisisihin kundi ang sarili natin dahil kanya-kanya nating desisyon ito. Tayo ang nagdesisyon nito."
"Beside, kung hindi sila dumating at iniligtas tayo kay Xander, baka ito na ang huling gabi ng buhay natin. Nagkaroon lang ng hindi inaasahang pangyayari kaya napasok tayo sa ganitong sitwasyon." dagdag ko.
"Magbihis na muna tayo." aya ni Prince. "Kailangan na nating tapusin ang contract para makauwi na. Siguradong kapag inabot tayo ng umaga at hindi pa nakakauwi, magpa-panic na ang mga kasama natin sa bahay."
Iginiya kami isang nurse sa silid kung nasaan ang damit at gamit namin. Nang makapag-ayos na ay lumabas din agad kami at doon, inihatid kami ng isang senior agent sa office.
Pagpasok sa office, bumungad ang tatlong nagligtas sa'min. Sina L, Dark Angel at Ban. Wala si Rosered at baka hindi na kami harapin nito.
"Have a seat." ani Dark Angel.
Naupo kami sa mahabang sofa na nakaharap sa table ni L.
"I assume that you already knew Miss Cambridge's current condition." panimula ni L. "Rosered told you, right?"
Tumango kami.
"She's fine and you don't have to worry about her health." dagdag ni L. "And now, pinapunta kayo dito para sa kontrata between you and our agency." May ibinigay itong mga folder kay Dark Angel. "Nakasaad dyan ang lahat ng rules and regulations of our agency. And of course, nandyan na din ang benifits nyo bilang bago naming agents."
Ibinigay sa amin ang mga folder at agad iyong binasa.
They will give us 1million dollar in every mission that they will assign to us. Free expenses na ang lahat ng gagamitin namin in every mission. At para sa paunang bonus dahil kabilang na kami sa agency, bibigyan din nila kami ng house and lot sa kahit anong subdivision na mapipili namin.
Magkakaroon din kami ng sariling quarters at doon ilalagay ang ilan sa weapon at uniform na maa-acquire namin pagkatapos ng training.
At ang pinakahuli na alam kong nagustuhan ng lahat ay ang pagbibigay nila ng proteksyon sa pamilya namin.
Ibinaling ko ang tingin sa mga rules nito at napakunot ang noo ko nang mabasa ang kauna-unahan dito.
A romantic feeling is not allowed inside the agency. At mahigpit itong ipinatutupad sa lahat ng headquarters sa buong mundo. Para sa kanila, maaaring makasagabal sa misyon ang ganitong feelings sa kapwa agents.
Hindi ito nasabi sa amin ni Lea noon pero mukhang may mga ahensya talagang may ganitong rules. Siguro ay depende din sa kung ano bang misyon ng isang ahensya.
Ang ikalawang rules ang nagpaintindi sa akin kung bakit kinailangan nila kaming papiliin sa buhay namin at sa pagiging kabilang sa kanila. Dahil mahigpit nila ipinatutupad ang pananatiling lihim ang S.I.S.C. Kailangan nilang masiguro na walang sinumang hindi involve dito ang makakaalam ng existence nito dahil maaaring manganib ang mga pinoprotektahan nio.
Hindi na mahirap ito dahil napag-usapan na din namin ng mga kaibigan ko na ililihim ito sa mga pamilya namin.
Ang ikatlo at ipinagdiinan nila sa rules ay ang loyalty. Gusto nilang ilaan namin ang buong loyalty sa S.I.S.C at hindi sa kahit sinong kabilang dito.
Well, sa ganitong organisasyon, kailangan talagang masiguro ang loyalty ng isang kasapi dahil maraming buhay ang nakasalalay sa ahensya.
Napansin kong pumirma na ang mga kasama ko kaya agad ko na ding pinirmahan ang kontratang ito tsaka ibinigay kay Dark Angel.
"You're all officially part of Supreme Investigators for Special Cases." ani L tsaka tumayo at lumapit sa amin. "At dahil nakapirma na kayo ng contract na hindi na maaaring bawiin ay pwede na kaming magpakilala sa inyo." Tiningnan nya ang dalawang kasama at tinanguan.
Pagkuwa'y sabay-sabay nilang inalis ang mask na tumatakip sa mukha nila na ikinalaki ng mga mata namin.
"Kayo?"
"I knew it." ani Prince tsaka inakbayan si Ban. "From the way you look at us, alam ko na talagang kilala nyo kami."
"Yeah." naiiling na sabi ni Dark Angel. "Hindi kami makakaligtas sayo kaya inaasahan na naming may ideya ka kung sino talaga kami."
"Nang malaman naming nasa panganib kayo, agad kaming nag-file ng mission order para iligtas kayo since Xander Lim is also our target." sabi ni L tsaka naupo sa tabi ko. "At tatapusin sana namin ang misyong iyon nang walang namamatay dahil nandoon kayo. Pero nagulo ang lahat. Hindi namin akalain na may hawak palang syringe si Xander."
"Sorry kung kinailangan kayong ipasok sa magulo naming mundo." ani Dark Angel. "Ito lang ang naisip naming paraan para mabuhay pa kayo."
"Don't worry about that." sabi ko. "You made the right choice."
"Eh si Rosered?" tanong ni Michaella. "Hindi ba namin sya makilala?"
Umiling ang tatlo.
"Actually, against sya sa pagiging agent nyo." ani Ban. "Kaya huwag muna kayong umasa na haharapin nya kayo."
"Bakit?" tanong ko.
"According to her, you don't have the potential to be part of our agency. And you are nothing but trouble." naiiling na sabi ni Dark Angel. "But you don't have to take that seriously. Hindi kasi talaga ganoon kadaling kunin ang tiwala ng isang iyon kaya kung gusto nyong patunayan na mali ang iniisip nya sa inyo, do your best in your training."
"Mas mataas ba sya sa inyo?" tanong ni Sylvaine.
"In this branch, we're in the same level dahil nasa iisang grupo lang kami which is ang Lemj. At kaming apat ang head dito." ani Ban. "Pero kung pagbabasehan sa buong S.I.S.C, masasabing mas mataas nga sya sa'min kaya ganoon sya kaselan pagdating sa mga taong pinapapasok dito."
"Anyway. Bukas ay kailangan nyong bumalik dito para masukatan kayo sa magiging uniform." sabi ni Dark Angel. "At habang pauwi kayo, you have to think your own emblem with codenames." May kinuha sya sa brief case na nasa mesa at binigyan kami ng tig-iisang smart phone. "Sa phone na iyan lalabas ang lahat ng announcement mula sa S.I.S.C. Kayo lang ang makakapagbukas nyan dahil fingerprint nyo ang kikilalanin ng scanner nyan. Pero kahit ganoon ay kailangan nyo pa ding ingatan and make sure na walang sinuman ang makakahawak nyan maliban sa inyo."
Tumango kami.
"May isang application dyan kung saan nyo ia-upload ang maiisip nyong emblem and codename. Mag-a-appear sa screen kung may kapareho kayo o wala but you have to make sure na unique ang magiging emblem and codename nyo." dagdag pa ni Dark Angel. "Maaari nyo din iyang gamitin para kontakin ang lahat ng miyembro ng agency at nariyan din ang bawat profile nila."
"Pero dahil under training pa kayo ay hindi nyo pa iyon maa-access." singit ni L. "Bibigyan lang kayo ng access doon kapag nakapasa na kayo sa training na ie-evaluate ni Rosered after 2 months."
"Bakit si Rosered lang?"
"Sya talaga ang nag-e-evaluate pagdating sa physical training ng lahat ng agent." ani Ban. "Sya kasi ang pinakamalakas sa aming lahat dito."
"Bukas nyo din maa-aquire ang S.I.S.C. emblem na ita-tattoo sa right back shoulder nyo." sabi ni Dark Angel. "Hindi issue ang tattoo, right?"
"Yeah. We already have our own tattoo."
Ang lahat ng kabilang sa 20 richest clan ay nire-require na magkaroon ng family crest kaya bata palang kami ay itina-tattoo na sa right wrisk ang crest ng pamilyang kinabibilangan namin.
"So, ihahatid na muna namin kayo pauwi. At pagbalik nyo bukas, may map din dyan sa smartphone na ibinigay para malaman nyo kung nasaan ang eksaktong location ng agency." ani L. "Ang mga crest bracelet na suot ng iba sa inyo ay nasa kotse ko. Hindi iyon maaaring ipasok dito kaya bukas, kapag bumalik kayo dito ay huwag nyo nang dalhin."