Chapter 1.1

2820 Words
Dashiel Rhan Matt's Pov Pagdating sa classroom ay bahagyang nagkagulo ang lahat. Lalo na ang mga babae na nagtitilian kapag kinikindatan ni Prince. Isa-isa kaming ipinakilala ni Sir James, ang homeroom teacher ng 10-A.   Ako naman ay inilibot ang tingin sa kabuuan ng room para kilalanin ang mga mukha ng magiging classmate namin at natigilan ako nang makita ang isang babaeng nakaupo sa pinakalikod.   Hindi ito nakikisali sa pagkakagulo ng iba. Tahimik itong nakatingin sa screen ng laptop at parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid nya.   Siniko ko si Prince at lihim na itinuro ang babaeng iyon at tulad ko ay mukhang nagulat din sya. Sinenyasan din nya ang iba pa naming kaibigan at kitang-kita ang biglang pagkabalisa ni Sylvaine.   Well, sino bang hindi kung ang mga bakanteng upuan na para sa amin ay nasa paligid ng babaeng naka-engkwentro namin kanina. Si Mharvy.   "Maupo na tayo nang makapagsimula na sa klase." sambit ni Sir James kaya naglakad na kami palapit sa mga bakanteng upuan na iyon.   Nagtutulakan pa kami nila Prince at Michaella dahil hindi yata namin kakayaning tumabi sa babaeng iyon pagkatapos ng nangyari kanina.   "Stop your childishness." mahinang singhal sa'min ni Ashley. Pinitik nya kami sa noo tsaka kami nilagpasan at naupo sa tabi ni Mharvy.   Nakahinga kami ng maluwag doon kaya nagsi-upo na din kami. Ako ang naupo sa upuang nasa harap ni Mharvy, sa tabi ko ay si Michaella, sa tabi naman nya ay si Sylvaine at Jhelo. Sa tabi ni Ashley naupo si Amy tsaka tumabi sa kanya si Prince.   "Spaet-zle, kailangan nyong makahabol sa topic dahil may long test next week ang buong grade 10." sabi ni Sir James. "Makakaya nyo ba?"   "Yes, sir." agad na sagot ni Prince. "Don't worry about us."   "Good." sabi nito. "I will send you all the topics that you need to study."   Ang Leivard Manglallan University o LMU ang pinaka-kilalang school sa buong mundo. Maliban sa pag-aari ito ng pinakamayamang pamilya sa buong mundo, it is also have high standard in educations.   Karamihan ng kilalang pulitiko, magagaling na lawyer, judge, police Commander at Military General ay dito nagtapos ng kanilang pag-aaral. Kahit ang mga tao sa likod ng mga naglalakihang kumpanya sa buong mundo dahil talagang dinadayo ito.   Isa ito sa paaralan sa buong mundo na kayang magbigay ng dekalidad na edukasyon para sa lahat.   At dahil year 3008 na, hindi na uso dito ang mga ballpen at papel. Ang tanging kailangan nalang namin ay ang transparent tablet na ibinibigay lamang sa mga estudyante ng LMU. Doon namin ine-encode ang mga notes na kailangan. May sari-sarili kaming e-mail kung saan sine-send ng mga teachers ang homework, quiz at long test.   Wifi zone naman kasi ang buong school kaya wala kaming problema sa paggamit ng ganito.At ang tablet ding ito ang nagsisilbing susi para sa locker namin kung saan inilalagay ang ilang extrang gamit at gymwear.   __________   Nag-inat ako matapos ang huling subject para sa morning class namin and yes, lunch break na.   Ngayon ko napatunayang mataas nga ang kalidad ng edukasyon dito. Maliban sa magagaling ang mga teacher sa kanilang pagdi-discuss, nagbibigay din sila ng mga presentation na mas madaling intindihin. Kung tutuusin, mahirap ang mga pinag-aaralan namin pero dahil sa pagpapaliwanag ng mga teacher ay madali itong tandaan at intindihin.   "Dash, let's go." dinig kong sabi ni Michaella kaya agad ko nang inilagay sa bag ang tablet ko at tumayo. Paglingon ko sa kanila ay nasa pintuan na sila pero napansin ko si Mharvy na nakayuko pa sa mesa nya.   Wala ba syang planong kumain? Or hindi nya alam na lunch break na?   "Miss." Tinapik ko sya sa balikat. "Miss Manglallan."   Iniangat nya ang ulo pero nananatili pa syang nakapikit. Mukhang antok na antok pa sya kaya hindi ko napigilang ngumiti. Ang cute nya kasi.   Ilang segundo lang ay idinilat na nya ang mga mata nya kaya inalis ko ang ngiti sa labi ko. Aba, ang cold kasi talaga ng mga mata nya kaya baka kung ano ang isipin nya kapag nakita nya akong nakangit sa kanya.   "Ahm..." Napakamot ako ng batok. "Lunch break na kaya ginising kita."   Tumangu-tango sya tsaka inayos ang gamit. "Salamat." Tumayo na din sya agad at nauna pang lumabas.   Napailing nalang ako.   Ganoon ba talaga sya makitungo sa iba? Laging cold at suplada? Well, at least, marunong syang magpasalamat.   Lumabas na din ako ng room kung saan naghihintay ang mga kaibigan ko at sabay-sabay na kaming pumunta sa cafeteria.   May tatlong cafeteria ang LMU, isa sa Elem. Dept., isa sa HS Dept. at isa sa College Dept. Pero karamihan sa mga estudyante ay mas pinipili ang cafeteria na nasa HS Dept. dahil mas malaki ito at sabi ng iba, mas masarap ang mga lunch meal dito.   Well, may kanya-kanya ding expertise ang bawat cafeteria kaya may kanya-kanyang oras din kung kailan ito napupuno ng mga estudyante.   Matapos makabili ng pagkain ay hindi kami nahirapan pang makahanap ng bakanteng table dahil may grupo ng babaeng nag-alok ng table nila.   Well, baka ginamitan na naman ni Prince ng charm nya kaya ibingay sa amin. Sa kanya kasi nagpa-cute ang mga babaeng iyon bago umalis eh.   "Did you call your parents?" tanong ni Michaella kay Sylvaine nang makaupo kami. "Hindi ko kasi nakitang may tinawagan ka eh."   "I texted my dad." malungkot nitong sabi. "They said na pupunta sila."   "Did they asked you why?" tanong naman ni Jhelo na tinanguan nito.   "But I didn't tell them." anito. "I will tell when they arrive." Actually, madalas mapatawag ang parents ni Sylvaine sa previous school namin kaya hindi na ito bago para sa amin at sa mga magulang nya.   Na-spoiled kasi sya ng sobra ng mga magulang dahil masyadong busy ang mga ito sa kanilang negosyo. Ibinibigay nila ang lahat ng gusto nito at ang mga ito ang umaayos sa mga gulong kinasasangkutan nya. Kaya ayan, hanggang pagtanda, mukhang mananatili ang pagiging brat nya.   "Accept your mistake." seryosong sabi ni Ashley. "At matuto kang makinig para hindi ka mapahamak."   Inis nitong nilingon ang kapatid ko. "Ako ang kaibigan mo pero bait ang babaeng iyon ang kinakampihan mo?"   "Wala akong kinakampihan pero ikaw ang kaibigan ko kaya hindi ko kukunsintihin ang mali mo." sabi ni Ashley na ikinatahimik ni Sylvaine.   Well, kahit makipagtalo pa sya dito ay wala ding saysay. Alam din nya sa sariling sya ang mali at hindi din sya mananalo sa kapatid ko kung susubukan pa nyang makipag-argumento.   Nagpatuloy nalang kami sa pagkain at iniba nalang ang topic at ilang minuto lang ay napalingon kami kay Ashley nang bigla itong tumayo.   "Makita nalang tayo sa afternoon class." sabi nito. "Maglilibot lang ako sa buong school." At tuluyan na itong umalis.   Napailing ako. Kapag may nagkakamali sa'ming magkakaibigan, sobra syang naba-badtrip lalo na kung hanggang huli ay hindi nito tatanggapin ang pagkakamali kaya pinipili nyang dumistansya para makapagpalamig.   Ipinagpatuloy na namin ang pagkain hanggang ipatawag si Sylvaine sa Director's Office. Sumama kami para makabati kina Tito at Tita.   Pagdating sa office ay naabutan namin sina Tito Larry na kausap na si Mharvy at ang Director ng LMU na si Mr. Allean Lickson.   "Mom. Dad." Agad lumapit si Sylvaine sa mga magulang at yumakap.   "Ano bang ginawa mo at ipinatawag agad kami sa unang araw mo palang sa klase?" tanong ni Tito Larry.   "Hindi pa ba sinasabi ni Miss?" tanong ko.   Umiling si Tita Sylene.   "Ikaw ang magsabi sa parents mo." tinatamad na sabi ni Mharvy. "And please, huwag na nating patagalin ito dahil hindi lang sila ang naaabala nito." Nakatutok ang tingin nya sa laptop at mga papel na nasa mesa.   Hindi sumagot si Sylvaine at nanatili lang na nakatingin kay Mharvy.   "Miss Tanada." warning ni Mr. Rickson.   "I'm sorry, okay?" biglang sabi ni Sylvaine at doon sya tiningnan ni Mharvy. "It's my fault and I'm sorry for saying rude things about you. I'm sorry for not saying sorry earlier at pinaabot ko pa sa ganito."   "Miss, I'm sorry for what she did." apologetic na sabi ni Tito Larry. "I will assure you that this will be the last time na mangyayari ang ganito. Just don't expell her. Ang LMU nalang ang tumanggap sa kanila dahil sa nangyari sa previous school nila."   Nagkatinginan kami nang marinig ang sinabi ni Tito.   "Please, Miss." ani Sylvaine. "I will do everything. Just don't expell me."   Bumuntong hininga si Mharvy. "Fine. Ayoko na ding patagalin ito so I will forgive you. Just make sure na hindi na mauulit ang insidenteng ito dahil hindi ko na mapapalampas iyon. Do you understand that?"   Agad tumango si Sylvaine.   Bumaling si Mharvy kina Tito Larry. "Sorry for causing a lot of trouble but I am just implementing my school's rules. One word can damage our reputation so I have to be cautions when it comes that. Lalo na kung manggagaling iyon sa mga pamilyang kabilang din sa Richest Rank."   "We understand, Miss." ani Tita. "And thank you for forgiving her."   "Hindi ko na pahahabain pa ito dahil alam kong may mga commitments pa kayo out of the country." Tumayo ito at nakipagkamay kina Tito. "Sana sa susunod na magkikita tayo ay hindi sa ganitong sitwasyon."   "We hope so. Goodbye, Miss."   Lumabas na kami ng office at doon namin kinorner sina Tito Larry.   "Tito, paki-explain sa amin ang sinabi nyo kanina." sabi ko.   "Oo nga po." gatong ni Michaella. "Ano po iyong sinasabi nyo na ang LMU nalang ang tumanggap sa amin matapos ang gulong kinasangkutan namin sa Seishun High?"   "After the incident, Seishun High put all of you in the blacklist and spread the word to other school." ani Tita Sylene. "Hindi kayo tinanggap sa mga naunang school na sana ay paglilipatan namin. Actually, hindi dapat kayo tatanggapin dito kung hindi nakiusap si Chen kay Miss."   "Kaya kung maaari, gawin nyo ang lahat para hindi kayo ma-expell dito dahil wala na kaming alam na paraan para makapagpatuloy pa kayo sa pag-aaral kung pati dito ay masisira kayo." dagdag ni Tito Larry.   Nagulo ko ang buhok ko. Ganoon pala kalaki ang naging damage sa amin ng nangyaring g**o na iyon. Ni hindi namin alam iyon. Siguro ay dahil ayaw na ding ipaalam ng mga magulang namin para makapag-concentrate pa din kami sa pag-aaral.   "Uulitin ko at makikiusap ako, huwag kayong gagawa ng makakalabag sa rules ng LMU, okay? Sana sa pagkakataong ito ay maging matino na kayo." Ginulo ni Tita Sylene ang buhok namin. "Mag-promise kayo."   "Promise po." sabay-sabay naming sabi. "Hindi kami gagawa ng kahit anong ikalalabag namin sa rules hanggang maka-graduate na kami.   "Good."   *********   Michaella Williams' Pov   Kaninang afternoon class ay tinadtad kami ng review ng teacher namin dahil magkakaroon dahil ang klase namin ng recitation bukas. Sayang din ang grades kung hindi kami makakasali doon noh.   And after ng klase ay naisipan muna naming tumambay sa gym para manood ng isang friendly match ng basketball. Wala din naman kaming gagawin sa bahay at nakapag-review na kami sa lahat ng subject namin.   "They said that?" sabi ni Ashley nang sabihin namin ang tungkol sa pagiging blacklister ng Spaetz-le sa lahat ng school sa buong mundo.   Sabay-sabay kaming tumango.   "Yes. And LMU is the only school that accept us at dahil pa iyon sa tatay ni Amy huh." dagdag ko. "Hindi pa nga din dapat tayo tatanggapin dito eh. Buti talaga, napakiusapan ni Tito Chen si Miss Manglallan."   "Sirang-sira ang pangalan natin dahil sa grupo ni Xander." inis na sabi ni Jhelo. "Kahit sila naman ang may kasalanan ng lahat."   "May kasalanan din tayo noh." singit ni Prince. "Kung hindi natin sila pinatulan, hindi aabot sa puntong may masasaktan ng ganoon kalala."   "Pero kung hindi tayo ginugulo nila Xander, hindi naman magkakaroon ng ganoong g**o in the first place." ani Sylvaine.   "I heard, malala ang nangyari kina Xander." sabi ni Amy tsaka ibinaba ang libro at tumingin sa'min. Well, Amy Camridge is a boowork at dahil laging si Ashley ang kadikit nya, nahawa sya sa pagiging expressionless nito. At okay na din iyon dahil natututo sya kung paano kontrolin ang emosyon para hindi sya atakihin ng sakit. "My dad said, Xander's group is now in the wanted list. They marked them as criminal dahil sila ang nakasakit at nakapatay sa nadamay sa g**o natin."   Actually, last February ay nasangkot ang Spaetz-le sa malaking g**o. May grupo ang sobrang naiinggit sa'min kaya lagi kami nitong pinag-iinitan. Kung hindi nito haharangin sina Ashley na nauuwi sa suntukan ay babastusin kami ng mga ito.   At sa huling engkwentro namin ng grupong iyon, si Xander Lim, ang leader ng grupong iyon, ay tinangka kaming patayin sa mismong araw ng tennis tournament namin ni Ashley.   Their group brings g*n at pinaulanan ng bala ang venue kaya maraming nasaktan at namatay. Syempre, dahil kami ang kaaway ay maging kami ay sinisi ng mga pamilyang namatayan.   "Kaya pala hindi ako kinausap ni Daddy ng isang buwan dahil ganoon kalaki ang naidulot ng pagpatol ko sa grupo ni Xander." sabi ni Prince.   "Buti ikaw, hindi lang kinausap." ani Jhelo. "Eh ako? Halos lumpuhin ni Daddy sa sobrang galit nya. Sinabihan pa ako na kung gagawa ako ng g**o, siguraduhin kong walang inosenteng masasaktan at mamamatay."   Bumaling ako kay Dashiel. "Eh si Tito Curt? Ang sabi sa inyo?"   "Pinalayas." aniya. "Iyong 2months tayong hindi magkakasama, sa labas kami ng bahay natutulog at kumakain. Doon kami pinatira ni Daddy sa tree house ni Ashiel. At walang kahit anong gadget at appliances. Para nga kaming nagka-camping nang walang kahit anong dala dahil kahit ang paggawa ng apoy para lang hindi kami lamigin sa gabi ay talagang pinaghihirapan naming gawin gamit ang flint."   "At least, binibigyan pa din kayo ng pagkain." sabi ko.   "Anong latest update tungkol kay Xander?" biglang tanong ni Ashley.   "I don't know." sagot naman ni Amy. "Magaling kasing magtago ang lalaking iyon kaya kahit ang mga tauhan ni Daddy ay hindi sya makita."   "We have to be careful." seryosong sabi ni Ashley na ikinakunot ng noo namin. "Sa mga nangyari, siguradong tumitindi ang galit ni Xander at sa atin nya isisisi ang kasalanan nya."   "At kung tama ang pagkakakilala natin sa lokong iyon, sya mismo ang magpapakita kapag nagkaroon sya ng pagkakataon para makaganti."   Masyado kaming naging kampante na titigil na si Xander pagkatapos ng nagawa nya noon dahil pitong buwan din kaming walang balita sa kanya, iyon pala ay naghahanap lang sya ng pagkakataon para makaganti.   Kailangan naming bantayan ang paligid dahil iba ang utak ng isang iyon. Utak kriminal na sya noon lalo't minarkahan na sya mismo ng gobyerno.   ********** "I already file my 2 weeks leave." sabi ko sa babaeng ito na kanina pa ako kinukulit tungkol sa pagli-leave ko sa trabaho. Hindi ko naman kailangan noon pero para lang tigilan na nya ako ay ginawa ko na din.   Ngumiti sya tsaka ginulo ang buhok ko. "Good and thank you for listening to my advice."   Tinapik ko ang kamay nya. "Not my hair." Tsk. Alam nyang ayokong pinakikialaman ang buhok ko pero sya itong laging ginugulo ito.   "So, makakapag-focus ka sa pagpapahinga hanggang tuluyan mo nang mabawi ang lakas mo." dagdag nya tsaka ipinagpatuloy ang pagluluto ng dinner namin. "Alam mong hindi ka pa magaling pero pinipilit mo pa ding magtrabaho. Hindi lang iyon, ayaw mo pang kumain at uminom ng gamot sa tamang oras. Nako, napaka-pasaway mo talaga kahit kailan."   "Lhi, I know the limitation of my own body so you don't have to worry." sabi ko. "Tsaka magpapahinga ako kapag ramdam ko nang kailangan."   "At kailan iyang sinasabi mong kailangan? Kapag dumating sa time na halos hindi ka na makagalaw?" Pinitik nya ang noo ko. "Konti nalang ang pasensya ko sa pagiging pasaway mo ah. At kapag naubos pa iyon, isusumbong na talaga kita sa nanay mo."   "Oy, walang sumbungan." Grabe ito. Alam nyang iba magalit ang nanay kong iyon eh. Tsaka alam nyang hindi lang ako ang posibleng mayari doon. Madadamay din iyong mga sumusunod lang sa command ko.   "Then, sundin mo ang sinasabi ko." madiin nyang sabi. "Babalik ka lang sa trabaho kapag fully healed ka na, okay?"   Bumuntong hininga ako tsaka tumango. "Fine." Wala na naman akong choice kundi sumunod. Mas gugustuhin ko na ang mga ipinapagawa nya sa akin kaysa harapin ang galit ng nanay ko. Mas mahirap amuhin iyon kaya kailangan ko munang magpakabait ngayon.   Inilapag nya sa harap ko ang plato na puno ng spagetti na paborito kong kainin. "Kumain ka na para makainom ka na ng gamot."   Tumango ako at sinimulang kainin ang niluto nya.   "Anyway, babalik ako sa Russells bukas ng hapon para asikasuhin ang antidote na kakailanganin." sabi nya. "Mas mabuti nang maagapan iyon ng maaga para madali natin iyong matapos kapag magaling ka na."   "Okay. Makipag-coordinate ka kay Chi. Sya ang magbibigay ng support sayo dahil siguradong wala kang aasahan sa Main branch ngayon." Napahigpit ang hawak ko sa tinidor nang maalala ang kapalpakang nangyari noong isang buwan sa trabaho ko.   "Chill, okay?" natatawang sabi nya tsaka muling ginulo ang buhok ko. "Huwag mo nang isipin ang nangyari last month. Ako nang tatapos ng trabaho doon at ikaw, magpahinga ka dito huh. Hindi porket, wala ako sa tabi mo ay pababayaan mo ang sarili mo."   "Nah. Kailan ko ba pinabayaan ang sarili ko kapag hindi kita kasama?"   Tinaasan nya ako ng kilay. "Gusto mong isa-isahin ko?"   Nginitian ko sya. "Joke lang po. Alam mo naman kasing sanay ako sa pag-aalaga mo."   "Kailangan mong matutong alagaan ang sarili mo noh." aniya. "Hindi habang buhay ay kasama mo ako para alagaan ka."   Umiling ako. "Habang buhay kitang makakasama kaya maaalagaan mo pa din ako ako." Kinuha ko ang kamay nya. "Hindi ba't walang iwanan."   Ngumiti sya sa akin. "Iba maglaro ang tadhana. Maraming pwedeng mangyari nang hindi natin inaasahan kaya dapat ay lagi kang handa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD