"Naka-leaave ako pero nadamay ako sa gulo." singhal ko pagpasok sa office. "Nang-iinis ba kayo?"
Hindi ko naman dapat tutulungan ang mga mahihinang iyon pero dahil sa pagmamakaawa ng tatlong ito at sa text na na-recieve ko ay wala akong nagawa kundi makialam. Tapos dahil sa pesteng serum na in-inject ng mga gagong iyon sa katawan ng isa sa kanila ay naisipan ng mga pasaway na ito na dalhin sila dito which is against the rules.
Ibinagsak ko ang sarili sa couch at tumingin sa tatlong kasama ko sa silid. "Ano bang plano nyo sa mga iyon at dinala nyo pa dito? Hindi natin responsibilidad ang nangyari sa kanila kaya bakit kailangan nyong makialam hanggang sa puntong ito. We have our rules."
"Chill ka lang, Rosered." pagpapakalma sa akin ni Ban, ang nag-iisang lalaki sa grupo naming tinatawag na Lemj. "Well, we decided this for two different reasons. First, kaibigan namin sila kaya hindi naman tama kung basta namin sila pababayaang mamatay nang walang ginagawa."
"Uulitin ko ang sinabi ko. We have rules." matigas kong sabi. "Hindi nyo pwedeng pairalin ang emosyon para sa walang kinalaman sa agency."
"I know that." aniya. "Yes, we have rules. Hindi ko nakakalimutan iyon pero kasama sa rules natin ang pagpapanatiling buhay sa mga taong makikilala nating may kakayahan para maging agents."
"What?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. "Nakita nyo naman siguro kung gaano kahina ang mga iyon tapos sasabihin nyong may kakayahan sila para maging agent? You've gotta be kidding me." Oo, kilala ang mga iyon when it comes to academics and sports exellence but being able to be part of our agency? They have no potential at all. Ni hindi nga nila nagawang protektahan ang sarili nila at kung hindi pa ako nakialam ay siguradong patay na sila sa mga oras na ito.
"We're serious. May potential sila at sigurado akong malaki ang maitutulong nila sa agency." ani L, our leader. "Konting training lang naman ang kailangan nila para mailabas ang tunay nilang kakayahan."
"No." madiin kong sabi. "Hindi ako papayag na mag-recruit kayo ng weaklings' para maging agent. I don't know them and I don't trust them."
"They are not weak kaya sa ayaw at sa gusto mo, magiging agent natin sila." madiing sabi ni Dark Angel tsaka nilabanan ang masamang tingin na pinukol ko. "Majority wins, Rosered. Tatlo kaming nagdesisyon nito."
Bumaling ako kina Ban at L na parehong tumango. Meaning, ako lang ang tutol kaya walang silbi ang opinyon ko. Tsk. "Fine. Bahala kayo sa desisyon nyo pero kayo ang mananagot oras na magdala ng problema ang sinuman sa kanila. At sisiguraduhin kong hindi ako magdadalawang isip na patayin kayo kapag nakialam pa kayo sa oras na iyon."
"Don't be paranoid." naiiling na sabi ni L. "We can trust them. I'll assure you that so you don't have to worry about them."
"I don't trust anyone anymore and you know why." Tumayo na ako at walang lingong lumabas sa silid na iyon.
Under Covered Agency. Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na may mga organisasyon ang nabubuo upang lihim na pangalagaan ang mundo laban sa mga tao o grupong mapang-abuso sa kapwa at kalikasan.
Well, wala na namang imposible sa mundong ito. May mga taong pilit wawasakin ang mundo para sa sarili nilang kapakanan at may mga tao din namang handang kalabanin ang mga ito para protektahan ang mundo at ang mga inosenteng naninirahan dito.
Isa ang ahensyang kinabibilangan ko sa mga iyon. Ahensyang handang kalabanin ang masasama para protektahan ang mundong ito.
Supreme Investigators for Special Agency o S.I.S.C, isang ahensyang hindi saklaw ng gobyerno sa kahit anong bansa na pumipigil sa mga tao o grupong lihim na nagsasagawa ng eskperimentong nakalalabag sa batas ng kalikasan, ng tao at ng mundo. Mga eksperimentong nagdadala ng matinding panganib sa lahat ng nabubuhay sa buong mundo.
At dahil hindi din ordinaryo ang mundong kinalalagyan ko, trabaho din namin ang paghuli o pagpatay sa mga hindi pangkaraniwang nilalang na nagdadala din ng panganib sa mga inosenteng nilalang.
Pero maliban doon, ang pinakalayunin ng ahensya ay ang pagpapanatili ng kaligtasan ng angkang kinikilalang pinakamayaman sa buong mundo.
At ako, kilala bilang Rosered, kasama sina Ban, Dark Angel at L o mas kilala bilang Lemj ang namumuno sa main branch nito na nakabase sa bansang Ruien, bansang matatagpuan sa hilagang silangan ng Russia.
We are all teenagers pero may sapat kaming kakayahan para pamunuan ang branch ng ahensya sa bansang ito pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi na kami nagko-consult sa mas nakatatanda sa amin. At kahit kami ang branch head dito ay kinakailangan pa din namin ng opinyon ng pinaka-head ng ahensya sa bawat desisyong ginagawa namin para masigurong hindi kami magkakamali.
At dahil apat kaming namumuno ay madalas ang pagkakaroon namin ng magkakaiba at magkakasalungat na desisyon tulad ng nangyari kanina.
Hindi ako sang-ayon sa pagpasok ng mga taong iyon sa ahensyang iyon pero dahil wala akong nakikitang potensyal sa kanina para maging agent o makatulong man lang sa amin. Pero ang tatlo, nagpasyang i-recruit ang mga iyon dahil lang sa kaibigan nila.
Damn it! Hinayaan ko nalang sanang mamatay ang mga iyon. Hindi ko naman sila obligasyon at wala akong kinalaman sa kanila.
Inis kong ginulo ang buhok ko tsaka ibinagsak ang sarili sa malambot na kama na nandito sa quarters ko
Ano ba kasing pumasok sa utak ko at nakialam ako sa gulong iyon? Ano bang nagtulak sa'kin para iligtas sila na minsan ko lang nakilala.
__________
Year 3008
Dashiel Rhan Matt's Pov
"Mabuti at napakiusapan ni Daddy ang school na ito na tanggapin tayo kahit pa late enrolees na tayo." sabi ni Amy habang naglalakad kami papunta sa classroom namin. "Kung hindi kilala ni Daddy ang dean ng school na ito, siguradong mapipilitan tayong mag-stop ng isang taon."
Sa dami ng nangyari sa taong ito, hindi na nakakapagtaka na hindi kami tanggapin dahil halos tatlong buwan na ang nakalipas nang magsimula ang klase pero malaking tulong ang daddy ni Amy na nakiusap sa management ng school na ito kaya pinayagan pa din kaming makapasok.
"Ano ka ba, Amy?" singit ni Sylvaine. "Imposibleng tanggihan tayo ng kahit sino. Kabilang kaya tayo sa 20 richest clan in the whole world."
"Mukhang hindi ka nagbasa ng student handbook mo, Syl." naiiling na sabi ni Michaella pagkuwa'y iniharap sa amin ang booklet na hawak nya. "LMU ay pagmamay-ari ng tagapagmana ng Manglallan, which happen to be the richest clan in the world kaya pwede nila tayong tanggihan."
"Oh? Ang Manglallan's heiress ang may-ari ng school na ito?" singit ko habang binabasa ang handbook. "Mharvy Khialei A. Manglallan." Basa ko sa pangalan ng presidente. "Bakit walang picture?"
"Duh." Inirapan ako ni Michaella. "Hindi kailanman naglabas ng kahit anong picture ang heiress ng Manglallan para sa seguridad ng angkan dahil iisa ang anak nila. Alam nyong kapag nawalan ng tagapagmana, magkakagulo ang mundo. Kaya nga sya binansagan Famous Unknown."
"But that doesn't mean na walang nakakakilala sa kanya, right?" tanong ni Prince. "Since dito din sya nag-aaral."
"Yeah. Dito sya nag-aaral at kilala sya ng mga estudyante dito pero hindi sila allowed kunan ito ng picture o ipagsabi ang itsura nito." paliwanag pa ni Michaella. "Sa mga company kasi nila na sya ang namamahala ay representatives lang ang uma-attend sa meetings nya with their investors in her place. Ganoon kasi kahigpit ang seguridad para sa kanila"
"Maybe she's ugly." Napalingon kami kay Sylvaine. "Kung maganda sya ay siguradong ibabalandra nya ang sarili. After all, sya ang itinuturing na prinsesa ng buong mundo. And I think pabaya ang babaeng iyon. Hindi tamang ipaubaya sa iba ang trabaho. Kasi kung ako iyon, sisiguraduhin kong magiging hands on sa paghandle sa company namin dahil hindi naman lahat ng taong nakapaligid sa atin ay mapagkakatiwalaan."
"Don't say things like that." sabi ko. "We don't know her and we don't know her reason for handling her things, so don't judge her."
"Why?" Pinag-krus nya ang mga braso sa dibdib. "Sinasabi ko lang ang opinyon ko noh. Ano bang masama doon?"
Napailing nalang ako. Sa aming lahat, sya lang talaga ang naiiba kaya hindi ko maintindihan kung paano namin sya naging kaibigan.
Matagal na kaming magkakaibigang pito at dahil hindi mapaghiwalay ay nakilala kami bilang Spaetz-le. Maliban sa pare-parehong kabilang sa 20 richest clan ang pamilyang kinabibilangan namin ay kilala din kami because of our excellence when it comes to any kind of sports, though, hindi din naman kami magpapahuli kung academics ang pag-uusapan.
Ameilyn Cambridge, 16 years old. Nag-iisang anak ng Cambridge Clan from Japan na nasa 12th rank of richest clan na kilala dahil sa hospital nitong may advance technology na syang nakakatulong sa mga pasyente at pinakabata sa Spaetz-le. She has heart decease kaya hindi pwede sa kanya ang mga physical sports pero bumabawi naman sya kung mind sports ang pag-uusapan tulad ng chess at iba pang board games. Madalas lang syang tahimik at nagbabasa ng kung anu-anong libro. At sa aming pito, sya iyong tipong handang makinig sa anumang problema namin.
Jhelo Almaine, 17 years old. Panganak na anak ng Almaine Clan from Norway na nasa 19th rank na kilala dahil sa mga pharmaceutical company nito na nagsu-supply ng mabibisang gamot sa buong mundo. Ang joker sa Spaetz-le pero lagi din naming binu-bully. Sa lahat ng sports ay ang basketball ang pinakapaborito nya. Sya ang madalas mag-light up ng mood namin kapag nagkakaroon kami ng problema.
Sylvaine Tanada, 17 years old. Panganay na anak ng Tanada Clan from France na nasa 20th rank na kilala sa naglalakihang telecommunications company sa iba't-ibang bansa. Ang kikay sa tatlong babae sa grupo namin. Sya din ang pinakamadaldal, sweet at clingy. She loves playing volleyball at iyon ang expertise nya when it comes to sports. Though, sa aming pito, sya ang spoiled brat kaya madalas syang may makasagutan.
Prince Ferrier, 17 years old. Panganay na anak ng Ferrier Clan from Australia na nasa 17th rank na kilala dahil sa mga high class restaurants nila'ng naghahain ng iba't-ibang klaseng cruisin. Ang playboy ng Spaetz-le. Well, we all have the looks at ginagamit nya iyon plus ang galing nya sa soccer para makapang-akit ng babaeng matipuhan nya. Sya ang unang takbuhan kapag napapa-trouble dahil marunong sya ng martial arts.
Michaella Williams, 17 years old. Bunsong anak ng Williams Clan from Canada na nasa 18th rank na kilala dahil sa mga malalaking casino sa iba't-ibang bansa. Ang techi sa Spaetz-le. Hindi kasi sya lumalabas ng bahay nang hindi dala ang kanyang laptop pero mahilig din naman sya sa tennis at iyon ang paborito nya. She's our infromation provider kapag may gusto kaming alamin at sya din ang madalas tumulong sa amin kapag may kailangang research sa school. She's my sweet, kind and cool bestfriend. Though, may times din na nagmumukha syang nanay ng grupo dahil mahilig syang manermon lalo na kapag napapa-trouble kami,
Ashley Rhen Matt, 17 years old. Ikalawang anak ng Matt Clan form England na nasa 11th clan na kilala dahil sa mga high class resorts sa iba't-ibang bansa. He's our leader. The cold, serious and mysterious one. Bihira magsalita, hindi nakikisali sa biruan at kinakatakutan. Kung si Michaella kasi ang nanay ng grupo na mahilig manermon, sya naman ang tatay na mahilig magparusa kapag nakikita nyang kami ang may mali. He's also my younger brother but that doesn't mean na nakakaligtas ako sa kanya noh. Walang elder-younger sa aming dalawa.
And I am Dashiel Rhan Matt, 18 years old and I am the cool one. Hindi naman kasi ako katulad ng kapatid ko na wala yatang planong makipag-socialize sa ibang tao maliban sa aming mga kaibigan nya at hindi din ako tulad ni Prince na lahat nalang ng babae, kinakaibigan. Hindi din ako tulad ni Jhelo na sumobra sa kulit. I am just in the middle. Friendly ako pero sinisiguro ko kung mapagkakatiwalaan ang taong kakaibiganin ko. I treat all girls nice pero may limitasyon ako para masigurong hindi nila mami-misinterpret ang kabaitang ipinapakita ko at nagiging makulit din dahil ayoko namang maging kill joy. And as the eldest in our group, ako din ang may obligasyong protektahan silang lahat kaya hindi ko pwedeng basta pairalin ang emosyon ko lalo na kapag nato-trouble kami.
"Don't judge others easily." sabi ni Amy. "We don't know their story."
"I know." sabi nito. "Pero hindi nyo ako masisisi. It is human nature na mag-imagine ng mga possible reasons for a certain situation."
"But that's not applicable in other's life." sabat ko.
"Oh." anito tsaka nailing. "Pinagtutulungan nyo na naman ako. Just like what I said, sinabi-- s**t!"
Natigilan kaming pito nang may biglang bumangga kay Sylvaine mula sa likod dahilan para mahulog ang dala nitong mga libro. At nakita naming isang babae ang may gawa noon na mukhang walang planong mag-sorry dahil wala itong lingong nagpatuloy sa paglalakad.
"Wait!" sigaw ni Sylvaine at agad hinabol ang babaeng iyon. Marahas nyang hinawakan ang braso nito at hinarap sa kanya. "Hindi ka man lang magso-sorry sa ginawa mo? Nabangga mo ako at nahulog ang gamit ko."
"So?" Dahan-dahan itong bumaling kay Sylvaine at doon ko nakita ang mukha nito. She's damn beautiful, like a goddess but there is something in her eyes. Iyong mga mata nyang nakakapanlamig kapag tumingin kaya hindi na ako nagtaka nang agad bitiwan ni Sylvaine ang braso nito.
"Y-you should apologize for what you did."
"Why would I?" balik tanong nito tsaka bumaling sa amin. "It is actually your fault for blocking the hallway. Hindi nyo siguro ako masisisi kung kakailanganin ko nang sumingit sa inyo dahil male-late na ako sa klase."
Doon ko napansin na nakaharang nga kami sa buong hallway.
"Masyado kasi kayong busy sa pagku-kwentuhan tungkol sa isang taong hindi nyo naman kilala pero grabe kung husgahan mo." dagdag pa nito.
"Wala kang pakialam." sigaw ni Sylvaine. Kapag ganito sya, imposible nang mapigilan sa kung anuman ang gusto nyang gawin kahit kami ang pumigil. "Apologize, now! Or makakarating ito sa school management."
"Sa tingin mo may magagawa ang management dito?" Kinilabutan ako nang bigla itong ngumisi kaya agad akong humarang sa kanila. Mukhang trouble ang mangyayari kung hindi pa mapipigil ito.
"You should be the one who needs to apologize, Sylvaine." sabi Ashley na ikinagulat namin.
"What?" hindi makapaniwalang sabi ni Sylvaine. "Bakit ako? Sya itong bumangga sa akin kaya bakit ako ang magso-sorry?"
"It is actually your fault kaya nya ginawa iyon." sabi pa ng kapatid ko kaya humarap ako kay Sylvaine.
"Syl, do what Ashley said." sabi ko. "Ikaw ang mapaparusahan kapag nagmatigas ka pa." My brother is in his super serious mode at kapag ganitong nakialam sya ay siguradong si Sylvaine nga ang may mali.
"No." sabi nya. "I didn't do anything wrong. Ang babaeng iyan ang may ka--" Natigilan sya habang nakatitig sa babaeng nasa harap ko. "I-ikaw?"
Nilingon ko ang babaeng iyon at napatingin sa identification card nya na ngayon ay nakaharap sa amin.
"So? Pwede ko na bang sabihin na ikaw talaga ang may kasalanan kung bakit kita binagga, Ms. Sylvaine Tanada?"
Hindi nakasagot si Sylvaine. Kahit ako, hindi ko din alam ang sasabihin dahil sa pagkabigla. Oo, alam kong hindi imposibleng magtagpo ang landas namin ng taong ito dahil nga iisang eskwelahan lang ang pinag-aaralan namin pero bakit ba sa ganitong sitwasyon pa kami nagtagpo.
"Manglallan." mahinang sabi ni Sylvaine.
Yeah, sya lang naman ang heiress ng pinakamayamang angkan sa buong mundo at sya ang may-ari ng school na tumanggap sa amin sa kabila ng pagiging late enrolees at ilang personal issues na meron kami sa previous school namin. Si Mharvy Khialei Manglallan.
"Ms. Manglallan, ako na--" Natigil ako sa pagsasalita nang itapat nya sa mukha ko ang palad nya.
"I don't need your sorry, Mr. Matt." aniya at ibinaba ang kamay. "Hindi ikaw ang nagsabi ng kung anu-ano tungkol sa akin." Tumingin sya kay Sylvaine. "Right, Ms. Tanada?"
"H-hindi ako magso-sorry." Napapikit ako sa katigasan ng ulo nito. "Just like what I said, sinasabi ko ang opinyon ko kaya hindi iyon kasalanan."
"You don't really read your student handbook." natatawa nitong sabi.
"Syl, tama na ang pagmamatigas." Lumapit na din sa amin si Michaella. "You have to say sorry or else, mapaparusahan ka."
"Dahil lang sa sinabi kong iyon?"
"There are two rules ang Leivard Manglallan University." ani Mharvy. "First, you have to achieve the required grade which is 87 general avarage for every semester. And second, you can't say anything about the owner of this school. Kilala nyo man sya o hindi because everything you say might damage the clan's reputation. Every word na manggaling sa inyo ay maaaring pagmulan ng problema namin kaya dapat lang siguro na i-implement ko ang rules na iyon sa mga taong nasa paligid ko."
"At nilabag mo ang second rule, Syl." mahinang sabi ni Amy. "You should say sorry bago ka pa tuluyang maparusahan."
Hindi ito sumagot at nanatili lang na nakatingin kay Mharvy pero agad din syang umiling. "No. I won't say sorry."
"Sylvaine!" pare-pareho naming sigaw pero matigas talaga ito.
"I already gave you enough time kaya hindi mo siguro ako masisisi kung papupuntahin ko dito ang parents mo." sabi ni Mharvy.
"What? Maliit na bagay lang iyon para ipatawag mo pa ang parents ko!" sigaw pa ni Sylvaine at akma itong susugurin kaya agad na namin syang hinawakan. "Damn it! Bitiwan nyo ako!"
"Stop it, Sylvaine!" sigaw ni Ashley tsaka hinawakan ito sa braso at inilayo kay Mharvy. "Binigyan ka ng pagkakataon para makapag-sorry pero nagmatigas ka pa din kaya tawagan mo na sila. Or else, ako mismo ang tatawag sa kanila para sabihin ang ginawa mong ito." Binitiwan nya ito at nauna nang umalis sa'min na ikinabuntong hininga ko nalang.
Mukhang kahit ang kapatid ko ay naubusan na ng pasensya sa katigasan ng ulo ni Sylvaine.
"Aasahan ko ang pagdating nila." At tuluyan nang umalis si Mharvy.
"You should know to limit your attitude, Syl." walang ganang sabi ni Prince. "Baka sa susunod, iyan pa ang ikapahamak natin."
"You always know that I'm in your side, right?" sabi ni Jhelo tsaka ito tinapik sa balikat. "But sorry. This time kasi, ikaw talaga ang mali at hindi ko kukunsintihin ang kamalian mo."
"Call your parents, Syl." ani Michaella. "Dahil kapag hindi sila pumunta, pwedeng-pwede ka na nyang i-expelled."
"Tama na muna iyan." awat ko. "Pumunta na tayo sa room natin."