This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are only products of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental
Thanks..
__________
Prologue
“Ano bang kalokohan ang pumasok sa utak mo at ini-stalk mo sila?” nakasimangot na sambit nitong kasama ko. “Pwede mo silang ipatawag sa office mo kung gusto mo talaga silang makilala.”
“Mas makikilala ko sila kung hindi nila alam na kinikilala ko sila.”
Tumingin din sya sa mga batang kanina pa namin sinusundan. “Anong maitutulong ng mga yan sa anak mo? Sa nakikita ko, walang espesyal sa kanila para pagkaabalahan mo.”
“Mukha lang silang normal pero napaka-espesyal ng mga batang iyan at siguradong kapag nakasama nila ang anak ko, magiging normal yun.”
“So, sinasabi mong hindi normal ang anak mo?”
Tumangu-tango ako. “Kilala mo ang batang iyon. Dinaig ang robot sa pagiging cold. Puro trabaho ang iniisip kaya dapat, may magturo sa kanya kung paano maging tunay na teenager.” Bumaling ako sa kanya. "Malaki ang maitutulong ng mga iyan sa kanya."
“At sila ang iniisip mong solusyon?"
"Yup." Muli kong bumaling sa mga iyon. "Alam kong may malaki silang gagampanan sa buhay ng anak ko at ganun din ang anak ko sa kanila kaya mas makakabuti kung ngayon palang ay makilala ko na sila para alam ko kung paano makakatulong sa problemang darating sa kanila."
"Tsk. Kung makapagsalita ka naman dyan, parang nakikita mo na ang future." Tumayo sya at nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang likurang bahagi ng kwelyo ko at hinila palayo sa pwesto namin kanina.
"T-teka! Ano ka ba naman!" Pilit kong inaalis ang pagkakahawak nya sa akin pero masyado iyong mahigpit.
"Tigilan mo ang kalokohan mo, Mihael. Kung malaki ang maitutulong nila sa isa't-isa, ang tadhana ang gagawa ng paraan para magkita sila nang hindi ka nakikialam."
"Pero malakas manggago ang tadhana, Albert." Hinayaan ko syang hilahin ako dahil hindi din naman ako makakapalag sa kanya.
"Mas nakakagago kung ikaw ang magmamanipula ng hinaharap nila." singhal nya tsaka ako itinayo. "Hindi magugustuhan ng anak mo kapag nalaman nya yang kalokohan mo."
"Hindi nya malalaman." Inis akong sumakay ng kotse at ganun din sya tsaka pinaandar ito.
"Para namang may maitatago ka sa isang iyon." sabi pa nya. "Hayaan mo sila. Hindi mo kailangang makialam."
Hindi na ako sumagot dahil sigurado hindi din ako mananalo sa kanya.
Pero tama naman sya. Hindi ko nga kailangang makialam dahil noon pa man, magkakadikit na talaga ang tadhana ng mga batang iyon. Nasa pagkakataon nalang kung kailan sila magkikita at magkakakilala.
Mukhang kailangan ko nalang maghintay at panoorin ang mangyayari.