Chapter Four

1249 Words
TAHIMIK lang ako hanggang sa makarating na kami sa kanila. Pagkapasok namin sa loob ay nanduon na ang buong pamilya niya, magkatabi si Tito Franco at si Tita Rainy, magkatabi naman si Karma at si Thunder, kalong ni Thunder ang apat na taong gulang na anak nila ni Karma na si Thraia. Katabi naman ni Youan ang asawa niyang si Alison na ngayon ay hawak ang anak nilang si baby You na apat na taong gulang pa lang din. Inusog ni Krypton ang upuan sa tabi ni Stormy at doon ako pinaupo, pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko. Marami ang nakahandang pagkain at tila kami na lang ang hinihintay nila. “Leni!” Ang pagtawag ni Tita Rainy sa Nanay ko. Agad namang lumabas si Nanay mula sa kusina, “Leni, maupo ka na dito. Sumabay ka na sa amin.” Saad niya. Ganito kami kung ituring ng pamilya Del Valle, hindi na iba sa kanila. Ang trato nila sa amin ay hindi na naiiba sa pamilya nila, kahit noon na buhay pa si Papa. Nahihiya man ay umupo na si Nanay sa tabi ni Stormy. “So, let’s eat?” nakangiting tanong ni Tito Franco kaya nagsimula na kaming kumain. While we’re eating, Thunder opens a conversation, talking to Tito Franco about business matters. Bagay na hindi ko maintindihan. Paminsan-minsan ay sumasagot din si Krypton sa kanila. Krypton handed the chopsuey and placed some of it on my plate. I turned crimson red with what he did. Pagka-angat ko ng tingin ay nakita kong nakatingin silang lahat sa amin at nakangiti, maging si Nanay. “Sabi ko na nga ba magiging kayo.” Saad ni Thunder. “H-Hindi po kami, Kuya.” Mahinang sagot ko. “Hindi ka naman ba inaalila nitong si Krypton, anak? Baka mamaya ay pinapasakit niya ang ulo mo, ha?” “Hindi naman po.” “Krypton,” tumingin kami kay Tito Franco, “Kailan ang kasal?” bigla akong naubo sa itinanong ni Tito. Tumingin ako kay Nanay para tignan ang reaksiyon niya at nakita kong nakangiti lang siya sa akin kahit na halatang nahihiya siya. “Kahit kailan niya gusto.” Wala sa sariling sagot ni Krypton sa Papa niya. “W-Wala pong gano’ng mangyayari, Tito. Hindi po kami magpapakasal…” Napa-woah si Thunder at si Youan sa sinabi ko, tumingin naman ako kay Krypton at nakita ko siyang nakasimangot. “Why not, hija? I mean, you two have been together for almost two years now, right? Atsaka, magkasama na rin naman kayo sa iisang bubong.” Mas lalo akong namula sa sinabi ni Tita. “H-Hindi po kami magkatabi matulog.” Muntikan ko nang batukan ang sarili ko sa naging sagot ko, lalo na no’ng humalakhak silang lahat, maging si Nanay ay bahagyang natawa. “Oh, really?” sarkastikong tanong ni Krypton na parang nagsasabing wala siyang pakealam kung malaman man ng lahat ang tungkol sa aming dalawa. Gusto ko tuloy isipin na gusto niya akong ipahiya. Nag-iwas na lang ako ng tingin at hindi na sumagot. “Leni, ayos lang ba sa ‘yo kung si Krypton ang mapapangasawa ng anak mo?” tanong ni Tita Rainy. “Matagal ko na po kayong kasama at kilala ko na po kayo, alam ko naman po na hindi masasaktan ang anak ko kung sakaling si Krypton ang makakatuluyan niya kaya ayos po sa akin.” Mahinang sagot ni Nanay. “See? Why don’t we start preparing your wedding then? Wala naman palang problema.” “Ma, let my girlfriend think about it first.” Napalunok ako sa sinabi ni Krypton. Humalakhak naman si Tita Rainy at tumango-tango. “Oo nga pala,” si Tito Franco ang ang nagsalita, “DVGC is going to have a chritmas party this coming Friday, it is exclusive for all employees. Boys, I can’t make it since I promised your mom a date, kaya kayo na ang bahala, okay?” tumango-tango naman ang tatlong lalaking Del Valle. “And, don’t forget to bring your dates.” Pahabol naman ni Tita Rainy kaya natawa si Thunder. “Date? Ano iyon, JS Prom?” Saad ni Thunder. Sumimangot si Karma at hinampas si Thunder sa braso. “Why, are seeing someone else and your afraid that she might see us together or vice versa?” nakasimangot na tanong ni Karma. “The hell I am! It’s just that—” “Whatever.” “I’m just afraid that something not good might happen to you and our baby!” nagulat kaming lahat sa sinabi ni Thunder. “Oh my God, sis. You’re pregnant?” tanong ni Alison. Marahan namang tumango si Karma. They talked about Karma’s pregnancy for the whole time and only God knows how thankful I am. Kesa naman na ako ang pinaguusapan at ang kasal na sa tingin ko ay malabong mangyari. Right after the dinner, we stayed at the poolside for a while. Kasama ko sina Alison, Karma at Stormy, nagku-k’wentuhan kami habang ang tatlong lalaki naman ay nagiinuman. “Hindi ko alam kung anong pinaguusapan ng mga ungas na ‘yan.” saad ni Stormy at inginuso ang mga lalaki, sabay-sabay kaming lumingon at nakitang nakatingin sila sa amin. Mayamaya lang ay tumingin si Thunder sa cellphone niya’t nakisilip din si Krypton. “Hayaan natin sila,” saad ni Karma, “Oo nga pala, Denise,” tumingin ako sa kanya, “I’m pretty sure that Krypton will bring you to the party as his date, I mean, it’s obvious,” hinawakan niya ag pisngi ko na parang sinusuri. “God, you’re so pretty.” “Yeah, she is. Plus the perfectly tan skin.” Saad naman ni Alison. “Tayo na lang ang mag-ayos sa kanya sa party. Make Krypton drool.” Stormy giggled. “I like that idea.” Nakangiting saad ni Karma. Hindi ako nakasagot dahil sa kahihiyan, “Let’s go shopping tomorrow?” si Alison naman ang nagtanong. “What about our kids?” tanong ni Karma. “Come on, ate. We all know how mom love her Grandchildren, siguradong ayos lang iyon sa kanya. Atsaka, madalang lang nating makasama itong si Denise.” “Okay, tomorrow then.” Mayamaya lang ay natapos na rin ang mga lalaki sa inuman, ang ipinagtataka ko ay kung bakit hanggang sa makasakay na kami sa kotse ni Krypton ay hindi maalis ang ngisi sa kanyang labi. “Ba’t nakangisi ka?” tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya. “Remember what you told me awhile back?” natigilan ako sa tanong niya at agad na napalunok. “Y-Yes.” “Cool. So… I just thought that yes, maybe you’re right. Maybe I need to stop making you pay for what you did. I already saw Moira. And… can you possibly help me talk to her? Help me get a chance to date her, Denise.” Sa totoo lang ay hindi ko alam ang isasagot ko. Parang piniga at sinipa ang puso ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay may kung ano ang nagbara sa lalamunan ko. Marahan akong tumango at ngumiti kahit na gustong-gusto ko nang umiyak. “O-Okay.” Sagot ko. Pagkatapos no’n ay wala nang nagsalita. Hanggang sa makarating na kami sa condo niya ay tahimik na kaming dalawa. I knew it. I already knew from the very beginning about his real motive. Everything that he did has reasons. Everything’s just his trap. I don’t know if it’s a good thing that I never step on his trap… is it?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD