HABANG naglalakad kami ni Jarah sa mall ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Moira. Biglang bumalik sa akin ang mga simpleng katanungan na para sa akin ay napakahirap sagutin.
Paano kung nagsasabi ng totoo si Krypton? Paano kung mahal niya ako? At paano rin kung dumating ang araw na magsawa na siya dahil hindi ko maamin sa sarili ko na mahal ko siya?
Paano kung makahanap siya ng iba? Alam ko na napakagasgas na linya na ng ‘Nasa huli ang pagsisisi’ pero sa tingin ko, kung nagkataon ay iyon ang mararamdaman ko. Sa tingin ko ay hindi ko kayang makita siya na napapasaya ng iba.
But all those questions are just if’s and what if’s. Walang kasiguraduhan.
“Uy, ano na?” kunot-noo akong tumingin kay Jarah nang marinig ko ang boses niya. May hawak siyang dalawang bestida at nakaharap sa akin.
“H-Ha?”
“Denise naman, hindi ko alam kung kailan ba kita makakausap ng matino. Parati na lang lumilipad ang utak mo. P’wede ba ibigay mo muna sa akin ang araw na ito? Sigurado naman ako na mamayang gabi magchuchukchakan ulit kayo.”
Namula ang magkabilang pisngi ko nang matawa ang dalawang saleslady na nag-a-assist sa amin.
“Jaruray, nakakadiri ang mga choice of words mo. Atsaka tigil-tigilan mo ‘ko ha?”
“Oo na, basta ikaw na magbayad nito gamit ang card ni Krypton, ha?”
“Sige na, sige na.” sagot ko at nagsimula nang maglakad palayo para makahanap na rin ng damit na para sa akin.
We wasted almost two hours buying some dresses and stuffs, when we’re finally done, we decided to have a bite first but we accidentally pass into the male sections of department store.
Smile formed on my lips as I saw some neckties. Siguro magugustuhan ni Krypton kapag binilhan ko siya nito.
“Subukan mo.” Nagulat ako sa sinabi ni Jarah. Kunot-noo ko siyang tinignan at ngumisi lang siya, “I guess, you’re thinking out loud. Hmm, perks of being in love, eh?”
Imbes na sumagot ay naglakad na lang ako papalapit sa mga kurbata at agad na pumili ng isa. Nakuha ng atensiyon ko ang isang kurbata na may pinagsamang kulay abo at itim. Agad ko itong kinuha at nagpasyang bayaran na.
Halos tatlong oras din kami sa SM Aura bago nagpasyang umalis na. If I am not mistaken, Del Valle Group of Companies main office, where Krypton and his brothers are working is not far from here so I decided to call him.
It didn’t take too long and he finally answered my call.
“Hey…” his husky voice sent shivers down my spine.
“Uhm, nandito kami ni Jarah sa Aura, saan ka?”
“Office, baby. Are you done buying your stuffs?”
“O-Oo.”
“Great. Give me five minutes, baby. I’ll just fetch you.”
Hindi na ako sumagot. Pinutol ko na ang linya at nagpasyang hintayin na lang siya.
“Susunduin ka niya?” tanong ni Jarah.
“Oo, sumabay ka na sa amin.” Umiling naman siya.
“Hindi na, mauuna na ako.” Akmang maglalakad na palayo si Jarah pero hinigit ko siya sa braso.
“Jaruray, sumabay ka na. Madadaanan naman namin ang bahay niyo kasi uuwi kami sa kanila ngayon.” Ngumisi si Jarah at tumango na lang.
Ilang sandali lang ay nakita ko na ang isa sa mga sasakyan ni Krypton. Hindi ito ang sasakyan na gamit niya kanina. Gayunpaman, nagsusumigaw pa rin ito ng karangyaan.
Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pintuan, sumakay na ako sa front seat, at si Jarah sa back seat.
“H-Hi po, Kuya Krypton.” Nahihiyang saad ni Jarah kaya napahalakhak si Krypton.
“What’s so funny about it?” I asked with my brow furrowed.
“Nah, it’s just that… I find it quite weird when she calls me kuya. I mean, you’re on the same age, and you’re my girlfriend. Imagine? My girl friend’s best friend just called me kuya.” Napailing na lang ako nang humalakhak ulit siya.
“I don’t get your point, Del Valle. Obviously, it’s non-sense. And mind you, I am not your girlfriend.”
“Right. You’re not my girlfriend, you’re my wife.” Si Jarah naman ang humalakhak sa sinabi ni Krypton.
“Jaruray!” Giit ko nang pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko.
“Jaruray?” tanong ni Krypton, “what a nice nickname you have, Jarah.”
“Naku, ewan ko ba diyan sa ‘wife’ mo. Kung ano-ano ang itinatawag sa akin.” Binigyang diin ni Jarah ang ‘wife’ kaya napailing na lang ako.
Nagpatuloy lang sila sa k’wentuhan. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay nina Jarah, humalik sa pisngi ko si Jarah bago siya bumaba ng sasakyan at nagpaalam na.
Nang mapaandar na ulit ni Krypton ang sasakyan ay inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa binti ko, marahan niya pa itong pinisl kaya napasinghap ako.
“I miss you.” He said all of a sudden. Saglit ko lang siyang tinignan at tumingin na sa labas, hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko. “How’s your day?” he asked, trying to open up a conversation.
“Ayos lang.” sagot ko naman, “Oo nga pala, nakita ko si Moira kanina.” Saad ko, gusto kong tignan ang magiging reaksiyon niya.
“Moira? Who’s that?” kunot-noong tanong niya.
“Wow, Del Valle. Sa sobrang dami ng naging babae mo, halos hindi mo na maalala ang pangalan ng iba. Si Moira Sebastian.”
“Stop being sarcastic now, woman. And mind you, ikaw lang ang babae ko.”
“In all fairness, mas gumanda siya.” Sagot ko, binabalewala ang sinabi niya.
“And so?”
“I mean, you two can make a perfect match. Bagay kayo. Isa siya sa mga professor sa university. Kung hindi lang ako nakealam dati siguro… hanggang ngayon kayo pa rin. Why don’t you try to court her again? Tutal naman iyon ang plano mo dati hindi ba—” halos mapatili ako nang bigla niyang sipain ang preno ng sasakyan.
Blanko ang mga mata na tumingin siya sa akin kaya napalunok ako.
“What?” mahina ngunit mariin na tanong niya.
“Na ako ang may kasalanan kung bakit hindi natu—”
“I don’t freaking care what you did in the past, Denise. I’m asking if what you just asked me to do!”
“Court her.” Mahinang sagot ko at agad na nagiwas ng tingin.
“Do you really want me to do that?” napalunok ako.
Iyon nga ba talaga ang gusto kong gawin niya? Hindi. Kaya ko bang tanggapin? Hindi. Pakiramdam ko ay may kung ano ang nagbara salalamunan ko.
“Yes.”
“God, Denise. I can’t believe you just said that. Ganyan ba talaga kadali sa ‘yo ang itapon ako? Wala bang halaga sa ‘yo ang lahat ng ginagawa ko para lang mapatunayan sa ‘yo na mahal kita? Denise… I don’t know if what’s holding you back from your emotions. I know that you love me, Denise. I am not numb and dumb not to feel it. I just can’t understand why you keep on denying it.”
“So please, Denise. Don’t ever ask me to court another woman because trust me, that won’t work on me. It’s you that I want to share my whole life with, and if my efforts were not still enough for you, just wait, Denise. I’ll do everything. I may be bad at everything, but I’m true to my words.”
I guess... I just lost my mind to think properly. God, Del Valle. You’re driving the hell out of me crazy.