Chapter Two

1313 Words
KASALUKUYAN akong nakatingin sa kawalan, nagiisip ng hindi ko alam at walang interes na nakikinig sa mga k’wento ni Jarah, ang kaisa-isang kaibigan ko simula no’ng tumutuntong ako ng kolehiyo. Nasa cafeteria kami ng unibersidad na pinapasukan namin at ikinu-k’wento niya na naman ang mga iniidolo niyang koryano at ang mga palabas nila. “Tapos besh, hinalikan na ni Heo Joon Jae si Shim Cheong kasi ayaw niyang mag-isip ito ng kung ano-ano. Besh! Ang swerte ng sirenang iyon, ang gwapo-gwapo ng boylet niya!” Tili pa ni Jarah. “Jarah wala akong pakealam sa mga koryanong ‘yan. Eh kung inaral mo na lang ang mga lessons natin kesa nagpupuyat ka sa wala?” iritadong sagot ko at tumingin ulit sa kawalan. “Ang boring ng buhay mo! Subukan mo kayang manuod ng mga K-Drama at nang magkalakas loob kang sabihin kay Krypton na—” bago pa niya maituloy ang sasabihin niya ay tinakpan ko na ang bibig niya at sinamaan siya ng tingin. Tumingin ako sa paligid para masiguradong walang nakakarinig sa amin. “Jaruray! Gaga ka ba talaga? Tumahimik ka na nga.” Ngumuso siya at hindi na lang nagsalita. Jarah knows almost everything about me. When I need someone to talk to, I can always count on her. Kaya kahit na madalas ay nakakairita siya ay hindi ko siya basta-basta maitapon. “Pero seryoso, bakit ba kasi hindi mo na lang sabihin sa kanya na mahal mo talaga siya para matapos na ang araw-araw na pag-i-emo mo? Halata naman na seryoso siya sa ‘yo. Para naman magkaroon ka na ng happy ending.” “What if everything’s just part of his plan? Don’t get deceived by an angel’s action, Jaruray. Paano kapag sinabi ko sa kanya? Oo, happy ending, pero para sa kanya lang.” “Anong gusto mong sabihin? Na hanggang sa huli ay ganito na lang ang set-up niyo?” bumuntong hininga ako at nagkibit ng balikat. “Hahayaan ko siyang magsawa. Kapag dumating ang araw na napagod na siya at gusto na niyang tumigil… hahayaan ko siya.” Umiling si Jarah at ipinaikot ang mga mata. “Grabe ang drama niyo. Nag-chukchakan na kayo’t lahat, pabebe parin kayo.” Hindi na ako sumagot. Ilang sandali ding namayani sa amin ang katahimikan bago na naman siya nagsimulang magsalita at mag-k’wento tungkol sa mga kinababaliwan niyang koryano. “Pero alam mo besh, inis na inis ako sa role ng tatay ni Joon Jae. Nakakabanas. Napakabuting asawa naman ng Mama ni Joon Jae pero ipinagpalit pa niya. Anong klaseng tao siya? Dahil din sa kanya kaya nasira ang pamilya nila e.” kunot-noo akong tumingin kay Jarah. “Bakit niya ipinagpalit?” tanong ko. “Hindi ko alam… English kasi ang subtitle besh kaya hindi ko masyadong maintindihan. Siguro nabulag siya ng… alam mo na. Boys will always be boys.” “Sa lahat ng ikinuwento mo, ‘yan ang nagustuhan ko. See? Even perfect things can be ruin by faith. Hindi por que perpekto na, mananatiling perpekto ito hanggang sa huli.” “Alam mo ang bitter—” naputol sa pagsasalita si Jarah nang may lumapit sa aming dalawang babae. Hindi ko alam ang pangalan nila pero alam ko na kaklase ko sila sa hindi ko rin matandaang subject. “Ikaw si Denise, hindi ba?” nakangiting tanong no’ng isa. Marahan naman akong tumango. “Bakit?” tanong ko. “Ah, may naghihintay sa ‘yo sa labas. Boyfriend mo raw.” Kumunot ulit ang noo ko at tumingin kay Jarah na ngayon ay malawak ang ngiti. “Gora na besh!” saad naman ni Jarah. “Boyfriend mo pala si Krypton Del Valle?” nagtataka akong tumingin sa babaeng naka-salamin. “Kilala mo siya?” tanong ko ulit. “N-Nakita ko lang sa magazine. Iyong hottest bachelors of the year? Ang swerte mo naman.” Bumuntong hininga ako at agad na inilagay sa loob ng shoulder bag ko ang mga gamit ko. “Salamat.” Saad ko bago ako tumayo at naglakad na palayo para puntahan si Krypton. Pagkalabas ko ng unibersidad ay naabutan ko siyang nakasandal sa kanyang Audi Ultra, may mga estudyanteng nakatingin sa kanya, ang ibang mga babae at binabae ay halos magtilian na, ang ilan naman sa mga kalalakihan ay naguusap tungkol sa sasakyan niya. Ngumiti agad siya nang makita akong lumabas ng main gate. Mas lalong lumakas ang bulungan nang lumapit na ako sa kanya. “Hey…” saad niya. Bahagya akong nagulat nang sinalubong niya ako ng yakap at halik sa pisngi. Mas lalo namang lumakas ang bulong-bulungan dahil sa ginawa niya. “What are you doing here?” “I just want to see you. How about a dinner date with my family? Mom told me that she already missed you.” “Sige. Pero mag-mo-mall kami ni Jarah mamaya.” “It’s okay, baby. I’ll just fetch you later, okay?” tumango ako at hindi na nagsalita. I was taken aback when he planted a soft and swift but sweet kiss on my lips. He smirked as he finally realized how shocked I was. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay dito, “Go shopping, use my card.” Bulong niya at hinalikan ulit niya ako sa labi. “I’ll see you later, baby. I love you.” Saad niya at pumasok na sa loob ng kotse niya. Napailing na lang ako at magsisimula na sanang maglakad pabalik sa p’westo ni Jarah pero nakita ko siyang nakatingin din sa akin, malawak ang ngisi niya. Hindi ko na lang pinansin ang mga nakatingin sa akin at nilapitan ko na siya. “Anong sabi niya?” umiling ako at kumapit na lang sa braso niya. “Wala. Inabot lang sa akin ang isa sa mga cards niya, magshopping daw ako.” Tumili si Jarah at niyugyog pa ako. “Ano ba, nahihilo ako sa ‘yo.” Saad ko at bahagya na ring natawa. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit biglang nag-iba ang mood ko nang makita at makausap na si Krypton. Kung kanina ay parang wala ako sa sarili ko, ngayon naman ay parang ayos na ako. “Denise?” nanrinig kong tawag mula sa likod ko. Lumingon naman ako agad, kasabay ni Jarah. Medyo nagulat ako nang makita si Moira, ang isa sa mga binalak ligawan ni Krypton noon na inaway ko. Nakasuot siya ng uniporme ng mga guro rito sa unibersidad. Hindi ako sumagot, tumingin lang ako sa kanya. “Ikaw nga,” nakangiting saad niya at agad na lumapit sa akin, “Hindi ako makapaniwala na magiging kayo pala ni Krypton, akala ko dati hanggang kapatid lang ang turing niya sa ‘yo. Anyways, everything in this world is unpredictable. Congratulations.” Nakangiting saad niya. I actually want to turn my b***h mode on but I can’t since I can’t find any touch of sarcasm in her voice. It’s as if, she’s trying to build a rapport. “Thank you.” Sa huli ay mahinahon kong sagot. She smiled genuinely and nodded slowly. “God, Denise. You grew up a lot. Parang dati lang inaway-away mo pa ako,” marahan siyang humalakhak “but look at you now? You’re so pretty. No wonder Krypton fell in love with you, I mean, it’s pretty obvious in a way he looks at you. And Denise, sorry if I slapped you way back. I hope… that we can be civil from now on?” ngumiti ako at marahang tumango. Lumapit siya sa akin at marahan akong hinaplos sa buhok. “You’re really pretty, Denise. I’ll go ahead.” Hanggang sa naglakad na siya palayo ay hindi ko na nagawa pang magsalita. She seems so sincere with everything that she just said. But something about her words caught me off guard… does Krypton really looks at me with… love in his eyes?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD