TAHIMIK LANG AKONG NAKIKINIG sa usapan nila habang kumakain kami. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, kung alam ko lang na kasama pala si Moira, sana ay gumawa na lang ako ng dahilan kay Krypton para hindi makasama. I hate this thing. I hate this pain inside my chest. I hate that I don’t have the guts to tell him how I feel. I hate that I can do nothing anymore. Binilisan ko ang pagkain para kung sakali ay mauna na ako sa kanila. Ilang sandali lang ay natapos na ako. Pareho nila akong tinignan na may halong pagtataka dahil hindi pa nila nakakalahati ang nasa plato nila. “Wow.” Hindi makapaniwalang saad ni Moira. “Sorry, gutom kasi talaga ako. Atsaka may lakad pa kami ni Jarah, mauna na ako ha?” Hindi ko na sila hinintay na sumagot. Tumayo na ako agad at tuloy-tuloy na lumabas