NAGISING AKO KINABUKASAN nang maramdaman ang mga marahang halik sa leeg ko. Pagkabukas ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang nakangiting si Krypton. “Good morning, sleepyhead.” He whispered erotically. I took a glance at the wall clock and saw that it was already past eight. “s**t!” I uttered in disbelief. Alas nueve ang pasok ko kaya nagmadali akong tumakbo sa banyo para makaligo na. Pagkatapos ay agad akong nagbihis at nagmamadaling lumabas sa kwarto. Naabutan ko si Krypton na inihahanda ang almusal sa mesa. “Let’s eat? I cooked for you.” May bakas ng pagmamalaki sa boses niya. Gayunpaman ay umiling ako sa pag-anyaya niya. “Male-late na ako. Sorry.” Saad ko at agad na tumakbo palabas. “Hey, wait!” Kumunot ang noo ko nang makitang sinabayan niya akong maglakad. He’s not wear