PAGKATAPOS KONG MAGLUTO ay inihain ko na ang pagkain sa mesa. Nilagyan ko ng kanin ang plato niya at ulam tapos ay nilagyan ko naman ang akin. “Damn, I will miss this.” Bulong niya. Sakto lang para marinig ko. “Moira will do these things for you in no time. Masarap iyon sa pakiramdam, kasama mo iyong taong mahal mo. Pinagsisilbihan ka at ang mga magiging anak niyo.” Nakangiting saad ko. I take back what I said. I am a hypocrite. I want him to do those things with me. Gusto ko na ako magsisilbi sa kanya at ako ang maging ina ng mga anak niya. “Gusto ko rin iyon. Iyong pakakasalan ko ang babaeng mahal ko. Iyong hahalikan ako bago matulog, yayakapin ako kapag pagod ako, sabay naming palalakihin ang mga magiging anak namin. Gustong-gusto ko iyon.” Nakangiting sagot niya. Nanikip na naman