PAGKABALIK namin ni Jarah sa bahay nila ay agad kaming pumunta sa k’warto niya. Pinagpahinga muna niya ako ro’n dahil sa walang tigil na pag-tulo ng mga luha ko kaninang nasa Taxi pa kami. “Ang tanga-tanga mo kasi, eh kung sinabi mo na lang sa kanya na mahal mo siya? Malay mo naman seryoso talaga sa ‘yo iyong tao.” “Huli na ito, Jarah. Pagkatapos nito ay hindi na ako iiyak.” “Ewan ko sa ‘yo!” Lumapit sa akin si Jarah at niyakap niya ako ng mahigpit. Nanatili kami sa loob ng kwarto niya hanggang sa mag-gabi na. Nang wala ng bakas ng luha ang mukha at mata ko ay nagpasya na rin akong umalis at umuwi sa condo ni Krypton. Pagkapasok ko ay agad kong pinagmasdan ang kabuuan ng silid. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako tatagal dito. Sa totoo lang ay hindi ko rin maintindihan ang sari