Chapter Nine
Out Of Line
(Bryce’s POV)
“Dafuq happened to Xander?” narinig kong inis na sigaw ni Zone.
I glanced back at the scoreboard habang naghahabol ng hininga. Lamang naman kami pero bakit pakiramdam ko parang natatalo ako? Kung nandito lang sana si Lex. Pakshet naman kasi. Sana sumama na lang ako sa campus catch para may nakakausap siya habang ginagawa kung anuman ang dapat niyang gawin do’n.
Mas gusto ko pang kasama si Lex kesa makita ang mga pagmumukha ng mga taong ‘to.
“Bryce! Pasa dito, libre si Finn!”
Agad na bumantay sa harapan ko ang nakangising-aso na si Navarro. Napabuntong hininga ako. Gago na nga ako, ginagago pa nila ako.
*FLASHBACK*
“Hey there, babe.” Nakangiti kong salubong sa kanya when she woke up and walked in to the kitchen. “How’s your sleep?”
Tumawa siya at umupo sa counter ng kitchen ko habang niluluto ko yung scrambled egg and brewing the coffee. God, I so love Lex being here. Dammit. Please Lord, ipa-realize n’yo naman sa kanyang masarap rin naman akong mahalin. Ang hirap-hirap na ng ganito eh. Siya ang gusto kong makasama pero pinagtutulakan naman ako sa iba.
I love Ana because she was the reason I didn’t felt alone when Lex left me. But I love Lex more than I can ever love someone. That’s the truth na nahihirapan akong tanggapin at itago. Ginagago ko na ang sarili ko makita ko lang siyang komportable at masaya. Gusto niya si Ana para sa’kin. Ang tanging pag-asa ko na lang eh ma-realize niya na mahal niya ako.
Tang ina. Sana mahal pa rin niya ako.
“Good. Ikaw?”
“Didn’t sleep.”
“Bakit?” @___@
Ngumiti ako then cornered her by placing either of my hands on the side of the counter na inuupuan niya. Nakangiti lang siya sa’kin, probably not anticipating anything. “I was watching you sleep the whole night.”
Tumawa na naman siya. “Nge? xD Di nga?” she probably saw I was serious when her eyes widened and her smile gone. Oh man, put it back, I love the smile. “Seryoso ka, Bryce? Hindi ka talaga natulog? Adik ka ba?”
Gusto ko sanang tumango at sabihing ‘Oo, adik na adik ako sa’yo kaya sana naman ma-adik ka na rin sa akin para wala na tayong problema’ but I obviously held it back. I’m pretty sure she’d be running for the hills anytime na sabihin ko ‘yon.
And that is something that I never want to happen. Marunong akong ma-kuntento. Ganito lang masaya na ako. Malaking bonus na kung may higit pa sa ganito ang mangyari.
“Seryoso. Minsan lang kitang makasama kaya nilulubos ko na.”
“Weh? Three times every week akong nag-s-sleepover sa condo mo tapos lagi kang nagsisinungaling kay Ana na may trabaho ka sa Emerald eh wala naman para lang masamahan mo’ko. Minsan pa ba ‘yon? Tsaka bad ‘yon. Kaya tuloy nawawalan siya ng interes sa’yo.”
I can barely concentrate with what she’s saying sa kakatitig ko sa mukha niya. Wala akong ideya how can someone looks as gorgeous as Lex is but simple and classy at the same damn time. O baka naman biased ako? Hanggang kailan ko kaya kakayanin ang torture bago ako bumigay?
“Bryce?” untag niya gamit ang tinig na kinababaliwan ko araw-araw, gabi-gabi.
Lex… hindi ba pwedeng bumalik ka na lang sa’kin? H’wag na si Vince. Sa’kin na lang please?
I sighed pagkatapos ay yumakap sa bewang niya. I rested my head against her soft side as I felt her hands rounding my head to brush my hair with her fingers. Damn. Please stop the time from moving. Please, someone, let me stay with her like this for a long long time until she realizes that we’re only for each other alone.
“Bryce?” she called, her voice only above a whisper.
“Mm?”
“May sasabihin ako. H’wag kang magagalit.”
s**t. Napatingin agad ako sa kanya, trying to hide the horror in my eyes but failing miserably. “What?”
Lex pursed her lips together in contemplation before bringing her hands to cup my face. “I uhm… I found out from Vince that Xander and Ana are seeing each other again behind your back. Probably everytime we go out together.”
Napakunot ako ng noo at pasikretong napabuntong hininga sa relief dahil hindi naman pala gano’n kabigat ang sasabihin niya gaya ng inaasahan ko. “Firstly, what the fvck? Secondly, may TRO si Navarro and third… why must you concern yourself?”
Nagkibit siya ng balikat. “It’s my dream before to see you happy with Ana. You know idol ko ‘yun eeeh. Kaya sobrang matutuwa ako kapag nagkabalikan kayo. Kung ako sa’yo, Bryce, ilalayo ko na siya dito. Kasi hindi naman siya makakalimot dito, makakasama lang sa sitwasyon niya ang manatili pa sa lugar kung saan maaalala niya araw-araw kung paano siya tinalikuran nung mga taong dapat eh nanatili sa kanya hanggang sa huli. Di ba sabi mo gusto niyang pumunta sa California? May unit ako do’n, kapag lumipat kayo sa California pwede kitang samahan.”
Katulad ni Lex, gusto ko ring isipin ang kalagayan ni Ana. Pero hindi ko mapigilang makunsensya. Hindi naman ako tanga, may pakiramdam rin naman ako na parang ginagamit lang ni Lex ang kagustuhan kong lagi siyang kasama para maging kami ni Ana ulit. Pero alam ko rin namang hindi niya gagawin ‘yon at lalong hindi niya alam na pwede niyang gawin ‘yon dahil hindi naman niya alam na baliw na baliw ako sa pagmamahal sa kanya.
Pero pa’no si Ana? May sarili siyang buhay. Alam kong gusto niya sa California pero masaya siya dito. Mahalaga siya sa akin dahil best friend ko siya. Kahit ano pa mang mangyari laging mananatili ang katotohanang best friend ko si Ana at mahalaga siya sa akin. Pero paano rin naman ako? Si Ana lang ang tanging dahilan kung bakit hindi ako iniiwan ni Lex.
Tangna… gusto ko nang sabihin. Pero hindi pa man, alam ko na kung anong mangyayari sa oras na umamin ako. s**t. I’m sorry…
“Kapag… kapag lumipat kami sa California, sasama ka sa’kin?” pagkumpirma ko sa huling sinabi niya kanina.
And there she nodded! “Sasama ako. Nangako ako sa’yong hindi kita iiwan hangga’t hindi mo sinasabing iwan kita di ba?” ^___^
Tumango ako saka yumakap sa kanya ng mahigpit. “We’ll migrate then. Ako nang bahala sa lahat.”
*FLASHBACK ENDS*
“Bryce, ipasa mo na! Hoy!” narinig kong sigaw ni Jc sa di kalayuan.
I am very fvcking aware that Ana might be here kaya ganyan makapagpakitang-gilas ‘yang si Navarro. I don’t even know when the hell did I start to hate this guy. I’m pretty cool with him being Ana’s boyfriend and all before. But right now, I just want to get this over and done with, rip him to pieces and go.
“Kung ako sa’yo ipapasa ko na ‘yan.”
“Kung ako sa’yo tatakbo na ako ng milya-milyang layo nang sa gano’n hindi ka maabutan ng galit ng mga Rayven dahil sisiguraduhin ko na sa oras na gumaling si Ana, maghihirap ka sampu ng angkan mo hanggang sa hindi mo na kayanin.”
His grin faded away and he proceeded to attack me. Inilayo ko ang hawak kong bola sa kanya but since alam naman ng lahat na may hindi ako maipaliwanag na galit sa taong ‘to, naitulak ko agad siya as he come close to me.
And the whistle goes up. “Foul! Number four!”
What? “I simply blocked him, what the fvck?”
“Tinulak mo siya, Soriano. Hindi depensa ang tulak. Navarro, one free throw.”
Dammit!
Basically, pinanood ko lang siyang magka-free throw dahil sa isang simpleng tulak. I’ve been told na pine-personal ko raw siya. I didn’t really care, I just wanted this to finish. But I never ever thought that the game would be finished that he got the most scores than I did.
What the fvcking hell is wrong with me?
Galit akong nagtungo sa locker room where no one would see me. But Jc followed, much to my fvcking dismay.
“What was that? Professional player ka naman ah, bakit kailangan mong personalin si Xander?”
“I hate that guy, I fvcking hate his guts!”
“Tol, bakit ba? Tsaka nanalo naman tayo, di ba dapat nagse-celebrate tayo?”
Inis ko siyang hinarap. “Nanalo? He scored the most points than I did! And to answer your question as to why I hate Xander, well siya lang naman ang pinaka-puno’t dulo ng lahat ng mga planong naiisip ni Lex! Kung hindi siya lapit ng lapit kay Ana hindi sana maiisip ni Lex ang mga gano’ng bagay! I fvcking hate that guy to death!”
“For crying out loud, Bryce, hindi ka aso! Stop following Lex around, she doesn’t call the shots!”
“YES SHE CALLS THE GODDAMN SHOTS, JC!” I yelled and I’m pretty surprise na walang nakarinig no’n at inakalang nagpapatayan na kami dito sa loob sa sobrang lakas ng sigaw na ‘yon at ang evident na panginginig ng boses ko sa galit. “She calls the shots and she doesn’t even know she does! She doesn’t know a lot of things and I prefer it that way if it means she wouldn’t think of leaving me again. Do you even know how bad it makes me freak out when I thought of how she would run for the hills once she knew I’m crazy about her? I love that girl more than I love anyone, hell I think I love her even more than how I love myself. I just… can’t bear it anymore if she’ll leave…”
Napaupo ako sa bench sa sobrang frustration. I simply heard Jc drew out a deep breath. “A-Anong plano mo ngayon? Ano bang balak n’yo ni Lex?”
Imbis na sagutin ‘yon, kinuha ko ang cell phone ko sa locker. I dialled Tita Eve’s number. Hindi rin nagtagal at nasagot ang tawag. “Yes hello, Eve speaking.”
“Tita, it’s me, Bryce. I just wanted to know if you could pack Ana’s clothes?”
“Bakit? Magba-bakasyon ba kayo?”
“Hindi po. Nakakuha na ako ng airflight ticket para bukas, we’ll fly to California tomorrow morning at nine. Wala na pong kailangang ayusin sa papeles dahil lahat po ng papers niya fresh pa because of the constant usage when she goes out of the country for tours.”
“Aw really? I’m so excited for that! Sige at ipag-e-empake ko siya. Better yet pumunta ka dito mamayang gabi para maipaalam mo sa kanya dahil I’m sure hindi niya pa alam ‘yan. Dito ka na rin mag-hapunan at matulog para handa na kayo bukas.”
Tumango ako ng tahimik na parang nakikita ako ni Tita Eve. After all the arrangements are settled, the call went off. Nakatingin lang sa’kin si Jc while I got ready to hop on the showers.
Minutes later, I was done. I throw on some random clothes at nagmadaling lumabas ng locker para magpunta sa ASUCC. Wala nang nagtaka nang makita nila ako sa pintuan nila. Sa araw-araw kong pagbisita dito mukhang hindi na nila alintana ang kung anumang namamagitan sa amin ni Lex dahil ayaw rin naman naming magpaliwanag. Normal na sa kanilang makita ako dito. Normal na rin sa akin ang pumunta dito sa kada oras na magiging libre ako, mapa-lunchbreak man o class break, it doesn’t matter, andito ako.
Nakita ko si Lex na may tina-type sa computer niya. As per usual, her back is on me. She was always like that. Kapag nagsusulat siya para siyang may sariling mundo. Weirdly for me, it’s one of those things that make her cute in my eyes.
“Hey…” I whispered in her ear as I enveloped my arms around her neck from behind.
Ngumiti siya and leaned back against me. “Hello there. Tapos na laban?”
Tumango lang ako bago humugot ng upuan sa tabi at naupo malapit sa rolling chair niya. I hugged her side and rested my head above her right shoulder, eventually kissing her cheek. I felt her tensed up. Kapag bumawi ako agad, she’ll probably suspect that it was something with malice. So I didn’t but I tightened my hold on her.
Goodness gracious, Lex. What the hell are you doing to me?
“Bryce? Okay ka lang? You look upset, natalo ba kayo?”
Umiling ako at ngumiti sa kanya—at least pinilit kong ngumiti. “Nanalo. Ayos lang ako.”
“Nagsisinungaling ka. Alam ko ‘yon, nagsisinungaling ka. Ano ba kasing nangyari? Tell me. Wipe off that boo-boo face, ang panget-panget mo.”
Napangiti ako dahil do’n. I can’t help but think of how she knows me so well like I do with her. Bakit kasi hindi na lang kami? Naman oh.
“Xander gets the most points than me, usually I did.” But that’s not the entire reason as to why I’m down, Lex. I hope you know. I hope I can tell you, I really hope.
“Awww. Poor baby.” Nakatawa niyang pang-asar na tinawanan ko rin. “Maybe wala ka lang sa mood? And if it makes you feel better, pagod ka from working your ass off kaya syempre wala ka sa kondisyon.”
“That doesn’t make me feel better, though I’m sure a kiss will do.”
Tumawa siya ng malakas. “Sige, pero pagkatapos ngingiti ka na ah?”
“Definitely.” (,~~)
She smiled then the next thing I knew, her soft lips made contact with my left cheek. Huminto ang t***k ng puso ko and I had that urge to just grab her and violate her lips as pleasurable as possible. But that wouldn’t make sense.
“Feel better?”
Ngumiti ako ng sobrang lapad bago tumango. “So much better.”
“Yan! Ang gwapoooo!” she squealed lightly na tinawanan ko.
This girl, she’s making me go crazy. “Really? Gwapo ako?”
Tumango-tango siya then she giggled. God, the sound of that. “Gwapo ka. And loveable. And if it makes you feel a whole lot better, macho ka rin tsaka malakas appeal.” xD
I hardly had enough time to consume my laughters kaya napatawa ako ng malakas. God, I haven’t laughed like this since lunch break. Parang ang tagal eh noh? Ah this girl. She makes everything just seem too right but too wrong at the same time.
I laughed some more before proceeding to lift her off of her chair and make her sit on my lap side ways. “I have something to tell you.”
“Uh-huh?”
“We’re migrating to California, flight is tomorrow. I was hoping you could follow the day after?” bumuntong hininga ako and then buried my face against her side. “Or I could stuff you inside my bag and bring you with me tomorrow.”
Narinig ko siyang tumawa. “The day after tomorrow sounds more convenient to me.”
“Are you sure?”
“Yes, Bryce, baliw. Susunod ako don’t worry.”
Tumango lang ako at nanatili sa gano’ng ayos. Nakuha niya sigurong gusto kong magtagal kami sa gano’n kaya nanahimik lang siya at hinayaan ako. Once in a while, she’ll trace circles on my back with her fingers. Nakayakap lang ako sa kanya. I wanted to cherish this moment.
Someone stop the time please…
xxxOxxx
I watched simply as Ana automatically dropped her school bag pagkakita niya sa mga bags na nasa living room kasama na yung akin. Everything’s ready. Siya na lang naman talaga ang hindi pa. Ako, kahit saan ako pumunta basta ando’n si Lex, wala na’kong pake.
“Akala ko ba when the semester ends pa? Bakit biglaan? Bakit bukas na? Isa pa hindi ako ready.” The horror in her voice was too evident. Tsk-tsk.
“At bakit hindi ka magiging ready?” counter ni Tita Eve na kasama ko sa living room. “Tinawagan ko na si Nera at sinabi ko‘ng kung gusto ka niyang ihatid sa airport bukas, maaga siyang pumunta or better yet pumunta siya ngayon para makapag-sleep over dito at magkasama kayo ng mas matagal.”
Nakita ko ang panic sa mga mata niya. Na-guilty ako bigla. A part of me screaming that I should stop this, just beg Lex to drop the whole Ana and me concept and make her love me at all cost. Pero ang isipin palang ang magiging itsura niya kapag ang lahat ng ‘yon eh sumabog, hindi ko na kaya. So I’ll stick to this.
“Sige na. Umakyat ka na sa kwarto mo.” Maya-maya eh sabi ng Mommy ni Ana. “Dinner will be ready in five minutes.” She then turned to me. “Bryce, dito ka na mag-hapunan.”
Hinintay kong mawala sa paningin namin si Ana na tumakbo papuntang hagdanan at naglabas ng cell phone niya para marahil ay magtawag ng makakausap niya bago ako nag-protesta. “Uhm… Tita… hindi na ho ako dito magha-hapunan. May kailangan ho akong puntahan eh.”
“Eh sa’n ka matutulog?”
“Sa bahay na lang po, kina Mama.” I lied. “Susunduin ko na lang si Ana bukas ng umaga.”
“Sige, hijo. Ingat ka.”
Tumango ako. “I’ll check on Ana first, Tita. Magpapaalam lang po.”
Tumango siya. That was my cue to go follow Ana to her room. May naririnig akong komosyon sa ibaba but I was too much in a hurry to tell Ana I’m going para usisain pa ‘yon. So nung makarating ako do’n, binuksan ko kaagad ang pintuan. I caught the last thing she said on her phone.
“I don‘t know! Basta pagdating ko ready na ang lahat. There. Even my clothes are packed!”
Sinarado ko ang pintuan, ang tunog niyon ang nakakuha ng atensyon niya pero ni hindi siya lumingon. “Excited ka’ng pumunta sa California, di ba? Oh bakit ganyan ang itsura mo?”
She turned and face me. Ni hindi nga siya nagpaalam sa kausap niya sa telepono, basta na lang niyang ibinaba iyon. “Since when did you become that evil, Bryce?”
She probably think that I was doing this dahil gusto ko siyang mailayo kay Xander. A part of that, yeah. But this is not all about her. Which just kind of eats me up because this entire thing is all about Lex. This is all about how far would I go to give her everything she wants.
I am even willing to be an evil for Lex. And that made me smirk. “Nagtanong ka pa. De simula nang bumait ka. You were this evil before, don‘t you know? And I was that good before.” lie. I was never good all my life.
Bumuka ang bibig niya para sumagot pero naudlot iyon sa pagpasok ni Luisa. She seemed to be dead worried about something when she glanced at me and then back to Ana. Di sadyang napatingin ako sa malaking bintana ni Ana sa kwarto. I could make out figures of people in there beating someone…
Bullshit.
I walked to that window as discreet as I can pagkatapos ay isinara iyon. Saktong nagsalita siya. “Ano ‘yon, Luisa?”
Tumingin sa akin si Luisa na tinitigan ko lang ng matalim. Bumaling siya kay Ana. “S-Si Sir Xander po kasi, Your Highness…”
Matalino si Ana. Alam niya kung anong nangyayari kaya naman tinabig niya ako at binuksan ang bintana. I watched guiltily habang pinapanood niyang mabugbog ng mga tauhan ng parents niya si Xander. I am against brutality and violence pero wala rin naman akong magagawa kung makikialam ako.
Desisyon ni Xander ‘yan eh.
Nagmadaling kumilos si Ana pero pinigilan ko siya agad. “H’wag ka nang makigulo kung gusto mo pa siyang mabuhay.” Because they’ll surely kill him kung makikita ng mga parents niyang nag-aalala pa rin siya sa taong ‘yon.
But I was more surprised nang maramdaman ko ang sting ng dumapong palad ni Ana sa mukha ko. “Sumusobra ka na. Hindi na ikaw ang Bryce na kilala ko. Lagi ka‘ng naka-suporta sa akin noon pero ano‘ng ginagawa mo ngayon?”
“You have to understand that I love you this much that‘s why I‘m doing this.” I lied. I keep lying and lying through my teeth. I am not doing this for her. I am doing this for Lex, I am doing this because I wanted so badly to make her happy.
“No! Love isn’t made to hurt. Love isn‘t selfish. Love isn‘t cruel. And unless it is generous and sacrificial, it wasn‘t love.”
Natigilan ako. Nilampasan niya ako pagkatapos ay lumabas ng kwarto.
In the end, Ana was right. My love for Lex wasn’t selfish to the point na kaya kong ipagdamot sa iba ang kaligayahang dapat na mapunta sa kanila dahil lang sa kagustuhan kong makasama siya. My love for Lex wasn’t cruel to the point na pinahihirapan ko ang iba dahil doon.
My love was generous and sacrificial enough. The only thing that makes it out of line is that… I’m too much of a coward to tell her I love her so damn much.