Chapter 5

1669 Words
  Treinta minutos nang naghihintay si Luis sa ibabalita ng doctor na tumitingin kay Simone nang makatanggap siya ng tawag. Pinalabas siya doon dahil kailangan raw matingnan ang pasyente.   “Kuya, napatawag ka?” Nagtatakang tanong ni Luis kay Santi, ang panganay sa kanilang magkakapatid.   [“Anong ginagawa mo sa ospital?”]   “Paano mo naman nalaman na nasa ospital ako?”   [“Nakita raw ni Dennis sa internet. Naka-tag ka raw, eh follower mo raw siya. Ayos ka lang ba? Anong nangyari?”] Napailing si Luis sa narinig. Hanggang sa Cavanah Valley ay umaabot ang mga ginagawa niya. No wonder ay maya’t-maya ang message sa kanya ng ina na maghinay-hinay sa lahat ng ginagawa.   “Kuya, you should limit Dennis’ time using your phone and tablets. Hindi healthy, ang bata pa niya wala pa nga siyang ten years old. Nakaka-bobo raw ‘yan. Sayang ang smart genes ni Van kung maapektuhan lang dahil sa ganyan.”   [“Kapag smart genes si Van kaagad? Pwede namang galing sa genes ko rin. Sige sa guwapo genes na lang ako.”] He smiled at his brother’s rant.   “Oo naman, magkamukha tayo, eh. To answer your question, I’m actually here with a...my...”] natigilan si Luis dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Friend ba o kakilala? Kung kakilala lang sisitahin siya ni Santino kung bakit kailangan pa niyang samahan ito. Kung friend naman ay magtatanong pa sila kung sinong friend at gaano ka-close na friend. Huli na nang ma-realize niyang mas maling desisyon na hindi siya kaagad nagsalita.   [“Girlfriend? May girlfriend ka na? Iyon talaga ang nakalagay sa post tungkol sa’yo. Mysterious girlfriend raw dahil ang picture na kuha ay nakatitig ka sa mukha ng babae. Though, blurred naman ang mukha niya.”]   “Anong post ba ‘yan? Sandali nga titingnan ko.”   [“I’m just confirming what I’ve seen. You paused when you were about to tell me who you’re with.”]   “Huwag ka ngang maingay! Baka may makarinig sa’yo maniwala pa sila na may girlfriend ako.” Pabulong niyang sagot habang nagpapalinga-linga pa kung may nakarinig ba sa pinag-uusapan nila kahit hindi naman naka-loud speaker.   [“Sige, tatawagan kita ulit mamaya. Text mo ‘ko kapag nakalabas na kayo ng GF mo sa ospital. Siguradong matutuwa si Mama.”] Bago pa man masaway ni Luis ang kapatid at mapagsabihang huwag sasabihin sa mama nila ay pinutol na nito ang tawag.   “s**t! Kung mamalasin nga naman.” He took his phone and checked his social media accounts. Doon nga kalat na kaagad ang mga larawang kuha ng kung sino mang stalker na walang magawang maganda sa buhay. Kakababa lang nila ng ambulansya noon at naghihintay habang inaayos ang higaan na lilipatan ni Simone sa may emergency room. He was holding her hand and looking at her face when the photo was taken. Hindi kita ang mukha ng babae ngunit kitang-kita si Luis. He looked at his watch and cursed. He still need to pack his bags for his flight. Ngunit paano si Simone kapag umalis siya? Hindi naman niya nakuha ang wallet nito para matingnan kung sino ang contact person in case of emergency. He didn’t even know her surname at nang tanungin siya ng mga nurse doon ay Simone lang ang nasabi niya. He felt like a fool for not asking her those crucial details before she lost consciousness.   “Sir, kayo po ba ang kasama ng pasyente?” Gusto mang sabihin ni Luis na hindi naman siguro siya pupunta ng ospital para mamasyal o mag-sight seeing lang ay hindi na niya ginawa.   “Oo. Kumusta na siya?”   “Surface wound lang ang tama niya sa ulo. We had to do some stitching para magsara ang sugat pero other than that wala nang problema. Ang sa likod naman ay nabugbog lang ng kaunti. She can leave after all the other tests are completed and when she’s fully awake. May pain meds at anesthesia pa siya.” Nakahinga ng maluwag si Luis nang marinig ang balita ng doktor.   “Can I see her now?” Tumango naman ang kausap kaya’t pumasok na muli si Luis sa ER sa may section kung nasaan si Simone. Pagkita niya ay natutulog pa rin ito. He took one of the monoblock chairs na nakahilera sa may gilid ng ER at naupo rito. He closed the curtains dahil baka may makakuha na naman ng litrato nila. Kung sino man ang nagpost ng picture sa internet ay nandoon pa ito sa ospital. Baka dumami pa ang Paparazzi photos nila.   “Dude, can I just fly out tomorrow before lunch? The shoot is around five pm right? I can still make it on time. I’ll just go directly to the venue once I land in Changi. Paki-rebook naman. Nasa hospital pa ‘ko hindi pa na-discharge ‘tong pasyente ko.” It was a rash decision on his part to call Levy, his manager and friend na hindi na siya sasabay papunta ng Singapore.   [“Sure thing Pare. Ipakilala mo ‘ko sa bago mong babae. Baka ‘yan na ang magpapatino sa’yo. You’re going soft, man! You’re rescheduling a flight to take care of some girl.”] Nabigla siya nang pumayag ito. May pabaon pa itong biro at paalala.   “Pati ba naman ikaw. Tsismis lang ‘yong nakita mo. O sige na, please call me with the flight details. Thanks.” When he ended the call, he looked at Simone’s sleeping form. Mukha itong anghel na bumaba sa lupa. Napaisip tuloy siya kung anghel nga ba ito? Bakit parang kaguluhan naman ang dala ng babaeng ito sa buhay niya? Una ang kotse niya, tapos ang flight niya papunta ng SG.  He dismissed the thought and closed his eyes. Ngunit kahit sa pagpikit niya ay naalala niya ang mukha ni Simone. Masama ito. Masamang masama. He stood up and went outside of the Emergency room. Naalala niyang nakasakay nga pala sila ng ambulansya pagpunta doon. They don’t have a car to bring them home once Simone is discharged from the hospital. He was about to call his other brother when his phone rang.   “Para kang may telepathic powers. Patawag pa nga lang ako sa’yo, eh.” He heard laughter at the end of the line. Mukhang naka-loud speaker siya.   [“Si Santi tumawag. Pinapapuntahan ka sa ospital. I haven’t even seen the pictures yet pero mukhang pinagpipiyestahan ka na naman ng mga fans mo. Kaya ka ba hindi nagpunta sa bahay? May ka-date ka? Pwede mo naman sabihin hindi naman kita sasawayin. Ang tanda mo na.”]   “Kalalaki ninyong tao ni Kuya ang tsismoso ninyo. Napag-usapan niyo na ako kaagad? Si Dom na lang ang kulang at trio na ang mga tsismoso.”   [“Si Dom malamang tatawag rin sa’yo kapag nalaman. Ano? Kailangan mo bang tulong? Sa ambulansya ka raw nakasakay sabi sa balita, eh. Ano ba nangyari? Na-aksidente ba habang nag-aano kayo?”] Natawa si Luis nang makarinig ng malakas na kalabog sa kabilang linya at ang pagsusumamo ni Darius sa asawa nitong si Shannon. Baka sinapok ni Shannon ang kapatid dahil sa sinabi.   “Ayan, loko ka. Nadali ka ni Shan. Ang bunganga mo kasi minsan walang preno. Nadulas sa banyo after niyang maligo tumama sa tiles ang ulo kaya nagdugo.” Nabigla rin siya sa sinabi at napamura nang natahimik ang mga kausap.   [“Iba ka, Bro. Pinapaligo mo pa talaga? Shan naman... O sige na nga, ginugulpi na ‘ko ng asawa ko. Text mo ‘ko kung susunduin kita at saan ba ‘yan. May tuturuan lang ako ng leksiyon dito. Namumuro ng kakahampas, eh.”] He heard laughter and squeal at ibinaba na niya kaagad ang tawag. Baka may kung ano pa siyang marinig na hindi dapat.   “Sir, you can’t keep using your phone here. Nakakistorbo po ng pasyente.” Sumilip ang isang nurse at nginitian lang ni Luis. Mukhang effective ang ngiti niya dahil nag-blush ang babae at ngumiti rin. “Pero pwede naman po siguro kung mahina lang kayo mag-usap.” Dugtong nito habang titig na titig sa kanya.   “Thanks. I’ll keep that in mind.” Ngumiti siyang muli with his signature smile na kayang magpalaglag ng panga at ng kahit ano pang may garter. When he was left alone, he took his phone and switched to camera mode. He made sure to remove the flash and shutter sound. He took a couple of pictures of the sleeping patient. He argued with himself but his documentation theory won over. Sa isip ni Luis, idinodocument lamang niya na binantayan at sinamahan niya si Simone sa ospital. Baka makalimutan ito ng babae kaya’t mabuti nang may pruweba siya.   He heard his stomach growl and realized he had not eaten dinner. Sana mapalabas na sila kaagad ng ospital para makapag-dinner na sila ni Simone. Malamang ay hindi pa rin ito kumakain.   Dinner? Dinner as in meal. He confirmed to his conscience. Mabuti nang nililinaw niya sa sarili niyang kakain lang sila ng sabay at hindi kung anong klaseng dinner. He sighed. Nababaliw na yata siya dahil lagi na lang siyang nakikipagtalo sa isipan. He is starting to be his old annoying self that always over analyzes things.   Luis looked at her gorgeous face and couldn’t help but smile. Sa ikina-peaceful at ikinaganda ng mukha nito ay parang hindi ito marunong sumigaw o mag-taray. Mukha siyang hindi makabasag-pinggan sa kahinhinan. Mabuti na lang at alam niya ang totoo. That this chick is dangerously hot, wild and most importantly, seem to resist his charms. Ang mga kombinasyon ng mga taong dapat niyang iwasan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD