“Pakisabi na lang kay Shannon pasensiya na hindi ako matutuloy. May flight ako ng maaga bukas papuntang Singapore. May pictorial kami para sa next F1 season. Kakatawag lang sa’kin. Mag-eempake pa ‘ko.” He was parking his car while talking to his brother on his hands free device.
[“Okay lang, Bro. Pagbalik mo na lang. Ingat ka. Tawag ka pagka-land mo ng SG.”]
“Sige, Tol. Salamat. Pakisabi sa kambal papasalubungan ko na lang sila ng mga kotse at eroplano pagbalik ko.”] Narinig niya ang excited na hiyawan sa kabilang linya. Naka-loudspeaker pala si Darius.
[“Ayan, narinig mo? Nagbubunyi ang mga inaanak mo.”] Napangiti si Luis. Nakakawala talaga ng pagod ang mga pamangkin niya.
“Oo nga, eh. O sige na, paakyat na ‘ko ng pad.” Pinutol na niya ang tawag bago pa ito mawalan ng signal sa elevator. Paglabas ni Luis ng 24th floor ay agad niyang sinusian ang unit. He smiled when he saw how neat and tidy his home is. Ito na yata ang pinakamalinis na nakita niya ang tirahan niya. Lahat ay nasa ayos. Maging ang mga throw pillow na asul na nakapatong sa beige na sofa ay pantay-pantay ang pagkakahanay. Ang mga magazine ay nakasalansan ng maayos. Maging ang mga lamesa, salamin, frames at mga abstract figurines ay walang kahit isang bahid ng alikabok. He went to the kitchen and drunk some water. He removed his shirt para mapreskuhan ang pakiramdam. Ilalaglag na sana niya ang t-shirt niya sa sahig nang makaramdam ito ng hiya. Nakakahiyang dumihan ang sahig gayong napakakintab nito. He took his shirt and went to his room. Pagpasok niya roon ay may narinig siyang kalabog. He froze in place. He was about to call the security nang mapansin ang isang maliit na bag sa may labas ng banyo. Nandito pa ang tagalinis? Naliligo? Naghintay siya ng ilang minuto para hintaying lumabas ito. He heard a soft groan as if the person at the other side of the door is in pain.
Luis slowly opened the bathroom door. He was not prepared for the scene in front of him. Hindi niya alam kung saan mas bumilis ang pagkabog ng dibdib niya. Sa nakahubad na babae bang nakahandusay sa sahig niya na kaunting angat na lang ng tuwalya ay kita na ang pinakatatago nitong sikreto, o ang dugo sa may ulunan ng babaeng ‘yon. O baka naman dahil ang tagalinis na ‘yon pala ay ang babaeng buong araw na niyang naiisip.
“Simone? What happened? Ayos ka lang?” Alam niyang katangahan na magtanong pero hindi siya nakapag-isip ng tama. He started to panic when he saw the blood at ang marahang pagpikit ni Simone. He had to ensure that she will remain awake.
“I can’t move. Masakit ang likod at ulo ko.” Her eyes were closed. Luis used his shirt to cushion her head. He used some pressure sa kung saan palagay niyang nanggaling ang dugo para mag-clot ito. Cursing at himself dahil sa panginginig ng kamay niya, he dialled the security team’s number para magpadala ng ambulansya. Kung siya lang ay bubuhatin na sana niya si Simone. Kaso ang sabi nito ay masakit ang likod niya. Kailangang mag-ingat dahil masyadong sensitibo ang spine. Maaring hindi na makakilos pa muli ang pasyente kung hindi ito maayos na nalapatan ng lunas pagdating sa p*******t ng likod, maging ng ulo kung nasaan ang utak ng tao.
“I called for help. Just stay with me. Don’t sleep. Sandali ikukuha kita ng damit.” He need to hurry dahil kailangan madamitan niya si Simone bago dumating ang ambulansya. She can’t be wheeled out of the condominium with her body exposed for everyone else to see. Tama nang si Luis na lang ang magsakripisyong makakita ng katawan nito. He moved quickly to get a button down shirt and boxers. Nagsuot na rin siya ng bagong tshirt. When he kneeled back beside her, he cursed silently dahil hindi niya mapigilang mapatitig sa mauumbok na dibdib nito. He scolded himself. It’s not the right time to feel the hots for the injured girl.
“Bibihisan kita. Don’t move. I’ll try to not move you as much as I can.”
“Pwede bang ‘wag ka tumingin?” He smirked when he saw her frown. Siguro kung hindi siya maputla ay baka namula na ito dahil sa hiya.
“Marami na ‘kong nakitang ganyan. Hindi na ‘yan bago sa’kin kung anong meron ka.” He saw a brief frown on her face. Magsasalita pa sana ito ngunit hindi na niya itinuloy. Luis carefully raised her arm one by one to insert the sleeves. Hindi niya muna inalis ang tuwalya. Paharap ang pagsusuot niya para matakpan ang dibdib. Hindi niya maaring iangat si Simone dahil masakit ang likod nito. After the shirt na hindi naman nakabutones, Luis slid the boxers to her long, soft and silky perfectly shaped legs. Butil butil ang pawis ni Luis matapos maisuot hanggang beywang ang shorts. When he’s done ay saka niya marahang ibinuka ang tuwalya. Nakaipit ang kalahati nito sa likod ni Simone .
“Help is almost here. Hold on. Kaya mo ‘yan. ‘Wag kang matutulog.”
“Am I in trouble?” He looked at her and saw her expression. She’s worried. Hindi alam ni Luis kung bakit parang naantig ang puso niya nang makita ang pag-aalala sa mukha ni Simone. He decided to be nicer dahil naaksidente naman ang babae.
“Bukod sa sugat mo sa ulo? You’re not in trouble. Just hold on.” She was starting to look paler. Mas diniinan pa ni Luis ang pagkapit sa ulo niyang may sugat. Sana ay surface wound lang ito, he whispered a prayer.
Ilang minuto pa ay may nag-buzz na sa pintuan niya. He ran to the door to let the medics in. Pagkapasok ng stretcher hanggang pagsakay sa ambulansya ay sumama si Luis. He felt obligated to go with her dahil sa unit niya ito nadisgrasya. He kept on telling himself that as he held her hand on the way to the hospital. He kept on saying over and over that he’s doing the right thing that anyone would do if in his place habang nakatitig sa matangos na ilong, mapulang mga labi, malantik na pilimata at makinis na magandang mukha ng babaeng tinutulungan niya. It’s his duty as a responsible human being, nothing more, nothing less. It was just his obligation to society na tumulong sa nangangailangan. And at that moment, Simone needs him.