Nang imulat ni Simone ang mga mata ay nagtaka pa ito kung nasaan siya. The white ceiling and smell of antiseptic made her feel nostalgic kaya’t pumikit siyang muli. She realized that she’s in the Emergency room.
“Hey. How are you feeling?” Napakapit siya sa gilid ng higaan nang marinig ang boses na iyon na akala niya noong una ay panaginip lang. Totoo pala?
Inisip ni Simone kung saan niya narinig ang tinig na iyon. Napamura siya sa isip nang maalalang ang taong may-ari ng kotseng nabangga niya ng bisikleta at ang may-ari ng unit na nilinisan niya ay iisa. Wala siyang nagawa kung hindi dahan-dahang ibukas ang talukap at mapatitig sa guwapong estrangherong naglalakad papalapit mula sa may gilid ng kurtina. Mukhang galing sa labas ng kurtina ang lalaking pinangalanan niyang Mr. Maniac. She was momentarily stunned to see his blue grey eyes nang medyo lumapit pa ito sa kanya. She blinked to break the trance.
“Parang manhid.”
Tumango ang lalaki at naupo sa silyang katabi ng higaan niya.
“The anesthesia will wear off in a while, sabi nila 3 am raw. I’ll call the nurse. May mga information pa na hindi ako masagot kanina dahil Simone lang ang alam ko.” Sumilip ang lalaki sa labas ng ER section nila para magtawag ng medical staff. She felt cornered at that moment. May takot na sumilay sa kanyang mga mata.
“Anong information? Bakit kailangan ng information?” Napatingin ang lalaki sa kanya at napakunot ang noo. Her voice was laced with panic and fear.
“Basic information lang naman like name, address, birthday, allergies sa gamot. Mga typical na tinatanong sa hospital forms.” She relaxed. Akala niya ay kung anong information na ang kailangan.
“Ah. Sige. Salamat nga pala sa pagtulong sa’kin. Ano nga palang pangalan mo?” Nabigla yata ito sa pagtatanong ni Simone. Napaawang ang bibig at napasandal pa sa inuupuang silya.
“Seriously? You don’t know who I am?” Tinaasan siya ng kilay ng lalaking kaharap at may pagtataka sa mukha nito.
“Itatanong ko ba kung alam ko? Sobrang sikat ka ba at may magandang naiaambag sa lipunan? Mayor ka ba o Senator o Presidente o someone na naka-cure ng Cancer para makilala kita?” She felt irritated kahit na alam niyang dapat ay maging mabait siya sa tagapaglitas niya kahit hambog ito at mukhang miyembro ng GGSS, mga guwapong guwapo sa sarili.
“Well, not really pero—“ Si Simone naman ay nagtaas ng kilay na parang hinahamon niya ang lalaki.
“I don’t watch TV, I don’t do social media. Text at call lang ang feature ng cellphone ko kaya’t kung isa ka sa mga artista o kung sino pa man na sikat, hindi nga kita kilala.” Napabulong ang lalaki ng mahinang pagmura ngunit hindi narinig ni Simone. Nang humarap itong muli sa kanya ay may kakaibang ngiti na ito sa labi.
“I’m Luis Armando. Nagulat lang ako na hindi mo ‘ko kilala. Model ako ng isang sikat na clothing brand at sapatos. Kung nagpupunta ka sa mall, makikita mo ang mga pictures ko na nakabalandra kung saan-saan. Formula 1 Race car driver din ako para sa Team Ferrari.” Her frown just got deeper when she heard who he is.
“Kaya pala hindi kita kakilala. I don’t go to the mall. Wala rin akong interes sa mga sasakyan o sa karera.” Nakaramdam ng pagkauhaw si Simone. Nagpalinga-linga siya para maghanap ng tubig.
“What do you need? I’ll get it for you.”
“Tubig sana. Salamat.” Ayaw sana niyang umasa sa lalaking ‘yon ngunit wala siyang ibang mautusan.
“Wait, bibili lang ako sa labas. Mabilis lang. Nandito na pala ang nurse. I’ll be back in a bit.” Tumayo na si Luis at ang pumalit naman sa pwesto nito ay ang nurse na tinanong ang complete details ni Simone. Ang nurse na rin ang nagsabi sa kanya ng nangyari. Inissuehan na rin siya ng mga gamot na kailangan niyang bilhin at inumin. Napabuntunghininga na lamang siya dahil dadagdag pa ito sa gastusin niya.
“Here is your water.” Iniabot sa kanya ni Luis ang tubig na inalisan na ng takip at may straw sa loob. Agad niya itong kinuha at marahang ininom. Nakapamulsa si Luis at sumandal sa may dingding sa kabilang gilid ng higaan. Napansin ni Simone na titig na titig sa lalaki ang nurse na kausap. Sabagay, hindi naman talaga maiiwasang mapatitig sa kanya. Kung mahilig lang sana si Simone sa guwapo ay mamamangha rin siya kay Luis. His prominent eyes may mamalantik na pilik mata, the pointed nose, mapulang labi na parang laging kinakagat, shape ng kilay at mukhang parang lalaking-lalaki at ang kutis niyang maputi at mamula-mula na makinis. Pakiramdam nga ni Simone ay mas flawless pa ang lalaking ito kaysa sa kanya.
“Nurse, what time can we leave? May appointment pa kasi ‘ko. It’s past three am. Baka pwedeng pa-check mo ulit siya sa doctor para malaman kung pwede na kaming umuwi?”
“Pwede mo naman akong iwan dito kung may pupuntahan ka pa. Masyado na akong abala sa’yo.” He silenced her by raising his finger on his lips. Ni hindi ito tumingin sa kanya. His eyes were trained on the nurse na mukhang na-mesmerize ng husto sa kanya.
“Sige po, Sir. Gagawan ko po ng paraan. Kailangan po kasi wala na ang epekto ng gamot.” His smile was slow and seductive. Pakiramdam ni Simone ay sinasadya ito ni Luis para mapapayag ang nurse sa gusto niyang mangyari. Pag-alis ng nurse ay naupo muli ang lalaki sa upuan. He just stared at her na parang nag-iisip ng susunod na sasabihin. Hindi niya nakayanan ang titig nito kaya’t pumikit na lamang siya.
“What were you doing in my bathroom?” Ito talaga ang hinihintay niya. Ang pagsita sa kanya kung bakit siya naligo sa pad na iyon.
“May allergies ako sa alikabok. Nagpantal ang katawan ko kaya nagshower ako sandali.”
“It figures. Kaya pala parang may mga pula-pula sa katawan mo.”
“Tinitigan mo pa? Injured na nga?” She was annoyed na nakita pa ni Luis ang mga pantal kahit na dumudugo na nga ang ulo niya.
“Katawan mo? Why not? It’s not everyday that I get to see some girl naked on my bathroom floor when I get home. Anyways, you were there in your naked glory waiting for me to look at you. Isa pa, wala naman akong choice. I had to check for other injuries.” Napaawang ang bibig ni Simone. Manyak nga ang lalaking ‘yon.
“Anong gusto mong sabihin? Na sinadya kong magpabagok ng ulo para lang mapansin mo?!” Nakakaramdam na ang katawan ni Simone. Naigagalaw na niya ang mga daliri at gusto niyang iangat ang kamay para sapakin ang lalaking hambog na kaharap. He looked amused while she felt very annoyed. Sa dami ng magliligtas sa kanya, ang hambog na lalaking iyon pa ang nakatapat niya.
“I didn’t say that. But having heard that made me think that it might be a possibility. Hindi kaya nagpapanggap ka lang na hindi mo ‘ko kilala?” Lumapit pa ito kay Simone at napaurong siya. Sumakit ang ulo sa bigla niyang pagkilos. She whimpered in pain at mabilis namang nawala ang yabang sa mga mata ng kausap. His arrogance was replaced with worry.
“Are you hurt? Wait, I’ll call the—“ Hindi pa natatapos ni Luis ang sasabihin ay may nurse na pumasok. She had a routine check na kasama ang patingin kung nawala na ang pamamanhid.
“Sir, pwede na po siya ma-discharge. Pa-settle na lang po ng bills sa cashier. Ito po ang slip. May mga gamot din na kailangang bilihin.” Inaabot ni Simone ang mga papel mula sa nurse ngunit mabilis itong kinuha ni Luis.
“I’ll take care of the hospital bill and your meds para mabilis. Nagmamadali ako. Just stay here. Nurse, pakitulungan na lang siya sa damit niya” Nang umalis ang lalaki ay tinulungan si Simone ng nurse na isuot ang isang dress na nakatupi sa may paanan ng kama. Ang button down shirt naman ang itiniklop ni Simone para iuwi. Walang underwear na kasama ang dress. She’s still wearing the boxer shorts na isinuot sa kanya ng binata sa banyo. She blushed when she remembered how his hands glided to her legs when he was dressing her up.
“Ma’am ang swerte mo sa boyfriend mo. Hindi siya umalis sa tabi mo at mukhang worried na worried siya kanina.” Intrigera ang nurse at feeling close pa sa kanya. Simone just smiled. Wala siyang balak i-correct ang maling pag-iisip ng babaeng kaharap.
“Come on, all set. Can you walk or do I have to carry you?” He smirked at her and she just rolled her eyes at him.
“Sige, just to humor you. Buhatin mo nga ‘ko papalabas.” Nabigla rin siya sa sinabi niya para asarin ang lalaki ngunit mas nagulat si Simone nang mabilis itong lumapit sa kaniya at pinangko siya. Para lang siyang isang magaang bagay sa pagbuhat sa kanya ni Luis.
“Sure thing, princesa.” He stared at her as he pressed her closer to his body and her heart skipped a beat. Epekto lang ito marahil ng gamot. Nang makalabas sila ng ospital ay may kotseng itim nang nakaparada sa harapan nito. He gently placed her in the passenger side and she had to close her eyes when he leaned over and buckled her in her seat. Iminulat lang niya ang mga mata nang umaandar na sila.
“Let’s have breakfast first. Gutom na ‘ko. I haven’t eaten since lunch time. Dinner sana kaso madaling araw na.”
“Sige. Pero yung gamit ko nasa unit mo pa. Mag-wiwithdraw sana ko para mabayaran kita.” Gusto mang tumanggi ni Simone ay ayaw naman niyang maging inggrata. Tinulungan siya ng tao kaya’t simpleng pagkain lang ng almusal, ipagkakait pa ba niya?
“Let’s discuss over breakfast. For now, sit back, hold on tight and enjoy the ride.”
Kahit madilim ay nakita ni Simone ang pagkindat nito sa kanya. Tama nga sinabi ni Luis. She had to hold on to her seat as they sped towards where he planned to take her.