Chapter 3

1248 Words
  "Hindi ako sigurado kung anong oras ako makakaalis dito." Inis niyang tugon sa cellphone.   ["Bakit? Sabi mo hanggang lunch ka lang diyan? Five pm na."   "May pinapagawa pa ang boss ko. Sige na, marami pa 'kong gagawin. Sabihin mo na lang kay Noah na sa second set na 'ko darating." Pinutol niya ang tawag at muling bumalik sa trabaho.   Akala ni Simone ay magiging madali lang ang gagawin niya. She merely did this job to help her friend's mother na nagkasakit. Malapit ang loob niya sa matanda kaya't nagboluntaryo na siya para tumulong. Mabuti na lang at may records siya sa agency at pwede siyang mag-sub sa trabaho.   "Ang daming maniac sa mundo. Ang malas ko at dalawang tao pa ang naka-engkuwentro ko! Nakakainis!" Habang ipinapagpag ang mga unan sa sofa ay ibinuhos niya rito ang inis. Kung hindi siguro matibay ang pagkakatahi rito ay sumabog na ang palaman at nakadagdag pa sa lilinisin niya.   Simone turned to the door when she heard the buzz from the intercom. Pagsilip niya ay nandoon ang security na inihatid ang ilang lalaki na magkakabit ng carpet. Noong bago magtanghali ay isang kutson naman ang dumating. Pinalitan nila ng bago ang basang mattress sa isa sa mga kwarto. Mukhang sanay na sanay ang mga tao roon sa pagpapalit-palit ng gamit. Malamang ay suki na nila ang may-ari ng pad.    "Ma'am saan po ang papalitan?" The two men were eyeing her like she was some delectable dessert. Four maniacs encounters in a day and counting. How could her day be any worse? Dahil hindi naman magpapadaig si Simone, she decided to make them squirm.   "Second door to the right. My fiancé's instruction is to replace the whole carpet with a new one. You can dispose of the old one. Hindi na raw niya kailangan." Nakita kaagad niya ang pagbabago sa mukha ng mga lalaki sa pagkarinig ng salitang fiancé. Napayuko ang mga ito. Akala ni Simone ay natakot sila dahil sa tinititigan nila ang mapapangasawa ng may-ari. Iyon pala ay hindi sila makapaniwala. Lalong nairita si Simone. Ano ang gustong palabasin ng mga ito? Mukha naman siyang disente at fiancee material, ah.   “Ma’am, congratulations po kung totoong mapapangasawa kayo ni Ser.” Nagkatinginan pa ang dalawa na parang nakakaloko.   “Close ba kayo? Bakit parang ang dami ninyong alam? Is there an inside joke that I ought to know about?” Umiling naman ang dalawa.   “Wala po, ma’am. Magsisimula na po kami at baka maabutan kami ni Ser. Masyadong mataas ang standards niya pagdating sa mga trabaho kaya’t kailangan pulido ang pagkakakabit namin. Overtime na nga po kami ngayon, isiningit lang po namin ito dahil loyal client namin siya.”   Loyal? Baka loyal dahil madalas siyang magpalinis at magpapalit ng carpet? Bakit kasi kailangang carpeted pa ang sahig na granite? Granite na nga pina-carpet pa. Standards? May standards siya kahit na nagkalat ang mga nakakasulasok na used rubber sa mga kwarto ng condo unit niya? Simone had to roll her eyes upon hearing those jokes on loyalty and standards. Mukhang iyon ang mga jokes na dapat nilang tawanan. She waved her hand at them to dismiss them so they could start their work. Siya naman ay ipinagpatuloy ang paglilinis. It was past seven pm when they left. She inspected their work and when she was satisfied with the quality ay saka niya lang pinirmahan ang invoice.   When she was all alone, napansin niya ang mga pantal sa braso niya at nagsimula na siyang mapakamot sa leeg. She’s having allergies. Ano kaya ang nakain niya para mag-pantal na naman? She thought that it was due to the dust and grimes that she had to clean. Medyo ginalingan kasi niyang masyado sa paglilinis. She made sure that everything is spotless clean. Simone looked at the digital clock and it was 10 minutes past seven. She still have less than an hour to leave. Hanggang alas-otso lang ang ibinigay sa kanyang oras ng pag-stay sa unit na iyon. She had to be quick kung gusto niyang makaalis ng nasa oras.   Simone took her small bag and decided to use one of the room’s bathroom to shower and change into her night job’s working clothes. May trabaho pa siya pagkagaling doon kaya’t kailangan niya rin talagang magpalit ng damit. She removed her shorts and shirt. Having no underwear, she cursed dahil naalala niyang white nga pala ang dala niyang pamalit na damit. Sa dami ng makakalimutan niya ay ang undergarments pa. She searched her bag for something else but she found none. Pinulot niya ang hinubad niyang damit at inamoy ito. Mabango pa rin naman ngunit dahil may allergies siya, siguradong hindi makakatulong kung iyon muli ang isusuot niya. Gabi naman na, naisip ni Simone na pwede na sigurong mag braless ng gabi. Napakamot na naman siya ng braso at leeg. Maging ang hita niya ay makati na rin.   “Great.” Bulong niya habang papasok ng shower. She opened the faucet and closed her eyes as the water cascaded to her body. The water was refreshing and relaxing bukod sa mainit-init pa ito. She looked around and saw the soap. She smiled when she realizes what kind of soap that was. Placenta papaya soap? Maitim siguro ang may-ari ng sabon para gumamit siya ng ganoon. Well, kahit maputi na si Simone, wala naman siyang choice kung hindi gamitin ito. Binanlawan niya muna ang sabon bago niya ito kinuskos at ginamit sa sariling katawan. For the shampoo, she had no other option but to use what is available at iyon ay amoy pang-lalaki. Cool waters ang amoy nito. Fresh with a tinge of citrus. She felt better after showering. Sumobra nga yata ang pagkakatapat niya sa tubig dahil nagtagal siya ng mahigit treinta minutos doon.   “Shit.” Napamura siya ng maalalang wala nga pala siyang dalang bimpo o kahit anong pamunas. She looked around and saw the bathroom closet sa may gilid ng pinto and hoped that there would be a spare towel for her to use. Luckily, there was and so she took it. Habang kumukuha ng tuwalya ay natabig niya ang isang massage oil na nalaglag sa sahig ng banyo. Nabasag ito kaya’t nagkalat ng langis. Using some tissue, she wiped the floor. May mga langis ding napunta sa katawan niya kaya’t pumasok siya muli ng bany para magsabon at magbanlaw. When she’s done, inabot niya ang tuwalyang puti at ibinalot sa katawan. Hair dripping and body still wet with water droplets from the shower, she opened the transparent shower closet and stepped outside to the marble floor. Dahil may parte pala ng sahig na hindi niya napunasan, she slipped. Hindi na siya nakasigaw o nakapagmura man lang bago siya bumagsak. Her head hit the base of the tiled shower enclosure. Matigas ito dahil gawa sa tiles. She cursed when she felt her head throb at nakaramdam siya ng pagkahilo. That was not the most event of the night because when she was trying to stand up, she couldn’t move and her back hurt like hell. Natakot si Simone na baka doon na siya mamatay, sa banyo ng isang lalaking hindi naman niya kakilala. Then the worst thing happened. The bathroom door opened and the condo unit owner saw her lying on the tiled floor, head throbbing, in deep pain and with just a tiny towel covering her naked body.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD