Dahil sa isang aksidente sa kahabaan ng C-5 palusot ng SLEX galing sa BGC kung saan siya nakatira ay siguradong mahuhuli na si Luis sa kanyang flight. Sa tantiya niya ay mahigit tatlong oras silang makikipagbuno kung tutuloy pa siya. “Fred, sana pala nag-EDSA na lang tayo.” “Boss, kung may forever dito, mas may forever sa EDSA. Dito umuusad naman sabi sa Waze.” Napailing si Luis at napaisip kung usad ba ang matatawag sa pag-galaw ng dalawang pulgada kada sampung minuto ng Sedan na sinasakyan nila. “Malapit pa naman sa BGC, hindi na lang ako pupunta ng airport. I’ll just ask Levy to book another pictorial for me. Iikot mo na lang pabalik kapag nakalusot ka sa traffic na ‘to. Lalakad na lang ako pauwi.” “Malayo ang lalakarin mo. Sigurado ka ba diyan, Boss?” “Hindi n