Nang papunta sila ng condo unit ni Luis, he was smirking while she was frowning all throughout the ride. Sinadya pa ng binata na pabilisin ang pagpapatakbo ng motor ni Simone para mapakapit ng husto at mapadikit siya sa likuran nito. She was fuming with anger when they got off from her bike. “Nananadya ka talaga! Sabi ko na nga na ako na ang mag-drive! You literally forced me to ride behind you! Then you drove like the real maniac that you are! Muntikan na ‘kong mahulog!” He just smiled at her and took her helmet matapos iparada sa parking area ng mga motorsiklo ang big bike ni Simone. “Ayaw mo kasing kumapit sa’kin! Nagmamadali talaga ‘ko dahil sa init.” She raised her eyebrows sa sunod nitong sinabi, “You’re hot, I mean it’s hot.” Umirap si Simone sa mga banat ng kaharap.