“Ladies and gentlemen, Philippine Maginhawa Airlines welcomes you to the City of Manila. The local time is 4:25 in the morning. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisles clear until we are parked at the gate. The Captain will then turn off the “Fasten Seat Belt” sign, indicating it is safe to stand. Please use caution when opening the overhead compartments and removing items, since articles may have shifted during flight.”
Isinuot niya ang shades na kanina ay nasa kanyang ulunan. Pagkatapos ay kinuha ang hand carry bag na dala ng marinig ang announcement ng isa sa mga flight attendant sa eroplano na kanyang sinakyan. Marami na sa mga pasahero ang tila naghanda na, lalo na ng tuluyang lumapag ang eroplano sa landing area ng Airport.
She’s excited. At last, Makikita na niya ang pamilya niya na naiwan sa Pilipinas. Sampung taon na kasi ang nakalipas simula ng huling punta niya rito. Ang hirap na maiwan ang kanyang trabaho kaya naman ay isang dekada siya bago naka-uwi.
Pagka-baba ng eroplano ay napangiti siya na nilanghap ang hangin. Na-miss niya rin ang amoy ng Pilipinas. Na mapaligiran ng mga kapwa Pilipino na laging nakangiti. Hindi nagmamadali, tila walang oras na hinahabol. Hindi katulad sa New York na bawat oras na pumapatak ay nakalaan sa pagtatrabaho. At ang mga tao ay laging nakatuon ang pansin sa mga cellular phones nila, upang magtrabaho pa rin. Nang umalis siya sa Airport doon, ay ganoon ang tagpo, ngunit dito ay iba.
Pagka-kuha niya ng kanyang luggage bag ay napansin niyang nakatingin ang isang lalaki sa kanya. Marahil ay nabighani ito sa kanyang kagandahan. Paanong hindi siya nito mapapansin lalo pa at napaka-ganda niya. Hindi lang ‘yon, talagang agaw pansin ang ka-sexyhan niya.
Suot ang isang signature black striped puff crop top, and long sleeve blouse na nakabuhol sa bandang dibdib niya. Ay, kita talaga ang hulma ng kanyang baywang. Hindi lang iyon dahil kita rin ang napakagandang cleavage at abs niya.
Pinaresan niya ang kanyang top ng white Levron skinny jeans, na talagang hubog na hubog ang bilugan niyang balakang at napakagandang mga binti. Naka dagdag rin sa kanyang posture ang signature na high heels na tila match pa sa mga luggage na kanyang dala.
Kung titignan ay mukha siyang isang modelo. O kaya naman ay isang artista, na agaw pansin lagi ang mga airport outfits, kagaya na lang nang nakikita niya sa social media. Hindi na siya magtataka kung mapag-ka-kamalan siyang isang artista ngayon.
Nginitian niya ang lalaki. Pagkatapos, kinuha na ang kanyang mga luggage na dala. Ramdam niya pa na sumunod ang tingin nito sa kanya, dahilan kaya mas lalong lumapad ang kanyang mga ngiti.
Hindi pa rin nagbabago, talagang tawag pansin pa rin ang kanyang kagandahan. Pakiramdam niya rin na dahil sa nagdaang mga taon na pamamalagi niya sa New York, ay mas lalo siyang gumanda.
“Tita Sugar!”
Napatingin siya sa paligid ng marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Hinahanap niya ang pinanggalingan ‘non. At hindi nagtagal ay nakita niya ang isa sa kanyang pamangkin na si Lele.
“Tita!” tawag pa nito sa kanya kaya naman ay lumapit siya.
“Wow! Le, ikaw na ba ‘yan? Ang laki mo na!” wika niya kay Lele at niyakap ito.
Madalas niyang nakaka-video call ang kanyang mga kamag-anak kaya naman ay kilala niya ang mga itsura ng mga ito. Lalo na si Lele na kamukha talaga ng kanyang kapatid.
“Oo nga po Tita. Ikaw rin po, ang ganda-ganda mo po lalo! Grabe, akala ko nga ay artista. Nagbubulungan mga nasa tabi ko kanina sabi nila artista, tapos pag tingin ko ikaw po pala,” sagot pa nito na talagang manghang-mangha sa kagandahan ng Tita Sugar niya.
Pinisil niya ang pisngi nito para pang-gi-gilan. Napangisi naman si Lele at yumakap sa kanya.
“Dahil diyan, may ibibigay ako sa’yo mamaya. Teka? Ikaw lang ba? Ang Mama Candy mo nasaan?” tanong niya pa sa pamangkin.
“Nasa bahay si Mama, bawal daw po kasi bumiyahe kasi makakasama sa baby,” sagot nito at nanlaki ang mata niya.
Noong nakaraan na nag-usap sila sa telepono ay galit na galit ito sa kanyang asawa. Ikinuwento nito ang dahilan kung bakit ito nakipaghiwalay. Kaya hindi niya inaasahan ang sinabi nito ngayon.
“Buntis na naman Mama mo?”
“Hehe, hindi pa pala nasabi ni Mama?, Mukhang sasabihin pa lang ata nila. Tita wag kang maingay na sinabi ko sa ‘yo ha?” nahihiya na sabi nito sa kan’ya.
“Haha! sige. Huwag kang mag-alala, kunwari hindi mo pa nabanggit. Pero, sino ang kasama mo ngayon?” tanong niya pa kay Lele bago hinawakan ang pisngi nito.
Naglakad na sila palabas habang tinulungan siya ni Lele na maghila ng mga luggage niya.
“Si Kuya Ken po.”
“Siya ang nag-drive?” tanong niya at tumango ang pamangkin.
Sakto ay narinig niya na tinawag siya nito kaya naman ay napalingon siya. Si Ken nga iyon. Isa sa mga pamangkin niya. Hindi niya inaasahan na binata na rin ito. Parang kailan lang, ngayon ay mas matangkad pa sa kanya.
“Tita Sugar,” bati ni Ken pagkatapos ay magmamano sana ngunit agad niyang hinawi ang kamay nito at niyakap.
“Sino nagsabi na mag-mano ka? Ganoon na ba ako katanda tignan ha?” sermon niya pa bago ginulo ang buhok nito.
Natawa naman si Ken, tila nahiya sa kan’ya.
“Tita, talaga! Maligayang pagbabalik po. Sakay na po kayo, ako na maglalagay ng mga maleta niyo.”
“Hindi ko alam na marunong ka na pala mag-drive?” tanong ni Sugar kay Ken.
Sumagot naman si Ken pagkatapos ay ngumiti. “Tinuruan po ako ni Papa.”
Pinag-buksan pa siya ng pinto ni Ken pagkatapos ay sumakay na sila.
“Mabuti na lang talaga at kayo lang ang sumundo sa akin ngayon. Akala ko talaga ay may isang barangay na sasalubong sa akin dito sa Airport. Kilala niyo naman ang Lola niyo, lalo pa at kapag nagkassundo sila niyan ni Candy,” wika ni Sugar at nagkatinginan ang mag-pinsan.
“Tita, sakto. Tumatawag po si Lola,” sinagot ni Lele ang tawag at itinapat ang cellphone sa kanyang tainga. “Hello, Lola? opo, kasama na namin ngayon si Tita. Sige po--- Tita kausapin ka daw po ni Lola.”
Kinuha niya ang cellphone nito upang kausapin ang kanyang ina.
“Hello, Ma?”
“Anak! Kamusta ang b’yahe?” tanong ng kanyang ina mula sa kabilang linya.
Natapos na rin na ilagay ni Ken ang mga bagahe niya kaya sumakay na rin ito, pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan.
“Ayos naman ang biyahe, Ma. Medyo hindi lang ako nakatulog sa eroplano, pero ito maganda pa rin naman ako.” aniya.
“Naku! Alam ko naman iyon. Kanino ka ba magmamana ng kagandahan, edi sa akin lang. Teka? Mga ilang oras ba bago kayo makakarating dito?”
“Kakain muna kami at mukhang nagugutom na rin itong mga pamangkin ko. Pero baka mga bandang 9 to 10 am siguro, Ma. Tapos dipende iyan sa traffic dito sa Maynila,” sagot niya sa ina.
“Sabi ko naman sa iyo ay ang flight na sana sa Pampanga ang kinuha mo. Para sana mas malapit. Edi mga isang oras lang sana ay narito na kayo,” wika pa ng kanyang ina mula sa kabilang linya.
“Eh, nandito na po ako sa Maynila. Bakit? Excited much ka na naman, Ma. Baka mamaya nag-imbita ka na naman? Kaunting salu-salo lang sabi ko.”
“Konti nga lang. Simple lang, nandito lang ang mga Tita mo. O sige na, ibababa ko na. Matulog ka sa byahe para naman makabawi ka,” wika ng kanyang ina kaya naman ay nagpaalam na rin siya.
Bago sila makapabas ng maynila ay kumain na muna sila sa isang fast food restaurant. Nakipag kwentuhan sa dalawang pamangkin niya at ‘di kalaunan ay nakatulog siya sa byahe.
Tatlong oras ata ang lumipas ng gisingin siya ni Lele at sinabing malapit na sila.
Nag-ayos siya ng kaunti. At mas lalong na-excite ng makita na nasa bandang kanto na sila ng kalye malapit sa bahay nila.
Ngunit iyon na lang ang kanyang pagtataka ng mapansin ang dami ng tao sa kalye na iyon.
“Makakapasok ba ang sasakyan? Parang sirado ang kalye oh. Bakit anong meron? Fiesta ba ngayon?” tanong niya kay Ken nang makakita ng malaking barikada sa may kanto.
Ang daming tao at mukhang may kasiyahan. Parang may pagtatanghal pa, mukhang may banda na tumutugtog kaya maraming tao na nasa labas.
“Makakapasok ‘yan Tita, ikaw pa ba?” sagot ni Ken, pagkatapos ay nag ka-ngitian sila ni Lele.
Kagaya ng sabi ng kanyang pamangkin ay nakapasok sila sa kalye. Binuksan ang barikada at gumilid ang mga tao. Nangingiti pa nga ang mga ito ng dumaan ang sasakyan. Ang ilan ay pilit na sinisilip ang loob ng sasakyan nila.
Ang tagpo ay tila may artista na dumating. Nagtaka siya, na-patanong sa sarili kung sila ba talaga ang hinihintay ng mga tao.
Nang makita niya ang isang mahabang mesa sa labas ng bahay nila. Ang banda ng drum and lyre na tumutugtog sa loob ng bakuran. At ang mga kamag-anak, lalong-lalo na ang kanyang Ina na nasa labas at mukhang sasalubong sa kanya. Ay doon na niya tuluyan na napagtanto na para sa kanya pala talaga ang ma ala fiestang salubong na ito.
“Diyos ko po! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kahit kailan talaga,” wika ni Sugar bago nagsuot ng Shades.
Natatawa naman si Lele at Ken kaya sinamaan niya ng tingin ang dalawa.
“Hindi n’yo sinabi sa akin na may paganito. Kailan pa kayo naging kakampi nila Mama?” tanong niya.
“Sorry, Tita. Malalagot kami kapag sinabi namin sa iyo.”
Si Lele ang sumagot.
Lumapit naman sa sasakyan ang Tito Jerry niya at iyon ang nagbukas ng Van.
“Welcome home, Iha.”
Bumaba siya pagkatapos ay nagmano rito. Sunod na sumalubong ang kanyang ina. Pati na rin ang kanyang mga Tiya.
“Welcome home, anak ko! Kamusta ang byahe ninyo?” giliw na giliw na sabi nito. Talagang nagagalak dahil sa wakas ay nagkita ulit sila.
“Ma,” wika niya pa pagkatapos ay pinangdilatan niya ang ina na yumakap sa kanya. Kakalas na sana ito ngunit bumulong siya saglit.
“Akala ko ba simple lang? Bakit may banda? Buong barangay ata ang inimbita mo,” aniya.
“Minsan lang naman. Hayaan mo na.” nangingiyak na sabi nito kaya naman ay muli niya itong niyakap. Ngayon naman ay mahigpit na mahigpit. Dahil talagang na-miss niya ng lubusan ang kanyang ina.
Mangiyak-ngiyak pa sila mag-ina. Tila sinulit ang ilang taon na hindi sila nagkita.
Pilit na lang s’yang ngumiti. Sunod kasi ay pinag-kumpulan na siya ng kanyang mga pamangkin at ‘di nagtagal ay naki-osyoso na rin ang kanilang mga kapitbahay.
Lahat ay nais masipat kung ano na nga ba ang kanyang itsura ngayon. Matapos ang ilang taon na pagtira sa New York.
“Welcome home, Sugar!” bati pa ng ilan sa mga bisita.
Naglalabasan ang mga chismosa sa paligid. Ramdam niya na lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya.
Naiilang siya, para kasing pinag-ti-tinginan siya simula ulo hanggang paa.
“Ang ganda na ni Sugar oh.”
Rinig niyang sabi ng isang kapitbahay. Mas lalo tuloy na lumapad ang kanyang mga ngiti. Taas noo na naglakad at binati ang ilan sa mga humarang na ngayon ay nangangamusta.
Napatingin naman siya sa ina na nakatingin pa rin sa van, Tila may hinihintay ito na bumaba.
“Ma, ano? Ano pa hinihintay mo?” tanong niya rito at nagtataka rin itong tinignan siya.
“Wala ka bang kasama?” tanong ng kanyang ina.
“Sila Ken at Lele. Sino pa ba?”
“Hindi sila. Ang ibig kong sabihin ay kasama na galing New York? Like.. kasintahan, o asawa?” tanong ng ina kaya napa-kunot ang noo niya.
“Anong sinasabi mo d’yan, Ma?”
Napatingin din siya sa mga tiyahin at tiyuhin na tila nakaabang.
“Diyos ko po, Mama! Don’t tell me ipinagkalat mo na may kasintahan ako na isasama?”
Napangiwi ang kanyang ina. “Wala ba? Akala ko isasama mo si Brandon.”
“Ma? 2 years na kaming hiwalay non. May asawa na nga yung tao.”
“Ay! Ganon ba? Akala ko nasulot mo.”
“Mama!” pinanlakihan niya ito ng mata.
Nag-peace sign na lang ito at napalingon sa mga kapatid pagkatapos ay sumenyas. Agad niyang nakita ang pagkadismaya sa mga mukha ng mga kaanak dahil wala siyang nadala na kasintahan sa kanyang pag-uwi.