Chapter 4

1827 Words
Pinunasan ng doctor ng bulak na may alcohol ang kanyang braso, pagkatapos ay itinurok doon ang injection na hawak nito. "Done ka na for your 1st shot ng booster, next week ang 2nd and extraction ng egg mo, so iwas muna sa pag-take ng any alcohol beverages o ang paninigarilyo." Bilin ng doktor kaya tumango si Sugar. Ngumiti siya at pinasalamatan ang doktor. "Salamat, Lyn."   "Walang anuman, Sugar. See you next week." Sagot naman ng kaniyang kaibigan bago ibinigay ang isang reseta.   Niriresetahan siya nito ng ilang vitamins na pwede niyang inumin para naman maging healthy lalo ang egg na i-e-extract sa kanya sa susunod na linggo. Sa paraang iyon kasi ay mas mataas ang succession rate na mabuo ang kaniyang egg kapag nakahanap na siya ng magiging ama ng baby niya. Hindi madali ang naging desisyon niya lalo pa at alam niyang katakot-takot ang makukuha niyang panghuhusga mula sa mga tao na nasa paligid niya. Lalo na sa mga mosang na Marites na tila mas affected pa sa pagiging single niya.   Lumabas siya ng clinic nito at naupo muna sa silya na nasa labas. Napatingin sa paligid niya. Wala pa si Candy, ito kasi ang kasama niya ngayon, para mag pa-check up din. Siguro ay hindi pa tapos ang check up nito sa kaniyang doktor.   Naghintay siya saglit hanggang sa may umupo sa tabi niya. Napatingin siya at napatingin rin ang lalaki. Pamilyar ito sa kaniya. Hindi na niya nais batiin pa sana ngunit naunahan na siya nito. Kapag minamalas ka nga naman. Ito pa lang ang lugar na pinuntahan niya bukod sa kaniyang bahay ngunit na-sorpresa na siya sa mga taong muli niyang nakita, makalipas ang matagal na panahon. "Sugar?" Tila hindi makapaniwala na sabi nito nang makita siya. Naiisip niya. Bakit patanong? Ganoon na ba talaga s'ya hindi nakikilala? Lalo na ng isang taong naging malapit sa kaniya?.   Kung sabagay, ay talagang gumanda siya ng higit pa, simula ng manirahan siya sa New York. Malayong malayo sa Sugar noong bago siya mapadpad doon. Kaya kahit kilala niya ang lalaking nasa harap niya ay magpapanggap na lang siya na hindi ito masyadong namumukhaan. Napakunot ang noo niya. Napangiti naman ang lalaki at ngumiti "Si Alwin, nakalimutan mo na?" sabi pa nito na tila may nais ipaalala sa kaniya.   Oo, Alwin kilala kita. Hinayupak ka eh.   "Alwin?" sagot ni Sugar. Kunyari ay hindi niya pa rin maalala.   Tumango ang lalaki at mas lalong napangiti. "Yes, ako nga. How are you?"   Mukhang wala na talaga siyang kawala pa. Kaya kahit pa ayaw na niyang kausapin ito, ay wala na siyang nagawa. "Hi! I'm doing good. You?" Tanong niya bago nakipag-beso rito.   Mas lalo lumapad ang mga ngiti nito. Ang totoo ay grabe ito makatitig sa kaniya. Medyo naiirita siya. Kung noon sana, ngunit ngayon? Nagbago na ang lahat.   Maraming nagbago, 10 taon rin ang lumipas simula ng huling makita niya ito. Nag-mature, at mas tumikas ang katawan nito. Gwapo pa rin ngunit may kakaiba sa mukha nito na hindi niya rin maipaliwanag. Ganoon daw 'yon kapag naka-move on ka na. Napapangitan ka na sa taon dati ay halos patay na patay ka. "Narinig ko ngang nakauwi ka na. Hindi ko inaasahan na makikita kita rito. Wait---Are you?" Napatingin ito sa pinto na nasa tapat kung saan siya lumabas kanina. "Umm, No." Nakangiti siyang umiling. "Sinamahan ko si Candy, yung sister ko, siya ang pregnant." Nanatili na nakangiti si Alwin. "Ahh... Ganoon ba?"   Tumango si Sugar. "Ikaw? Hindi ko rin ini-expect na makita ka rito,"   "Um.. I'm with my.." Napamulsa itong kumuko na tila umiwas ng tingin. "I'm with my wife." Mahinang sabi pa ni Alwin.   Ngunit kahit tila bulong lang iyon ay sapat na iyon upang marinig ni Sugar. Bakas sa kilos ni Alwin ang hiya at medyo pagkailang, marahil ay matapos ang mga nakalipas sa kanila ay hindi inaasahan na masasabi niya ang mga katagang iyon. Maski rin naman si Sugar ay naiilang. Sa isip niya, napakarami ang pwede niyang makita, ay ito pa talaga. Ganoon pa man ay hindi dapat siya magpahalata.   "Nice, are you two expecting?" tanong ni Sugar kay Alwin upang hindi ipahalata ang kaniyang pagka-ilang. "Titignan pa namin."   Napangiti na lamang si Sugar, dahil hindi rin naman niya alam ang kaniyang isasagot. Maari niya bang sabihin na, "Edi, Wow? Edi kayo na?"   "Ate, tara na," wika ni Candy na ngayon ay kakarating lang.   Nakahinga ng maluwag si Sugar ng makita ang kapatid at naglaho ang mga salita sa kaniyang utak na nais niyang sabihin sa taong kaharap niya. Mabuti na lang ay dumating na ito. Nagkatitigan pa nga sila saglit at binigyan siya ng makahulugang tingin nito.   Siniko niya si Candy at napatingin kay Alwin. "Sige, Alwin. Mauna na ako. Goodluck sa inyo ng asawa mo." Sumenyas si Alvin at ngumiti. "Sige, Sugar. Ingat kayo."   Pagkasabi non ni Alwin ay agad na tumalikod si Sugar kasama si Candy. Mabilis ang hakbang niya na tanggay ang kakambal hanggang sa makalayo sila. "Teka, teka nagmamadali ka naman. Sino ba iyon?" Wika ni Candy kaya nilakihan niya ito ng mata. "Hindi mo nakilala?" Hindi makapaniwala na tanong ni Sugar sa kakambal. Napakibit balikat si Candy at napalingon muli. Agad siyang pinigilan ni Sugar. "Huy! 'wag ka nang lumingon!" "Sino ba kasi iyon?" Nagtataka pang tanong ni Candy sa kanya.   "Si Alwin," simpleng sagot niya pero agad na nanlaki ang mata ng kapatid na tila agad na nakaalala. "Si, Alwin?! As in si Alwin?!" Hindi makapaniwala na tanong pa nito at nagsimula silang mag-lakad. "Siya nga, akala ko pa naman ay nakilala mo."   Umiling si Candy. "Medyo nagbago ang itsura niya, tumaba at medyo nagmukhang tatay na." Ngumisi ito. "Dad Bod," "Malamang tumatanda. Maski rin naman ako napakalayo na sa dating ako." Sagot ni Sugar sa kaniyang kapatid.   Umiling si Candy at pinakatitigan ang kapatid simula ulo hanggang paa. "Oo nagbago ka nga pero ang layo naman sa dating ikaw. Mas mukha kang bumata at napaka ganda ng balat mo. Kung titignan ay hindi ka mukhang nasa edad kwarenta na."   "39 pa lang, wala pa tayong 40. Baka nakakalimutan mo kambal tayo?"   Hinampas siya sa tagiliran ng kaniyang kapatid pagkatapos ay natawa. "Ganoon rin iyon, malapit na tayong mag-forty kaya isinama ko na sa bilang. Pero seryoso naman kasi, mukha kang bata. Ngayon nga parang ako ang ate mo eh." Puri ni Candy sa kaniya. "Magtigil ka nga diyan!" Ngumisi siya. "Pero dapat lang, sayang naman binabayad ko sa Dermatologist ko kung magmumukha rin akong si Sugar 10 years ago."   Pareho silang natawa sa mga sinabi nila. Hanggang sa nagsalita muli si Candy tungkol kay Alwin. "So ano? May magbabalik ba? Siya na ba ang magiging baby Daddy?" Siniko ni Sugar si Candy ng dahil sa tanong nito. "Huy! Huwag ka nga! May asawa na yung tao. Mamaya ma-issue ako." Natawa si Candy, "Ay! Showbiz?!"   "Sa dami ng Marites na nakapaligid sa bahay, naku! hindi malabo na maging issue talaga. Ayoko sa ganyan, kaya mabuti ng umiwas ano." Si Sugar ang nag-drive hanggang sa makauwi sila. Agad na bumungad naman ang kanilang Mama Zenny na kinamusta ang kanilang lakad ngayong araw. Ang Mama Zenny niya, na napaka-OA pa sa OA ang naging reaksyon ng malaman nito ang kundisyon niya. Agad itong dumeretso kay Sugar at agad na inalaman ang lagay nito. "Kamusta ka anak ko? Ano sabi ng doktor? Masakit ba ang ginawa sa iyo?" Napangiti siya bago nag-mano. "Wala pa Ma, Next week pa. Wag ka masyadong mag-alala sa akin. Si Candy ang tanungin mo lalo pa at may bata na ang tiyan niyan, ako ang wala." Napatingin ang Mama nila kay Candy na nakasandal lang sa gilid ng pintuan at sapu ang impis na tiyan. "Hay, Naku! Pang-ilan na niya iyan. Alam ko naman na makakaya niya iyan." Wika ng kanilang ina. Natawa naman si Candy na ngayon ay naguumpisa ng kumain ng biscuit na nasa may lamesa. Bumalik muli ang tingin ni Zenny kay Sugar.   "Ikaw anak kamusta? Talaga bang buo na ang desisyon mo sa gagawin mo? Haay... Hindi ko alam kung bakit kayo nagkaganyan. Parang napunta lahat kay Candy yung egg cell. Kaunti lang ang napunta sa iyo kaya ayan siya tignan mo, buntis na naman." "Ma! May asawa naman kasi ako. Si Ate Sugar wala, aba! Magulat ka kung wala iyang asawa o na-chukchakchenes tapos biglang nabuntis." Tirada ni Candy kaya napahaglapal ng tawa si Sugar. "The Virgin Marry ang dating ko 'non." Natatawang sabi pa ni Sugar bago nagtama ang kamay nila ni Candy. Ngunit kahit na anong biro nila ay hindi nawawala ang pag-aalala sa mukha ng kanilang Mama. "Magsitigil nga kayo, lagi niyo akong pinag-aalala. Aba! Kahit ba naman matatanda na kayo ay hindi niyo iyon maalis sa akin. Lalo ka na Sugar. Lagi kang wala sa tabi ko. Tapos ngayon naman biglang ganyan ang kalagayan mo?" Nilapitan ni Sugar ang kaniyang ina pagkatapos ay inakbayan. Kapwa sila na napa-upo sa may sopa na nasa gitna ng kanilang sala. "Nay, wala kang dapat ipag-alala. Alam ko nakakabigla, pero ganoon talaga. Lahat ng babae ay dadating sa menopause. Napapa-aga lang ang akin kaya kailangan ko na gumawa ng paraan para ma i-save ang egg ko at mabigyan pa kita ng apo na may blue eyes."   Lumapad ang ngiti ng ina nila sa sinabi ni Sugar. "Talaga bibigyan mo ako ng apo na may blue eyes?" "Hindi ko maipapangako pero sige, subukan ko." Sagot ni Sugar kaya napangiti ang ina. "Ate, kung ganoon ay hindi uumbra kung isang Pilipino rin gagawin mong ama ng anak mo." Sabi ni Candy bago inabutan siya ng biscuit.   Umiling si Sugar. "Oo, pero ngayon mahirap maging mapili. Lalo na at limitado na lang ang oras upang kayanin ko pa na mag-buntis. Basta bahala na!"   "Alukin mo na si Alwin. Malay mo pagbigyan ka niya. Hahaha! Mukhang iba ang tingin sa iyo kanina. Mukhang hindi pa nakaka-move on. Parang may balak. At least kung mag ka-ka-baby ka ay  galing pa rin sa first love mo." .. Muli na nanlaki ang mata ni Sugar sa kaniyang kapatid. Kahit kailan talaga ay pahamak ang bibig nito. Ngayon pa dumaldal, eh nandito ang Nanay nila. "Huy! Bunganga mo. May asawa na eh." "Nagkita kayo ni Alwin?" Tanong ni Zenny sa kanila. Tumanggi si Sugar at pinandilatan si Candy upang tigilin na rin ang pag sisita sa kaniya. "Anak alam mo ba? Ang sabi ay kahit 9 years ng kasal si Alwin ay wala pa rin silang maging anak ng asawa niya ngayon. Ang balita ay nay depirensya ang kaniyang asawa. Natahimik si Sugar. "Ah, ganoon ba, Ma? Eh nasa clinic sila kanina. Mukhang meron na." "Naku! Eh lagi naman nasa Clinic daw. Kasi ng desperada na ang babae. Ang sabi pa nga eh mukhang nagkakalabuan na, nakipag-hamunan na daw si Alwin ng hiwalayan." "Wow, Ma? Mosang ka na rin?" Biro ni Sugar sa kaniyang ina. "Huy! Hindi 'no? Narinig ko lang doon sa may parlor. Na-chismis sa akin lalo pa na alam nila doon na mag-ex kayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD