Nagising siya ng makaramdam ng pananakit ng kanyang pusunan. Halos magbutil-butil na rin ang pawis niya dahil sa matinding sakit na nararamdaman.
“Aray!”
Bago siya umalis ng New York ay nakakaramdam na siya ng pananakit sa kanyang puson. Madalas iniisip na lang niya na baka dulot iyon ng stress kaya s’ya nakakaramdam ng ganoon pananakit.
Naisip na niya rin pumunta sa OB. Ngunit dahil naghahabol siya ng ilang projects ay nawala iyon sa kanyang isipan.
Mas lalo siyang namilipit sa labis na sakit kaya naman sa mismong araw na ito ay naisipan niyang umalis at magpa-check up sa OB GYN Clinic ng kanyang naging ka-klase noon.
“Kamusta, Sugar?” tanong ni Lyn ng siya na ang pasyente na sinusuri nito.
“Napa-bisita ka? Are you expecting na ba? Who’s the lucky guy? Naku! I think foreigner ano?”
Umiling siya. “Hindi, wala akong boyfriend at hindi rin ako buntis. Nagpunta ako rito para magpa-check up lang. Medyo madalas na sumasakit kasi ang puson ko. Kanina medyo kakaiba ang sakit eh, halos mamilipit na ako.”
“Oh, I see. Nakapag pa-check up ka na before?” tanong nito pagkatapos ay kinuha ang medical clipboard niya. “Sa last na visit mo ano ang sabi ng OB mo?”
“Medyo irregular ako dati. Sabi rin ng doctor ko is stress kaya madalas sumakit ang puson ko noon. Nawala na iyong kirot actually, pero bumalik few months ago.”
Tumango ang doctor sa kanyang sinabi. “Sexually active ka ba?”
“Hindi naman wala naman akong boyfriend. Pero, nakakaranas naman kung minsan.”
“When is the last time you had s*x?”
“Umm.. 3 or 4 months ago, I think,” sagot niya sa doctor na tila inaalala kung kailan ang huli na nakipag one night stand siya.
Uso naman iyon sa New York. Lalo na sa kagaya niya na walang oras pumasok sa isang lovelife.
Saka sa edad niyang ito ay mahihiya pa ba siyang aminin iyon?
“Okay, I need you to take a pregnancy test.”
“There’s no way I'm pregnant, Lyn.”
Saka napakatagal na rin iyon. Paanong nbuntis siya, hindi ba?
Nginitian siya nito. “Maraming beses ko na rin narinig iyan. Pero makakapag pahinga ng 9 months. Haha, by the way. It’s a protocol just to make sure. Kailangan natin malaman kasi kung buntis ka and you are experiencing a abdominal pain, then it’s a bad sign.”
Para siyang kinabahan sa sinabi nito. Ganoon pa man ay agad niyang kinuha ang test kit at nagtungo sa banyo para kumuha ng kaunting ihi, pagkatapos ay ibinalik iyon sa doctor.
Habang hinihintay nila ang result ay parang dumoble ang kaba na nararamdaman niya. Kung ano-anong sitwasyon ang nasa isipan niya.
Paano kung buntis nga siya at hindi niya alam?. Kahit na sigurado siyang gumamit sila ng proteksyon ng amerikanong naka one night stand niya ay kung ano-anong sitwasyon ang iniisip niya na dahilan kaya maaring na-buntis nga siya.
Paano kung nabutas? O ‘di kaya nagbunga ang pre-c*m nito. Naalala niya kasi nang tanggalin nila ang condom ay hindi naka-pag-tiis ang lalaki at umisa pa. Pero hindi naman nito sa loob ipinutok.
Pero paano nga kung may naka-puslit at may na-buo?
Hindi naman masama, baka ito talaga ang destiny. Na ma-buntis siya sa isang one night stand ng hindi inaasahan. Hindi na rin siya magrereklamo at napaka gwapo ng lalaki na naka-talik niya ng gabing iyon. Blue eyes at blonde. Mukhang maibibigay na niya ang pangarap ng kanyang Mama na magkaroon ng apo sa kanya.
Tatanggapin niya ang baby, mamahalin niya ng buong-buo at ibibigay lahat ng kanyang makakaya para punan ang pangangailangan nito.
Hindi na siya makapaghintay na makita ang baby niya.
“You’re not pregnant.” wika ni Doc Lyn at ipinakita ang pregnancy test sa kanya.
Naglaho ang ngiti sa kanyang labi.
Kung kailan naman ready na siya ay agad naman binawi ang excitement niya na magkakaroon na siya ng baby na may blue eyes.
Pero hindi na rin masama, iniisip niya rin kasi na baka hindi pa siya handa at hindi alam ang kanyang gagawin kapag nand’yan na ang bata.
“Kailangan mong mag-undergo ng ultrasound para masilip ko ang loob ng matris mo. Pati na rin ang ovaries mo. Doon natin malalaman kung ano nga ba ang nangyayari para malaman natin ang kondisyon mo.”
Seryoso si Doc Lyn na pagtingin sa kanya. Hindi niya nga halos makausap at nakatigin lang sa monitor. Pagkatapos ng ultrasound ay may ginawa pa itong test na hindi niya maintindihan kung para saan. Pagkatapos ay pina-hintay muna siya nito.
“Sugar, I have to make a call just to make sure. I’ll be right back”
“She has to make a call, for what?” tanong niya iyan sa kanyang isipan na lumikha ng matinding takot talaga sa kanya.
May problema ba? May sakit ba siya? Hindi na niya alam.
Hindi nagtagal ay bumalik si Doc Lyn dala ang ilan sa mga documents.
“Sugar, I got the results. And I got a call from a friend din na Fertility doctor. And I’ve confirmed na yung mga nararanasan mo ngayon Base din sa na-declare mo sa sheet. Pati na rin ang ultrasound ay mayroong signs na you are now experiencing primary ovarian insufficiency or the early stage menopause.”
Ikinagimbal niya ang sinabi nito, inisip niya na sana nga ay buntis na lang siya.
“Menopause? I’m just 39 years old, Lyn. Paanong nag me-menopause na ako?”
“I know, lalo pa at mga late 50’s usually nangyayari ang menopause. But in your case is maaga ang menopausal mo since irregular ang menstruation mo.”
Napasapo siya sa bibig niya. Hindi niya alam kung iiyak siya o ano. Nabigla talaga siya.
Gusto pa niya magka-anak. Pangarap niya rin naman talaga iyon. Tapos ngayon ay malaman niya na nasa menopausal stage na siya. Hindi siya makapaniwala. Natutulala na lang siya at hindi alam ang sasabihin.
“Hindi na ba talaga ako magkaka-baby?” tanong niya.
“Nasa early stage ka. So chance pa rin if kung gugustuhin mong magka-baby na. Base dito sa test na ginawa ko is tinignan ko ang ovaries mo at makikita mo kung ilan pa ang active egg na mayroon ka.”
Ipinakita ng doctor ang papel sa kanya, tila ultrasound iyon ng dalawang ovaries niya.
“On your left ovary you have 1 healthy egg, and 1 unhealthy egg na not possible na maging baby. Look at the difference. While on your right ovary there are 2 healthy eggs and 1 unhealthy egg.”
“Anong ibig sabihin niyan doc? So may chance pa ‘no?”
“Yes, there is a chance. Kung titignan, you have 5 remaining eggs, minus 2 unhealthy so may 3 healthy eggs ka pa na may possibility na mabuo at maging baby. Ibig sabihin is 5 menstruation cycle ang mararanasan mo pa bago ka tuluyan na mag-menopause. So mabuti na lang rin at nagpa-check up ka.”
“5 remaining cycles, minus 2 na unhealthy. So doc parang 3 menstrual cycle ang pwedeng magdaan na posible na mag-concieve pa ako?”
Tumango ang doctor. "Actually you can have shots for you to produce more egg and be fertile. Marami kang choice na pwedeng gawin. 1st, pinakamadali is to conceive as early as or after ng upcoming menstruation mo. You can hire a fertility doctor to monitor you and your partner. In your case sabi mo wala kang partner so mas mahirap ‘yan. But you can consider sperm donor. It’s your choice naman kung wala talaga.”
Tila sumakit ang ulo niya sa sinabi nito. Kailangan na lang ba niyang mamikot? O parang ang interesting nung pangalawang choice niya.
“How much ba kapag sperm donor?”
“Sa Pilipinas medyo mahal. Pwede umabot ng 350,000 pesos up to a million kasama na ang cost ng process doon. Pero ang ilan sa mga pasyente ko is sa ibang bansa kumukuha ng sperm donor dahil mas mura. Usually nasa 100,000 to 500,000 pesos pataas siya kung icocompare mo r
ito.”
Mukhang mas makakamura kung sa ibang bansa ako maghahanap.
“But aside from sperm donation, you can freeze your egg.”
“Paano ‘yon?” aniya.
“Egg freezing might be an option if you're not ready to become pregnant now but want to try to make sure you can get pregnant in the future. In your case this is very advisable specially you don’t have a partner and you are now menopausing. Eggs harvested from your ovaries will be frozen unfertilized and stored for later use. So kapag gusto mo na at may partner ka na is, your frozen egg can be thawed, combined with your partner's sperm in a lab and implanted in your uterus via vitro fertilization.” wika ng doctor.
Hindi niya masyado maintindihan ang mga sinasabi nito. Ganoon pa man ay mas mukhang mas maganda ang huling mungkahi nito sa kaniya.
“Ayon pala doc pwede ba ganyan?”
“Yes, it’s your choice.”
“Masakit ba yan doc?” tanong niya rito.
Umiling ang doctor. “Hindi naman wala kang mararamdaman during extraction” sagot ng doctor pagkatapos ay ibinigay ang ilang papel sa kan’ya.
“How much naman doc?”
“Sa Pilipinas usually umaabot ng 120,000 pesos per egg. Plus 10,000 per yearly storage fee. But before extraction kailangan mong mag undergo ng ilang hormonal injection para mas malaki ang success rate niya once plano mo ng gamitin ang egg.”
“Doc paano kung combination, like plano kong mag conceive ng early pero gusto ko rin na i-freeze ang egg ko. Pwede ba ‘yon?”
“Much better.”
Sa sinabing iyon ng doctor ay mas naka-isip siya ng paraan. Mukhang kailangan niyang mag double time at lumandi na agad sa lalong madaling panahon.
This time, sinisigurado niya na may lalaki na talagang mananatili sa buhay niya.