Kulay Grey ang mata nito, itim at malinis tignan ang gupit na talagang napaka sinop ng pagkakaayos. Napaka-linis tignan. Matipuno ang pangangatawan at talagang gwapong gwapo sa suot nitong mamahaling suit. Tumayo ito kaya naman mas lalo niyang nakita kung gaano katangkad ito sa kaniya.
Napalunok siya ng mapagtanto na hanggang balikat lang siya nito. Kung titignan ay napakadali na masakop nito ang katawan niya.
Sinubukan niyang umatras ng isang hakbang dahil biglang uminit ang kaniyang pakiramdam. Ngunit nang gawin niya iyon ay hindi niya sinasadya na sumabit ang kaniyang takong sa rug ng sahig kaya kamuntikan na siyang matumba.
Mabuti na lamang ay nasalo siya ng lalaki.
"Hey, are you okay?" Tanong nito ngunit nabingi siya.
Bagkus ay ramdam niya ang mahahabang daliri nito na nakahawak sa baywang niya. Nakakapaso iyon.
Natuon ang kanyang tingin sa dibdib nito.. pababa sa may belt nito.. pababa pa hanggang sa bukol na tila natatago roon. Pakiramdam niya ay nanuyo ang kaniyang lalamunan ng nakita ang bakat dulot sa sikip ng pang-ibaba nito.
Sobrang bakat, pakiramdam niya ay nagkakasala siya sa simpleng pag-tingin lamang.
Nahilo siya kakaisip kung gaano ba kahaba, at kalapad. Nahilo siya kakaisip kung may pinasukan na ba ang bagay na iyon na nakalakad pa kinabukasan.
Nahilo siya kakaisip na tulog pa ang bagay na iyon at hindi pa galit sa lagay na iyon pero nakakatakot na.
"Hey, Miss?"
"Ang laki," mahinang wika niya at ng mapag-tanto ang kanyang sinabi ay agad siyang bumalik sa katinuan. Humiwalay siya mula sa pagkakahawak ng lalaki at nginitian ito.
"Sorry about that." Aniya bago inayos ang sarili. Ngumiti ang lalaki at nanatiling nakatitig sa kaniya. Inayos niya ang kanyang buhok at hinain ang kaniyang kamay.
"Let me introduce myself. I'm Sugar Perez, the OOIC of NYC Gold Architect Inc. But now, I will be representing GAI Philippines while we are waiting for the in-charge Project Manager for your company. It's my pleasure to finally meet you, Mr.Guevara," aniya ni Sugar.
Saglit na na-tahimik ang lalaki, ngunit hindi kalaunan ay tinanggap nito ang kamay niya.
Matamis na ngumiti ang lalaki kaya nakita niya ang maputi nitong mga ngipin.
"Hi, Ms. Sugar! Nice to meet you." Sagot nito sa kanya, ngunit imbis na makipag-kamay lang ay hinalikan nito ang palad niya.
Gusto niyang malusaw sa nakakapasong pakiramdam dulot ng pag-halik nito sa palad niya. Pakiramdam niya ay nang-hina bigla ang kaniyang tuhod.
Kung titignan ay ang katulad ng lalaking ito ang kanyang kahinaan. Kaya goodluck na lamang siya.
Kailangan niyang bumalik muli sa katinuan. Hindi siya maaring maging marupok. Baka makahalata ito.
Tipid siyang ngumiti at inagaw pabalik ang kanyang kamay.
"Umm, Nice to meet you too, Mr.Guevara,"
Ngumiti muli ang lalaki. "Just call me Alex, and I'm sorry for making you uncomfortable."
Sagot nito na nag pa-isip sa kaniya kung nahalata ba nito ang biglaang pagbabago ng kanyang pakiramdam, dulot ng biglang pagtaas ng temperatura sa buong silid. Hindi naman siguro nito alam na nakaramdam siya kanina ng biglang pag-lawa sa kanyang bulaklak ng magtama ang balat nila.
"No, It's okay."
Saglit itong ngumiti. Ito lang ang kanyang ginawa ngunit panibagong banta na naman ng pag-lawa sa kanyang ibaba ang kanyang naramdaman.
"Sit down. I just need to make a call. Then, we'll talk." Wika nito kaya tumango siya.
Napaupo si Sugar at pinagmasdan ang napaka-yummy na likuran ni Alex habang papunta ito sa isang sulok at may tinawagan.
Sakto ay may pumasok na waitress at nilagyan ng tubig ang baso niya.
Napahawak siya sa baso at dinala iyon sa kanyang bibig. Kung maari niya lang iyon ibuhos sa kanyang sarili ay ginawa na niya, maibsan lang ang init na nararamdaman niya. Ganoon pa man ay mukhang hindi rin kayang maibsan ng isang basong tubig ang nag-aalab at naglalawang pakiramdam lalo pa ng lumingon ito sa kaniya at muling ngumiti.
Walang sabi-sabi ay inisang lagok niya ang tubig ng wala pa ata limang segundo.
Pinahid niya ang kanyang labi at napatingin sa may salamin na nasa gilid. Tinignan kung maayos ba ang kaniyang itsura. Maganda pa rin naman siya at maayos pa ang pagkakakulot ng kanyang buhok.
"Sorry to keep you waiting." Wika nito ng siya ay makabalik na sa mesa.
Agad na ngumiti si Sugar at umiling. "It's okay, I can wait. It seems important so I don't mind at all."
"Nope, hindi ko dapat pinaghihintay ang isang babae." Sagot nito na ikinagulat niya.
"So you speak Tagalog?" aniya.
Tumango ang lalaki. "Of course, my mom is a Filipina. Kaya kailangan ko matuto. So where are we again?"
Agad niyang naalala ang presentation. Mabuti na rin at mag-present siya kaysa naman kung ano-ano ang pumapasok sa isipan niya. Baka magkasala siya lalo.
"Oh, Yes.." kinuha ni Sugar ang laptop sa kaniyang bag bago binuksan iyon sa harapan ni Alex.
"I'll be presenting the designs prepared by the team. It was the idea proposal from the features that your team sent to us."
Lumabas sa wide screen ang ilang disenyo na nasimulan na ng team. Lahat iyon ay maayos ng na-prepare ng Team GAI Philippines at ibinigay sa kanya ni Vivian kanina. "As you can see we have prepared some structure designs for the bar that you are planning to build here in the Philippines. We also have different categories depending on the preferred location."
Ipinakita ni Sugar ang mga magagandang disenyo na hindi nalalayo sa original na Bar na pagmamay-ari nito. Pinaganda lang ng Team at mas ginawang moderno. Ipinaliwag niya rin rito ang tungkol sa disenyo. "But if you want something different, and out of the box as you've said. You can consider these."
Lumitaw ang isang design "This is an ice bar where even the martini glass is carved out of ice. Stools are covered in caribou fur, and a fireplace keeps things cozy."
Hindi nag-react si Alex kaya inilipat niya. "This one is a mid century modern themed resort bar as did the Bar at Hearth ’61,. Patrons are treated to floor-to-ceiling windows and a very chic suspended fireplace, not to mention open-slat bucket chairs with pretty blue cushions."
Napatingin siya kay Alex na seryosong nakatitig sa mga design na nasa screen. Blanko ang mukha nito at wala man lang reaction. Ngayon ay kinakabahan na siya dahil baka wala talaga itong magustuhan.
Pero tiwala siya sa last design na kanyang ipapakita, hinuli niya talaga iyon dahil para sa kaniya ay iyon ang pinakamaganda.
"This is GAI's newest design, La Peer bar flaunts a lot of masculine black and gold decor, including the bar’s modern onyx pendant lighting."
Sa huling sinabi niya ay halatang hindi pa rin nakakatawag ng pansin kay Alex. At habang pa-blangko ng pa-blangko ang mukha nito ay mas lalo siyang nag-aalala.
Parang ni isa ay wala siyang nagustuhan kahit pa na napakaganda na lahat ng mga design na ipinakita niya.
"While this one is a funky bar-restaurant concept with rotating installations like Venice sculptures or hand-painted Asian baskets jutting out from the walls, plus fun wallpaper patterns." Wika niya at iyon ang huli sa mga design na ipapakita niya pero hindi pa rin ito nagsasalita.
Nang mag-end ang kaniyang presentation ay napangiti siya kay Alex. "What do you think?"
"All of these are designed by the Team, and none are yours?" Tanong ni Alex sa kaniya.
Tipid siyang ngumiti at tumango si Sugar habang nakatingin sa gwapong mukha nito. "Yes sir."
Umayos ng upo si Alex. "Okay, so wala d’yan ang gusto kong maging design ng bar na ipapatayo ko."
"Sir?" Hindi niya makapaniwalang sabi.
Mukhang totoo nga ang sinabi ni Vivian na pihikan ito. At mukhang totoo nga ang sinabi niya sa kanyang sarili na mahihirapan siya sa isang ito.
"Sir, how about the--"
"None of those designs ang gusto ko. I will not accept any of those. Kasi none of the designs that you presented are yours." diin nito.
Napanganga siya. So ano ba ang hanap nito? Ang gawa niya? "Sir, are you saying that you want to see my Designs?"
Tumango ito. "Exactly."
"Sir, pero ako lang ang representative for now. The project will be transferred to another Project Manager from GAI Philippines who will handle the Project," pagdadahilan ni Sugar na hindi tinanggap ni Alex.
"I want you to be the Project Manager for this Project, isa pa.. ikaw na ang nandito. Ayoko na ng ibang kausap pa." seryosong sabi nito bago uminom ng wine na nasa harapan nila.
Muling napaawang ang kaniyang bibig sa sinabi nito. Patay na! Mukhang wala na siyang kawala sa isang ito. Akala pa naman niya ay pansamantala lang ito. Mukhang mapapatagalan pa ang pag-hawak niya sa project ng gwapong lalaking ito.
Kung ganon ay nanganganib talaga na magka-sala siya.
"Do you have any designs?" Tanong ni Alex.
"Sorry sir, but I only have 1 design, Hindi pa siya tapos kasi ito ang idini-draft ko bago ako umuwi sa Pilipinas," muli niyang dahilan baka magbago pa ang isipan nito.
"I want to see it," insist ni Alex
Pasimple na tumango si Sugar bago ipinakita ang draft sa kanyang laptop.
Nakita naman niya ang agad na pag-ngiti ni Alex, nang makita ang draft sa kanyang laptop.
"Okay, that's it! I want that to be the design for the project."
"Ha? Come again?" Tila nabingi niyang sagot dahil hindi niya alam kung tama ba ang sinabi niya.
"Sabi ko, I want that to be the new design for the project."
Seryoso talaga siya. Kaya wala na rin nagawa si Sugar kundi ang tumango. "I'll talk to Ms.Ramos regarding this."
Malapad na ngumiti si Alex at pinakatitigan siya. Muli ay parang nahipnotismo si Sugar sa mga tingin at kagwapuhan nito. May kung ano na naman sa kaniyang pakiramdam ang nais na kumawala at maglawa.
"Since settled na, are you hungry? Would you like us to eat now?"
"Yes, I would like to eat you," mabilis na sagot niya na tila wala sa sarili kaya napangiti si Alex.
"If that so, I think we shouldn't be in this place."