"Eat more, ano pa ang gusto mo?" Tanong ni Alex sa kaniya bago nilagyan ng sisig ang plato niya.
Narito sila sa isang rooftop bar na malapit sa restaurant kung nasaan sila kanina.
Gusto niyang tampalin ang sarili kanina dahil sa mga salitang binitawan niya ng wala s'ya sa sarili. Mabuti na lang pala at mabait ito at hindi binigyan masyado ng ibang dahilan ang kaniyang sinabi.
Halos magpakain siya sa lupa ng dahil sa hiya at walang sawa na humingi ng tawad ng dahil sa lumabas sa bibig niya.
Ganoon pa man ay binalutan rin siya ng kaba dahil akala niya ay payag ito sa nais niya kaya naman ay halos gusto niya itong takasan kanina, lalo pa ng hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito.
Akala niya ay dadalhin siya nito kung saan at pagsasamantalahan ang kaniyang kahinaan at karupukan.
Baka hindi siya maka-hindi kapag nagkataon.
"It's okay, medyo busog na rin ako" aniya bago nginitian ito.
"Are you sure?" Tanong pa nito bago muling tumunga ng alak. Tumango siya at uminom rin ng alak.
Maayos naman pala itong kausap. Cool at hindi naman ganoon ka-strict. Sa totoo nga ay natuwa siya at dinala siya nito sa lugar na ito na hindi ganoon ka-pormal kung nasaan sila kanina.
Mas casual at mas komportable siya ngayon. Nag-enjoy s'ya kahit malakas ang tugtugin at napakaraming tao. Naalala niya ang mga party na pinupuntahan niya sa New York kapag tapos ng kaniyang trabaho.
"Nag-e-enjoy ka ba?" Tanong ni Alex sa kaniya at muli siyang tumango. "Mas okay dito 'no?"
"Yes," napangiti siya ng malapad. "Actually parang na-miss ko bigla ang Ney York. Yung setup dito parang---"
"C District" wika ni Alex kaya napatango siya. Lumawak ang kaniyang mga ngiti at pinanlakihan ito ng mata. "Sabi ko na nga ba, magugustuhan mo ang lugar na ito dahil doon."
"Nagpupunta ka rin doon?" Tanong ni Sugar at tumango si Alex.
"Hindi masyado, alam mo naman busy sa business kaya pag may oras lang. Kaya naman naisipan ko rin na magtayo ng sarili kong bar," wika pa nito bago sinalinan ng alak ang kaniyang baso.
"Ang ganda ng ambiance doon no? Ganoon ba gusto mo? You know we can add that kind of theme sa Project." Nakangiti niyang mungkahi kay Alex.
"Can you?"
"Oo naman! Maliit na bagay." Sagot niya bago siya naman ang uminom ng alak.
Saglit na natahimik ang pagitan nila hanggang sa binasag ni Alex ang katahimikan.
"By the way. It's really nice to finally meet the CCIO of NYC Gold AI. I'm always in New York, but I don't often go Gold AI." wika nito kaya mas lalo siyang napangiti.
"Ohh, Really? Wich part in New York City?" Tanong ni Sugar.
"Near Madisson." Tugon nito. "You?"
"The Fifth, kasi malapit lang sa GAI" sagot niya kaya naman ngumiti si Alex.
"How come hindi tayo man lang nagka-salubungan o nagkita man lang sa New York? Haha dito pa mismo sa Pilipinas,"
Ngumiti si Sugar at napalumbaba na tinignan si Alex na nakaupo sa harap niya. Namumula na ang mukha ni Sugar dahil sa alak na ininom ngunit hindi pa naman siya lasing.
Kung tutuusin ay nakadagdag sa kagandahan ni Sugar ang pagkapula ng mukha nito at ang pagka-fade ng kaniyang lipstick. Mas lalong lumabas ang natural na kagandahan nito dahilan kaya hindi rin mapigilan ni Alex ang mapatitig sa kaniya.
"We're not sure about that. Hindi natin alam baka nagkasalubong na tayo o kaya naman nagpunta sa C sa parehong araw. Maliit lang ang New york kaya."
Mas lumapad ang ngiti ni Alex bilang pagsang-ayon dito. Nakita tuloy muli ni Sugar ang napakagandang mga ngipin nito.
Isa iyon sa tinitignan niya sa isang lalaki. Ang ngipin kung malusog ba at maganda. Kay Alex, ngiti pa lang ulam na. At pag tinignan mo pa ang buong katawan nito daig niya pa nag-fiesta.
"You have a point." Muling uminom si Alex ng alak habang hindi inaalis ang tingin kay Sugar. "Sugar, do you mind if I ask you something?"
"Go on." Aniya bago muling tinawag ang bartender upang umorder ng panibagong martini.
"How old are you?" Tanong ni Alex kaya napatingin sa kaniya si Sugar.
Hindi niya alam kung sasagutin niya ito o ano. Masyado na bang personal? Pero ang kaniyang edad naman ay hindi niya kinahihiya. Tutal alam naman niya kung ilang taon na si Alex, base sa na-chika sa kaniya ni Vivian ay sasabihin na niya.
Ang totoo, ang kwagapuhan nito ay hindi mukhang 40 years old na pataas. Napaka-baby face ni Alex tignan kung ikukumpara ito sa kaniyang edad.
"I'm 39 years old. Going 40 before the end of the year," nahihiya niyang sagot. Bago napakagat sa kaniyang labi. "How about you?,"
Isang nakakaakit na ngiti ang ibinalik ni Alex sa kaniya, sabay na napakagat rin ito sa labi nito kaya tila mas lalong uminit muli ang paligid.
"Old enough to be yours," sagot ni Alex kaya namula ang mukha ni Sugar.
Nalaglag ata ang Matris ko. Sabi niya sa kaniyang isipan bago naiiling na nginitian ito. Huwag kang ganyan Alex, baka magising na lang tayo na mundo na natin ang isa't isa.
"Huwag kang magsalita ng ganyan, baka patulan kita." Wika ni Sugar kaya mas lalong lumawak ang ngiti ni Alex. Hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa nito. Dahil si Alex at hinatak ang upuan niya upang mas mapalapit sa kaniya bago pumalumbaba sa harap niya.
"I like that. What should I do para patulan mo ako?" Tanong nito na mas lalong ikinabigla niya.
Parang ang bilis, kakakita lang nila at kakakilala lang tapos gusto nitong patulan siya ni Sugar.
Oh, My God! I will bring home the sausage. Ay, Este! The bacon pala iyon.
Napapikit si Sugar upang alisin ang kahalayan na namumuo sa kaniyang utak pagkatapos ay pinakatitigan si Alex na nasa hrapan niya. Namumula na ang mukha nito. Marahil ay dahil sa nainom nitong alak.
Tama, lasing na si Alex kaya kung ano ang nasasabi nito. "Joker ka rin pala. I think you need to sober, hindi mo na alam sinasabi mo baka malaman iyan ng wife mo." Wika ni Sugar at mas napangiti si Alex.
"I don't have a wife."
Alam niya iyon. Na-chika na nga sa kaniya ni Vivian. Nais niya lang makasiguro. Nagiging honest daw kasi ang tao kapag nalalasing.
"Girlfriend?" Tanong niya muli.
"I'm single. And don't act na lasing na ako. Don't worry, matagal pa bago malasing ako."
Natawa si Sugar. "How come na wala ka pang wife or girlfriend sa edad mo?"
"Why? Do you want to be my wife, Sugar?"
Pakiramdam niya ay mas lalong nagwala ang kanyang laman loob. Siguro kung pwede lang na pakawalan niya ang lumalawa sa pagitan ng kaniyang hita ay nagkaroon na ng pond dito.
Sa totoo lang ay sobrang attracted si Sugar sa kaniya. Hindi lang sexually attracted kundi emotionally lalo pa ng mas makilala ito ngayon at makausap ng casual. Ang hirap ipaliwanag pero kahit ito ang unang beses na pagkikita nila ay sobrang affected na siya rito.
At alam niya na kinabukasan ay si Alex na ang tatambay sa kanyang isipan. Mahirap na kalimutan lalo na ang palitan nila ng mga salita ngayon.
"Sira," nahihiya niyang biro bago tinapik ang mukha nitong masyadong malapit sa kaniya.
"Joke lang." Sabi ni Alex kaya parang biglang bumusangot ang mukha ni Sugar.
Ay, joke lang ba iyon?! Gusto ko totoo!
"Baka hindi ka na comfortable. Pasensya na. Pero ikaw Sugar? How come na wala ka pang asawa o boyfriend man lang?"
Napabuntong hininga si Sugar sa tanong nito. Ilang tao na ang nagtanong sa kaniya ng bagay na iyan at ang lagi niyang sagot ay naging busy siya sa trabaho sa New York at wala siyang panahon na makipagrelasyon. Pero ngayon na tinanong ni Alex ay parang nais niyang sabihin ang katotohanan rito.
Sabi nga nila mas madaling mag-kwento sa taong hindi mo masyadong kakilala. Kasi hindi ka nila i-ju-judge.
"Yung totoo?" Tanong niya at tumango si Alex. "I had a longterm relationship before. 10 years kami at hindi siya sang-ayon sa pagpunta ko sa New York. He wanted me to resign or decline ang offer noon ng GAI sa akin. Sinabi niya na makikipaghiwalay siya sa akin. Maghahanap ng iba at iyon ang papakasalanan niya. But naisip ko masyado siyang selfish that time. Na alam ko naman na hindi niya gagawin iyon kasi hindi naman ganoon kadali na kalimutan lang ang 10 taon na pinagsamahan namin." tipid na ngumiti si Sugar bago ininom ang kanyang Martini. "I really wanted to go to New York to achieve my dreams. So I broke up with him. I choose my career over him. Hindi maganda ang breakup namin, hindi kami nag-usap ng masinsinan at nagkaayos noon. Lalo pa na 2 months pa lang ako sa New York ay ginawa niya nga ang banta niya. Nakahanap siya agad ng kapalit ko at pinakasalan." Malungkot niya pang sabi bago napatingin kay Alex.
"So hindi ka pa nakakapag-move on?"
Tanong ni Alex sa kaniya.
Napahawak si Sugar sa baso ng martini at pinagmasdan ang kulay asul na inumin. "Hindi naman sa hindi pa nakaka-move on. But since ng nangyari iyon, I think mas lalo akong natakot makipag-commit. Lalo pa na yung mga past relationship ko rin after him ay hindi pa nagtagal ang break up namin ay ikinasal na agad sa iba. Alam mo iyon? Parang sumpa. Haha ang weird." Napa-inom siya muli ng alak.
Pakiramdam niya ay nag-ki-kick na ang alak lalo pa at unti-unti na siyang nagiging seryoso.
"Pero alam mo rin na, minsan... Na until now.. sumasagi sa isip ko na parang nanghihinayang sa desisyon ko noon. Minsan sumasagi na sa isipan ko na parang napaglilipasan na ako ng panahon. Lalo na hanggang ngayon na sobrang lagpas ko na sa kalendaryo. Minsan naiisip ko na baka tumanda na lamang ako ng mag-isa," aniya. Hindi niya napigilan ang munting luha na pumatak sa mata niya ngunit hindi niya inaasahan na punasan iyon ni Alex.
"Hindi 'yan, sasamahan kita." sagot nito sa kaniya.
Nagtama ang mga mata nila. Hindi nila alam kung anong nangyari. Parang may kuryente sa pagitan nila na biglang lumitaw at hinatak sila sa isa't isa. Hanggang sa hindi inaasahan na natagpuan na lamang nila ang isa't isa sa madilim na bahagi ng Bar at doon ay nag-halikan.