Chapter 6

2060 Words
"Oh? Bakit ka nakabihis? Saan ang punta mo?" Tanong ng Mama ni Sugar ng makita ang anak na nakagayak.   Pusturang pustura si Sugar at suot pa ang mamahaling terno na damit na kulay itim na nabili niya sa New York. Napakaganda non, at hubog na hubog pa sa kanyang katawan. Naka-suot din siya ng high heels na tama lang ang taas na siya lalo nagpapaganda sa kanyang pustura. Nakasuot rin siya ng mamahaling alahas, isang terno ng kwintas at pulseras na kanyang paboritong suotin.     Katamtaman lang rin ang makeup niya dahil kailangan niya rin naman nag-retouch mamaya.    Kung titignan mo si Sugar ay tila hindi mo talaga mapapansin na higit na ang edad niya dahil sa kanyang pangangalaga sa sarili. Iyon lang ang tanging maibibigay niya sa sarili matapos ang kanyang paghihirap na makamit ang kanyang pangarap.     "Aalis ako ma, pupunta ako sa Manila. Kailangan kong Pumunta sa GAI, may trabaho silang ibinigay sa akin," aniya pagkatapos nag-spray ng mamahaling pabango sa kanyang leeg.     "Iyon ang dating kumpanya na pinapasukan mo noong 'di ka pa nililipat sa New York, Tama ba?" Tanong ng kanyang ina.     Tumango si Sugar "Yes ma,"   "Eh, akala ko naka-bakasyon ka?" Muling tanong ng kanyang Mama.   "Yes ma, pero kaya rin siguro sila pumayag na mag-leave ako ng matagal. Pero ayos na rin, pera rin ito, Ma. Sayang ang opportunity. Saka VIP kaya kailangan ako ang mag-handle," sagot ni Sugar pagkatapos at binuhat ang bag at binuksan ang cabinet at kinuha roon ang susi.     "Pahatid ka na lang pala sa Tito mo?"   Umiling si Sugar at niyakap ang ina. "Ako na ma, hiniram ko ang sasakyan ni Candy. Kaya ko naman mag-drive papuntang manila. Don't worry, I'll be okay."   "Kelan ka uuwi?" Tanong pa nito.   "Later din ma, saglit lang naman iyon, haharapin ko ang VIP then I will transfer him sa head architect sa GAI to handle yung project. Baka after meeting uuwi rin ako so balikan lang ako mamaya."     "Sige, ingat ka pala ha?" Paalala pa nito bago muling yumakap sa kanya.     "I will, Ma."   Lumabas na ng bahay si Sugar at tinungo ang sasakyan na hiniram niya sa kapatid.  Maayos at halos bago pa ang pulang kotse na ito na iniregalo niya noong birthday nila. Ngunit hindi masyadong nagagamit dahil ang madalas gamitin nito ay ang family car nila.     Binuksan ng kasambahay nila ang gate at nagsimula na siyang paandarin iyon. Tatlong oras lang ang byahe mula sa kanilang probinsya papunta sa Manila, salamat sa mga daan na pinagawa ng gobyerno ay mabilis siyang makakarating sa syudad. Na-miss niya rin mag-drive lalo pa sa New York ay hindi rin naman siya nakakapagmaneho madalas lalo pa at walking distance lamang ang Apartment niya sa Kumpanyang pinagtatrabahuhan niya.     Kaya ngayon na nag da-drive s’ya ay na-alala niya yung mga panahon noon na bumabyahe siya linggo -linggo  para umuwi rito sa lugar nila at ang bumalik sa manila para sa trabaho niya.   Kung minsan ay pinapasundo siya ng kanyang ina sa driver nila, pero madalas ay si Alwin ang naghahatid sa kanya.   Napa-iling siya. "Ayan ka na naman sa Alwin na 'yan, alisin mo na yan sa utak mo." Sermon niya sa kanyang sarili.   Napabuntong hininga na lamang siya at binuksan ang music sa sasakyan para hindi siya ma-buryong sa pagmamaneho at hindi kung ano-ano ang pumapasok sa isipan niya.   Dahil hindi masyadong traffic ay nakarating pa siya ng mas maaga.   Napatingin siya sa gusali na dating pinapasukan at hindi maiwasan na mamangha dahil ibang iba na ito sa GAI noon. Tumaas pa at mas naging malawak ang kumpanya. Nabili na rin nito ang katabing Mall kaya mas lalong naging engrande at moderno ang gusali.   Ipinasok niya ang sasakyan sa parking sa basement. Saglit na nag-retouch ng kanyang makeup at naglagay muli ng mamahaling pabango bago bumaba sa sasakyan.   Pumasok siya sa main building at habang naglalakad ay hindi maiwasan na mapatingin sa kanya ang mga naroroon.   Tipid na lamang siyang ngumiti at pasimple pa na hinawi ang kaniyang kulot na buhok habang nagpatuloy sa kaniyang paglalakad. Hanggang sa narating niya ang palapag kung saan siya kailangan.   "Sugar?" Tanong ng isang babae na lumapit sa kanya.     Tinignan niya ito at minukhaan. "Vivian?!"   Malawak ang ngiti ng babae at tumango. "Ako nga! Oh, God! At ikaw nga iyan, Sugar!"     "Oh, my god!  Vivian!" Niyakap niya ito at ganoon rin si Vivian.   Si Vivian ang kaibigan na kasabayan niya rito sa GAI noon, ito ang pumalit sa kanyang posisyon noon pumunta siya ng New York. At ngayon si Vivian ay na-promote na rin at mistulang counter part niya rito sa Pilipinas.     "Grabe! Na-miss kita. It's been, What? 8 years?"   "10 years," pagtatama ni Sugar.   Bakas sa mukha nila ang labis na saya. Parang kailan lang ay nagiiyakan sila sa despedida nito noon bago siya umalis at ito ngayon sila. Nagkita muli matapos ang ilang taon.   "Look at you, you are stunning!" Puri pa ni Vivian sa kaniya.     "Ikaw rin, Vivian. Pero straight na ang buhok mo ngayon," natawa sila pareho. "Grabe ang daming pagbabago rito," wika pa ni Sugar at ngumiti sa mga taong nakatingin sa kanila. Nakangiti rin ang mga iyon at tila nag-iisip kung sino siya.     "Wait, I need to introduce you to the team." sabi ni Vivian bago hinawakan ang braso ni Sugar at hinarap sa lahat. "Hi, Everyone! I would like you to meet Architect  Sugar Celestine Perez. She is the former Senior Architect Manager for Alfa Division and after her promotion as Architect Designer III, She was transferred in GAI New York 10 years ago. Now she is the OOIC Project Manager in NYC Gold Architect Inc." pakilala ni Vivian sa kaniya kaya muli siyang napangiti.     Pumapalakpak ang mga naroon, nagbulungan ang iba habang nakangiti at mamangha. Tila nagbigay inspirasyon sa iba lalo na sa mga bago roon. Nakipag-kamay pa ang ilan at binati siya   "Hi! Nice to see you all!" Bati ni Sugar.   "She will be helping our team to handle one of our VVIP's today." Saad pa ni Vivian kaya mas pumapalakpak ang mga naroon.   Pagkatapos siyang ipakilala ay dinala siya ni Vivian sa conference room upang doon sila mag-usap.   "Vivian, umamin ka nga? Ikaw may kagagawan kung bakit ako ang tinawagan ng head 'no?" tanong ni Sugar kaya agad na napangiti si Vivian.     "Sayang opportunity. Alam ko na nandito ka rin lang naman edi ikaw na ang nirecomenda ko. Natuwa kaya sila kasi hindi nila alam na nagbakasyon ka. Kailangan na isang professional at international representative ang humarap sa VVIP natin. Hindi pwedeng kung sino-sino lang."   Kinurot niya ang tagiliran nito. "Kahit kailan ka talaga."     "Kung hindi pa kita inirecomenda at hindi pa tawagan ng head ay hindi ka dadalaw dito," nagtatampo na sabi ni Vivian sa kaniya.   Napa-buntong hininga si Sugar. "Pasensya na at hindi ako nakadaan agad. Alam mong maiksi lang kasi ang na-approved na bakasyon ko for 10 years na nawala ako. Saka medyo may hindi inaasahan na nangyari,"     "Ano naman iyon?" May pag-aalala na tono sa boses ni Vivian. Tinuring na rin niyang kapatid ito kaya naman sa tingin niya ay ayos lang kung sasabihin niya ang kanyang problema.     "Nagpa-check up ako nitong kailan lang. Nasa menopausal stage na ako kaya naman pina-freeze ko ang isa sa mga egg cell ko. Kailangan eh, ewan ko ba kung kailan ko mahahanap ang para sa akin. For now iyon ang advise kasi ng doctor para kapag meron na ay magka-baby pa rin ako."     Hinampas siya ni Vivian kaya naman ay ikinagulat niya iyon.   Ini-expect niya na ma-lu-lungkot ito dahil sa sinabi niya. Na mag-bi-bigay ito ng payo sa kanya at dadamayan siya. Pero ngayon, si Vivian ay ngumingisi habang nakatingin sa kanya.     "Vivian, hindi ako natutuwa sa pag-ngisi ngisi mo ha? Akala ko pa naman ma-lu-lungkot ka. Bakit naman ganyan ang reaksyon mo?"     Hinampas siya muli nito kaya naman napahawak siya sa kanyang tagiliran. "Vivian!"     "Sugar! Haha oh my gosh! Saktong sakto naman pala ang pag-recomenda ko sa iyo?! Haha it's your time na! Feel ko after this malalamanan na iyang sinapupunan mo."     Kumunot ang noo ni Sugar. "Ano ba ang pinagsasabi mo?"   Napatingin si Vivian sa kanyang paligid, bago muling bumalik kay Sugar. "The truth is, kaya ikaw ang inirecomenda ko kasi yung VVIP natin ay binata. Gwapong mayaman na matangkad na binata pa rin hanggang ngayon. Alam ko na kapag nakita ka non ay talagang mabibighani siya ng tuluyan sa iyo."   Pinanlakihan niya ito ng mata. "Baliw ka, mamaya ma-sumbong tayo sabihin na pinag-planuhan mo ito,"   "Pinag-planuhan talaga!" Natawa ng malakas si Vivian bilang pang-aasar sa kaniya. "Check mo muna, kilalalin mo. Hindi na bago iyan, karaniwan dito nakilala nila ang kanilang asawa dahil sa mga projects. Nagkaka-inlove-an, malay mo next ka na."   Napabuntong hininga si Sugar ngunit hindi nagtagal ay napangiti ito.   "Gwapo ba talaga?," Naka-ngisi niyang tanong kaya nagtama ang mga kamay nila na tila pareho na silang kinikilig na makita ang VVIP na sinasabi ni Vivian.   "Iyan ang gusto ko sa iyo!" Masaya pang wika ni Vivian bago lumapit pa ng upo. "Ang sabi nila ay super gwapo."   "Teka? Ilang taon na ba iyon?" Tanong pa ni Sugar sa kaniya.     "45 years old, binatang binata. Catch na catch, para sa iyo," malapad ang ngiting sagot ni Vivian kaya natawa si Sugar.   "Alam mo ikaw? Hindi ka pa rin nagbabago." Aniya, maski noon ay lagi siya nitong itinutulak na puntahan ang mga blind date na ito ang nag si-set. Lalo na noong panahon na nag-cool off sila ni Alwin.   Napa-iling siya. Si Alwin na naman?! Hayy! Hindi talaga maganda ang naidulot sa kaniya simula ng nakita niya ito.   Kaya ngayon, susubok na siya sa mga plano ni Vivian. Lalo pa ngayon na kailangan na talaga niyang makahanap ng magiging boyfriend. Walang mangyayari sa Egg niya kung wala ang mag-pu-punla para mahinog iyon at maging totoong bata.     "Sigurado ka na walang sabit ha?! Kung gwapo nga iyon at mayaman tapos binata parang hindi naman kapanipaniwala? Parang imposible na wala siyang girlfriend man lang?"   Napangiwi si Vivian sa kanyang sinabi. "Alam mo, Sugar? Parang ikaw lang iyan eh. Maganda ka, sexy, single, successful sa career at napakayaman--"   "Grabe naman sa napakayaman. Parang hindi naman totoo iyon." Putol niya kay Vivian kaya natawa ito.   "Sige, kaunting yaman na lang. Pero the rest ng sinabi ko ay totoo. At kapag nakita ka nila at nalaman nila kung sino ka, I'm sure wala rin maniniwala na single ka. O 'di ba? Sabihin mong hindi?"   Napaisip siya. Tama naman ito, whatever the status in life is, may mga tao talaga na hindi mo a-akalain na single pa rin hanggang ngayon.   Napaka-dali na sabihin na humanap ng magiging karelasyon. Na sa iba ay napakadali lang makahanap ng kapalit o ng taong magiging bago nilang inspirasyon. Pero marami rin d'yan na nahihirapan. Hindi madali na makahanap lalo na ng isang tao na nais mong makasama sa buong buhay mo.   At the more na tumatagal na single ka, the more na dumadami ang mga katangian na nais mo sa tao na susunod na maging parte ng iyong buhay.   Tumataas ang standards mo. And that's okay. Dahil ang taong iyon ang makakasama mo habambuhay kaya dapat din maging mapili ka.   "Balita ko ay pihikan siya, hindi lang sa babae kundi sa disenyo. Kaya naman binigay ko siya sa iyo." Sabi ni Vivian kaya naman ay tipid siyang napangiti.   Mukhang ma-cha-challenge siya sa isang ito.     -----   Ipinark ni Sugar ang kotse sa tapat ng mamahaling restaurant kung saan may reservation ang kumpanya. Doon sila magkikita ni Mr.Guevara na magiging client niya.   Kung hindi siya nagkakamali ay isa ang restaurant na ito sa pagmamay-ari ng mga West na siyang Nagmamay-ari sa buong GAI. Kaya naman madalas rin na ang mga conference at meetings at nagaganap rito.     Lumapit siya sa receptionist na naka-pwesto sa gilid. "Hi, I'm Sugar Perez, I have a reservation under Gold Architect Incorporated."       "Oh, Yes Ma'am.. Sir Alex is already waiting for you."     Napa-kunot ang noo niya. Inisip kung iyon ang pangalan ni Mr.Guevara.     Ganoon pa man ay hindi na siya nagtanong pa. Sumunod na lang siya sa babae.     Dinala siya nito sa isang VIP room ng restaurant. Binuksan nito ang pinto pagkatapos ay iniwan siya roon.     Pagkapasok niya ay agad na nagtama ang mga mata nila ng lalaki na nakaupo roon.   Napa-tigil siya at halos na-estatwa.     Oh, My! Ang gwapo, nalaglag ata ang panty ko. Iyan ang bulong niya sa kaniyang isipan.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD