Habang mabilis na bumababa sa hagdan ay paulit-ulit nitong tinatampal ang bibig dahil sa sinabi. "G*ga ka talaga, Amor. Bakit ba naman hindi mo makontrol 'yang bibig mo? Iyan na ang sinasabi ni Brandon kanina. Hay naku!" kausap niya sa sarili.
Hindi niya kasi talaga napigilan ang sariling sagutin ang aroganteng pagkakasabi nito sa kanya. Kung tutuusin ay hindi niya kailangan ang pasweldo nito dahil marami siyang pera at ipon. At kung hamakin nito ang mga katulong na gaya niya ay hindi maganda sa pandinig niya. Hindi naman madali ang maging katulong. Pasalamat lang talaga ito dahil iyon lang ang nasabi niya. At pasalamat na rin ito dahil nandoon si Brandon na biglang lumaki ang mata nang ma-realized ang sinabi niya sa amo.
So to avoid anymore discussion, mabilis siyang umalis sa mga ito. She was just hoping na masulosyunan ni Brandon iyon dahil kung hindi, siguradong sesante na siya.
Nang makarating sa kusina ay nakita siya ni Manang Lucia at may pagtataka sa mukha nito. "Oh bakit parang mamumutla ka, Alexa?" tanong nito sa kanya. Nakakunot ang noo nito.
"Wala ho, Manang. Mukhang nakakatakot pala si Sir Stanley ano, Manang? Kinabahan po ako kanina lalo noong magsalita siya. Parang kakain ng tao." Gusto niyang matawa sa sarili dahil sa alibi niyang iyon.
"Ganoon lang talaga si Sir pero mabait 'yon. Hindi nga lang palangiti pero nagpapasalamat kami sa kanya dahil mabait siya sa mga empleyado niya. Malaki pa magbigay ng sahod. Kaya ikaw ayusin mo ang trabaho mo para naman hindi sayang ang pagtatrabaho mo rito. 'Wag mo lang gagalitin at 'wag na 'wag kang magsisinungaling. Ayaw na ayaw iyon ni Sir," mahabang sabi nito sa kanya.
Patango-tango lang siya sa sinabi ng matanda. Patay, nalinktikan na. Kung bakit ba naman kasi itong bibig niya. Pesteng yawa naman oh! Sana mapalagpas nito ang ginawa kanina para naman walang aberya sa totoong trabaho niya. Siguradong sasabunin din siya ni Brandon dahil sa ginawa niyang iyon. Pero ayos lang na masabon siya, Huwag lang siyang masesante. Sayang ang effort.
Pilit niyang pinakalma ang sarili at tinulungan na niyang maghanda ng panaghalian ang matanda. Tahimik rin siyang nakikinig sa mga bilin nito at mga dapat gawin sa mansion, ang mga bawal at kung papaano pakikitunguhan ang mabait nilang amo. Hindi naman gaanong mabigat ang trabaho niya dahil apat sila hindi pa kasama ang driver at hardinero ng mansion. Isa pa ay kompleto naman daw ang kagamitang gagamitin sa mansion.
Halos maghapon ding nandoon si Brandon sa bahay ng pinsan, Hindi na rin siya ang mag-asikaso sa mga ito dahil may ibang ipinagawa si Manang Lucia sa kanya na ipinagpasalamat niya. Hindi kasi niya alam kung papaano pakikitunguhan ang amo kung sakaling magkrus ang landas nila ngayong araw.
Matapos ang maghapong gawain ay inihiga na ni Alexa ang pagod na katawan sa kanyang kama. Pinauna na siyang pinagpahinga ni Manang Lucia dahil first day niya at ito na raw ang bahala sa hapunan ng amo. Nang makapagpahinga nang kaunti ay kinuha niya ang tuwalyang nakalaan sa kanya at pumasok sa banyo para maligo. Good thing on their room, it has its own bathroom. Her boss really cares for the needs of his employees. Maganda iyon upang makapag-relax naman ang mga kasambahay nito.
Pagkatapos makapagbihis, inilabas niya ang kanyang bag at inayos ang mga damit sa loob ng closet na nakalaan para sa kanya. Maingat din niyang itinago ang mga gamit na may kinalaman sa kanyang tunay na trabaho. Inilabas niya ang isang maliit na baril at inilagay ito sa ilalim ng kama. She needed it in case of emergency. Kinakalkula niya sa isipan ang mga dapat niyang gawin mamaya kapag tulog na ang mga kasama niya sa bahay. Kailangan niyang ikutin ang buong bahay upang maging pamilyar siya rito at maitago ang mga dapat niyang itago. Alam niyang naka-stand-by na rin si Brandon sa mga oras na iyon.
Nasa gitna siya nang pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Manang Lucia. Buti nalang tapos na niyang itago ang mga dapat itago at mga damit na lang niya ang nagkalat sa ibabaw ng kama niya kung hindi ay sandamakmak na tanong ang maririrnig niya mula rito. At hindi lang iyon, baka magsumbong pa ito sa amo at patay siyang bata siya!
"Maliligo lang ako, Alexa at sabay na tayong kumain," pagkunwa'y sabi nito at kinuha ang tuwalya at pumasok sa banyo.
"Opo, Manang. Tatapusin ko pang po ito," sagot niya sa matanda.
Matapos makaligo at makapagbihis si Manang Lucia, kaagad silang lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina upang maghapunan. Habang nasa hapagkainan ay panay ang kwento ng matanda. Kung saan saan pa napapadpad ang kwento nila. Naaliw siya sa mga ito at napagpalagayan ng loob ang matandang mayordoma. Strikto ito subalit mabait sa mga kasama ayon na rin sa mga naririnig niyang kwento nito. Nabanggit din nito ang amo nila at panay tango lang ang sagot niya rito. Muling bumalik sa isipan niya ang nangyari kaninang umaga. Napailing na lamang siya. At mabuti na rin dahil hindi siya natanggal sa trabaho. Anong kwento na naman kaya ang hinabi ni Brandon?
Matapos kumain magkatulong nilang nilinis ang pinagkainan at sabay na ring pumasok sa silid at nagpahinga. Panay pa rin ang kwentuhan nila ng matanda at panay tanong rin nito sa kanya patungkol sa buhay niya dahil hindi pa rin ito makapaniwalang katulong siya. Mabuti na lamang at menimorya niya ang ibinigay ni Brandon sa kanya. She sticked to it para convincing ang drama niya. Kung may ilang detalye man siyang nakakalimutan ay humahabi na lang upang hindi na humaba pa ang mga tanong nito. Nagkukwento rin siya ng buhay nila kunwari at talagang pinahirap pa niya ang karanasan doon upang mas lalong convincing sa matanda. Ito nga at habag na habag ito sa naging 'buhay' niya. At iyon ang naging gabi nila ng matanda hanggang sa makatulog na ito.
Masaya siya sa unang araw niya sa mansion despite the incident a while ago with her boss. Gusto niyang matawa sa itsura ng amo niya pagkarinig nang sinabi niya. Shock ito sa narinig and knowing maybe it was his first time na sinagot nang sarkastiko ng isang hamak na katulong. Mabuti na rin iyon upang alam nito kung paano tratuhin ang mga kasambahay niyto ay hindi lang nito basta-basta hinahamak. At least alam nito na kaya niyang salungatin ang maling ugali nito kahit na katulong lamang siya.
Despite the shock in his face, she can see the manly features that make women swarmed at his feet and beg for his attention. Mas gwapo ito sa personal kaysa sa picture na binigay ni Brandon. Hindi nga niya mapigilan ang mapatulala kanina. Star struck siya sa kagwapuhan at bango nito. Iyon nga lang antipatiko at arrogante ito. Sayang!
Habang papasok siya sa veranda kanina, she noticed the broad shoulder at tindig nitong kaaakitan ng mga kababaihan. Her heart thumped inhaling his manly and minty scent.
Mabilis niyang piniling ang ulo. "Focus on the job, A. You don't need distractions. He's a job," kastigo niya sa sarili.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata upang mawala ang iniisip. Kailangan pa niyang gumalaw mamaya. Kailangan na niyang magpahinga upang maisagawa ang trabaho. So she forced to shut her mind and shut her eyes to sleep. Naka-alarm na ang relo niya in vibration kaya walang problema ang paggising niya mamaya.
Hating gabi na at kailangan na niyang isagawa ang plano. Dahan-dahan siyang bumangon ng kama, maingat upang hindi magising ang kasama niya sa kwarto at mabilis na tinungo ang pinto. Marahan niyang binuksan iyon at isinara. Sanay na sanay na siya sa gawaing ito kaya madali lamang ito para sa kanya. Mabilis niyang tinungo ang kusina. Mayroon pintuan doon papuntang likod bahay. Mabuti na lamang at wala silang alagang aso kundi ay baka kanina pa ito nilason. How bad! Pero hindi naman niya gagawin iyon, patutulogin niya lamang ito upang maisagawa ang pag-iinspeksiyon ngayon gabi.
She adjusted her eyes in the darkness of the night. Nang masanay ay mabilis siyang naglibot sa buong paligid kasabay nang pagtatago niya sa mga kakailanganin in case of emergency. Minimemorya rin niya ang bawat sulok ng paligid nang sa ganoon ay madali siyang makagawa ng plano sakaling kakailanganin. Sinipat niya ang mga CCTV camera na nakapalibot sa buong bahay. Mukhang nasa ayos naman lahat ng mga ito.
"Bran, have you checked the CCTVs?" tanong sa kay Bran na kausap sa bluetooth earpiece niya. Rinig na rinig din niya ang tugtog sa background nito. Nasaan ba ito ngayon? Ang pagkakaalam niya ay nasa labas lamang ito ng bahay ng amo niya. Nagtaka tuloy siya kung kasama nito si Elijah.
"Yap! All are good. No problem about it," sagot nito sa kanya.
"Where's Elijah?" tanong niya rito habang nag-iinspeksiyon.
"Masyado mo na bang na-miss ang kutong lupang iyon?" tanong nito sa kanya.
"Akala ko ba kasama natin iyon? Bakit parang tayong dalawa lang ata?" balik-tanong niya kay Brandon.
"He's just in the background. At 'wag mo nang hanapin, babe. May sariling mundo iyon ngayon," sagot nito sa kanya.
"So good luck na lang sa kanya."
"So kumusta diyan?" tanong ni Brandon sa kanya.
"Wala naman akong makitang kahina-hinala sa paligid. Tight ang security ng bahay niya. I just planted some guns in discreet places in case of emergency. Other than that, I can see no problem."
"Okay good kung ganoon. You can go back to bed. I'll just delete your footages. Good night, A. Signing out!" pagkunway sabi nito sa kanya.
Mabilis na bumalik siya sa pintuan sa may kusina. Dahan-dahan niya itong isinira at chineck ang lock nito. Bukas, ang lock ng mga pinto naman ang pagdidiskatahan niyang tingnan. Mabuti na iyong sigurado dahil mahirap masalisihan. Dahil sa ginawa ay bigla siyang nauhaw. Nakakauhaw naman talaga! Kung kaya't tinungo niya ang lalagyan ng mga baso, kumuha ng isa at lumapit sa ref para kumuha ng malamig na tubig. Nagsalin siya sa hawak na baso at mabilis na ininom ang tubig. Bigla siyang nauhaw sa ginawa. Akmang isasara niya ang ref nang makarinig ng kaluskos mula sa bukana ng kusina. Naging alerto ang pakiramdam niya. Mahirap na!
"What are you doing here in the middle of the night?" anas ng malamig na boses na nagmumula sa bukana ng kusina.
At ano ang ginagawa ng amo niya rito sa dis-oras ng gabi? tanong niya sa sarili. Ipinikit niya ang mga mata bago humarap dito. "Ah, eh nauuhaw po kasi ako, Sir! Kaya lumabas po ako para uminom ng tubig," magalang niyang sabi at tinungo ang lababo. Hinugasan ang basong ginamit at ibinalik ito sa lalagyan.
Matamang pinagmamasdan lang siya ng amo hanggang sa lumabas na siya ng kusina. She can smell his minty scent while passing by in front of him. Bigla na namang gumiwang ang takbo ng isip niya sa amoy palang nito. Ang bango-bango kasi nito. Ang sarap amoy- amoyin. Behave! Behave, self!
Stanley was quietly observing his new maid. Nasa bukana palang siya ng kusina nang maamoy ito. Ganoon kalakas ang pang-amoy niya ngayon dahil sa bagong katulong. Mukhang namemorya na rin niya ang amoy nito simula kaninang umaga. Hindi niya mawari kung bakit. The smell of lilac and sweat. Iyon ang naamoy niya rito lalo nang dumaan ito sa harapan. He wanted to pull her arm palapit sa katawan niya at amoy- amoyin ito pero pinigilan niya ang sarili. He looked down there and saw it hardened. That's the effect of her smell how much more kapag ibang bagay na ang gawin niya rito. He erased that thought of his. Baka makasuhan pa siya sa iniisip niya.
Pinakalma niya ang sarili at tinungo ang lalagyan ng baso. Kinuha niya ang basong ginamit nito at umapit siya sa ref at kinuha ang pitsel ng tubig. Sa dami ng mga basong naroroon ay ito pa talaga ang pinili niya. He cringed at the thought that he tasted her lips through this glass.
Mabilis niyang inubos ang laman nito at sinalinan ulit ng tubig pagkatapos ay tinungo ang kwarto hawak-hawak ang basong may lamang tubig.
This will be a sleepless night, Alexa.
*****