Chapter 3

2034 Words
Maagang sinundo ni Brandon si Amor sa apartment nito. Kailangan niyang i-brief muna si Amor para sa trabaho nito dahil baka umiba ang direksiyon nito. Sa ugali pa naman niya ay baka masapak nito ang amo at magkabulilyaso pa sila. Imbes na mabantayan nito si Stanley ay baka ura-urada itong masesante dahil sa asta nito. At kilala rin niya ang ugali ni Stanley, wala itong pakundangan kung magsalita. If the two collided, baka hindi niya magawa ang trabaho niya, ang trabaho nila ni Amor. Kaya naman inulit-ulit niya kay Amor na kumalma ito at rendahan ang ugali nito.  "May I remind you, A stay discreet. You're there to---" "Yes I know, Bran. I know my job very well!" putol nito kay Bran. Napabuntong-hininga siya at sumasakit na rin ang ulo niya sa pinagsasabi nito simula pa nang sunduin siya nito kanina. Para itong sirang-plaka.  "Good. Call me. And here's your kit. There's your cellphone. My number is there already. Naka-speed dial na rin iyon in case of emergency. Also---," sunod-sunod na litanya nito sa kanya. Napuno na siya. Napipika na siya. Malapit-lapait na niyang masapak ang kaibigan.  "Bran, I can handle myself. Ilang beses ko bang ipapaalala sa'yo I am not new to this. I know those stuff and I know what to do." "I know you can do your job very well. You're one of the most skilled in our team. Pero ang sinasabi ko ay iyang ugali mo. Rendahan mo dahil kung hindi baka magkabulilyaso tayo." "Bakit parang takot na takot ka? Ah, siguro kasi hindi maganda iyang ugali ng pinsan mo at alam na alam mong hindi ako mangingiming sapakin siya kapag napuno ako." "That's what I'm saying over and over." "Excuse me, Bran. Ang sinasabi mo iyong ugali ko at hindi iyong ugali ng pinsan mo. Eh kung kanina mo pa kasi sana sinabi, tapos."  "Fine. Just remember. Siya!  Ihahatid lang kita at ipapakilala then I'll go. Ikaw na ang bahala and update me always. Nasa tabi-tabi lang kami ni Elijah," turan nito sa kanya.  Speaking of Elijah, hindi pa niya ito nakikita simula kahapon. Ang buong akala niya ay kasama ito ng dalawa sa pagsundo sa kanya ngunit wala ito. Hindi rin siya nito pinuntahan kagabi upang makapag-usap sana sila.  "Where's Elijah by the way?" tanong niya kay Brandon.  "Huwag mo nang hanapin iyon dahil hindi iyon magpapakita sa'yo. At tska busy iyon sa ibang bagay," saad nito sa kanya.  Ibang bagay? Baka babae? Naalala niyang may ini-stalk nga pala ang lalaking iyon kapag umuuwi sa Pilipinas.  "Babae?" tanong niya na ikinatango nito. "Iyong dati?" Tumango na naman ito sa kanya. "Bakit kasi hindi pa nito ligawan? Hindi takot sa bala at kanyon pero sa babaeng iyon takot?" "Nangialam ka naman. It's complicated."  "Ang sabihin mo torpe. Nasaan ba iyon at nang mapuntahan ko?" tanong niya.  "Mag-aaksaya ka lang ng oras. Just do your job okay. Para kapag natapos tayo at nang makabakasyon naman. I'll try to convince Elijah to come." "Thank you!" Nanahimik na siya pagkatapos nang usapan nilang iyon. She just watched the busy streets and familiarized herself with the new environment. Marami na kasi ang nagbago sa lugar. Ten years is quite long. Kailangan din niyang i-familiarized ang sarili para incase of emergency ay walang problema.  Pagkalipas nang ilang sandali ay tinatahak na nila ang daan papuntang village kung saan nakatira ang kaibigan s***h pinsan nito. Habang binabaybay ang daan patungo roon, kapansin-pansin ang mga naglalakihan at nagagandahang bahay na pagmamay-ari ng mga mayayamang negosyante at kabilang na roon ang babantayan niya. Ano pa ba ang nakapagtataka roon? This village is an exclusive village for rich and mighty people in the country. Napakahigpit ng seguridad dito kung kaya naman hindi basta-basta makakapasok ang kung sino man without informing the concern resident of the village. Kung may magkamali man ay nabibilang lamang sa daliri.  "Good morning, Boss Brandon! Sino po 'yang magandang kasama niyo? Bagong chick ni Boss?" tanong ng guwardiya ng village. Natawa si Brandon sa tinuran nito. "Naku, Manong Jose, ikaw talaga basta pagdating sa babaeng dala ko para kay Stan, chicks agad! Naku tigilan mo 'yan baka masesante ka ng 'di oras." Napangiti rin siya sa tinuran ng guwardiya. So tama talaga ang bestfriend niya patungkol sa pagkahilig sa babae ng babantayan niya. Huwag lang siya nitong isali sa listahan dahil talagang makakatikim ito ng uppper cut sa kanya, o 'di kaya ay mabalian niya ito ng buto sa katawan. Humanda lang talaga ito sa kanya.  "Wala namang bago riyan, Boss Bran," natatawang turan din nito.  So confirmed talaga! Tumikhim siya at hinarap ang guwardiya. "Bagong katulong po ako sa mansion ni Sir Stanley, Manong. Ako po 'yong bagong pinadala ni Sir Fred," aniya sa guwardiya. Nangunot noo pa ito sa kanya at halatang hindi naniniwala.  "Ay ganon ba? Ang ganda mo namang katulong, Ineng. Oh sige pasok na kayo, Boss Bran," sagot ng guwardiya. Kinuha muna nito ang impormasyon niya at pinatuloy sila. Nang makarating sa mansion ng kaibigan ay sabay na lumabas ng kotse ang dalawa. Binuhat ni Brandon ang bag niya na naglalaman ng mga kailangan niya. Sinalubong din sila ni Manang Lucia, ang mayordoma ng bahay ni Stanley.  Pinasadahan niya ng tingin ang matanda. Maliit ito at may katabaan. Kayumanggi ang kulay nito at maiksi ang tuwid at maitim nitong buhok. Sapanta niya ay pinapakulayan nito ang buhok kung kayat ganoon ang pagkakaitim nito. Nakasuot ito ng puti at itim na uniporme, iyong madalas makita sa teleserye na suot ng mga kasambahay. Mukhang istrikta rin ang itsura nito. She was just hoping na mabait ito. Looks can be deceiving.  "Kumusta, Manang Lucia? Saan po si Stanley?" tanong ni Brandon sa matandang mayordoma. Ngumiti naman ang matanda kay Brandon.  "Nasa kwarto niya, Sir Brandon," sagot nito kay Brandon bago siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "At sino 'tong magandang kasama mo? Nag-break na ba kayo ni Ma'am Grace?" sunod-sunod na tanong nito kay Brandon. Natawa lang si Brandon sa tinuran ng matanda. "Naku ikaw talaga, Manang Lucia. Pagnarinig ka ni Grace malamang magkatotoo 'yan," natatawang wika nito sa matanda. "Eh sino siya? Bagong babae ni Sir Stan?" nagtatakang tanong ng matanda na bahagya pang sumimangot.  Mukhang hindi maganda ang dating ng mga babae ng amo niya sa matanda. Kung paiba-iba ba naman kasi alangang hindi 'di ba? Tumikhim siya at tiningnan ang matanda.  "Magandang umaga ho, Manang. Hindi po ako bagong babae ni Sir Brandon o ni Sir Stanley. Bagong katulong po ako," sagot niya sa pagtataka ng matanda. "Ay ikaw pala 'yung hinihintay ko. Akala ko naman bagong babae na naman ni Sir. Ay ano bang pangalan mo, hija?" turan nito. Medyo natuwa ang aura nito at hindi na kagaya kanina. "Alexa po, Manang," sagot niya at nginitian ang matanda. "Oh hala sige halika na at nang makapag-umpisa ka na. Marami pa tayong gagawin dahil pinag-day-off ni Sir Stanley 'yung dalawang kasama natin dito. Sa makalawa pa ang balik nila. Maiwan ka na namin Sir Brandon. Nandoon sa kwarto niya si Sir Stanley nagpapahinga, nabaril kagabi sa club," imporma ng mayordoma sa kanya. Nabaril? Mukhang hindi ito alam ni Brandon dahil na rin sa ekspresiyon ng mukha nitong nagtataka. At kung alam man nito iyon, dapat ay nasabi na nito sa kanya iyon kanina pa. Pero wala itong nababanggit kaya sapantaha niya ay wala pang nakakaalam nito maliban sa kasambahay nito.  Nagkatinginan sila ni Brandon sa tinuran ng matanda. "Sige, Manang. Titingnan ko na lang siya sa kwarto. Pakihatiran na rin kami ng meryenda dahil baka magtagal pa ako nang kaunti,"  pagkatapos ay tumingin si Brandon kay Amor at tinuran, "You take care!" Sabay tungo sa hagdan patungong ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kwarto ni Stanley. Siya naman ay inakay ng matanda patungo sa maid's quarter. May kaluwangan ang kwarto nila. may dalawang kama roon at dalawang built-in closet katabi ng kama. Mayroon din malaking tv at may banyo pa. "Dito ang silid mo, Alexa. Kasama mo ako rito. Sa kabilang kwarto naman ang kina Sonia at April. Doon mo ilagay ang mga damit mo." Turo nito sa built-in-closet malapit sa kama niya. Pagkatapos ay inabot nito sa kanya ang tatlong pares ng uniporme niya na kagaya sa suot nito. "Magbihis ka na. Strikto si Sir pagdating sa damit ng katulong kaya suotin mo 'yang uniporme mo. Pagkatapos sumunod ka sa kusina at ipaghahanda natin ng makakain ang amo natin," bilin ni Manang Lucia sa kanya. "Oho, Manang. Susunod po ako. Magbibihis lang po ako. Tsaka ko nalang aayusin ang mga gamit ko mamayang gabi," kunwa niya. "Oh siya bilisan mo." Akmang lalabas na ito sa pinto nang balingan siya nito. Tumigil pa ito na parang nag-iisip or nagdadalawang- isip sa sasabihin nito sa kanya. "Sigurado ka bang katulong ka, Alexa? Mukha kasing hindi eh," tanong nito sa kanya. "Naku, Manang hindi lang ikaw ang nagsabi niyan pati na rin sila Sir Brandon at Sir Fred. Pero katulong po talaga ako, Manang. Maganda lang ho talaga ang lahi namin kaya ganito ang itsura ko. Kung may pagpipilian lang ho akong ibang trabaho kaso wala eh. Kailangan ng pamilya ko ang pera," tugon niya rito. "Ay ganoon ba? Oh! Sige, bilisan mo at sumunod ka na sa kusina." At tuluyan na itong lumabas patungong kusina. Nagmamadali siyang nagbihis upang hindi magalit sa kanya si Manang Lucia. Mukha pa naman itong istrikta na kung magkamali siya nang galaw ay tiyak na sasabunin siya nito ng sobra- sobra with matching banlaw pa. Ngunit mukha rin naman itong mabait dahil na rin sa kung papaano ito magsalita.  Pagkatapos magbihis agad niyang tinungo ang kusina. Hindi naman siya nahirapang hanapin ito. Nang karating doon ay agad niyang nakita si Manang Lucia na naghahanda ng merienda. Nang makita siya nito ay agad siya nitong inutusan na dalhin ang mga ito sa veranda sa ikalawang palapag kung saan andoon daw ang amo nila kasama si Brandon.  Kinuha niya ang tray at tinahak ang hagdan patungo sa kinaroroonan ng mga ito. Ngunit naka-akyat na siya sa ikalawang palapag pero hindi niya malaman kung saan tutungo. Hindi naman niya naitanong sa matanda ang direksiyon patungo roon. Ipinagpatuloy na lamang niya ang paglalakad at nagbakasaling makita ang mga ito. Awtomatiko siyang nakita ni Brandon sapagkat nakaharap ito sa may pintuan. Sumenyas ito sa kanya.  "Magandang umaga ho. Pinadala po ni Manang Lucia ang merienda niyo," aniya at dumiretso sa center table. Habang inilalapag niya ang mga pagkain, tahimik namang nagmamasid si Stanley sa kanya. Before his new maid entered, he already acknowledged her presence due to her scent. She smells like lilac, so calming. And when she entered , he was struck. Just her mere voice made his heart beat erratically inside his chest. And when he saw her, he was awed by her beauty. Maputi ito at mahaba ang itim na itim na buhok nito. She has almond shaped brown eyes, aristocrat nose and sultry lips. Napakaganda nito na kahit sa damit nito bilang katulong ay nag-stand-out ito. "So you're the new maid? What's your name?" tanong nito sa katulong habang hindi pa rin inaalis ang mga mata dito. "Alexa po, Sir!" nakayukong sagot nito. "Hmmmm. Welcome to my home. Ayusin mo ang trabaho mo para tumagal ka rito. Itanong mo nalang kay Manang Lucia ang patakaran dito sa bahay. Maliwanag?" "Yes, Sir!" turan niya. "Yon lang po ba Sir? May ipag-uutos pa kayo? Sayang naman ang ibabayad niyo sa akin kung 'di niyo susulitin," tugon niya pagkunwa'y lumaki ang mata nang ma-realized ang sinabi. Agad agad niyang iniwan ang mga ito upang hindi marinig ang sasabihin ng amo. "What the ---," said Stanley. He can hear sarcasm in her voice while saying those words. Natatawa naman si Brandon na hindi rin makapaniwala sa narinig nito. Sarcasm was really written in her voice. So Amor by the way.  "Mukhang sasakit ang ulo mo sa bago mong katulong, Stan. Kaya siguro siya ang kinuha ni Tito Fred na kapalit ni Tina. I like her already," sabi nito sa kanya. Like? Mukhang hindi niya nagustuhan ang tinuran ng kaibigan. He's wondering why he dislike those words coming from him. Bahagya niyang ikiniling ang ulo not to think of it at ipinagpatuloy ang naputol na usapan nila. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD