Chapter 5

2004 Words
Maagang nagising si Alexa kinabukasan kahit hindi siya masyadong nakatuog dahil na rin sa amo niya. Hanggang sa panaginip kasi ay naroroon ito. Ang bango at ang kaakit-akit na itsura nito. Nag-aalala tuloy siya sa sarili niya. Hindi niya gusto ang distractions sa trabaho.   Maaga siya ngunit wala pa ring tatalo kay Manang Lucia. Naramdaman niya itong nagising kaninang alas tres nang madaling araw. Ano ba ang ginagawa nito at ganoon kaaga ang gising nito? May misyon ba itong ginagawa o may pagkasa-aswang lang ito? She cringed her head at bumangon. Mabilis niyang tinungo ang banyo at naligo at nagbihis ng unipormeng ibinigay nito sa kanya kahapon.  Speaking of uniform, she looked at herself in the mirror. Medyo napasimangot siya sa suot. Paano ba naman kasi ay ang iksi ng unipormeng bigay nito sa kanya. Dahil sa tangkad niyang five feet six inches, naging miniskirt na ang uniform niya. nagreklamo siya kahapon kay Manang Lucia ngunit wala rin siyang napala. Iyon lang daw ang meron at halos pare-pareho ito ng haba. Manang Lucia promised na magpapatahi ito ng uniporme niya pero inayawan na lang niya dahil hindi naman siya magtatagal.  Naghikab siya habang nakaharap sa salamin. Alas singko pa lang nang umaga at antok na antok pa siya. Gusto niyang matulog ngunit hindi maaari. Kaya naman niyang magpuyat at hindi matulog ng ilang araw ngunit dahil sa biyahe at walang pahinga ay inaantok pa siya.  Kabilin-bilin din ni Manang Lucia na maaga siyang magising upang tulungan siyang maghanda ng almusal ng amo.  Hindi naman niya akalain na ang maaga pala nito ay alas tres nang madaling araw. Buti nalang ay hindi siya nito ginising. May konsiderasyon pa rin naman ito sa kanya.  Nang matapos bistahan ang sarili ay lumabas na siya ng kwarto at nagtungo sa kusina. Naabutan niya roon si Manang Lucia na nagkakape.  "Good morning, Manang Lucia. Ang aga niyo hong nagising ah!" bati niya sa matanda saka lumapit dito at tiningnan kung ano ang maitutulong niya para sa agahan ng amo.  "Good morning din, Alexa. Oh siya tulungan mo akong magluto ng agahan ni Sir. Abay marunong ka bang magluto?" "Naku, Manang chicken lang 'yang pagluluto. Ano bang iluluto niyo?" may pagmamalaking tanong niya sa matanda.  Hindi naman kasi sa ipagyayabang ay masarap siyang magluto. Isa kasi sa naging cover niya noon ay ang pumasok sa isang culinary school kung saan talamak ang bentahan ng droga. Doon nahasa ang cooking skill niyang namana niya sa mommy niya.  "Tingnan mo nalang diyan sa ref kung ano ang pwedeng iluto. Basta si Sir hindi siya umaalis nang hindi nag-aagahan. Magtimpla ka na rin ng kape niya. Lagyan mo rin ng isang basong malamig na tubig kapag naghanda ka na sa lamesa. Doon muna ako sa labas at hahanapin ko pa si Delfin dahil may ipinapagawa si Sir. Ngayon ko lang naalala. Oh maiwan na kita riyan," bilin nito sa kanya at umalis. "Sige, Manang ako na ang bahala rito."  Ano kaya ang iluluto niya para sa amo? Hindi rin kasi nasabi ni Manang Lucia kung ano ang trip na kainin ng amo sa agahan. Binuksan niya ang pinto ng ref na itinuro nito. Ngayon lang niya napansin na mayroong tatlong ref sa kusina. Nagtaka siya kung ano ang laman ng mga ito at ganoon karami ang ref doon. Isa na rito ang naglalaman ng mga sangkap sa pagluluto. Fresh and raw! Ang isa naman ay naglalaman ng ang mga left over food. Pwede pa kaya ang mga ito? Baka isang dekada na ang tagal nito.  Ang isa naman ay naglalaman ng mga processed foods, gatas, palaman, tinapay at kung ano ano pa. Napangiti siya sa natuklasan. Hmmmm organized! sabi ng isip niya. Muli niyang binuksan ang ref na naglalaman ng mga left over food. Tiningnan niya ang mga ito at kung ano ang pwede niyang gawin dito para sa agahan ng amo niyang mabango at gwapo. She doesn't want to waste food dahil marami ang hindi kumakain ng tama sa isang araw. Nalala niya ang misyon niya noon sa Afghanistan. Halos marami ang hindi kumakain doon lalong lalo na ang mga bata dahil sa giyera roon. Nahabag na naman siya.  She immediately started preparing for her boss' breakfast. She thought of fried rice at daragdagan na lang niya ito ng Korean style egg rolls at bacon. She started slicing the carrots and potatoes in small pieces. Then she took out green peas in the cup board. She started slicing the chicken, ham and hotdog too. Next were the garlic and onions. She heated the pan, pour olive oil in it then sauted the garlic, onion, chicken, ham and hotdog. Then she added the newly cooked rice before adding the carrots and potatoes. After cooking the fried rice, she beat six eggs. She added celery and onion leaves then started pouing it in a hot pan then started rolling it until there's nothing left.  Nang makaluto ay nagtimpla siya ng kape at naghanda ng isang basong tubig para sa amo. Naglagay rin siya ng toasted bread pandagdag na rin sa agahan nito.  Matapos makapagluto ay naghain na siya sa dining room kung saan mag-aagahan ang kanilang amo. She went back to the kitchen and cleaned the mess in there while preparing breakfast. Hinugasan na rin niya ang mga ginamit para wala nang aberya mamaya pagbalik ni Manang Lucia. Ipinagpatuloy na rin niya ang pagkakape. Mamaya na lamang siya kakain ng agahan pagkatapos ng amo upang magsabay sila ni Manang Lucia. Darating na rin daw mamaya ang dalawa pang kasamahan nila.  Minutes later, she can hear someone, her boss, calling Manang Lucia's name. Parang galit ang boses nito. She went in the dining room to find out it's her boss at mukhang hindi maganda ang gising nito dahil nakasimangot ito sa hindi niya malamang dahilan.  "Sir, wala po si Manang Lucia. Nasa labas po hinahanap si Manong Delfin," balita niya sa among aburido ang pagmumukha.  "So hindi si Manang Lucia ang nagluto ng mga ito I guess!" Sabay turo sa mga pagkain sa lamesa.  Obvious naman 'di ba? Hindi ba nito narinig ang sinabi niyang wala si Manang Lucia?   "Ah hindi po, Sir. Ako po ang nagluto. Sabi kasi ni Manang ako na raw ang bahala. Kaya 'yan po ang niluto ko. Hindi niyo na nagustuhan? Pwede akong maghabol ng gusto ninyo." "Fried rice? I don't eat fried rice in the morning! Damn it!" sigaw nito sa kanya.  Aba may reklamo pa ito? Ito na nga ang pinagluto ng agahan. Kung ayaw nito nang hinanda niya, eh 'di ito na ang magluto ng almusal nito.  "Eh, Sir wala naman pong sinabi si Manang na hindi pala kayo kumakain ng fried rice. Bakit ho, Sir ayaw niyo po sa mamantika? Don't worry Sir, olive oil po ang ginamit ko riyan kaya healthy pa rin po. At tsaka tikman niyo, Sir masarap 'yan. Makakalilmutan niyo ang pangalan niyo kapag natikman niyo 'yan," panghikayat niya sa amo. Huwag lang 'di maganda ang sasabihin nito dahil talagang maa-upper cut niya ito.  Nakakunot ang noong nakatingin lamang si Stanley sa pagkaing nakahain sa haapan nito pagkunwa'y hinila nito ang upuan at muling naupo. Nagsalin din ito ng fried rice sa plato at nilagyan ng bacon at isang pirasong kulay yellow na may ibat-ibang kulay. "Ano 'to?" Turo nito sa kulay dilaw na pagkain.  Bulag ba itong amo niya at hindi nakikita na itlog ito?  "Korean style egg roll 'yan, Sir. Tikman niyo masarap 'yan," patuloy pa rin nitong hikayat sa kanya. Stanley doesn't know what to say dahil ito ang unang beses na nabago ang breakfast routine niya. Hindi niya gustong masira ang araw kaya naman inumpisahan na niyang kainin ang mga nasa harapang pagkain. He just jope that they were all edible at hindi sasakit ang tiyan niya dahil pagnagkagnoon ay baka masesante niya ang bagong katulong niya. "Just make sure that these are edible! If not sisante ka na!" malamig na sabi nito. "Sige na I'll call you pagtapos na'ko!" "Yes, Sir." Aalis na sana siya nang may naalala. "At Sir, kailangan nakangiti po kayo sa umaga para good vibes po," nakangiting turan niya and went out of the dining room. Napapailing nalang si Stanley at tiningnan ang mga pagkain. Hope hindi sasakit ang tiyan ko niya. Sinimulan niyang tikman ang Korean style egg roll na sabi nito. Sinunod niya ang fried rice. "Hmmmmm in all fairness this is good," sabi niya sa sarili habang maganang kinakain ang mga nakahanda. Nasa ganoon siyang estado nang humahangos na pumasok si Manang Lucia. "Sir, may problema ba sa agahan niyo? Narinig ni Delfin na sumisigaw ka raw?" Kinakabahan at pagod ang itsura nito.  "Nothing, Manang. Okay naman itong inihandang almusal. And please let the new maid cook for my breakfast. Please say impress me!" sabi nito at inubos ang natitirang pagkain sa plato at ang kape nito pagkatapos ay ininom ang isang basong malamig na tubig.  Tinapos nito ang pagkain at lumabas ng bahay para pumasok sa trabaho. Napapantastikuhang niligpit ni Mang Lucia ang mga pagkain sa hapag. Dinala niya ito sa kusina upang sila naman ang makapag-agahan. Maya-maya konti ay darating na si Sonia at April kaya sabay-sabay na silang mag-aagahan. Ilang sandali nga ay dumating na ang mga ito kung kaya't sabay na silang nag-almusal.  "Ang sarap ng luto mo, Alexa!" turan ni Mang Delfin habang panay ang subo. "Oo nga, Alexa. Hindi ko talaga akalain na may talent ka sa pagluluto. Ito ang unang beses na nakatikim ako nitong itlog na ganito," sabi ni Manang Lucia sabay turo sa egg roll. "Alam mo bang ito ang unang beses na kumain si Sir ng ganito. Sandwich at kape lang iyon sa umaga," dagdag nito. "Eh Manang, ninerbyos nga ako nang sumigaw si Sir. Eh hindi niyo naman kasi sinabi na ganoon ang agahan ng amo natin," paliwanag niya rito. "Mabuti na lang at nagustuhan niya." "Di bale dahil nagustuhan naman niya at ikaw na raw ang magluluto ng agahan niya. Sabi pa niya impress me raw," natutuwang sabi nito sa kanya. May kaunting galak siyang naramdaman sa tinuran ng matanda pero inaalala niya ito dahil baka magtampo ito sa kanya. "Eh Manang, okay lang ba sa inyo na ako na ang magluto ng agahan ni Sir?" tanong niya rito. Inaalala niya na baka sumama ang loob nito dahil ilang taon na nitong ginagawa iyon. "Naku, Alexa! Masaya nga ako at nabawasan ng kaunti ang trabaho ko. Hindi ko na kailangang gumising nang nakapaaga. At tsaka matanda na rin ako. Kayang kaya mo na 'yan" turan ng matanda na ikinangiti niya. "Naku si Manang talaga palusot lang pala ang pag-uutos sa'kin na magluto. May balak ka pala talagang ibigay ang korona sa'kin," kantiyaw niya sa matandang mayordoma na ikinatawa nilang tatlo. Mabuti naman at wala itong sama ng loob sa bagay na iyon.  "Hindi ko kasi maasahan si Sonia at April sa pagluluto kaya natuwa ako nang magustuhan ni Sir ang luto mo," natutuwang pa ring saad nito sa kanya. "Kaya ikaw na ang bahalang mag-isip ng agahan niya. Mukhang marami ka namang alam iluto kaya ipapaubaya ko na sa iyo ang agahan ni Sir. Abay saan ka ba natuto ng mga iyon?" tanong sa kanya ni Manang Lucia.  "Naku, Manang! Marami po sa internet. Simpleng lutuin pero masarap. Doon po ako kumukuha ng ideya kung ano ang lulutuin," nakangiting sagot niya rito.  "Ay mabuti naman kung ganoon."  "Sige, Manang huwag ka nang mag-alala roon ako na bahala sa agahan," sabi niya sa matanda."Pero, Manang agahan lang ha?" pahabol pa nito sa matanda. Baka kasi pati ang pananghalian at hapunan ay ipagawa nito. Wala namang problema iyon sa kanya pero magiging sagabal ito sa totoong trabaho niya.  "Oh siya sige. Sa'yo na ang agahan at sa akin na ang hapunan," sang-ayon naman nito sa kanya na ikinangiti nang tudo. "Hindi naman nanananghalian ang amo natin kaya walang problema,"  Napuno nang tawanan ang agahan nila. Masaya siya na kasundo niya ang mga ito. At inaasahan na niya na mamimiss niya ang mga ito. Hope they will not hate her. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD