Chapter 1 - THREE FOREIGN WORDS

2194 Words
Nasaan na kaya si Katharine? Kamusta na kaya siya? Is she fine?..... Is she still alive? "Ano? Hindi ka pa ba aalis? Anong oras na." Wika ni mama kaya ako nabalik sa kasalukuyan. Pupunta kasi ako sa school ko para kuhanin yung form 137 ko. Hindi kasi nila ibinigay saamin nung last kaming nagpunta ni Katharine doon. Nagpaalam na ako sakanila pagkabigay nila ng pera saakin. Habang nakasakay ay nadaanan ko ang school na paglilipatan ko. Nakita ko naman sila Sam na naguusap malapit sa gate. Pagkarating ko saaking pupuntahan ay mabilis ko ring nakuha ang kukuhanin ko. Nilibot ko muna ng mabilis ang paaralan upang magbalik tanaw sa mga ala-alang nangyari saakin dito. Pagkalabas ko ay nagpunta muna ako sa convenient store para makapagbayad ng sinasabi ni mama. "Sa wakas. Makakauwi na rin ako." Aniko. Papunta na ako sa sakayan nang may mga nakita akong grupo ng mga lalaking naka itim na naglalakad papunta sa pwesto ko. Agad kumabog ng napakalakas ang dibdib ko at nakita ko na lang ang aking sariling tumatakbo kasalungat nila. Napatigil ako dahil sa grupo rin ng mga lalaking katulad ng nasa likuran ko ang papunta saakin. "Kyla!" Rinig kong tawag ng kung sino saakin. "Come here. Run!" Ani ni Ken. Nagawa kong makatakbo ngunit nahila nila ako agad. Sa hindi ko maipaliwanag at maintindihang pangyayari, bigla na lamang nagbago ang kapaligiran ko. Ang mga lalaking nakaitim, si Ken, ang school, ang kalsada, ang mg gusali, lahat ay nawala, lahat ay napalitan. I'm in the.. it's like a castle or something-like-that place. "What is your name, young lady?" Tanong ng kung sino kaya ako bigla napaharap dito. He was the one who got Katharine. Ngayong nakikita ko siya sa malapitan ay mas nakakatakot siya. Para siyang may alam sayo na dapat mong katakutan dahil maari niya itong ibunyag o gamitin laban sayo. Para siyang may masamang balak na gawin, tingin niya pa lang kahit nakasuot siya ng maskara. Sino ba siya? Anong dahilan at kinuha niya si Katharine? "Oh, I'm being rude. May I introduce myself." "I am Prince Dio Takashi. To make everything short, I'm a hybrid." "And, oh, I have a blood of human, thanks to your beautiful friend." Sambit niya atsaka yumuko na parang isang maginoo. "Now, what is your name?" Tanong niya ngunit hindi ko siya sinagot. "Nasaan na ako? Nasaan na si Katharine?" Nanginginig na boses kong sabi. Nakakatakot talaga kasi siya. Presensya niya pa lang kahit hindi pa siya nagsasalita ay nakakapanlumo na. "Oh. So her name is Katharine." He said and started to walk while his both hands is on his back. Hindi ko ba dapat sinabi? Bakit parang may mali? "Nasaan na siya?" Takot kong tanong. "She's resting... sleeping in my room." "What have you done to her?" Bigla kong tanong na nagpatawa sakaniya ng marahan. "Is that what you think of me?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "I didn't r***d her, young lady. I can, but I didn't." Sabi niya habang ako ay pinapaikutan. "I owe her." "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. "Come." Aniya atsaka naglakad papunta sa isang koridor. Bigla akong nakarinig ng kalampang at tunog ng parang mahabang kuko na pinadadaan sa metal na bagay. "Come on." Aniya ulit kaya na ako napasunod dahil natatakot ako dito mag isa. Sa paglayo niya kasi, nawawalan ng ilaw ang kinaroroonan ko. Nakarating kami sa may napakalaking pinto. Pagkabukas niya dito ay agad kong nakita si Katharine na natutulog sa malaking higaan. Ganon pa rin ang kaniyang kasuotan magmula noong huli ko siyang nakasama. Para siyang isang prinsesang inaantay ang kaniyang prinsepe na dumating upang siya'y halikan at bumangon sa ayos niya. "She's in a profoundly deep sleep." Wika ng lalaki. "A-anong ginawa mo sakaniya?" "Come." Tawag niya ulit kaya kami lumabas. Maingat niyang isinarado ang kaniyang napakalaking pintuan atsaka dumiretso sa kung saan. Pagkarating namin sa isang silid ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. May manipis na kasing laki ng aking hinliliit at mahabang tubo na may hose na nakakabit na nakapatong sa higaan na parang pang pasyente sa gitna. May ibang aparatus pa akong nakita na sa tingin ko ay parang gamit sa ospital. "You see that tube? That tube and the other one?" Tanong niya saakin at tinukoy ang tubong may nakakabit na hose. "That, I inserted it in my body and to hers." Nabigla ako at hindi inasahan ang kaniyang sinabi kaya ako napatingin sakaniya. Kung ilalagay ito sa loob ng katawan ay napakalaki at haba na nito. "Bakit?" "Because I could sense that her blood is compatible to mine..." "That's why I took her. And guess what, I am not mistaken." Dagdag niya. "Anong ibig mong sabihin? Anong compatible?" Tanong ko. Naglakad naman siya ng bahagya papunta sa gitna kung nasaan ang mga tubo atsaka dito pinadaan ang kaniyang mga daliri. "Her blood is now flowing in my veins, just like mine in her" "Para saan? Bakit?" Tanong ko ulit. Kinuha niya naman ang tubo atsaka pinadaan ang daliri sa tirang dugo sa dulo nito. Pagkasubo niya nito ay biglang nagkulay asul na may pula ang kaniyang mga mata ngunit mabilis din itong naglaho at bumalik sa kulay lila. "You know? I shouldn't tell you... but okay, let's just spill the blood." "I could use her for my sweet and profoundly destructive revenge." "Revenge? Bakit? Bakit siya?" "Sinong gusto mo? Ikaw?" Bigla niyang tanong pagharap niya saakin kaya ako natakot. "Didn't I told you? Her blood is compatible to mine." "I couldn't just kill her or abandon her." "Why?" Tanong ko. "Nakakaintindi ka ba?" Irita niyang tanong at bigla nagbago ang kaniyang mga mata. Napaatras naman ako dahil dito. "Because my blood is in her. We are connected now. Whether she like it or not, we are bound together." She wouldn't like this. I know her. And besides, who wants to be bound to someone like him? "Will she became like you?" Kusang tanong ng aking bibig. "It depends." Tugon niya. "When will she wake up?" Tanong ko ulit. "It also depends." Sagot niya. Nagantay pa ako kung magsasalita pa siya at mabuti ay ginawa niya. "If her body accepts my blood, she'll wake up, but if it doesn't... then goodbye." "You're so selfish." Aniko na nagpatawa sakaniya ng bahagya. "Saan ka nakahanap ng kontrabidang prayoridad ang iba kaysa sa plano niya at sakaniyang sarili?" Tanong niya kaya hindi ako nakasagot. "Ako? Bakit mo ako kinuha? Paanong nakarating ako agad dito ng walang isang segundo?" "I took you so you could spill the blood. I took you so you could send them this message." "Them? Kanino?" "To the clan of Hale and Welker." Madiin niyang sabi atsaka sinalubong ang aking mga mata. "Hmm. Seems like he found her." Sambit niya pagkatapos niyang suminghot na animoy nilalanghap ang sariwang hangin sa labas. "Time to go– you didn't tell me your name yet." Aniya. "Kyla. My name is Kyla." Aniko na hindi ko inaasahan na sasabihin ng sarili kong bibig. "Kyla. Good." "Now. Let my maid accompany you to go outside." "Outside? What about Katharine?" "Oh? She's staying here. She's staying with me." Tugon niya atsaka ako nginitian ng hindi maganda ang ibig sabihin. "Get her out here." Utos niya sa.... mga lobo. Katulad sila nung lobong nanggaling sa tunnel na nanghabol saamin dati. "Kill her if she insist." Huling sabi ng lalaki habang naglalakad papunta sa kaniyang silid. Dahil sa takot ko ay hindi na ako nagpumiglas at pinabayaan ko na lamang silang hilain ako papunta sa labas ng kaniyang malaking tahanan. Itinapon nila ako sa labas ng kanilang gate at nakita ko na lamang ang sarili kong umaatras palayo. Sa hindi ko inaasahang pangyayari ay hindi ko napansing nasa tabi na pala ako ng bangin at ako'y nalaglag. Nakahawak ako agad sa maari kong mahawakan at kusa na lamang tumulo ang aking mga luha. "Tulong!" Sigaw ko. "Tulong!" Sigaw ko ulit ngunit naalala ko ang nangyari saamin dati ni Katharine kaya nawalan ako bigla ng pag-asa. Wala namang tutulong saakin dito sa gitna ng kagubatan yata ito. Nasaan nga ba ako? Saan ba ako dinala ng lalaking iyon? Taga saan ba siya? Saan ang lugar na ito? "Ahhhh!" Sigaw ko ng maalis ang lupang pinaghahawakan ko ngunit may mabilis na kamay na humawak saakin. "Hold on." Wika ni— sila yung Direktor... bakit sila nandito? Anong ginagawa nila dito? Nagawa nila akong mahila ng walang kahirap-hirap papunta sa pwesto nila. "What are you doing here?" Tanong nila ngunit hindi ako makasagot. Sa pagkakarinig at pagkakatanda ko ay Hale ang kanilang apelyedo. Ibig kayang sabihin nung lalaking nagngangalang Dio ay sakanilang angkan ko sasabihin ang nais niyang iparating? "Did you heared me?" Pagkuha nila ng atensyon ko. "Yes, sir." "What are you doing here?" Ulit nila. Sinabi ko naman ang nangyari kung paano ako nakapunta dito. "And he said these three foreign words that I didn't understand." Aniko. "Shi ga chikai." I said. "Halika na." Tawag nila pagkatapos ng ilang segundo. "Paano po si Katharine? Yung kaibigan ko po nandoon sa loob." Wika ko na nagpaharap sakanila. "Leave that to us." "You should get out here first. Let's go. I'll take you to Jackso– i'll take you to your friends." Naglakad kami ng naglakad at kahit pagod na ako ay hindi ko magawang magreklamo o sabihin sakanila dahil nahihiya at natatakot ako. Parang kinuha ko lang yung dokumento ko doon sa dati kong school kanina, tapos ngayon nandito na ako. Ngayon ko lang nagawang mapansin na madilim pala dito. Ang tanging nagbibigay saamin ng liwanag ay ang napakalaking buwan saaming itaas. Bakit gabi dito? Parang magtatanghali lang kanina noong nasa eskwelahan pa lang ako? Nakarating kami sa ilalim ng mataba at mataas na puno. May isang kabayong nakatali dito na kulay itim. "Can you ride?" Tanong nila saakin. "Hindi po." Wika ko. Nagpakawala naman sila ng malalim na paghinga atsaka napakamot sakanilang ulo. "Umakyat ka." Anila. Napatingin naman ako sa kabayo. Kaya ko kaya itong akyatin? Sa liit kong ito magagawa ko kayang apakan ang pagaapakan? Sinubukan kong umakyat ngunit nalalaglag lamang ako. Naka ilang beses pa akong subok nang tulungan na nila ako. Umapak ako sa pagaapakan habang sila ay nakahawak saaking beywang upang ako'y alalayan. Kahit naiilang ako ay wala rin naman akong magagawa dahil hindi ko talaga abot. Pagkasakay ko ay inalis na nila ang tali sa puno atsaka nila ito hinila. Halos ilang oras kaming naglakbay at naaawa na ako sakanila. Hindi pa ba sila pagod? Kanina pa sila naglalakad habang hawak yung tali ng kabayo. "Stay here." Sabi nila pagkahinto namin. Nagantay ako ng ilang saglit at sa pinuntahan nilang parte, nakita ko doon si— Ken? Anong ginagawa niya dito? Paano siya nakapunta dito? Napatingin naman ako sa nakasunod sakaniya at nakita ko si Lauren na nakasakay sa isang kabayo habang bahagyang papunta sa pwesto ko. "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Lauren pagkarating niya. "Ayos lang naman." "Nasaan na sila?" Tanong ko. "May kailangan pa silang asikasuhin. Nandito kami para sunduin ka." "Paano kayao nakapunta dito?" Tanong ko ulit. "It's complicated. Sa ngayon, halina tayo dahil baka hinahanap ka na ng mama mo." Aniya. "Lumipat ka na." Sambit ni Ken kay Lauren. "Saglit lang." Tugon niya. Inalalayan ko naman siyang makapunta sa likuran ko. Si Ken naman ay mabilis na umakyat sa kabayong sinakyan kanina ni Lauren. "Ahm.... no offense, but can you really ride this?" Mahina kong tanong kay Lauren na nasa likuran ko. "Oo naman. Tinuruan kami dati ng mommy at daddy namin." Aniya. Napansin ko naman ang pagtingin sakaniya ni Ken. "Let's go." Wika niya at nagumpisa na nilang paglakarin ang kabayo. "Lakad lang muna. Baka kasi malaglag ka." Sambit ni Lauren saakin. "Oo nga. Hindi pa naman ako marunong dito." Sagot ko. Paano kaya sila nakapunta dito? Bakit parang alam na alam nila ang ginagawa at dinadaanan namin? Bakit, paano sila tinuruan magkabayo ng magulang nila? Meron ba doon sa syudad yung ganon? "Do you trust us?" Biglang tanong ni Lauren saakin kaya ako bahagyang nabigla. "Bakit?" "Kasi papipikitin ka namin." "Bakit?" Tanong ko ulit. "Sagutin mo na lang. Do you trust us?" Tanong niya. "Yes." Sambit ko. "Thank you." Aniya. Bumaba si Ken atsaka sumunod si Lauren. Sinabi niyang bumaba ako kaya ko rin ito ginawa. Muntik pa akong mapaupo dahil sa taas, mabuti na lang ay naalalayan nila akong dalawa. "Close your eyes and don't ever peek." Ginawa ko rin ang sinabi niya at kahit medyo naiilang, natatakot, nalilito at nahihilo ay sinunod ko ang sinabi niya. Ilang minuto pa ang lumipas sa paglalakad namin ay ipinabukas na nila ang aking mga mata. Pagkamulat ko ay nandito na kami sa loob ng bahay na sa tingin ko ay sakanila. Dito yung pinuntahan namin dati noong nangyari yung insidente sa soirée. "I know it's confusing but you should trust us, okay?" Pagharap saakin ni Lauren kaya ako tumango. "Thank you." Aniya ulit. "Travis?" Tawag niya sa kung sino. "Po?" Paglapit naman ng batang lalaki sakaniya. "Nasaan na si tita Amara?" "Nasa likod po. May ginagawa." "Ganon ba? Sige. Pakisabi ihahatid lang namin yung kaibigan namin sa bahay niya." "Ok." Tipid na sagot ng bata atsaka na umalis. Pagkarating namin sa pinto ay bubuksan pa lang ni Ken yung pinto ay bigla itong bumukas kaya siya natamaan sakaniyang mukha. "Sorry." Ani ni Sam. "Anong ginagawa mo dito?" Iritang tanong sakaniya ni Ken. "Hinahanap ko kaya kayo. Bakit— Kyla? Anong ginagawa mo dito?" "Paalis na kami. Halika. Samahan mo na lang kaming ihatid siya sa bahay nila." Pagtulak sakaniya ng bahagya ni Lauren papunta sa labas hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. Naging mabilis ang paghatid nila saakin papunta saaming bahay. Nagpaalam at nagpasalamat ako sakanila atsaka rin sila umalis agad. "Saan ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang?" Bungad saakin ni mama na galit na galit. Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin ko. "Ang sabi mo saakin kahapon ay pupunta ka lang ng eskwelahan mo. Bakit nalaman ko na lang na nakitulog ka na pala sa kaibigan mo? Tinatawagan ko yang cellphone mo pero hindi ka sumasagot? Pinatay mo siguro yan para hindi kita makontak." "Sinabi ko sa papa mo na hindi ka nagpaalam saakin na makikitulog ka pala sa kaibigan ko." Makikitulog? Kanino? Tsaka, anong kahapon? Ilang oras lang akong nandoon sa lugar na hindi ko alam, bakit anong sinasabi nilang kahapon? Biglang tumunog ang cellphone ko at pagkakita ko'y ilang messages ni mama. Nakita ko rin ang dalawang text ni Sam na ngayon-ngayon lamang. From: Sam Hi! Si Lauren ito. Kami pala yung nagsabi kay Sam na sabihin sa mama mo na nakitulog ka saamin. Sorry ahh. Alam kong nakakalito talaga at hindi naman namin gustong maipit ka sa nangyayari. Sana maintindihan mo. Sorry talaga. Received at 3:13 pm . From: Sam Salamat ulit sa pagtiwala saamin. Received at 3:14 pm "Ano? Pagkarating mo magsi-cellphone ka lang?" "Ngayon lang dumating yung text niyo. Ito oh." "Kasalanan ko pang ngayon lang yan dumating? Bakit hindi ka lang man gumawa ng paraan para sana magpaalam saakin o sa papa mo, o kahit kanino dito sa bahay para malaman namin." "Yung kaklase mong lalaki pa ang nagsabi dito saamin na nakitulog ka doon sa kaibigan mong babae. Bakit hindi yung kaibigan mong babae ang nagpaalam dito? Bakit yung lalaki pa?" "Hindi ko alam. Tanong niyo na lang sakanila." Aniko atsaka na naglakad papunta saaking silid. "Bastos kang bata ka." Galit nilang sabi saakin ngunit hindi ko na lamang sila pinansin. "Sasabihin ko sa papa mo yang mga ginagawa mo. Tignan mo lang. Tumatanda kang bastos. Ganiyan ba ang natututunan mo sa school?" "Dahil 'yan sa mga kaibigan mo. Mabuti lang talagang lumipat ka ng eskwelahan dahil tignan mo na ugali mo ngayon. Siguro yung kaibigan mong si Katharine?" "Akala ko pa naman maganda siyang maging kaibigan mo. Hindi naman pala." Para akong nabingi dahil sa huling mga sinabi nila kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi sumagot. "Wala siyang kasalanan. Nananahimik yung tao dinadamay niyo. Hindi niyo lang alam ang estado niya ngayon kaya niyo yan sinasabi." Balik ko. "Aba'y sumasagot ka pa talaga. Sige. Wag kang lalabas diyan. Isusumbong talaga kita sa papa mo." Anila. Humiga na ako saaking higaan at hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD