Chapter 8 - THE SACRED BOOK

1369 Words
"I can't. I can't consume dairies." "Why?" Tanong ni Lauren "Because I'm lactose intolerant." "Hindi ko alam na lactose intolerant ka ahh." Wika ko. "Akala ko baka may nakakain ka lang na kung ano kaya sumasakit tiyan mo." Dagdag ko "Hindi. Lactose intolerant ako." Aniya "What would be the alternative if you're craving for something dairy?" Tanong naman ni Lauren. "If you're lactose and talented like me, you'll figure it out." Tugon niya atsaka kumindat. "Sige. May pupuntahan pa ako." "Saan?" Tanong agad ni Lauren. "Sa ano.... sa..." "Sa kapatid ko." "Nagpakita ka na sakanila?!" Tanong namin ni Lauren. "Hindi pa. Pero balak ko na. Susunduin ko kapatid ko tapos sabay na kaming umuwi." "Sama kami!" Sabi agad ni Lauren. Hindi naman na nagpigil si Katharine dahil alam niyang hindi siya mananalo sa pagpilit ni Lauren. Pagkarating namin sa school ng kapatid niya'y hinanap pa namin siya hanggang sa nakita siya ni Katharine sa may playground na parang inaaway. "Hoy! Hoy!" Mabilis na paglapit ni Katharine kaya kami tumakbo para sundan siya. "Bakit mo inaaway ang kapatid ko?" "Huwag kang nangingialam dito." "At bakit hindi? Kapatid ko ang inaagrabya niyo." Sagot niya. Itinaas niya ang kaniyang kamay na parang sasampalin si Katharine ngunit mabilis siyang umatras kasama ng kapatid niya. "Ano, ano? Sige." Paghamon niya sa babae. "Sige lumapit ka at–" pinutol kaagad ni Katharine ang sasabihin ng kaaway niya. "At ano?" "Ha! Push mo lang." Mapang-asar niyang sabi atsaka umirap. "Halika na. Bayaan mo na sila. Mga wala lang silang magawa sa buhay." Paghila niya sa kapatid niya. Nang makarating kami sa may bandang gate ay pinapatigil niya pa rin sa pagiyak ang kaniyang kapatid. "Ahm... pwedeng humingi ng pabor sainyo?" Tanong niya saamin. "Ano yun?" Tanong agad namin. "Pwede pakibili siya ng ice cream doon? Yung vanilla flavor ahh." Pagtanggap namin ng pera ay bumili na kami ni Lauren. Ilang minuto ang nakain ng pagpila namin kaya pagdating namin sakanila Katharine ay tumahan na ang kaniyang kapatid. Ang inaasahan kong magtatanong ang kaniyang kapatid sa pagpakita sakaniya ni Katharine ay hindi nangyari. Parang walang nangyari sa mga taong nawala siya. "Guys. Sa tingin ko'y kailangan ako lang ang magpunta sa bahay namin. Babalitaan ko na lang kayo, pwede?" Hindi kami agad nakasagot ni Lauren ngunit tumango rin kami at ngumiti. Naiintindihan din kasi namin ang gusto niyang mangyari kaya bumalik na kami sa campus para hanapin si Ken. Pagkarating namin sa may field ay nakita namin sa gilid sina Sam at John na napapalibutan ng mga estudyanteng babae. "If I would be a thing, I would be a can opener. But instead of a can, I would gladly and delightly open your legs, baby." Wika niya sa isang babae kaya sila namula. Namilog naman ang mga mata namin ni Lauren at para akong nabingi. Lalapit pa lang si Lauren dahil alam kong alam niya na gusto ni Pat si John tapos lumalandi ngayon dito ngunit pinigilan siya agad ni Sam. Hinila niya kami palayo na animo'y may sasabihin sekreto. "What is that?! Akala ko ba'y si Patricia lang?!" "Listen, Lauren. Patricia called Wil. She said, tell John that it's over between them and it's her final decision." "What?!" "It's impossible. She can't do that." "But she did." Ani ni Sam. "No. I mean, why?" "What about us? What about our friendship? "I don't know, Lauren. Pagkatapos niya ngang makausap si Wil ay wala na. Tinatawagan kasi ulit siya ni Wil, pero wala na. Feeling ko sinira na niya yung sim niya." "Why?" Tanong ulit ni Lauren. Kahit hindi ko siya lubos na kilala'y parang hindi rin ako makapaniwala na magagawa niya ito ng basta-basta. Base sa mga kinukwento nila saakin tungkol kay Pat, hindi siya ganito. "So let's just understand John, okay? Even if I don't quite like him, let's understand." Wika niya. "By the way, where's Katharine?" "She finally decided to meet her family." Masaya naming sabi ni Lauren. "Really? Good." Masaya niya ring sagot. "Where's Wil?" Tanong ko naman sakaniya. "He's home, with her father." "Ahh..Sam. About that, let me talk to you." Ani ni Lauren ngunit parang may pagbabanta sakaniyang tono. Tinignan naman ako ni Sam ngunit nagkibit balikat lang ako atsaka na sila iniwanan. Napangiti na lang ako nang marinig ko ang pagtaas ng boses nilang dalawa na animo'y magkapatid na nagsasagutan kung sino ang gagawa ng isang trabaho. Habang nakatayo ako'y hindi ko namalayang nakatitig na pala ako kay Ken na nageensayo sa pag pana. Inilabas ko na lang ang aking cellphone at dito na lang ibinaling ang atensyon. "Bakit hindi mo na lang kasi sabihin sakaniya na gusto mo siya?" "Ayoko. Basta." "Ikaw, Kyla. Baka may gusto ka rin kay Wil?" Tanong ni Sam saakin. "Wala noh." "Hmm? Eh kay Ken?" Makahulugang tono sa kaniyang boses. "Wala rin. Ewan ko sayo." Aniko at nagpatuloy na sa paglalaro saaking cellphone. "Eh ikaw? Baka may gusto ka kay Katharine? Palagi mong inaasar eh." Balik sakaniya ni Lauren. "Katharine? Wala!" "Weh?" Pang-aasar ko naman. "Wala nga." Aniya. "Sabagay. Takot siya sa commitment. Takot nga siya sa babae eh. Kaya nga nagtataka ako't naging kaibigan niya tayo." Pagtawa ni Lauren. "Ano ka, allergic sa babae?" Natatawa ko namang tanong sakaniya. "Ay oo!" Sabi ni Lauren saakin. "Dati nga nung sinabi naming maganda yung kapartner niya at bagay sila, nagpagpag kaya siya. Parang ewan." "Ihh." Aniya atsaka ulit nagpagpag kaya kami natawa ni Lauren. "Kung si Katharine ay lactose intolerant, siya naman ay girls intolerant." Sambit ni Lauren kaya kami mas natawa. "Ay oh? Lactose intolerant siya?" Mukhang interesado niyang tanong. "Sinabi niya?" "Oo." Tugon namin. "Ano namang side effects pag nakakain siya?" Tanong niya ulit. "Sumasakit lang naman tiyan niya. Basta, hindi naman masyadong malala." Aniko. Dati kasi pag nakakakin siya noon, sinasabi niya lang na masakit ang tiyan niya kaya ko nga hindi inaasahan na lactose intolerant pala siya. Akala ko'y may nakain lang siyang kung ano. Ang takaw kasi. "Hoy. Wag kang ano jan, Sam. Mamaya masama ang mangyari sakaniya." Wika ni Lauren kaya ako napatingin kay Sam na nakangiti — a mischiveous smile — ... Kinaumagahan ay nagkita kami ni Katharine dahil may sasabihin daw siya saakin. "Sis." Pagumpisa niya. Inaantay kong magsasalita siya agad ngunit hindi. Parang nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya ba ang sasabihin niya o hindi. "I'm gonna tell you something." "Ano yun?" Tanong ko. "Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon mo o kung ano ang mga iisipin mo. But please, try to understand that everything is possible, okay?" Sabi niya kaya bigla akong nakaramdam ng kaba. "It's about how I got back to normal.. well, physically." "Natatandaan mo yung kasunduang sinabi ko sayo sa pagitan namin ng prinsipe?" "Prinsipe?" Tanong ko naman. "Oo. Prince Dio." "Ahhh. Oo. Bakit?" "It's not totally between us — me and him." "Dahil kay Hiro... yung sinasabi ko sayong crush ko, kaya pumayag ang prinsipe na ibalik ako sa normal." Hiro? Yung direktor ng school namin? Yung tito nila Ken at Lauren? Hindi niya pala alam na kilala na namin nila Sam si Mister Hiro. "Ano bang nangyari?" Nag aalala kong tanong kahit medyo naguguluhan na ako. "I don't know what they talked about, but all I know is they talked." "Anong meron doon? Bakit parang kinakabahan ka?" Tanong ko. "Kasi hindi ko na alam kung ano ang pinaplano ng prinsipe. Hindi ko alam kung tuluyan na ba akong nakalaya sakaniya o hindi. Kinakabahan ako dahil hindi ko na alam kung ano ang mga iniisip niya." "Natatakot din ako baka malaman nilang isa akong espiya ng prinsipe. Baka sabihin ng prinsipe na isa niya akong espiya." "I don't know what to do." Sambit niya. "Bakit sabihin mo na lang sakanila mister Hiro yung totoo? Para matapos niyo na ang kasamaan ng prinsipe." "Alam mo, kahit anong gawin nila'y hindi nila mapapatalsik ang prinsipe. Sobrang lakas niya. Alam ko dahil nakasama ko siya." "Nasaksihan ko kung paano siya sinusubukan patumbahin ngunit hindi sila lahat nagtatagumpay. Kahit sama-sama na sila'y wala talaga." "Ano bang kahinaan niya?" Tanong ko naman. "Sabi niya'y wala. Pero sa tingin ko'y meron." "Ano?" "Yung libro. Pinapakuha niya saakin yun dati. Pero sagrado ang librong iyon kaya nakatago ito, iniingatan nila ito, kaya hindi ko makuha."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD