"Pasensya na po talaga, Aling Becca, kung biglaan po iyong desisyon ko na lumipat," nahihiya kong paghingi ng paumanhin.
I considered this place as my hometown in Norte, and this apartment was my home. I've been living here for almost six years. Ngayon, kailangan ko itong iwanan para lumipat sa condo unit na bigay sa akin ng Qantara. It felt like I was leaving, Cagayan Valley and Vigan once again for a new unfamiliar place.
"Nako, hija! Ayos lang 'yon," natatawa niyang sabi. "Sa susunod na Linggo ka pa naman magsisimulang maglipat, 'di ba?"
"Opo..." sagot ko.
Aling Becca was a kind landlady too. She's not that strict when collecting our monthly rate. Madalas nga ay pinagbibigyan niya iyong kapitbahay ko na halos kalahati na ng buwan bago makapagbayad ng renta. She told us that she's heen there too. Alam niya kung gaano kahirap.
Hindi lang ito ang apartment compound na naipagawa niya kaya marami-rami ang kinokolekta niyang renta buwan-buwan. She's one individuals who sttived and worked hard from rags to riches.
I wanted to be like her someday. Para kahit papaano ay maipagmalaki ko man lang ang sarili ko sa iba.
"Oh, sige na't inihatid ko lang itong regalo ko bago ka umalis dahil tatlong linggo akong mawawala," sabi niya at inilapag ang paper pag na dala. "Sana ay magamit mo 'yan sa bago mong titirahan at maraming salamat sa ilang taon mong pagtira rito."
"Thank you rin po, Aling Becca."
I slightly got emotional because of her very kind heart. Naalala ko tuloy sa kanya si Nanay. I know she treats well other people around her. Iyon ang dahilan kung bakit mas lalo siyang pinagpapala ng Maykapal, dahilan kung bakit mas naabot niya ang pangarap at matagumpay na nakamit pa ang mga pingarap niya sa hinaharap.
After the quick visit of landlord, I didn't waste more time. Mabilis akong umalis patungo sa aking trabaho. Mabuti na lang at mayroon pa akong treinta minutos na natitira.
I was just on time when I arrives for work. I went to my office and checked the iPad first thing, just in case one of his schedules slipped my mind. It's a good thing that he didn't have any meetings nor appointments scheduled for this day, but for sure, it's gonna be another boring day in the office.
I started searching for interesting files to read in the cabinets. Hindi ko man ipagkakailang nag-eenjoy rin akong magbasa. I was very much interested about Qantara's journey..Kahit pa noong nag-aaral pa ako ay talagang interesado na ako sa Qantara. That's why I dreamt of working here.
While I was engrossed in reading the files, my phone beep for a message I just received. It's from Erin.
From: Erin
Gonna be around your office later. Want to grab lunch together?
It was a pretty good timing of Erin to ask me out for lunch. I wanted to confide in her about my fight with Jethro.
Pagkauwi no'ng isang gabi ay umasa pa akong pupunta siya sa aking apartment upang humingi ng tawad kahit papaano dahil sa masasakit na salitang kanyang binitawan ngunit walang Jethro na dumating. Kahit text o tawag ay wala rin akong natanggap.
Danzel texted me and asked if I was already home, though. I relplied that I got home safely right away. Para hindi na siya mag-alala sa akin.
Maraming gumambala sa aking isipan noong isang gabi at halos hindi na ako makatulog. Dalawang oras lang ata ako natulog at bumamgon din ako agad. Kaya kagabi ay maaga akong inantok.
Thoughts about Gavin and Jethro keep on running around my mind. Ni hindi ko nga alam kung ano ang uunahin kong isipin sa dalawa. Jethro's words wounded my heart, while the sadness in Gavin's eyes made it bleed.
I pursed my lips and held my phone properly to type in my reply.
To: Erin
Sure! Text mo na lang ako kung saan.
Sana lang ay hindi na ulit magkaroon ng urgent meeting kagaya no'ng isang araw. At kung iyong Mr. Huang ulit 'yon, I'd rather not come. Pero syempre ay hindi 'yon puwede. I had a job to keep.
Mabilis lumipas ang oras habang nagbabasa ako. Ganoon talaga siguro. Kapag may ginagawa ka at hindi mo napapansin at namamalayan ang oras ay bumibilis ang pagtakbo nito.
Erin already texted me where we would eat our lunch. Pamilyar ako sa napili niyang restaurant at saka walking distance lang din 'yon mula rito sa Qantara.
Pagkalabas ko sa aking opisina ay napatigil ako at tumitig sa pintuan ng malaking opisina ni Gavin.
Come to think of it, he only aksed me to bring him lunch once. Pagkatapos no'n ay hindi na ulit naulit. I know I should initiate it, but he clearly told me that I should only do things he'd ask. Baka alam na rin ng mga staff sa canteen ang kanilang dapat na gawin. Total ay no'ng inutusan niya akong dalhin ang pagkain niya sa kanyang opisina, mayroon lang siyang kailangang sabihin no'n sa akin.
"Order anything you want," Erin said when I started looking at the menu. "Libre ko ngayon."
Sumimangot ako at saka nag-angat ng tingin sa kanya. "Ilang beses mo na akong nililibre, Erin."
"Sus! Itong si Keanna. Para ka namang iba," natatawa niyang sabi. "Let me treat you today. Tapos kapag nakuha mo na ang sahod mo, ako naman ang ilibre mo. Deal?"
At dahil gusto ko talagang makabawi sa kanya, syempre pumayag ako. I just ordered enough food that suffice my hunger. Mabuti na lang at hindi rin gaanong kamahal dito sa napili niyang restaurant. The price was somehow reasonable.
"Thank you," she thanked the waiter who got orders and gave the menus back.
Nginitian lang kami nito at tipid na tumango bago umalis. Agad akong nilingon ni Erin habang umiinom ng tubig. Sa tingin niya pa lang ay alam kong may gusto siyang mga itanong sa akin.
"So... any updates about your life?" she casually asked me.
Bumuntong hininga ako at saka sumandal sa aking upuan. "Nagkita-kita kami nina Danzel at Jethro noong isang gabi."
She slightly pursed her lips and her brows shot up when she heard Danzel's name. Ilang beses niya akong pinapaalalahanan na hindi dapat ako nagpapahalata pero ang hindi niya alam, siya rin ay kakaiba ang galaw kapag nababanggit ang pangalan ni Danzel.
"And?" she probed, trying to act like she wasn't affected, but I knew better.
"Nag-away kaming dalawa ni Jethro," sabi ko at walang nagbago sa kanyang ekspresyon.
"Is that even knew, Keanna?" Natawa siya sa aking ibinalita. "Lagi naman kayong nag-aaway ni Jethro. Kahit noong nasa Cagayan Valley oa tayo. Wala ng bago roon."
"This is not like our petty fights, Erin..." seryoso kong sabi at nawala na ang ngiti sa kanyang labi. "Nasaktan ako sa mga sinabi niya. He indirectly told me to stop meddling with his life."
Her lips parted like she couldn't believe what I've just said.
"Sige... Sabihin na nating may kasalanan ako dahil pinipilit ko siya pero..." Napailing na lang ako at hindi na naipagpatuloy ang balak sabihin. "Hindi ko alam."
"Pinipilit saan?" tanong niya. "Enlighten me, please."
"May nagkakagusto kasi sa kanyang babae pero hindi niya pinapansin. Gusto ko lang naman na subukan niya at pumasok sa isang relasyon," paliwanag ko. "I guess he really pissed off, but.. his words... I don't know. Ngayon lang niya ako napagsalitaan ng ganoon. He will get mad, but he will apologize in a speed of light. This time, I got nothing..."
Mukhang malalim ang iniisip na Erin na hindi agad siya nakapagsalita. She just let out a deep breath before she smiled.
"I'm sure you two will make up sooner and later," she reassured me. "Alam mo namang hindi ka kayang tiisin ni Jethro. Just let him cool down for now. He'll come around."
Yes. Maybe, Erin's right. Ngunit alam ko sa sarili ko na kung magkaayos man kami ay hindi na maibabalik ang dati. I would probably keep my distance and create boundaries. Hinding-hindi na ako makikialam sa buhay niya at hahayaan ko na lang siya. Tutal ay iyon naman ang gusto niya.
Pagkatapos naming kumain ni Erin ng lunch ay isinakay pa niya ako sa kanyang sasakyan at ibinaba sa Qantara kahit na napakalapit lang nito sa aming kinainan. She had other schedules to attend to while I needed to go back to work.
I continued reading the files I prepared for this day when there's a sudden soft knocks from my office's door that enveloped my ears. I was preparing for either Donato or Gavin's presence, but I was surprised to see a new but familiar face.
Napatayo pa ako sa aking kinauupuan at mabilis na itinabi ang binabasang files upang mabati ko siya ng maayos.
"Ma'am Stephanie," I called her name.
She smiled and shook her head. "I told you to just call me Stephanie," she reminded me.
"Uhmmm... pasensya na..." sabi ko na lang. "Bakit ka nga pala napadaan?"
What a stupid question, Keanna! Kailangan pa bang itanong 'yon? Syempre ay hindi ikaw ang sadya niya rito kundi ang boss mo. Sino pa ba, di ba?"
"Gusto ko sanang makausap si Gavin ngayon," sabi niya at bahagyang lumabi. "I texted him, but I got no response. I figured he's seriously working. Hindi niya nalingon ang phone niya or something... I just want to make sure if he's inside his office before I go inside."
"Wala naman siyang importanteng schedule ngayon. Most probably, he's in his office..." I trailled because come to think of it... hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin magmula kanina. "Uh... To be honest, hindi rin ako sigurado. I'll accompany you inside his office."
Napakunot ang noo ni Stephanie, ngunit kahit na sumimangot ang ekspresyon ay nanatili pa rin ang kanyang ganda. How unfair, right?
"You're not sure if he's inside his office ot what?" she sounded so confused. "You're his secretary, though..."
Pakiramdam ko tuloy ay wala akong kwenta at napakatanga kong sekretarya dahil hindi ko man lang alam kung nandito ba ang boss ko o wala.
"I'll check it first," sabi ko at hindi na pinalala pa ang iniisip niya tungkol sa akin.
Maybe she's thinking that I wasn't an effective secretary. Simpleng bagay tungkol sa boss ko ay hindi ko pa alam.
I tried to turn the door handle of his office but it was stuck hallway, indicating that it's locked. Fear crept into my system, but on the outside, I kept my composure as I knocked on the door and waited for any response. However, I didn't get any.
"Is he there?"
Halos mapatalon ako sa gulat at kaba nang biglang nagsalita si Stephanie. Kita kong nag-aalala na rin siya kaya naman sinubukan kong maging maayos.
"Hindi ko ata pumasok si Sir Gavin," sabi ko sa kanya.
She crossed her arms and sighed. "Okay... I'm not angry nor anything, but I hope you try to keep yourself informed about your bos' whereabouts," she told me. "I could see that you're a brilliant girl that's why Gavin hired you for this position so please, don't fail him. You have a very important job. You're the President's secretary."
She sighed and glanced on her wrist watch to check the time.
"Anyway, thank you for the assistance. I'll just come back some other time," she said and smiled before heading out.
I didn't know how she stayed calm and soft spoken as she educated me with things I should take note of. Hindi ko minamasama ang mga pangaral niya sa akin dahil alam kong tama naman siya. May punto naman siya sa sinabi niya. Ako ang sekretarya pero hindi ko alam kung pumasok ba ang amo ko o hindi. Nagkulang ako bilang sekretarya ni Gavin sa parteng ito.
Mabilis akong tumungo pabalik sa opisina ko nang bumalik ang kaba pagkaalis ni Stephanie. I tried the intercom, but there's no still response. It was a good thing that I remembered about the his office's spare key.
Kinuha ko iyon sa pinakahuking drawer ng aking table. Nagmamadaling akong bumalik sa opisina ni Gavin. Binuksan ko 'yon gamit ang susi at nanlaki ang aking mga mata nang makita kong nakahiga si Gavin sa malaking couch.
Pinakawalan ko ang isang malalim na hininga. Unti-unting nawala ang kaba sa aking dibdib. Who would've thought that he was just sleeping inside his office?
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Kinuha ko ang unan sa kanyang gilid. I wanted to place the pillow below his head, but the moment I tried to lift it, I felt his heat against my skin. Sinubukan kong tignan ang temperatura ng kanyang noo at leeg.
My breath hitched when I realized that he had a fever. He was burning hot! I moved closer to his face and heard his teeth quietly chattering because of the cold.
Naalala ko tuloy no'ng isang gabi. Basang-basa siya no'n ng dahil sa ulan. Instead of covering himself, he sheltered me from the rain using his suit.
Kung kanina ay takot ang gumapang sa aking sistema, ngayon naman ay konsensya.
Kinuha ko ang suit niya na nakasabit sa likuran ng kanyang swivel chair at inilagay sa kanyang katawan para kahit papaano ay maitin siya. Mabuti na lang at naka-trousers siya. I found out that he's also wearing shocks when I removed his black shoes.
"Hello, this is President Gavin's secretary, Keanna," I said when the woman from the infirmary answered my call. "I would like to ask medicines for fever and be delivered in his office, if possible."
"No problem, Ma'am Keanna," she said.
Tinawagan ko na rin ang canteen dahil mukhang hindi pa siya kumakain. I asked if there's a soup available on the menu for today, and they said that they always prepare soups.
Naunang dumating ang gamot kaya naman hinintay ko pa ang pagkain bago ginising si Gavin para mapakain siya at mapainom ng gamot.
"Gavin..." I softly called his name and tried to pull him out from his unconsciousness. "Gavin, bumangon ka muna sandali. Kailangan mong kumain at uminom ng gamot! Nilalagnat ka "
He just grunted and pulled the suit closer to his body.
I bit my lower lip and smiled. Ngayon ko lang siya ulit nakita ng ganitong kalapit. Kahit talaga may sakit ay ang gwapo-gwapo niya pa rin. Parang walang nagbago.
"Gavin, kumain ka na muna para makainom ka ng gamot. Galingan mong gumaling agad," sabi ko.
I moved an inch closer and tried to lift him up, but he's too heavy. Kamuntikan pa akong bumagsak sa kanya. Buti na lang at naitukod ko kaagad ang aking kamay sa kanyang dibdib, ngunit pagkaangat ko ng tingin sa kanya ay nakadilat na ang kanyang mga mata at nakatingin sa akin.
My eyes widened in surprise. I move away from him as fast as I could. Napaupo pa nga ako sa lapag. Mabuti na lang at mayroong carpet dito kaya hindi masyadong masakit sa pwet.
Sunulyapan ko si Gavin at kita kong sapo-sapo niya ang kanyang noo habang dahan-dahang umupo.. Kahit na gulantang pa ako sa nangyari ay inalalayan ko siya sa pag-upo. He wasn't expecting my help, so he stared at me.
Binalewala ko na lang ang pagtitig niya at saka kinuha ang tray ng pagkain. Walang salita akong umupo sa kanyang tabi. Inilapag ko sa aking hita ang tray at nagsimulang maglagay ng pagkain sa kutsara para maisubo sa kanya.
"Kumain ka na muna ng kanin bago itong soup. Hindi puwedeng soup lang dahil kailangan mong uminom ng gamot," sabi ko sa kanya.
Hindi na umangal si Gavin sa akin. Tinanggap niya lahat ng pinapakain ko sa kanya. He's acting like a good and oedient kid to his mother. Iyon na nga lang hindi niya naubos ang pagkain dahil wala siyang gana. Naiintindihan ko naman 'yon kaya hinayaan ko na siya at pinainom ng gamot.
"Matulog at magpahinga ka na muna ulit. Gigisingin kita kapag five-thirty na para makauwi ka at makapagpahinga ng mas mabuti sa inyo," sabi ko.
Nalaman kong mayroon pala siyang blanket at spare clothes sa cabinet niya rito sa office kaya pinagpalit ko na muna aiya bago muling pinahiga sa sofa. Inayos ko ang kumot sa kanyang katawan habang siya ay tahimik pa rin habang pinapanood ang aking bawat galaw.
Umamba akong tatakikuran siya para tumawag sa canteen at ipakuha itong pinagkainan ni Gavin, ngunit mabilis niyang hinawakan ang aking palapulsuhan upang mapigilan ako.
"Are you going back to your office?"
Kahit na nanghihina at namamaos ay dinig na dinig ko ang kanyang boses. I didn't know why my heart ached for that simple question, but it did.
Umiling ako at saka tipid na ngumiti sa kanya. "Hindi..."
Napabuntong hininga siya at saka tumango-tango. Tumititig ako sa kanyang namumungay na mga mata habang unti-unti niya itong ipinikit para magpahinga, ngunit ang kanyang kamay ay nakahawak pa rin sa akin.
Sa tingin ko ay hindi ko siya kayang iwan sa kanyang tabi ngayon.
Dinala ko ang kanyang kamay sa akin at pinagsalikop ito. Umupo ako sa gilid ng couch. Naghanap ako ng maganda at kumportableng puwesto para panoorin siya habang natutulog.
His breathing calmed down and his hand relaxed when he felt me next to him. He's finally at peace, and so was I.