" Salamat sa dinner Terrence ha?" pasasalamat ni Xia nang dumating na sila sa cafe nito. Iniwan lamang kasi niya ang kotse niya doon. "Walang anuman. Nabusog ka ba?" tanong niya rito. "Oo naman sobrang busog.Ang sarap pala ng foods doon. Sige, salamat ulit. Papasok na muna ako sa office, ikaw rin umuwi ka na, you need to rest." "Salamat din Xi, for tonight. You know what, we should really go along well with each other. F-For the kids." aniya rito. Nakita niya ang pagngiti nito. " Y-Yeah we should really be okay, for Avah and Paige." sagot rin nito. "So, friends?" sambit niya sabay lahad ng kan'yang kamay rito. Tinanggap naman nito ang pakikipagkamay niya rito.Ngumiti siya kay Xia at nakita naman ang babae na masuyo siyang tinitingnan. "Salamat ulit, sige alis na. Mag-ingat ka okay?"