"Ay wow, nagmamalikmata lang ba ako o ikaw talaga 'yan Tiburcio?" nakangising tanong ni Jelai sa kan' ya habang papasok siya sa Food Porn Hub Resto nito.
"Huh! Ang sabihin mo, tuwang tuwa ka lang dahil nakakita ka na naman ng napaka gwapong nilalang!"sambit niya rito sabay upo sa isang bakanteng mesa sa gilid ng resto.
Sumenyas siya sa waitress at tumango naman ito. Well, kabisado na ng mga ito ang palagi niyang inoorder. Niromansang baka, chicken 69 at Hot Wild beef soup na pampainit raw ng katawan sabi ni Jelai.Natural naman siguro dahil kumukulo pa ang soup na iyon kapag iseserve sa kan'ya. Si Jelai talaga minsan ay parang may topak ang ulo.
"Hoy, sinong nagsabi sa'yo na gwapo ka ha? Kung single ako na maganda, sexy at makinis eh hindi kita gugustuhin noh! Kahit na maghubad ka pa sa harapan ko, naku ekis kang bakulaw ka!" prangkang sambit ni Jelai sa kan'ya.
"At sino naman ang may sabing papatulan kita ha? Bunganga mo pa lang ang sarap mong esalvage! Atsaka, siguro inborn deaf si Tiger noh? Parang hindi nasisira ang eardrum niya sa'yo. Baka naman, epacheckup mo na Jelai ang kapatid ko ah?" mahaba niyang salaysay.
" Love ako ng kapatid mo noh! " wika nito.
" Ha! Ang sabihin mo, takot na takot sa'yo ang Tigreng 'yon! " aniya kay Jelaine. Totoo naman. Tinaguriang matapang sa mga Geller si Tiger pero pagdating kay Jelai ay para itong tinuping papel.
"Ewan ko sa' yo, Terrence. Kung ako sa'yo mag-asawa ka na lang!Hindi ka ba naiinggit sa mga kapatid mo na may mga anak na at magagandang asawang kagaya ko!"
"Ako maiinggit? Peaceful ang buhay ko Jelai! No wife, happy life! Atsaka, distorbo lang 'yang mga babae sa buhay!Kapag aalis ako at iinum, tatawag at palaging gusto ng update! Nakakapagod na kahit isipin pa lang! Mas mabuti na' yung ganitong single ready to mingle! " sagot niya.
" Ahhh playboy ka kasi! Hindi ka kuntento sa isa kaya ganyan ang paniniwala mo! Well, ikaw rin baka kapag darating 'yung babae na para sa' yo, baka mas masahol ka pa kay Tiger! Baka, ikaw na ang kukuha ng korona niya. " natatawang sambit ni Jelai.
" Kung kagaya mo lang ang asawa ko, naku huwag na lang. Thank you na lang talaga Jelaine dahil mas mabuti pang mag-isa na lang ako habang buhay keysa sa walang kapayapaan ang buhay ko! "natatawa niyang sambit kay Jelaine. Natawa na lang rin si Jelaine sa kan'ya. Totoo naman kasi ang sinasabi niya. Napaka maingay ni Jelaine. Walang preno ang bibig nito pero aminado naman siya na mabuting asawa ito kay Tiger at ina ng mga anak ito.
" Hello po Ate Jelaine!" bumaling sila sa grupo ng kababaihang pumasok sa resto. Siguro kung hindi siya nagkakamali ay nas twenties pa lamang ang mga edad ng mga ito.
Magaganda ang mga ito at sexy.
"Ate, ang sabi ni Kuya maglulunch na raw muna kami rito, siya lang raw ang magbabayad mamaya!" wika ng isang may pagka mestisahin.
" 'Yang kuya mo April ha? Kung siya ang mangungutang aabot na ng isang taon! Pero kapag ako ang kukuha ng stocks sa kan'ya madaling araw pa lang sinisingil na ako! Swerte niya' t magkaibigan kami! Pero sige, umorder lang kayo mga barbie dolls!" dinig niyang wika ni Jelai sa mga kababaihang umaapaw ang kagandahan at kaseksihan.
" Hoy! Terrence yang mga mata mo, naduduling na oh! Hoy mga girls, tandaan n'yo ang mukhang 'to ah? Kapag mambobola ito sa inyo, wag niyong pansinin ah? Playboy' to! Kapatid ni Tito Tiger ninyo pero walang planong sumeryoso sa mga babae kaya warning girls ha? Picturan n'yo para hindi n'yo makakalimutan ang mukha " prangkang sambit ni Jelai habang tinuturo siya.
Napailing na lamang siya sa tinuran nito. Kapag si Jelai talaga ang kasama niya eh wala talaga siyang mapapala sa mga chicks na kagaya ng mga fresh na kababaihang nasa harap ng inuupan niya.
" April, Lezzia, Joan, Marilyn.Remember his name ha? Terrence Geller aka Tiburcio!" pagpapakilala ni Jelai sa mga babae.
Namula tuloy ang mukha niya nang magsitawanan ang mga babae nang marinig ang pangalang Tiburcio.
"Si April pala half sister ni Mister intsik na ubod ng kuripot!" wika ni Jelai na ang tinutukoy ay si Mr. Chen na nasa kabila lamang ang shop.
Kumaway naman sa kan'ya ang mga babae.
"Hi po, kuya Terrence,super pogi n'yo po talaga!" wika ng babaeng Joan ang pangalan.
"Oo nga po eh, at hot rin po!" dagdag naman ni Lezzia.
"Kapatid po pala kayo ni Kuya Tiger! Hindi ka po namin natitiyempuhan rito!" ani naman ni April.
Si Marilyn naman ay pangiti ngiti lamang sa kan' ya. Kagaya nga ng sabi ng mga kaibigan niya. Mapa bata o matanda eh hindi nakakalagpas sa karisma niya. Ang lakas ng s*x appeal niya sa mga kababaihan. Atsaka, walang pinipiling edad ang mga babaeng nilalandi siya pero siyempre hindi naman siya basta basta pumapatol sa mga babaeng lantaran siyang nilalandi. May taste siya sa mga babae at hindi rin niya palalagpasin kapag type niya ito.
Pero agad niyang naisip si Eloisa. "Damn you, Timothy!" mura niya sa kawalan Sa mga magkakapatid, sila ni Timothy Geller ang halos magkamukha. Parehong matikas ang kanilang pangangatawan. Ang pinagkaiba nga lang ay palangiti siya samantalang si Timothy ay parang galit sa mundo dahil sa pagiging suplado nito.
"Mga girls ha? I warned you already! Mawawasak, I mean masasaktan lang kayo rito! Don't trust his smile, his face and his looks dahil maraming collection 'yan!" patuloy na saad ni Jelai.
Kung ulam siya ay tiyak na guisadong guisado na siya at marami pang sahog dahil sa bintang ni Jelai sa kan' ya.
Mabuti na lamang at dumating na ang mga inorder niya kaya naging busy na siya sa pagkain. Si Jelai naman ay umupo kasama ang mga babae at nakipagkwentuhan sa mga ito. Alam niya na siya ang topic dahil dinig na dinig niya ang pangalan niya sa bibig ni Jelaine kahit na bumubulong lamang ito. Bulong palang ay parang sumisigaw na kaya hindi nakaligtas sa pandinig niya na sinisiraan talaga siya nito sa mga nagagandahang chicks.
Hindi nagtagal ay lumapit ito sa kan'ya.
"Ano ang pinag-uusapan n'yo?" tanong niya rito.
"Ha? Tsismoso of course girls talk 'yun at syempre hindi ikaw ang topic!"wika nito. Natawa siya, palusot na naman!
"Akala ko ako ang pinag-uusapan ninyo! Bibili na sana ako ng popcorn dahil ang sarap ninyong pagmasdan habang nagchichismisan!" aniya rito.
"Hmmmp, ikaw ah masyado kang palabintang! Anong chismis ha? Pinag-uusapan namin ang sikat na boutique ng pinsan ni Althea Belle Mondragon. Samahan mo naman ako, bibili ako ng bagong outfit! May bagong labas na trending korean wears kanina baka maubusan ako, limited edition lang kasi eh! Pwede? Please? Ipagmaneho mo ako, bayawak... este bayaw ko?" halos maamong kuting na ito ngayon na nagmamakaawa sa kan'ya. Kanina kung siraan siya ay number one ito pero ngayong may hinihiling ito ay parang maamong pusa na nilalambing ang amo nito.
" Coding ako, bayaw. Ano na? Pleaseeee! "pangungulit nito.
" Sa tingin mo, ipagmamaneho kita pagkatapos mo'kong ilaglag sa mga barbie dolls na 'yan? " wika niya.
" Hmmm, sorry na! Nagbibiro lang naman ako bayaw eh. Hey ladies, alam n' yo ba na si Terrence ang pinaka mabait kong brother in law? Ambait nito sobra? Wala akong masabi as in! Naku, swerte talaga ng mapapangasawa nito, mabait na't gwapo at makisig pa!" tila nagbago ang ihip ng hangin ni Jelai sa sandaling 'yon. Napailing na lamang siya.
Ngumiti naman sa kan' ya ang mga babae.
" So 'ayan na binawo ko na! Bilisan mo nang kumain para maaga tayo bayaw! "wika nito.
" Huh, ang galing mo talaga noh? Pasalamat ka' t hindi lang kita sister in law, kaibigan pa kita! "wika niya habang sinusubo ang mainit na soup sa bibig.
" Hello, mga flensss! "napalingon sila sa pinagmulan ng boses at nakitang papasok si Mister Chen.
Umupo ito pwesto nila at ningitian siya.
" Kain tayo, Chen! " anyaya niya sa intsik.
" Ahh oo, tamang tama gutom na ako. " sambit ni Mr. Chen sa kanila. Si Jelai ay nakatitig lamang kay sa intsik na agad agad na umupo sa kinaroroonan nila.
Sumenyas ito sa waitress. Hindi nagtagal ay may plato't kutsara na ang babaeng waitress pra kay Mr. Chen.
Nakita niyang sumadok na ito sa platter rice ni Terrence. Ang kalahating chicken 69 ay kinuha nito at ang natirang niromansang baka ay nilimas nito at walang itinira.
Nahulog ang panga niya kay Mr. Chen. Inimbitahan lang naman niyang kumain pero sineryoso talaga nito ang imbitasyon nilimas pa ang mga pagkain niya.
"Hanep ka talaga Chen noh? Kahit saan ka itatapon, mabubuhay ka talaga!" sambit ni Jelai sa intsik. "Bayaran mo ang kinain ng kapatid mo ha? Ikaw raw ang magbabayad!"
"Oo, basta utang muna wala ako cash. Wala pa kita ngayon, mahina pa ang benta!"anito.
" April, ako bigay one hundred sa'yo ha? Punta ka sa palengke, ikaw bili gulay pang one week na! " sambit ni Mr. Chen sa kapatid na busy pang kumakain sa kabilang mesa.
" Kuya naman, one hundred pesos? Seryoso ka po? " nalilitong sambit ni April sa kapatid nito.
" Hay, ikaw na bahala basta isang linggo na 'yun! Humingi ka ng tawad sa palengke! " wika nito.
"Pambihira ka Mister Chen! Ang sarap mong bitayin ng patiwarik! One hundred pesos? Hoy April! Bumili ka na lang ng lason, lasunin mo' tong kuya mo!" wika ni Jelai na ikinatuwa nila.