"Eloisa is mine! Asawa ko na nga 'di ba? Ba' t kukunin mo pa?" galit na sigaw sa kanya ni Timothy. Nasa loob siya ng opisina nito ngayon.
"Ayaw mo naman sa kanya 'di ba? Sinasaktan mo lang naman kaya akin na lang! Ako na ang mag-aalaga."
"Are you insane? At bakit ko naman ibibigay sa' yo?"
"Hindi mo naman mahal 'di ba? Galit ka nga sa kanya! Kaya, para wala ka nang problema at makakalaya ka na mula kay Eloisa, eh hayaan mo na' kong umeksena baka magkakagusto rin siya sa'kin!"
" Kung gusto mo pang mabuhay, layuan mo si Eloisa! Una at huling beses na ito Terrence, huwag ka nang lumapit pa sa kanya dahil malilintikan ka talaga sa akin! " galit na bunghalit nito sa kanya.
" Kaya ikaw, magbago ka na. Kapag nandiyan ang asawa mo, ang sama ng ugali mo! Palagi kang galit kahit hindi ka inaaano ng tao. Tandaan mo rin ito Timothy, sa oras na sasaktan mo siya, hindi na'ko hihingi pa ng permiso sa'yo...Kukunin ko siya sa ayaw at gusto mo. Hindi mo pa kasi maamin na mahal mo rin naman talaga ang asawa mo! "Tumayo siya at bagsak ang mga balikat na umalis na sa opisina ng kapatid.
Lahat ng babae ay laro lamang sa kanya. Pero nang unang makita ang asawa ng kapatid ay may nag-uudyok sa kanya na alagaan ito. She is too angelic for his demonic brother, Timothy. Kung gaano kabuti ni Eloisa ay taliwas naman sa ugali ng kanyang kapatid. Alam niyang minamaltrato nito ang asawa kaya gusto niyang kunin ito mula sa kapatid.
Papasok na siya sa kanyang kotse na nasa parking lot nang tumunog ang ringtone ng kanyang cellphone.
"Papatayin kita, Terrence! Ngayon pa lang tigilan mo na 'yang pinaplano mo!" hindi pa rin nakamove - on ang kapatid sa sinabi niya rito kanina.
"Mahal mo ba o hinde?" tanging naitanong niya rito.
Naging tahimik ang linya nito.
"Oh, hinde naman pal------" hindi na niya itinuloy ang sinabi niya.
"B#llshit,Terrence. Oo mahal ko, mahal na mahal ko siya kaya tumigil ka na!"
"Okay, madali akong kausap. Kapag mahal mo, hindi na'ko makikihating kapatid pa sa'yo! Gago, kung noon mo pa sinabi edi naka-move on na sana ako ngayon!" galit niyang sambit rito.
That deal is among them. Kapag ganitong inamin na ni Timothy na mahal rin nito si Eloisa ay irerespeto niya na ito. He will eventually stop kahit mahirap para sa kanya. Alam niyang time will heal kaya panahon na upang hayaan si Timothy. Sana naman ay aalagaan niya ng mabuti si Eloisa.
------------
5 YEARS LATER
"Ouch!" sambit niya nang iminulat ang kanyang mga mata.Hang-over pa siya dahil nag-inuman sila kagabi kasama ang mga kapatid niya. Sina Tiger, Tristan and Timothy. They all visited him. Lahat ng mga kapatid niya ay masaya na sa mga pamilya ng mga ito. Ngunit siya, thirty three na ay binata pa rin. Bihira siyang ma-fall sa isang babae. Marami ang naghahabol sa kanya at sinusubukang pikutin siya pero walang nagwawagi sa mga ito. May mga babae siya ngunit hindi siya naging seryoso. Lahat ay dumaan lamang sa kanya, naging panandaliang aliw lamang.
He chosed to stay in Cebu, sa bagong resort na itinayo niya sa tabi mismo ng Alegre resort na pag-aari ng mga Mondragon.
The Infinite Hotel and Resorts ang pangalan ng ikalawang resort niya. Dalawang buwan pa lamang nakabukas ang resort nila and the ratings is really commendable. Kagaya ng Alegre resort, ay madaling sumikat ang resort niya because of its ammenities.
Naging magkumpetensya ang resort nila ng mga Mondragon dahil adjacent lamang ang kanyang resort mula sa resort ng mga ito. Malalakad nga lamang patungo sa Alegre Resort kapag galing sa Resort niya. He doesn't care, walang personalan pagdating sa negosyo.
Nagsuot siya ng white sando at boxer shorts. Tinawagan niya ang staff ng hotel niya upang magtimpla ng kape at ihanda ang almusal niya. Ang mga kapatid niya siguro ay tulog pa. It's still very early, alas seis pa lamanhg ng umaga.
Naglakad-lakad siya sa dalampasigan. Napakapresko ng hangin sa tabing dagat. The air comforts him physically.
Hindi niya namalayan na malayo na pala ang nalakaran niya. Nang bumaling siya ay maliit na lamang ang Infinite hotel mula sa paningin niya.
" Hello, who are you Mister?" munting tinig ang narinig niyang nagsalita mula sa likuran niya.
Nang lumingon ay may nakita siyang dalawang batang babae na magkamukhang magkamukha. Pero ang isa ay iba ang kulay ng mata,kulay green iyon at ang sa isa naman ay brown.
Napakunot ang noo niya nang makita ang dalawa. Ke-aga aga namang maglaro ng buhangin sa dalampasigan.
"Hey, Paige! Mom told us not to talk to strangers!" sinaway ng isang bata ang batang green ang kulay ng mata.
Nakakatuwa ang dalawa. Parang matanda na kasi kung magsalita.
"What are you doing? Ang aga n'yo naman dito." aniya sa dalawa.
"Can't you see we're playing here, Mister? This is our resort! Our mommy owns it and how about you?" tanong ng batang brown ang mata.
"I'm just having a walk around here! Hmmmm, you own this resort? There's lot of resorts here uh?" sambit niya.
"Yeah, but the most beautiful is ours. The new resort there on the other side is really ugly just like its owner!" sambit ng bata na kulay green ang mata.
"Really, the owner is ugly huh? Who told you that?" tanong niya sa mga ito.
"Mommy told us."halos sabay na wika ng isa.
" Hmmm, where's your mom? "tanong niya.
" She's not here. She's in Manila, at her boutique! "sambit ng brown ang mata.
" Wow! So who's your companion here? "tanong niya.
" Our yaya Dorang. "
Tumango siya sa mga ito.
" What are you building huh? " tanong niya nang makita na tila may inuukit ang mga ito.
" Castle, we're making sand castle! "
" Do you need help? I can make a giant one for you! " aniya.
Tumalon sa kasiyahan ang dalawa sa sinabi niya. Gumawa siya ng malaking sand castle na nagustuhan naman ng dalawa. Napakaganda ng dalawang bata at bibong bibo kausap ang dalawa.
" Thank you, Mister!" halos yakapin siya ng dalawa dahil sa sobrang tuwa.
"I'm Avah and she is my twin sister Paige."
"Hello Avah. Hi Paige! Nice to meet you. Well, see you next time okay?" tumayo siya at nagpaalam na sa dalawa. Si Avah ang batang brown ang mata, si Paige naman ay green ang mga mata. They are so identical, ang kulay ng mga mata lamang ang iba.
Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya naaliw at naging interesado sa mga bata. Sa katunayan ay gusto niyang manatili pa nang matagal kasama ang mga ito ngunit may aasikasuhin pa siya sa resort niya.
" I'm Terrence." pagpapakilala niya sa kanyang sarili.
Kumaway ang dalawa habang tinatanaw siyang naglalakad muli kung saan siya galing kanina.
Sobrang ganda at cute ng dalawa. Nakalimutan lamang niyang itanong kung ilang taon na ang mga ito pero sa tant'ya niya ay apat o limang taong gulang na ang dalawa.
Natatawa pa siyang mag-isa sa narinig kanina na sinabi raw ng mommy ng dalawa na pangit ang resort niya pati na rin ang may-ari.
"A good role model motherf*cker!" aniya sa sarili habang naglalakad.