" Ikaw na lang ang bumaba ha? Maghihintay na lang ako sa kotse!" wika niya kay Jelai nang dumating na sila sa parking lot ng Korean Trends.
" Sure ka ba? Kaya mong maghintay ng limang oras rito?" tanong nito sa kan'ya. Napamura naman siya. Kung alam lang niya na ganito ka tagal, nilayasan na sana niya si Jelaine.
Wala siyang magawa kundi ang sumama na lamang rito kahit na napipilitan lang naman. Actually, malaki at napakaganda ng lugar. Napakaraming mga displays na authentic galing sa designer na may-ari raw ng boutique na iyon.
Nakita niyang lumapit si Jelai sa isang sales lady at kung anu ano ang itinuro nito. Napailing na lamang siya, napaka maluho ng asawa ng kapatid niya. Kunsabagay, galing sa mayamang pamilya si Jelaine at negosyante ito. Mayaman rin naman talaga ang kapatid niya at kahit na isang taon pang wawaldasin ni Jelai ang pera ni Tiger ay hinding hindi 'yon mauubos.
Nagkasya na lamang siya sa pagtingin sa mga panlalakeng mga outfits. Infairness naman, may taste naman ang designer,kung sino man iyon. Ang ganda ng mga designs at mostly ay mga nakikita niyang mga nauusong suot ng mga tao ngayon.
Kahit malayo si Jelai ay dinig niya pa rin ang boses nito. Napakaingay talaga kahit saang lupalop ito ng mundo makakarating.
"Wala ka pa bang napili? Ilang minuto ka nang patingin tingin lang diyan ah?" sita niya kay Jelai na hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng mabibili nito.
"Kontrabida naman ito oh! Alam mo, ganito talaga ang mga babae noh! Hayaan mo na kasi training ground mo na ito! Atsaka, bumili ka na nga rin ng damit diyan para hindi ka mainip! Tingnan mo ang suot mo oh, nakakahiya para kang apo na ni magellan!" bara nito sa kan'ya.
Napailing naman siya. Lumapit siya sa malaking salamin na nasa tabi.
" Tang*na mo Jelai! " napamura siya dahil sa panlalait nito sa kan'ya. Wala naman siyang nakikitang masama sa suot niya ah? Atsaka, ang tikas nga niya sa suot niyang fitted gray polo shirt at branded na pantalon. Naka tucked in siya na bagay naman dahil wala siyang tiyan at ang lapad ng balikat niya at namumutok pa ang mga muscle sa magkabilang braso niya. What's wrong with his clothes? Wala, as in wala dahil si Jelai lang talaga ang mapanglait at kung anu ano ang pinagsasabi sa kan'ya. Gusto 'ata nitong bumaba ang self esteem niya pero mula pagkabata ay alam na naman niyang pinagpala siya sa lahat ng bagay. Sinuot niya ang kan' yang shades at muling tumingin sa salamin.Huh,gandang lalake kaya niya. Itong si Jelai lang talaga oh, siguro si Tiger lang ang gwapo sa paningin nito eh mas hamak namang mas gwapo siya kaysa sa kapatid niyang iyon.
Babalik na sana siya sa kinaroroonan ni Jelai nang makita niyang may kausap ito. A petite flawless girl na mas gumaganda kapag nakangiti. Mapuputi ang mga ngipin nito at ang ganda rin ng ilong na tila perpektong inukit para bumagay sa maliit nitong mukha. Para siyang nakakita ng anghel na bumaba mula sa kalangitan. Matangkad ito pero slim habang palapit siya ay hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Tila ba ang lakas ng pintig ng dibdib niya. Have they met before? But its impossible dahil hindi pa talaga niya nakikita ang babae, ngayon lamang talaga.
"Alam mo Xia, kahapon ko pa gustong pumunta rito wala lang akong time! Mabuti nga't nandito itong brother in law ko. Heto na pala siya oh. Pssst, Tiburcio si Xia Jill Mondragon kapatid ni Anton Chase at pinsan ng bessy kong si Althea Belle!" pagpapakilala ni Jelai sa kanilang dalawa." Si Tiburcio pala. "
Inilahad niya ang kan'yang kamay sa babae. Hindi na niya tinanggal ang shades niya, bigla tuloy siyang na conscious na baka may muta siya sa mata. Ewan niya ba' t ngayon lang 'ata siya na conscious ng ganito sa isang babae.
"Hello, nice to meet you Tiburcio." nakangiting wika ni Xia sa kan' ya.
Hindi na nga niya nagawang sagutin pa ang babae dahil tila naputulan siya ng dila sa sandaling iyon. Natorete 'ata siya sa ganda ni Xia Jill Mondragon. Muntik na siyang mahimatay lalo na noong ngumiti ito sa kan' ya ng ubod ng tamis. My god, saan ba ito nagsuot nitong mga huling taon? Ba't ngayon lamang niya nasilayan ang ganda nito. Nakakatuliro at tulalang tulala siya sa oras na iyon.
"Hmmm Tiburcio!" dinig niyang sambit ni Xia Jill.
"Yes Xia?" agad niyang tugon.
"Ahmmm, yung kamay ko...." wika nito.
Agad niyang binitawan ang kamay ng babae. Shuta, hindi na pala niya binitawan ang palad nito. Alam niyang namumula siya sa sandaling iyon samantalang si Xia Jill ganundin.
"Ahmmm excuse me muna Jelai ah? Babalik lang ako kaagad. By the way, may cafe pala akong binuksan nasa tabi lang nitong boutique. Sana next time, maka bisita ka dun. Bagong bukas lang!" sambit nito. Ngayon palang ay tila atat na siyang pumunta sa sinasabi nitong cafe.
Nang umalis na ito ay tila nawala ang sigla niya. Bakit parang ang sarap pagmasdan palagi ang mukha ng babaeng kakakilala lamang niya. She's quite familiar pero hindi niya alam kung saan niya ito nakita. Basta parang may kahawig ito or ano, nakalimutan lamang niya.
Bigla siyang napaaray nang binatukan siya ni Jelaine.
"Ikaw ha, nababasa ko ang mga kilos mo Tiburcio ha? Hmmmp, kung may pinaplano ka, pwede ba huwag mo nang ituloy. Hoy, Mondragon iyon! Papatayin ka nila kapag itutuloy mo 'yang plano mo Geller!" saway sa kan' ya ni Jelaine.
"Over thinker ka talaga! Ang lala na ng sayad mo Jelaine ah? O hindi mo na naman ba ininom ang maintenance mo kanina? Ang tindi ng topak mo ngayong araw!" aniya rito. Syempre nagbibiro lamang siya. Ano ba itong si Jelai, manghuhula? Bakit naiisip nito ang lahat ng nasa isip niya?
" Alam ko totoo ang sinasabi ko Tiburcio. Huwag mo nang ituloy ang plano mo okay? Kilala kita kahit na may shades ka ay nababasa ko ang laman ng isip mo! Kung magloloko ka lang, wag kay Xia Jill kasi broken hearted yun kay Kier, her ex who dumped him with another lady. Kilala mo naman kung sino ang mga tinutukoy ko. " seryosong sambit ni Jelai.
" What? Somebody hurt her? How could him? " hindi niya alam kung ba't nasambit niya ang mga salitang 'yon.
" Hindi sila destined with each other kaya' yun! Atsaka baka may nakalaan pa na iba para kay Xia but definitely not you kasi playboy ka,ultimate playboy pa sa lahat mga Geller!"anito.
Naailing na lamang siya. Ngayon pa lang ay naiinis na siya. Bakit nagawang saktan ni Kier si Xia Jill? With her beauty that could melt someone with just one stare. He really can't believe it.
" Alam mo masyadong down ang tingin mo sa'kin noh? Know what, Jelai? Oo, we tend to be playboy at times pero kapag nagmahal naman, ibang klase!"
"Weh? Akala ko ba disturbo lang ang mga babae sa buhay mo?!" natatawang sambit ni Jelai sa kan'ya.
"Hmmmmp not anymore." wika niya.
Lumingan linga siya sa loob ng boutique. Looking for that familiar shadow that keeps his mind busy as of that moment.
"P*tangina!" agad niyang mura.
First time in his life 'to ah! Ba' t hindi nawawala sa isip niya ang magagandang ngiti ni Xia Jill Mondragon?