CHAPTER 3: MARCO CHAVEZ

1840 Words
Marco Chavez 22 years old Course: Business Administration Only child, Rich-kid Habang naglalakad papunta sa parking area ng University si Marc ay binabasa niya ang chat ni Suzet. Suzet: Marky tapos na ba class mo? Sabay tayo umuwi. Daanan mo ko dito sa school nahihilo kasi ko parang hindi ko kaya mag commute. Nireplyan niya si Suzet. Marc: Bakit, hindi ka ba sasabayan ni Darwin? Actually nasa parking na ko. I'll be there in 30 minutes. Suzet: May class pa kasi si Darwin eh. May 1 hour class pa ko. Wait mo na lang ako sa mcdo. See you, ingat ka! Aside kay Darwin ay si Marc ang madalas na nakakasabay ni Suzet pauwi. Except na lang kung may lakad ito or date. Pagkabasa ni Marc sa message ni Suzet naalala nya ang pangyayari ng gabing nasa resort sila. Dahil sa broken hearted maraming nainom na alak si Suzet. Kahit pigilan nila ay ayaw nitong paawat kaya hinayaan na lang nila na ilabas nito ang lahat ng sama ng loob kay Jared. Matapos ng kasiyahan nila ay nakita niyang susuray suray na pumasok si Suzet sa kwarto kaya inalalayan nya ito hanggang makapasok sa loob. Sa kwarto ay panay ang iyak nito, inalo naman ito ni Marc. Pareho silang nakaupo sa gilid ng kama. "Eh anong gagawin nila ng babae sa ganung oras na 2am magbabato batopik?! Wag ka maniwalang girlfriend ng boardmate nya yung babae. Lalake din ako Zet alibi lng niya mga sinabi nya sayo. Hiwalayan mo na yun, pinagloloko ka na lang nung hayup na yun." Ani Marc nang maglabas ng saloobin si Suzet sa kanya. "Marc panget ba ko? kapalit palit ba ko?" Humihikbing sabi ni Suzet. "Parang narinig ko na yan ah!" Tumawa si Marc. Natawa na lang din si Suzet nang maisip ang linyang yun. Maya maya ay tumalikod si Suzet kay Marc. "Pakibaba yung zipper ko hindi ko abot!" Aniya. Plano niyang maligo. Agad namang sumunod si Marc. Pagkababa niya ng zipper ay nagulat siya ng hubarin agad yun ni Suzet. "Tang*na nandito pa ko Zet!" Tumayo na si Marc para lumabas. "Huy bakit may malisya pa ba?" Ani Suzet na humarap kay Marc ng nakapamewang. Natigilan naman si Marc nang lingunin niya si Suzet. Kitang kita niya ang hubog ng katawan nito na tanging bra at panty lang ang saplot sa katawan. Naisip niyang bukod sa napakaganda ni Suzet ay perpekto pa ang hubog ng katawan nito mula sa malalaking boobs, maliit na bewang, magandang hubog ng balakang at pwet. Dyosang dyosa ang imahe nito para sa kanya. Namumungay din ang mga mata nito dahil sa kalasingan. Nakaramdam ng kakaiba si Marc. Hindi na lang siya nagsalita pa at lumabas na lang ng kwarto. Si Marc ay nanligaw kay Suzet noong sila ay 16 years old pa lang. Naisip lang niya na gusto na niyang magkaroon ng kasintahan. Ang ideal girl nyan noon ay kagaya ni Suzet. Ito din ang pinakamagandang babaeng kilala niya kaya naisip niyang ito ang ligawan. Gandang ganda siya kay Suzet. Kay Darwin siya noon unang nagsabi na gusto niya ligawan si Suzet. Alam niyang mas close ang dalawa. Sinabihan pa sya ni Darwin na maba-busted lng sya dahil ayaw ni Suzet pumatol sa kaibigan. Pero nagpumilit pa rin si Marc. Birthday noon ni Marc ng kausapin nya si Suzet. "Gusto kita ligawan Zet!" Pagtatapat ni Marc "Pinaprank mo ba ko?!" Tumawa ng malakas si Suzet. "Seryoso ko!" Nakita ni Suzet sa mata nitong seryoso sa sinasabi. "Hay naku Marc kung gusto mo magka gf maraming iba. Ngayon pa lng sinasabi ko na, wag ako hindi kita papatulan magkaibigan tayo ano ka ba!" Direktang sabi ni Suzet. Mas maigi na diretsuhin niya ito. "Wala din ako nararamdaman na seryoso ka sa nararamdaman mo para sakin. Baka infatuation lang yan dahil nagagandahan ka sakin o dahil madalas tayo magkasama kaya feeling mo inlove ka sakin. Kilala kita Marc kung hindi lang magjowa si Ana at Reymund malamang pagpipilian mo kami ni Ana. Ano, diba totoo?" Natatawang sabi ni Suzet "Hay bahala ka nga!" Umalis na lang si Marc at panay ang kamot sa ulo na iniwan si Suzet. Naisip din niyang totoo lahat ng sinabi ni Suzet. Ilang araw hindi nagpakita noon si Marc kay Suzet dahil sa kahihiyan. Ilang buwan ang lumipas nakilala niya sa University ang first gf niya. Narealize nga nya ang pakiramdam ng ma-inlove. Pagpasok ni Suzet sa mcdo ay nakita nya agad si Marc na kumakain. Kinawayan siya nito. "Let's eat. Nahihilo ka pa ba?" May pag-aalalang tanong ni Marc. "Hindi na!" Sagot ni Suzet. "Ang daming french fries!" Namilog ang mga mata ni Suzet. Kumuha siya ng french fries at sinaluhan si Marc sa pagkain. "I'll guess, wala pang 1 minute ubos yang french fries!" Bahagyang tumawa si Marc. "Grabe ka naman. Ganun na ba ko kasiba sa french fries. Mga 2 minutes naman!" Tumawa si Suzet. Maya maya ay napansin ni Suzet ang tingin ni Marc sa grupo ng mga babaeng estudyante na nakaupo sa katabing table nila. "Ano, chicks na naman?" Natatawang biro nito kay Marc. "Parang pamilyar lang kasi sakin yung girl na yun." Tinignan uli ni Marc ang isang babae na panay ang tawa sa kabilang table. Napatingin din ito sa kanya. May ilang segundo silang nagkatitigan hanggang ibaling na ng babae ang paningin sa iba. "Sumbong kita kay Bea eh!" "Dadagdagan mo pa yung LQ namin eh!" Ani Marc. "Galit na galit na naman nga sakin nung sinabi kong dadaanan kita sa school." "So mukang makakasira na naman yata ako ng relasyon." Natatawang sabi ni Suzet. Naalala niyang madalas siya pagselosan ni Bea sa tuwing kasama niya si Marc. Hindi lang si Marc, dahil maging ang mga naging kasintahan ni Dexter at Darwin ay ganun din. "How are you na? It's good na hiniwalayan mo na yung gagu sa Canada." "I'm okay na. Hindi ko na siya iniisip. Mas maraming bagay na importante akong dapat na isipin." Nakangiti niyang sabi. "Ganyan dapat ang fighting spirit!" Ngumiti din si Marc. "Teka nga pala nung nasa resort tayo. Diba kasama kita nung gabi sa kwarto. Wala na kasi ako masyadong matandaan nun eh!" Sabi ni Suzet nang maalala yun. Gusto na niyang simulang magtanong kay Marc. Nangingiti naman si Marc ng maalala ang gabing kasama niya si Suzet. "Maraming nangyari nun wala ka ba matandaan?" "Wala eh. Anong ganap? like what?" Curious nitong tanong. Titig na titig sya kay Marc habang binabasa ang reaksyon ng mukha nito. Namimisteryosohan siya sa mga ngiti nito. "Naghubad ka lang naman sa harap ko, hype ka kung hindi kita kaibigan baka kung ano na nagawa ko sayo!" Nangingiting sabi ni Marc. "Ano naghubad?! ako as in hubot hubad?" Nagulat na sabi ni Suzet. Naisip niya na baka dahil sa ginawa niya ay nagka interes sa kanya si Marc at ito ang humalay sa kanya. "Hindi naman. Hinubad mo lng sa harap ko yung dress mo dahil maliligo ka, wala ka ba matandaan?!" "Wala! So yun lang yung nangyari?" Tanong ni Suzet. Nanatiling nakatitig siya sa mga mata ni Marc. "Ahm siguro after 1 hour bumalik ako sa room mo, naisip ko kasi baka magpakalunod ka sa bathtub eh pero pagsilip ko sa pinto natutulog ka na sa kama." "Nakita mo kong natutulog na sa kama? Tapos anong ginawa mo?" "Lumabas na ko ng kwarto. Sinara ko na yung pinto... Wait! bakit ba parang iniinterogate mo ko? May nangyari ba?" Nagtatakang tanong ni Marc. "Kasi kwento ni Tita Tess eh may nagpatay daw ng main breaker ng resort kaya nag brownout nung gabi na yun." Nasabi na lang ni Suzet. Napansin ni Suzet na biglang natigilan si Marc. "Ikaw ba may gawa nun?" Bumalik ang kaba ni Suzet sa nakitang reaction ni Marc. "Hindi ako! Tara na nga pupunta pa ko kina Bea pagkahatid ko sayo." Sinimot ni Marc ang softdrinks sa baso at tumayo na. "Hindi. Ayoko pa umuwi. Sabihin mo muna sakin kung may alam ka dun?" Napansin ni Marc na seryoso ang mukha ni Suzet. "Issue ba yun Zet? Anu yan, inutusan ka ba ni Tita Tess na alamin kung sino samin yung nagpatay ng kuryente. Big deal ba yun?" Bahagyang tumawa si Marc. "Oo big deal yun kaya sabihin mo na lang kung sino gumawa nun!" May halong kaba at tensyon ang nararamdaman ni Suzet. "Okay! okay! Nung nagbrownout nasa bilyaran ako. Nakatulog ako dun. Nagising ako dahil nainitan ako. Tapos nakarinig ako ng kalabog sa labas. Nung tinignan ko nakita ko si Dexter, nagtatakbo malamang siya yung nagpatay ng breaker wala siguro magawa yung loko kaya yung kuryente ang pinagtripan." Tumawa si Marc. Nagpatuloy pa siya sa pagsasalita. "Basta nagtatakbo si Dexter papunta sa kwarto mo. Nagsisigaw na nun si Tita Tess kung sino nagpatay ng kuryente kaya bumalik na uli ako sa bilyaran baka ako pa mapagbintangan." So si Dexter nga! Naisip ni Suzet. Kaya ba ganun ang reaksyon ni Dexter nung nakausap ko siya?! "Let's go na!" Niyaya na siya ni Marc. Tumayo na siya at sumunod kay Marc palabas sa fastfood. Habang nasa sasakyan pauwi ay iniisip ni Suzet si Dexter. Naisip niyang ito nga ang gumawa ng kahayupan sa kanya kung nakita ito ni Marc na nagtatakbo sa kwarto niya. "Nakita mo ba na pumasok si Dexter sa kwarto ko." Hindi siya mapakali kaya tinanong pa rin niya yun. "Hindi ko na nakita na pumasok siya dahil bumalik na ko sa bilyaran, basta nasa pintuan siya ng kwarto mo eh. Bakit ba kasi?" Nagtatakang sabi ni Marc. "Wala!" Nasambit niya. "Hindi naman big deal yung pagpatay ng kuryente Zet malamang nag ti-trip lng si Dexter alam mo naman yun. Pag nagsumbong ka kay Tita Tess hindi na tayo makakabalik pa dun sa resort." "Hindi naman ako magsusumbong eh!" Pag uwi sa bahay ay naisipan nyang magkwento na sa bestfriend nyang si Darwin. Hindi na nya kaya pang sarilinin lang ang lahat. Para siyang sasabog na sa bigat ng nararamdaman niya. Alam niyang ikagagalit din ni Darwin kung sasabihin niyang hinalay siya ni Dexter. Sobra kung protektahan siya nito kaya siguradong masasaktan ito kung malalaman nito ang nangyari. Siguradong aawayin din nito si Dexter at baka mapatay pa. Nagdadalawang isip man ay gusto niyang sabihin na din yun kay Darwin. Tinawagan nya ito ngunit hindi sumasagot kaya nag message na lang siya. "Beb nung nasa resort tayo may nangyari eh. May nanamantala sa akin lasing na lasing ako wala ako sa wisyo iniisip ko kung panaginip lang pero totoong may gumagalaw sa akin. Hindi ko alam kung sino? Madilim sa kwarto ko. Nakausap ko si Dexter at Marc. Ang sabi sa akin ni Marc si Dexter daw ang nagpatay ng breaker at nakita nyang pumunta sa kwarto ko. Beb si Dexter ang nanamantala sa akin. Anong gagawin ko? Pinagkatiwalaan ko siya. Matagal na tayong magkakaibigan pero nagawa nya sakin yun." Naghintay si Suzet ng reply ni Darwin pero ilang minuto na ay wala itong reply. Naisip niya na baka nasa school pa ito at may inaasikaso. Naisip muna niyang tawagan si Reymund para makausap din ito. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD