Reymund Del Valle
22 years old
Course: HRM
Tinignan ni Reymund ang oras sa cellphone pagkatapos niya mag gym. Alas otso na ng gabi. Nakita niya ang maraming missed call ni Suzet, may text din ito na gusto siyang makausap. Nireplyan nya ito na dadaan sa bahay nito pag uwi niya.
Si Reymund at Ana ay magkarelasyon na noong sila ay 15 years old pa lang. Bukod kay Suzet ay si Reymund ang pinaka-close ni Ana sa grupo simula pagkabata hanggang sa nadevelop ang feelings nila sa isa't isa. Ngunit nauwi din sa paghihiwalay ang relasyon nila.
Habang naglalakad si Reymund papunta sa bahay nila Suzet ay naalala nya ang pangyayari ng gabing yun na nasa resort sila.
Noong gabing iyon hindi mapakali si Reymund. Nasasaktan sya sa isiping magkasama sa kwarto si Ana at bago nitong bf, para siyang mababaliw sa kaiisip ng kung anong ginagawa nila sa mga oras na yun. Hanggang sa hindi na niya natiis, naisip niyang puntahan si Ana sa kwarto. Wala na siyang pakealam kung anong mangyayari, ang nasa isip lang nya ay handa siyang makipag p*****n para kay Ana.
Malalakas ang katok nya sa pinto ng kwarto ni Ana. Maya maya ay binuksan ni Ana ang pinto. Naka bathrobe lng ito at mukang bagong paligo.
"Ano ba Reymund anong kailangan mo?" Mahinang sabi ni Ana, natatakot kasi ito na baka magising sa pagkakatulog si Jeoff. Lasing na lasing si Jeoff kaya pagpasok nila ng kwarto ay nakatulog agad ito.
"Please Ana wag mo naman gawin sakin to. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang may kasama kang iba." Mangiyak ngiyak na sabi ni Reymund.
"Ano ba Reymund wala na tayo. Huwag ka gumawa ng gulo dito. Umalis ka na baka magising pa si Jeoff ano ba!" Tinulak nya si Reymund palayo sa pinto.
Isasara na sana ni Ana ang pinto ng pigilan ito ni Reymund. Pagtulak ni Reymund ng pinto ay pumasok siya sa loob at niyakap si Ana. Agad niya itong hinalikan sa labi.
Maririin ang mga halik ni Reymund kay Ana. Bakas doon ang pagkasabik niya sa dating kasintahan. Si Ana naman ay panay ang pag pumiglas ngunit hindi nya kaya si Reymund hanggang sa mapaupo siya sa sofa. Napaupo din si Reymund na panay pa rin ang halik sa kanya. Hindi namalayan ni Ana na nadadala na siya sa mga halik nito sa labi niya. Pakiramdam niya ay namiss niya bigla si Reymund sa mga halik nito.
Mahal na mahal nya si Reymund. Binigay niya ang lahat dito, hindi siya nagkulang dahil binuhos niya lahat ng pagmamahal niya ngunit nagawa pa rin siya nitong lokohin sa ibang babae. Hindi nya matanggap ang ginawa nitong panloloko sa kanya. Gusto na niyang mawala ang nararamdaman niyang pagmamahal para kay Reymund kaya ng manligaw sa kanya ang kaklase nyang si Jeoff ay agad nya itong sinagot.
Mainit niyang tinugon ang halik ni Reymund. Maya maya ay napahiga siya sa couch. Umibabaw naman sa kanya si Reymund. Tinanggal ni Reymund sa pagkakabuhol ang bathrobe niya.
"I miss you so much Love, mahal na mahal kita!" Bulong sa kanya ni Reymund.
Hinalik halikan siya nito sa leeg pababa sa dibdib niya. Sinu*uso nito ang isang dibdib niya habang panay naman ang masahe sa kabila.
Nagtatalo ang isipan ni Ana. Gustong gusto nya ang nangyayari. Miss na miss na niya si Reymund kaya pakiramdam niya ay nadadarang siya sa ginagawa nito sa kanya. Bigla niyang naisip na baka magising bigla si Jeoff. Maya maya ay nawalan ng kuryente biglang natigil si Reymund sa ginagawa nito kaya nagkaroon ng pagkakataon si Ana na pigilan na ito. Malakas niyang tinulak si Reymund. Bumagsak ito sa sahig kaya agad siyang tumayo. Pinagtutulak pa niya ito hanggang sa pintuan. Pinipigilan siya ni Reymund pero dahil pursigido siyang pigilan ang nais nitong mangyari ay hindi siya nagpatalo hanggang sa maitulak niya ito sa labas.
"Tumigil ka na Reymund, tapos na tayo. Hinding hindi na ko babalik pa sayo!"
Hindi na nagpumilit pa si Reymund. Naisip niyang baka masaktan pa si Ana kaya hinayaan na lang niyang maitulak siya nito sa labas.
Pagkalabas ni Reymund ay agad sinara ni Ana ang pinto at nilock iyon.
Samantala, hindi pa rin nagrereply si Darwin sa text ni Suzet. Naisip nyang puntahan na lang ito sa bahay nila kapag tapos na silang mag usap ni Reymund.
Habang naghihintay kay Reymund, naiisip ni Suzet ang mga pangyayari ng gabing yun. Pinilit nyang alalahanin lahat. Yung mga yakap at haplos ng lalake. Yung mga halik nya. At walang ano ano'y biglang may alaalang nagrehistro sa isip nya.
"I love you beb!" Nagulat siya ng biglang pumasok ang salitang yun sa isip niya.
Beb, Si Darwin?!
Hindi. Si Dexter ang nanamantala sa akin... Pero bakit ako tatawaging beb ni Dexter! Pakiramdam niya ay nanginig ang katawan niya.
Naputol ang pag iisip niya ng tawagin siya ng Mama niya nang dumating si Reymund. Sa terrace sila nag usap. Ayaw niyang marinig ng mga magulang nya ang usapan nila ni Reymund.
"Kumusta ka na ginugulo ka pa ba nung gagu sa canada?" Bungad na sabi ni Reymund.
"Hindi na, blinock ko siya sa lahat ng social media account ko kaya hindi na yun makakapang gulo pa."
"That's better! Don't worry pag punta ko sa Canada ha-huntingin ko talaga yung puta*ginang yun!" Asik ni Reymund.
"Huwag mo na lang pag aksayahan ng panahon yung lalakeng yun." Sabi ni Suzet.
"Wait tuloy na ba yang Canada mo?" Tanong ni Suzet nang maalala yun.
Ang mga magulang ni Reymund ay nakapag migrate na sa Canada. Last year ay naipetition na ang bunso nyang kapatid. At naiproseso na din ang papeles niya para sa Canada na manirahan. After ng graduation niya ay nakaplano na ang pagtungo nya doon. Noong una ay ayaw nya magtungo sa Canada pumayag na ang mga magulang niya noon na sa Pilipinas na lang siya pumirmi. Ngunit nagbago ang lahat ng maghiwalay sila ni Ana. Naisip nyang wala na siyang buhay sa Pilipinas lalo ngayong nagdesisyon na si Ana na hinding hindi na siya nito babalikan.
"Tuloy na tuloy na unless meron pumigil sakin. Pero napakalabo na nun hindi nako umaasa!" Lumungkot at lumamlam ang mga mata ni Reymund.
"Naiiyak ako sa nangyari sa inyo ni Ana. Pero hoping pa rin ako na maging maayos kayo kung hindi man as a lover kahit as a friend. Isipin nyo na lang lahat ng pinagdaanan nating magkakaibigan. Huwag sana mauwi sa wala ang lahat." Sabi ni Suzet na nalungkot sa sinapit ng mga kaibigan.
"Wala naman magbabago sa pagkakaibigan natin. Siguro ang mababago lng eh kapag nasa Canada na ko, syempre hindi ko na kayo makakasama hanggang video call and chat na lang tayo."
"Mami miss kita Reymund!" Niyakap ni Suzet si Reymund.
"Ikaw din talaga ang pinaka ma-mimiss ko. Ikaw lng yung kaibigan kong babae na walang malisya. Kung sa iba 'to na niyayakap yakap ako baka hindi ako makapag pigil." Natatawang sabi ni Reymund.
"Sira ka talaga!" Mahinang binatukan ni Suzet si Reymund.
"Wait Reymund, nung pinagsisisipa ka ba ni Ana palabas ng kwarto nung nasa resort tayo eh wala ka naman ba napansin na kakaiba sa labas. I mean diba nag brownout dahil may nagpatay ng main circuit." Ani Suzet ng maalala yun.
"Nung nasa labas na ko ng kwarto nila Ana, sobrang sama ng loob ko kaya humiga na lang ako sa sahig sa hallway tapos maya maya may ilaw na." Sabi ni Reymund ng maalala yun.
"Ganun hindi mo ba nakita si Dexter or basta may napansin ka ba?" Tanong ni Suzet. Gusto na niyang malaman ang katotohanan.
"Hindi ko nakita si Dexter. Bakit?" Tanong nito.
"Ha, eh kasi nagagalit noon si Tita Tess dahil may naglaro daw ng kuryente. Sabi ni Marc si Dexter daw ang nakita niyang nagtatakbo at pumatay ng kuryente."
"Hindi ko nakita si Dexter. Si Darwin ang nakita ko palabas galing sa kwarto mo. Nakita nga niya kong nasa sahig kaya inakay niya ko papunta sa kwarto namin."
Biglang nabitawan ni Suzet ang baso habang umiinom ng tubig. Nasamid pa siya sa narinig niya kaya nag-uubo sya. Hinagod hagod ni Reymund ang likod nya.
"Oh napano ka? Guilty ka noh malamang may ginawa kayo ni Darwin. Kayo na ba? Dati pa napapansin ko na kayong dalawa eh sabi ko nga kay Ana malamang magiging kayo din." Panunukso ni Reymund sa kanya habang pinupulot nito ang mga bubog na nagkalat sa sahig.
Bumalik ang panginginig ng buong katawan ni Suzet. May mga sinasabi pa si Reymund pero wala siyang naiintindihan sa sinasabi nito dahil ang nasa isip niya lang ay si Darwin. Si Darwin ang gumawa nun sa kanya. Naisip nya bigla yung nagrehistrong alaala sa isip nya kanina.
I love you beb!
So totoong nangyari nga iyon nung gabing yun.
Ang sama ng loob nya ng oras na yun nagtiwala sya kay Darwin. Inamin nya pa dito ang nangyari nung gabing iyon. Yun pala ay ito yung walanghiyang nanamantala sa kanya. Mangiyak ngiyak si Suzet kaya nagpaalam na siya kay Reymund at pumasok sa loob ng bahay.
♥️