CHAPTER 2: DEXTER ROQUE

1424 Words
Dexter Roque 22 years old Course: Criminology Basketball varsity player Nagising si Dexter ng tumunog ang cellphone niya. Binasa niya ang text ni Suzet. Suzet: Dexie daan ako sa school niyo mamaya ha. May bibilhin kasi ako sa Ever eh sabay na tayo umuwi okay. Huwag ka na kumontra basta pupunta ko sa school nyo! Nireplyan niya naman agad yun. Dexter: Huwag ka na pumunta sa school. Sa ever na lng tayo magkita. Naisip ni Dexter na puputaktihin na naman si Suzet ng mga tropa niya sa school at kukulitin siyang ireto si Suzet sa kanila. Suzet: Gusto ko pumunta sa school nyo eh! Dexter: Wag ka na makulit hindi na naman ako titigilan ng mga kaklase ko pag nakita ka eh. Sa ever na lang tayo magkita. Naalala ni Dexter na last time na kasama niya si Suzet sa ever ay nachismis siyang may gf na. Napicturan pa sila ni Suzet at may nagpost sa community section sa sss page ng University nila. Si Dexter ay varsity basketball player kaya sikat siya hindi lang sa eskwelahan at maging sa ibang lugar. Hinahangaan siya ng maraming kababaihan dahil sa angkin nyang kagwapuhan, kakisigan at malakas na karisma. Si Suzet ang first crush ni Dexter. Para sa kanya ay si Suzet ang pinakamaganda. Mas lalo niya itong nagustuhan noong ito ang maging muse nila sa basketball noong may paliga sa barangay nila. Crush nya si Suzet pero hanggang doon lng iyon dahil para sa kanya ang kaibigan ang mas mahalaga. Kababata niya si Suzet sabay silang lumaki kaya ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na ligawan ito. Bukod pa sa nakikita niya na mas close ito kay Darwin. Kinahapunan, matapos ang pratice sa basketball ay nagmadali siya sa paglalakad papunta sa ever. Katapat lang ito ng University nila. Habang naglalakad sa Campus ng school nila. Napansin niyang tatama sa babae ang bola na nilalaro ng isang grupo ng estudyante. Agad agad siyang tumakbo para habulin ang bolang padapo na sa mukha ng babae na agad naman niyang nasalo bago pa iyon tumama sa babae. Nagtilian ang mga babae ng mapagtanto na si Dexter iyon. Lumapit ang babaeng naghagis ng bola sa kanya at nag sorry. "Sorry Dexter!" Matamis na sabi ng babae na panay ang hagod sa buhok. "Dito kayo kay Miss magsorry!" Ani Dexter. Tumingin siya sa babaeng muntik ng matamaan ng bola. Natigilan siya ng makita si Leslie. "Hi! mag thank you ka naman sakin. I saved your life!" Malapad siyang ngumiti. Tinalikuran lang siya nito at umalis. Naiwan na napakamot na lang ng ulo si Dexter. Sa Ever Mall, 30 minutes nang naghihintay si Suzet kay Dexter sa coffee shop. Hindi na siya makapaghintay pa kaya naisip niyang puntahan na lang ito sa eskwelahan. Papatayo na siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya yun sa bag at tinignan, nakita niyang si Darwin ang tumatawag. "Beb nasan ka?" Tanong ni Darwin "Nandito sa Ever Mall hinihintay ko si Dexter may kailangan lang ako sa kanya tapos sabay na kami uuwi. Bakit?" "Ah okay, may itatanong lang sana ako. Mamaya na lang paguwi mo. Ingat kayo!" Ani Darwin Pagkalapag ni Suzet ng phone sa table ay dumating si Dexter. "Sorry Zet nagpaka-super hero pa ko kanina eh kaya natagalan ako!" Pabirong sabi ni Dexter. Alam kasi niyang sisinghalan siya ni Suzet dahil ang tagal niya itong pinaghintay kaya dinaan nya sa pagbibiro. "So chicks na naman! Alam mo magbago ka na gagraduate ka na tigilan mo na ang pan chi-chicks mo, magseryoso ka na!" "Huy huy seryoso na ko ngayon ha." Ani Dexter. Napatingin siya sa paper bag na bitbit ni Suzet. "Ano ba binili mo dito ang daming malapit na mall sa atin dito ka pa talaga namili." "Basta. Girl thing?" Sagot ni Suzet. "Sus girl thing! Napkin lang yata yan eh, ang dami niyan sa tindahan ni Aling Mona." Bahagyang tumawa si Dexter. "Ewan ko sayo! Gusto ko din kasing ano... malaman yung side mo about kina Ana at Reymund. Tulungan natin sila na magkaayos, kundi man as a lover kahit as a friend man lng. Ayoko kasi nung magsasama sama tayo tapos sila parating nag aaway!" Hindi alam ni Suzet kung pano uumpisahan ang pag iimbestiga kaya yun na muna ang naisip niyang sabihin. "Sila lang ang makaka solve nyan. Huwag na tayo manghimasok, kung nagdesisyon na si Ana na mag move on choice niya yun. Si Reymund later on matatanggap din nya. Yun naman ang sinabi ko sa kanya tanggapin na lang nya na may iba na si Ana. Kasalanan naman din niya kung bakit nawala si Ana sa kanya." Kinuha ni Dexter ang frapuccino sa table at sumipsip sa straw. Hindi naman nakapagsalita si Suzet. "Kumusta na ba kayo nung tukmol sa Canada." Ani Dexter na ang tinutukoy ay ang bf ni Suzet na si Jared. "Wala na kami!" Lumamlam ang mga mata ni Suzet. Pagkauwi nila noon galing sa resort ay chinat agad ni Suzet si Jared para i-break ito. Ayaw pumayag noon ni Jared, wala na lang itong nagawa ng ipilit yun ni Suzet. Blinock niya ito sa lahat ng socmed account niya matapos nun. Naisip ni Suzet na ilang beses na rin sya ginago ni Jared pero pinatawad pa rin nya. Binigay niya lahat kay Jared, at dahil si Jared ang nakauna sa kanya gusto sana niya na ito na rin ang huli. Feeling nya wala na sya maipagmamalaki pa sa kung sino man ang mapapangasawa nya. Tapos ngayon ay may humalay pa sa kanya, feeling niya tuloy ay wala ng tatanggap na lalake sa kanya. Nangilid ang luha niya sa isiping yun. Napansin iyon ni Dexter. "Good decision yan wag mo siya iyakan. Napaka ganda mo Suzet kamuka mo nga yung crush kong koreana na si Bae Suzy. Marami pa dadating sayo. Kung gusto mo ipakilala kita sa classmate ko eh, kaya lang huwag na mga gagu din pala yun!" Bahagyang tumawa si Dexter Gustong sabihin ni Suzet na hindi naman si Jared ang iniiyak nya kundi yung nanamantala ng kahinaan nya. Sumama na naman ang loob niya kaya naisip niyang magtanong na kay Dexter. "Nung nasa resort tayo diba nagbrown out ng madaling araw. Ang sabi kasi ni Tita Tess may loko loko daw na nagpatay ng breaker ng kuryente eh, wala lang naalala ko lang!" Sambit niyang nakatitig kay Dexter at tinitignan ang reaction nito. Wala siyang mabasa sa reaction nito kaya pinagpatuloy pa niya ang pagsasalita. "Kasi wala daw umaamin sa inyo kung sino yung nag off eh. May alam ka ba dun? " Biglang natigilan si Dexter sa sinabi ni Suzet. "Wala kong alam hindi ko nga alam na nag brownout eh lasing na lasing ako nun tulog na tulog ako sa kwarto." Ani Dexter. Sumipsip uli ito ng frapuccino hanggang maubos yun. Napansin ni Suzet na tila ba nag iba ang mood ni Dexter. Umiwas din ito ng tingin sa kanya. Naisip niyang baka ito ang nanamantala sa kanya. "Tara na uwi na tayo!" Pag aya ni Dexter sa kanya. Ayaw pa sana umuwi ni Suzet dahil may gusto pa siyang malaman kaso tumayo na si Dexter at naglakad palabas ng coffee shop. Iniisip niya kung umiiwas ba si Dexter sa kanya. Sumunod na siya dito palabas ng coffee shop. Habang nakaangkas sa motor ni Dexter ay hindi mapakali ang isip ni Suzet. Habang nakakapit sa bewang ni Dexter ay naalala nya nung time na nakapaibabaw sa kanya yung lalake. Naisip nyang idikit ang katawan nya dito at ipulupot ang braso sa bewang nito. Gusto niya malaman kung may pagkakapareho ang katawan nito sa lalakeng nanamantala sa kanya. Nakapikit siya at hinilig ang ulo sa likod ni Dexter habang nakayakap. Pilit niyang dinadama kung ito ba yung lalakeng yun pero wala naman siyang maramdaman. Huminto si Dexter ng mag red light. Tinanggal nito ang suot na helmet at humarap sa kanya. "Zet ano ba yan na-fall ka na ba sakin? wag naman masyadong mahigpit ang yakap tinatablan ako eh!" Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi nito. "Gagu ka talaga!" Mahina niyang hinampas si Dexter sa braso. "Inaantok kasi ako kaya napasandal ako sa likod mo!" "Ah akala ko pa naman inlove ka na sakin eh!" Naguluhan bigla si Suzet sa kinikilos ni Dexter naisip niyang kung si Dexter iyon dapat sana ay awkward o meron tensyon ang mga kilos nito. Aside dun sa reaction nito kanina sa coffee shop ay wala ay wala syang makitang sign. Sumasakit ang ulo ni Suzet sa pagiisip. Paguwi sa bahay naisip niyang si Marc naman ang susunod niyang tatanungin. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD