CHAPTER 12: A Dream ♥️

1570 Words
Hindi alam ni Suzet kung anong mararamdaman niya sa narinig. Paulit ulit na nagrerehistro sa isip niya yung salitang 'hon!' Naisip niyang may girlfriend na si Darwin. Inassume pa naman niya na hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin ito sa kanya. Parang binibiyak ang puso niya sa sakit na biglang naramdaman. Matapos ang ilang taon ay walang pinagbago sa nararamdaman niya. Kung gaano siya nasaktan noon, hanggang ngayon ay ganun pa rin. Gusto nyang magtanong kung sino yung kausap nya pero natatakot sya sa isasagot nito kaya hindi na lng nya ginawa. Naisip nya na marahil ay nahuli sya ng dating, na nawala na ang pagmamahal ni Darwin para sa kanya. "What are you saying again?" Tanong ni Darwin matapos nitong itago ang cellphone. "Ha? Yung about lang sa kanina pero okay na pala!" Pagdadahilan niya. Paghinto ni Darwin ng kotse sa tapat ng gate ng bahay nila ay agad siyang nagpaalam at mabilis na bumaba ng kotse. Napakagulo ng isip niya ngayon. Kung kailan natanggap na niya sa sariling mahal niya si Darwin ay huli na pala ang lahat. Ilang araw na nag stay si Suzet sa bahay. Gusto na muna nyang magpahinga. Panay ang tawag sa kanya ni Darwin, sinasagot naman nya ito pero hindi nawawala sa isip niya yung tagpong yun. Hindi rin niya maintindihan si darwin dahil tingin naman niya ay may pagtingin pa rin ito sa kanya pero wala naman itong sinasabi na kahit ano sa kanya. Birthday ni Marc at inimbitahan silang magkakaibigan sa party nito sa isang kilalang hotel sa Makati. Isinabay yun sa launching ng isa sa mga proyekto ng kumpanya nila. Magkasabay na nagtungo doon si Suzet at Ana. Pareho silang naka long dress. Magkakasama silang tatlo kabilang na si Dexter sa isang table. Busy pareho si Marc at Darwin. Kung sino sino ang nakikita ni Suzet na kausap ng mga ito. Iba ibang personalidad ang mga nakikita ni Suzet na guest sa event na iyon. Merong model, artista, business tycoon at politician. Pagkakita kay Darwin ay hindi maitatanggi ni Suzet na napaka gwapo nito sa suot na black tuxedo suit. Lalong tumingkad ang kagwapuhan nito sa suot. Napapansin din nya na panay ang sulyap nito sa kanya kaya nako-confuse na naman sya sa kinikilos nito. Sinadya din nyang magpaganda ng husto ng gabing yun para kay Darwin. "Iba talaga si Darwin kanina yung artistang si Sue ang kausap ngayon nman beauty queen" sabi ni Dexter na bahagyang tumawa. Maya maya ay lumapit sa kanila si Darwin. "Guys okay lang kayo dito?" Tanong ni Darwin. "Brad pakilala mo naman ako kay Sue." Natuwang sabi ni Dexter. "Sige bro pero wag mo takutin ha takot sa pulis yun." Natatawang sabi ni Darwin. Maya maya ay umupo sa tabi ni Suzet si Darwin. "Okay ka lang may gusto ka pa kainin. Gusto mo kuhaan kita?" Ani Darwin kay Suzet. "No. Okay na ko!" Sagot niya. Naisip niyang kanina pa rin sya busog na busog sa selos sa mga babaeng nakakausap at nilalapitan nito. "Darwin!" Napalingon sila ng marinig ang tinig ng babaeng tumatawag kay Darwin. "Oh hi! akala ko hindi ka na pupunta eh!" Tumayo si Darwin at nakipag beso sa babae. Namukhaan ni Suzet ang babaeng kausap ni Darwin. Si Nicole na ex ni Darwin. Yung babaeng nakita nya noon na kasama nito sa condo unit. Maya maya ay pinakilala sa kanila ni Darwin si Nicole. "Guys one of my client. Nicole!" Pakilala ni Darwin sa dalaga sa kanilang magkakaibigan. "These are my friends!" Pakilala din sa kanila ni Darwin "Hi" sabay na sabi ni Ana at Dexter. Si Suzet naman ay panay ang inom ng wine at kunyaring dedma lang sa nangyayari. Wala na ngang paglagyan ang selos na nararamdaman nya mula pa kanina at ngayon ay dumagdag pa ang babaeng yun. Dinala ni Darwin si Nicole sa isang table. Kakilala nila pareho ang mga nakaupo doon sa table. Nakipag usap ang dalawa sa mga nandoon kaya feeling ni Suzet ay naitsapwera na siya kay darwin. Sa C.R habang nagre-retouch si Suzet biglang dumating si Nicole. "Hi. Friend ka ni Darwin right? I remember you ikaw yung nasa condo before diba?" Nasabi ni Nicole habang naghuhugas ng kamay. "Sorry before ha, akala ko talaga girl ka ni Darwin. Nag explain sya dati nung hinabol nya ko na kaibigan ka lang daw nya pero naghiwalay din kami that time. Tapos eto ngayon nagmeet uli kami. Nirefer kasi sya sa akin ng friend ko nung time na naghahanap ako ng architect para sa house ko at nagkagulatan pa kami pareho ni Darwin nung nag meet kami. Destiny right?" Mahabang kwento ni Nicole sa kanya. Puro pagtango at pagngiti lang ang sagot ni Suzet sa mga sinasabi ni Nicole hanggang sa umalis na ito. Napaisip siya sa sinabi nitong destiny. Sila na ba uli? Siya ba yung Hon na tinutukoy ni Darwin noon sa sasakyan. Ang bigat ng nararamdaman nya ng mga oras na yun at parang may tumatarak sa puso nya. Huli na talaga ang lahat sa kanila ni Darwin. Gusto niyang magsisi kung bakit pa siya umalis patungong U.S at nanatili pa roon ng tatlong taon. Dahil doon ay nawala na ng tuluyan si Darwin sa kanya. Dinaan na lang niya sa pag inom ng alak ang hinanakit at sama ng loob niya. Kinabukasan paggising ni Suzet ay sobrang sakit ng ulo nya. Naisip nya kung paano sya nakauwi ng bahay. Maya maya ay napabalikwas sya ng maalala ang nangyari ng pauwi na sila ni Ana. Habang nasa sasakyan pauwi ay panay ang iyak ni Suzet kay Ana. "Besss ang sakit sakit bes ang tagal kong minahal si Darwin tapos sinaktan nya ko kaya napilitan akong pumunta ng US para makalimutan ang ginawa nya sakin pero habang nandoon ako sya lagi ang nasa isip ko miss na miss ko sya narealize ko na mahal na mahal ko talaga sya pero paguwi ko dito hindi pa din sya nagbabago nililito pa rin nya ko sa mga kilos nya hindi ko alam kung may nararamdaman pa din sya sakin o pinapaasa nya na naman ako. Tapos may Nicole pala sya. Binalikan nya na pala yung Nicole na yun. Bakit hindi na lang ako. Bess ang sakit sakit" Humahagulgol si Suzet ng iyak habang inaalo ni Ana. Pagka alala ni Suzet noon ay bigla nyang naisip si Ana. Lahat ay kinukuwento nya kay Ana pero yung tungkol kay Darwin ay bihira lang niya gawin. Kagabi lang siya nag open ng ganun kay Ana ng about sa feelings nya kay Darwin. Ng dahil lang sa nalasing sya. Maya maya ay napabalikwas uli si Suzet ng maalala ang nangyari kagabi. Naalala nya si Dexter na nakaupo sa harapan ng sasakyan. "Yan kakatago mo ng feelings yan. Sabi ko sayo kahit dati pa galingan mo ang pagtatago ng feelings mo kay Darwin kasi halatang halata ka!" malakas na tumawa si Dexter. Nainis si Suzet nang maalala yun. Nagsisipa sya sa kama habang nakahiga. Naisip nya hindi na naman sya titigilan ni Dexter sa pang aasar kapag nagkita sila. Naisip nyang tatawagan nya si Dexter para sabihin na huwag na huwag ikukwento kay Darwin ang nangyari. Maya maya ay napabalikwas uli sya ng bangon at nagsisigaw ng may maalala sa nangyari kagabi. Ang nagdadrive ng kotse ay si Darwin. Pagkadating nila sa bahay ni Suzet ay binuhat ni Darwin si Suzet hanggang sa kwarto nito dahil hindi na nito kaya ang maglakad pa sa sobrang kalasingan. Panay ang salita ni Suzet habang buhat niya. "Darwin beb ko mahal na mahal kita hanggang ngayon ikaw lang ang lalakeng minahal ko alam mo ba yun? Syempre hindi mo alam yun dahil parati kang nakatingin sa ibang babae. Ako yung lagi mong kasama eh pero iba ang nililigawan mo. Hanggang ngayon ganyan ka pa rin. Napakamanhid mo hindi mo napapansin na nasasaktan ako sa tuwing may kasama kang ibang babae. Binalikan mo pa si Nicole, may pa hon hon ka pa ha, sya ba yung hon na tinutukoy mo ha." Sabi ni Suzet habang hinahampas hampas si Darwin sa dibdib. Paglapag ni Darwin kay Suzet sa kama ay niyakap nya si Darwin ng mahigpit. "Darwin please ako na lang ulit. Diba sabi mo mahal mo ko. Mahal na mahal kita" sabi ni Suzet kay Darwin habang yakap ito. Pagka alala noon ay nagsisigaw si Suzet. "No no no bakit ko ginawa yun?!" Maya maya ay dumating ang mama nya. "oh bakit nak ano nangyari?" May pag aalalang sabi ng Mama niya ng marinig siyang nagsisigaw. "Mama anong pinaggagawa ko ba kagabi?" Sabi ni Suzet na naiiyak "Kagabi lasing na lasing ka kung ano anong pinagsasabi mo nakakahiya tuloy kay Marc" sagot nito. "Marc. Mama si Marc ba yung kasama ko hindi si Darwin?" biglang napatigil sa pagiyak si Suzet. "Oo si Marc, Ana at Dexter ang kasama mo kagabi. Wala si Darwin." sambit ng Mama niya. "Talaga ba mama. Hay akala ko si Darwin eh" parang nabunutan ng tinik na sabi ni Suzet. Pag alis ng Mama niya ay napaisip siya at binalikan ang ala ala ng gabing yun. Bakit ganun parang si Darwin talaga yung naaalala ko? Naalala pa nya yung sinabi ni Darwin nung nakahiga na siya sa kama "Mahal din kita. Magusap tayo pag okay ka na!" Hinalikan siya nito sa noo. Naisip niyang baka panaginip nya lang yun at gaya ng nangyari noon sa resort dahil sa kalasingan ay maraming pangyayari na naman syang hindi maalala. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD