Pagkaraan ng tatlong taon
Excited si Suzet sa pag iimpake ng mga gamit nya. Bukas kasi ay babalik na siya sa Pilipinas. Tatlong taon siyang nagtrabaho sa cosmetic company ng tita nya sa U.S at ngayong marami na syang natutunan ay mai-aapply nya yun sa itatayo nyang business sa Pilipinas. Nakaipon din sya ng pera na magagamit nya para sa business niya. Naisip niyang magtayo din ng kaparehong business pero sisimulan muna nya sa lipstick.
Isa isa nyang nilagay sa bagahe ang pasalubong na ibibigay niya sa pamilya at mga kaibigan nya. Una ay kay Ana na iba't ibang klase ng make up at pabango. Naalala nyang isa na itong CPA at nagtatrabaho sa isang bangko sa Makati. Si Dexter ay isa ng ganap na pulis. Si Marc naman ay CEO na ng Chavez Land na real estate business ng pamilya nila. Si Reymund naman sa canada ay may sarili ng bar. Bumilis ang t***k ng puso niya ng maisip si Darwin na isa ng Architect. Sa kumpanya ni Marc ito nagtatrabaho at siya ang Head Architect doon. Hindi niya mapigilan ang mapangiti.
Naisip ni Suzet na mga big time na ang mga kaibigan nya at proud na proud sya sa mga ito.
Naisip niya uli si Darwin, sobrang miss na miss na nya ito. Nung mga unang araw nya sa US ay puro pag iyak ang ginagawa nya dahil bukod sa pamilya at mga kaibigan na namimiss nya ay mas namimiss nya ng sobra si Darwin.
Ilang beses din na bigla na lang nagrerehistro sa alaala nya yung gabing may nangyari sa kanila sa resort. Pumasok na lang bigla sa alaala niya ang mga bulong nito na 'mahal kita beb'.
Naalala din nya na niyayakap at tinatawag nya ang pangalan ni Darwin. Na kahit gusto nyang tumanggi ng gabing iyon ay nagugustuhan nya dahil si Darwin yun na kaya gumaganti sya ng halik ay dahil alam nya na si Darwin yun.
Sa tuwing nangyayari yun ay sinisisi nya ang sarili nya na kung bakit kasi ang dami nyang ininom na alak ng gabi na iyon, yung hindi naman sya sanay uminom ng alak kaya siguro ganun ang epekto sa kanya nakalimutan nya yung mga nagaganap ng mga oras na yun at bakit kung kelan huli na ang lahat ay doon lang papasok sa alaala nya. Naguilty sya kay Darwin dahil pinag-isipan nya ito ng masama. Inisip niyang pinagsamantalahan siya nito gayong siya mismo ay gustong gusto yun.
Ngayong pabalik na sya sa pIlipinas ay wala na syang makapang galit sa puso nya para kay Darwin. Ang nararamdaman na lng nya ay ang pagmamahal nya para dito. Nasabik siyang makita ito. Iniisip niya na sana ay hindi pa huli ang lahat para sa kanila.
Agad niyang nakita ang mga magulang niya sa waiting area pagdating sa airport.
"Suzet, Suzet anak!" Nasabik ang Mama niyang makita siya kaya agad siya nitong niyakap. Niyakap din siya ng Papa at kapatid niya.
"Nagaaral ka ba ng mabuti ha." Tanong niya sa kapatid nyang si Randy na nag aaral ng kolehiyo.
"Syempre naman!" Sagot nito.
"Besss!" Niyakap siya ni Ana.
"Bes I miss you. Nag leave ako sa work para masundo ka."
Habang nasa sasakyan ay nagkukwento si Ana.
"Si Dexter pupunta nlng daw sa bahay nyo mamaya may duty kasi siya kaya hindi makasama. Si Marc at Darwin may business meeting daw pero pupunta din sa bahay nyo mamaya."
Parang lumundag ang puso ni Suzet pagkarinig ng pangalan ni Darwin.
Sa bahay nila kinahapunan ay dumating si Dexter.
"Grabe Dexter ang astig ng dating natin ah!" Ani Suzet kay Dexter nang makita itong naka uniform ng pulis. Niyakap niya ito.
"Hay naku ilang babae na ang napaiyak nyan sa unipormeng yan." Tumatawang sabi ni Ana.
"Huy grabe ako nga ang napapaiyak nila eh." Sagot ni Dexter.
"Si Leslie ba hindi ka na talaga binalikan?!" Nacurious nitong tanong nang maalala ang dating kasintahan ni Dexter.
"Hindi ko pa siya nakikita eh ang galing magtago!" Bahagyang tumawa si Dexter.
Nasamid naman bigla si Ana.
"Dumaan na ba si Darwin dito?" Tanong ni Dexter.
"Hindi pa!" Sagot ni Suzet na may paglundag uli ng puso pagkarinig sa pangalan nito.
Maya maya ay nag message si Marc sa group chat nila na hindi sila makakapunta ni Darwin dahil naextend hanggang kinabukasan ang business meeting nila sa tagaytay. Sinabi pa nito na mag aarrange na lang siya ng welcome back party para kay Suzet.
"Iba na talaga ang mga kaibigan nating ito kailangan magpa appointment schedule ka muna sa kanila kung may commitment ka parating hectic ang schedule eh!" Tumawa si Ana.
Biglang nalungkot si Suzet na hindi niya makikita ngayong araw si Darwin.
Kinabukasan ay sinimulan agad ni Suzet ang mga proseso sa pagtatayo niya ng business. Umattend sya ng mga seminars at training na kailangan para sa business nya kaya naging busy sya.
Sumunod na araw ay tinawagan siya ni Marc. Pinapapunta siya nito sa isang restaurant.
Pagdating sa restaurant inassist sya ng isang staff. Hinatid sya nito sa isang VIP room na pinareserve ni Marc para sa kanila.
"Sige po pumasok na po kayo sa loob!" Sabi ng staff. Nagpasalamat sya dito at pinihit ang doorknob para buksan iyon. Pagbukas nya ng pinto ay madilim sa loob. Lalabas sana sya uli ng biglang sumindi ang ilaw
"Surpriseeee!" Sabay sabay na sabi ng mga kaibigan nya. Hindi nya expect na surprise welcome party pala ang hinanda ng mga ito para sa kanya.
Niyakap siya ni Ana. "Nasurprise ka ba?" Tumatawa nitong sabi.
"Kaya pala ayaw mo sumabay sakin eh!" Tumawa si Suzet.
Nagfist bump sila ni Dexter. Pagkatapos ay niyakap siya ni Marc. "It's nice to see you again!"
"Me too!" Sagot niya. "May pasurprise welcome party ka pa ha!" Tumawa si Suzet.
"Actually si Darwin ang nag arrange nito!" Sinundan ni Suzet ng tingin si Marc sa gawi ni Darwin. Hindi niya namalayan na dumating na pala ito, wala kasi ito pagpasok niya sa loob kanina. Nakangiti sa kanya si Darwin kaya napangiti rin siya.
Lumapit sa kanya si Darwin. Pabilis na pabilis ang pagtibok ng puso niya habang palapit ito ng palapit sa kanya.
Nagyakap silang dalawa at tanging "Hi!" lang ang nasambit nila sa isa't isa.
Ang sarap ng pakiramdam ni Suzet na nakikita, nahahawakan at nayayakap na niyang muli si Darwin matapos ang tatlong taon. Miss na miss nya ito at masayang masaya siya ngayon.
Masayang masaya ang magkakaibigan sa kanilang reunion. Naka video call pa nila si Reymund na nasa canada.
Pag uwi nagpresinta si Darwin na ihatid si Suzet pauwi.
"Grabe Darwin malaki talaga yung nilevel up nyo ni Marc. I'm so proud of you both!"
"Oo nga eh, thankful ako kay Marc at lalo na kay Tito Felix dahil sa kanila kaya nakilala ako as Architect." Masayang sabi ni Darwin.
"Tsaka magaling ka din kasi at matalino kaya narating mo kung ano man ang kinalalagyan mo ngayon."
"At inspired din!"
Napaisip si Suzet sa narinig. Naisip nya kung sya ba ang tinutukoy nito na inspirasyon nya. Tatlong taon silang nagkahiwalay at nasaktan niya si Darwin. Napaisip siya kung magagawa pa ba ni Darwin na mahalin pa rin sya. Malamang sa estado ng buhay ni Darwin ngayon ay mas maraming babae ang umaaligid dito. Nasaktan si Suzet sa isiping iyon.
Pagkarating sa bahay nila Suzet ay umalis agad si Darwin para dumalaw sa magulang at kapatid. Sa condo unit na kasi ito nakatira at dumadalaw dalaw na lang sa pamilya sa lugar nila.
Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Suzet. Iniisip nya si Darwin ibang iba na ito. Mas lalo siyang gumwapo, mas lumaki ang katawan nito, nagmature sya at pati sa pananalita at pagkilos ay ibang iba na rin. Napaka professional nito. Iniisip niya kung huli na ba para sa kanilang dalawa. Pano kung may gf na ito. Na baka yung sinasabi nyang inspired sya eh dahil may gf na sya.
Ilang araw ang lumipas nagpatulong si Suzet kay Marc at Darwin para sa paghahanap ng opisina at warehouse na kakailanganin nya. Sinamahan sya ni Darwin sa pag ocular ng mga warehouse na for sale or rent. Ilang warehouses ang napuntahan nila. Buong araw silang magkasama.
Kinagabihan, nagdinner muna sila bago umuwi. Sa restaurant habang kumakain ay pinaguusapan nila yung mga warehouses na nakita nila.
"Tingin ko mas okay yung nasa qc bukod sa safe at accessible yung area eh hindi pa bahain." Ani Darwin.
Maya maya ay natigil ang usapan nila ng may dumating na babae.
"Mr. Suarez!" tawag nito kay Darwin.
Napatingin si Darwin sa taong tumawag sa kanya. Ngumiti at nakipag handshake ito ng makilala yun.
"Oh hi Samantha. How are you?". Nakilala ito ni Suzet dahil sikat itong modelo.
Base sa usapan nila ay isa ito sa mga kliyente ni Darwin. Pinaguusapan nila ang architectural design ng resthouse nito sa batangas. Sa isip isip ni Suzet dahil sa trabaho ni Darwin ay expose ito sa iba't ibang tao at madalas sa mga nagiging kliyente nya ay pawang mga kilala at matataas na tao sa lipunan. Naiinis si Suzet. Pakiramdam niya ay nagseselos siya.
"Zet sabi ko kung may gusto ka pang kainin?" Sabi ni Darwin. Sa pagiisip niya ay hindi niya namalayan na umalis na pala ang kausap nito.
"Ha, eh wala na." Sagot niya.
Pagka bigay ng waiter ng bill ay agad kinuha ni Suzet ang bag nya.
"No, Zet ako na." Agad na sabi ni Darwin.
"Diba sabi ko treat ko dahil sinamahan mo ko!" Ani Suzet ng maisip ang usapan nila kanina.
"Ilista mo na lang. One of these days sisingilin kita." Nangingiting sabi ni Darwin.
Umalis na sila sa resto. Hinatid siya ni Darwin sa bahay nila.
Sumunod na araw ay sinamahan uli sya ni Darwin sa pag aasikaso sa business nya. Naiisip nya tuloy baka may pagtingin pa din sa kanya si Darwin dahil hindi naman ito mag eeffort na araw araw sya samahan at isa pa busy itong tao pero naglalaan sya ng oras para sa kanya.
Isang araw pauwi na sila sa bahay galing sa maghapong pag aasikaso ng business niya. Habang nasa sasakyan naisip ni Suzet na oras na siguro para pagusapan ang about sa past nila. Hindi na din kasi nya kaya pang pigilan ang nararamdaman nya para kay Darwin.
"Ahm Darwin yung about sa nangyari..." Naputol ang sasabihin nya ng marinig na nagri-ring ang phone ni Darwin.
"Hello hon may ihahatid lang ako, see you later!" Ani Darwin sa kausap nya.
♥️