CHAPTER 13: The Proposal ?

2470 Words
"Ate grabe ka pala malasing. Kung iinom, inom lang walang aminan ng feelings." Panunukso ng kapatid ni Suzet na si Randy habang sama-samang kumakain ng pananghalian ang pamilya nila. "Bakit ano ba mga sinabi ko?" Tanong ni Suzet. "Mahal na mahal kita Darwin beb ko!" Sambit ni Randy na may paggaya pa sa reaksyon ni Suzet. "Tapos may pahampas hampas ka pa kay Kuya Darwin hirap na hirap na nga sa pagbuhat sayo eh." Ani Randy. Binatukan naman siya ng Mama nila. "Ano? si Darwin?" Pagtatakang sabi ni Suzet. "Si Marc!" Pagbawi ng Mama niya. "Bakit ano ba sinabi ko?sabi ko nga Kuya Marc?" Panay ang kamot ng ulo ni Randy. "Akala ko ate kayo na ni Kuya Darwin nung nasa U.S ka kasi diba ilang beses ka din nya dinalaw dun?" Tanong ni Randy. "Anong dinalaw? Ako dinalaw ni Darwin sa U.S? Hindi nya ko dinalaw doon at bakit nya ko dadalawin?" Tanong ni Suzet na may halong pagkairita na sa kapatid. "Dinadalaw ka anak ni Darwin sa U.S hiningi nya sakin ang address mo dun ayaw nga lang nya ipasabi sayo at nag aalala sya baka daw gumulo lang ang isip mo at mawala ka sa konsentrasyon mo pag nakita mo sya. Siguro tinitignan lang nya kung maayos ang buhay mo dun." "Tsaka siguro namimiss ka nun ate kaya nagpunta sya doon hindi lang isang beses ate. Tatlong beses." Ani Randy habang ngumunguya ng pagkain. "Yung una noong nag isang taon ka sa US. Pangalawa nung nag 24th birthday ka at pangatlo bago ka umuwi dito sa pilipinas parang tatlong buwan yata yun bago ka umuwi dito." Sabi pa ng Mama niya. "Ha, talaga po!" Hindi makapaniwalang sabi ni Suzet. Naalala nya nung nasa U.S sya tatlong beses din na may nagpadala sa kanya ng bulaklak wala naman nakalagay kung kanino galing at kapareho yun ng panahon na sinabi ng mama nya na nagpunta si Darwin. Naalala din nya nung 24th birthday nya habang palabas sya sa opisina ng tita nya ay parang nakita nya si Darwin na nakatayo sa tapat ng building tapos biglang may dumaan na kotse at paglagpas ng kotse ay nawala naman ito. Naisip nya noon na baka sobrang miss na nya si Darwin kaya parang nakikita nya ito sa kung saan. Nag aayos ng gamit si Suzet para sa lalakarin niya ng araw na yun na kasama si Darwin. Tinignan nya ang oras 12:15 na. 12:30 ang sinabi nya kay Darwin na oras na sunduin sya sa bahay. Nagmadali na si Suzet sa pag aayos at pagbibihis. Habang nagbibihis ay naisip nya yung alaalang pumasok sa isip nya kaninang umaga na paggising nya. Nung gabi ng event ni Marc bigla nyang naalala habang nakaupo sya nun at umiinom ng alak nakita nya si Darwin at Nicole na naguusap at nagtatawanan hindi nya na napigilan ang sobrang selos kaya nilapitan nya ang mga ito. "Huy babae pwede bang lumayo layo ka sa mahal ko. Huwag kang assuming sa destiny destiny mo ha matagal na kayong wala. Hindi ka na nya babalikan. Naiintindihan mo?!" Nainis si Suzet sa sarili ng maalala yun. Naalala din nya na nagsorry si Darwin kay Nicole at inilayo sya doon. Naisip nyang parang kontrabida ang dating nya sa dalawang yun. Tapos ngayon nalaman nya na dinadalaw dalaw pala sya ni Darwin sa U.S ng hindi nya alam. Hindi niya alam kung ano bang nasa isip ni Darwin dahil naguguluhan na siya sa mga kinikilos nito. Maya maya ay tinawag na sya ng mama nya dahil naghihintay na si Darwin. Napangiti siya pagkakita niya dito. Naramdaman niya yung pagbilis ng t***k ng puso niya na parati niyang nararamdaman simula pa noon sa tuwing nakikita niya si Darwin. Matamis din itong ngumiti sa kanya nang makita siya. Kinuha nito ang bitbit niyang bag tsaka sila umalis na. "How do you feel now?" Tanong ni Darwin nang makasakay na sila sa kotse. "Okay lang!" Tanging sagot niya. Pinaandar na ni Darwin ang kotse patungo sa paroroonan nila. Yung tungkol sa lalakarin ni Suzet ngayon ang naging topic ng usapan nila habang nasa kotse. Mabilis lang ang naging meeting ni Suzet sa isang cosmetic manufacturer para sa lipstick line business nya. Matapos nun ay agad siyang umalis. Pagbaba niya sa lobby ay nakita nya si Darwin na matyagang naghihintay sa kanya. May sarili rin itong trabaho pero nandito siya ngayon na kasama siya. Sinabi naman niya na kaya na niya mag isang lumakad para sa araw na yun pero ito ang mapilit na sumama sa kanya. May sarili naman din syang sasakyan pero nagagamit lang nya yun kapag malapit na lugar lang ang pupuntahan nya pero kapag malayo ay hindi sya pinapayagan ng magulang nya magdrive bukod sa magulang nya ay isa pa si Darwin na kumokontra na magdrive sya ng malayo. "May lalakarin ka pa ba o may gusto kang puntahan o gusto mo kumain muna?" Tanong ni Darwin sa kanya habang papunta sa parking area. "Wala na. Ikaw baka may lakad ka alam ko busy ka pwede akong magtaxi na lang pauwi." Sagot ni Suzet "Ihahatid na kita, but we have to go somewhere first." Nakangiting sabi ni Darwin habang pinagbubuksan sya ng pintuan ng kotse. "Where?" Tanong ni Suzet "Basta!" Hindi mawala ang ngiti ni Darwin. Habang nasa byahe ay yung tungkol pa rin sa business ni Suzet ang pinaguusapan nila. Maya maya ay biglang nag ring ang phone ni Darwin. Nakita ni Suzet na Nicole ang name na nagregister sa caller ni Darwin. Imbes na sagutin ay kinancel nya ito habang patuloy pa rin sa pagsasalita. Mga ilang segundo ay tumawag uli si Nicole at nakita ni Suzet na kinancel uli ito ni Darwin. Sa pangatlong tawag ni Nicole ay nakaramdam na ng pagkairita si Suzet. "Ano ba kanina pa yan bakit ba hindi mo sinasagot. Mahirap bang sagutin ang tawag na yan." Nainis niyang sabi. Maya maya ay hininto ni Darwin ang kotse. Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ni Suzet at hinalikan ito. "Ano ba Darwin ano na naman to?" Sabi ni Suzet na pilit hinahatak ang kamay nya. "Beb listen, hindi kami ni Nicole okay. Hindi ko sya babalikan. Kung naguusap man kami dahil sa kliyente ko sya kapag natapos na yung contract ko sa kanya wala na din yung communication namin." Seryosong sabi ni Darwin. Hindi na lang kumibo pa si Suzet. Naisip niyang wala naman siyang karapatang kwestyunin si Darwin dahil hindi naman sila. Tumingin na lang siya sa labas ng bintana. Malawak na lupa ang nakita nyang nandoon at may iilan na bahay na nakatayo. Naisip niyang isa siguro ito sa proyekto ni Darwin. "Anong gagawin natin dito? Gusto ko ng umuwi. Kung may trabaho ka pang gagawin pwede naman akong umuwi na." Sabi niya sabay labas ng sasakyan. May sasabihin pa sana si Darwin ngunit naudlot ng bigla siyang lumabas ng sasakyan. Lumabas din si Darwin ng kotse niya. Hinawakan niya ang kamay ni Suzet para pigilan syang umalis. "Wait Zet. Please listen to me first!" Pagsusumamo nito sa kanya. Hindi naman maintindihan ni Suzet ang kinikilos ni Darwin kaya sumunod na lang siya rito. Dinala siya ni Darwin sa isa sa bakanteng lupa na nandoon. "Alam mo itong lupa na ito na kinatatayuan natin. Mula doon hanggang doon nabili ko 'to last year." Sabi ni Darwin na itinuturo ang sinasabi nyang lupa. "Ito rin yung design ng bahay na nabuo ko para sa itatayo kong bahay rito." Inabot sa kanya ni Darwin ang isang folder. Binuksan niya yun. Nakita nya ang architectural design ng bahay na gawa ni Darwin. May tatlo itong palapag. Bukod sa master's bedroom ay marami pa itong kwarto. Malawak ang living and dining area. Malawak ang garden at may swimming pool pa. "Alam mo nung binili ko ito at habang ginagawa ko ang design ng bahay ikaw ang naiisip ko na makakasama ko. Ikaw yung inspirasyon ko. Ikaw lang yung babaeng pinapangarap kong makasama hanggang sa pagtanda ko. Para nga akong tanga na nagangarap kasi hindi ko naman alam kung tatanggapin mo ko eh. Gusto ko lang sumugal. Simula noong bata pa tayo lahat ng maiisip ko na pwedeng gawin para magustuhan mo ko ginagawa ko kaya iniisip ko ngayon pa ba ko susuko." Hinawakan ni Darwin ang mga kamay niya. Nagtataka siya kung bakit ganito magsalita si Darwin ngayon at kung anong ibig sabihin ng lahat ng ito. Nanatili siyang tahimik at pinakinggan pa ang sasabihin nito. "Mahal kita Suzet mula noon hanggang ngayon ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito.. ikaw yung gusto kong makasama habang buhay. . " May kinuha si Darwin sa bulsa nya at lumuhod. " Gusto kitang pakasalan. Wala na akong ibang babaeng gustong makasama habang buhay kundi ikaw lang. Will you marry me!" Nakita ni Suzet ang namuong luha sa mga mata ni Darwin hanggang sa tumulo yun sa pisngi nito. Umiiyak si Darwin. Ramdam niya ang tunay nitong nararamdaman para sa kanya. Gusto siyang pakasalan ni Darwin. Hindi naman sila pero ngayon sumusugal ito para sa kanya. Natutulala si Suzet ng mga oras na yun. Hindi sya makapaniwala sa mga naririnig at nakikita nya. Gusto nya magsalita pero walang lumalabas na salita sa bibig nya. Dahil sa matagal na sagot ni Suzet naisip naman ni Darwin na ayaw niya. "Alam ko Zet nabigla ka. Gusto ko kasi ipakita sayo kung gaano ako kaseryoso at kung gaano kita kamahal. Yung ilang taon na kasama kita at minahal sapat na sa akin yun at ngayon ang gusto ko na lang ay makasama ka habang buhay." Hindi pa rin nagsasalita si Suzet. "Sorry. Hindi naman kita pipilitin kung....". Naputol ang sasabihin ni Darwin ng bigla syang niyakap ni Suzet na napaluhod din. "Darwin." Ilang minutong iyak lang ng iyak si Suzet at walng lumalabas na salita sa bibig nya. Nakayakap lang sya ng mahigpit kay Darwin. Tumingin sya kay Darwin. "Oo pakakasalan din kita." Panay ang pagtulo ng luha niya pagkasabi nun. "Talaga!" Masayang sabi ni Darwin. Umiiyak siya pero napakasaya niya. Pinangarap na niya si Suzet mula pa noon at ngayon ay tinanggap na sita nito. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamasayang lalake sa buong mundo dahil tinanggap siya ng babaeng pinakamamahal niya. Tumayo siya at inalalayan din nya sa pagtayo si Suzet. Nagyakap uli sila ng mahigpit. Pagkatapos ng ilang minuto ay napatingin sila sa isa't isa ng nakangiti. Pinahid ni Darwin ang mga luha ni Suzet na nasa pisngi nya sabay inilapit ang mukha nya para halikan si Suzet sa labi. Kakaiba naman ang pakiramdam ni Suzet sa halik na yun ni Darwin. Hinalikan na siya nito noong merong mangyari sa kanila pero ibang iba naman ang halik na yun ngayon. Feeling niya ay ito ang unang halik nila ni Darwin. Nagpropose ng kasal sa kanya si Darwin at naramdaman niya ang halik nito sa unang pagkakataon. Nag uumapaw sa saya ang puso niya. Mahal na mahal niya si Darwin mula pa noon at ngayon niya yun mas napatunayan. Ilang segundong naglapat ang kanilang mga labi at ninamnam ang pagmamahal para sa isa't-isa. "I love you so much!" Nakangiting sabi ni Darwin nang maghiwalay ang mga labi nila. "I love you too!" sagot ni Suzet. Mas natuwa si Darwin sa narinig. Kinuha niya ang singsing at isinuot kay Suzet. Walang pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ng dalawa ng mga oras na yun. Nakaupo ang dalawa sa ilalim ng puno habang nakatanaw sa lupang pagtatayuan nila ng kanilang dream house. Naguusap silang dalawa. Nakahilig ang ulo ni Suzet sa balikat ni Darwin habang magkahawak ang mga kamay nila. "Alam mo nagpaalam ako sa mga magulang mo kanina na gagawin ko to. Pumayag naman sila" Nakangiting sabi ni Darwin. "Ah kaya pala masayang masaya si mama kanina pag alis natin." Natatawang sabi ni Suzet. "Noong umalis ka papuntang US kinausap ako ng magulang mo tungkol sa problema nating dalawa kaya inamin ko sa kanila yung nangyari satin sa resort. Yung mama mo parang tuwang tuwa pa eh pero yung papa mo parang gusto akong patayin inawat lang ng Mama mo." Natatawang sabi ni Darwin. "Talaga. Hindi ko alam yan walang kinukwento sakin sila mama. " Sabi ni Suzet "Siguro dahil ayaw nilang magulo pa ang isip mo sa US. Sa tuwing dumadalaw ako kina mama. Pumupunta din ako sainyo para dalawin ang magulang mo kaya lang hindi ako pinapansin ng Papa mo. Hanggang isang araw kinausap nya ko. Mapapatawad lang daw nya ko kung ako ang mapapangasawa mo kaya kanina nag iba ang mood nya sakin." Sabi ni Darwin. "Sinabi din sakin ng Mama mo yung totoong nararamdaman mo para sakin kaya nabuo yung plano ko dito sa lupang 'to kasi ikaw yung inspirasyon ko. Sa lahat ng meron ako ngayon dahil ikaw yung inspirasyon ko gusto ko maging deserving sa pagmamahal mo." Sabi ni Darwin sabay halik sa kamay nya. "Talaga edi matagal mo na palang alam na mahal kita." Ani Suzet. "Oo pero pagdating mo dito sa Pilipinas iniisip ko kung pareho pa din yung nararamdaman mo para sakin. Kaya masayang masaya ko nung narinig ko yung mga sinabi mo nung may event si Marc." Nangingiting sabi ni Darwin. "So nandoon ka nga. Tama nga yung alaala ko na ikaw yung nandoon at narinig mo lahat ng mga sinabi ko?" "Oo pinakiusapan ko lang sila na huwag sabihin sayo dahil kilala kita eh alam ko iiwasan mo ko pag nalaman mo yun." Nakangiting sabi ni Darwin. "So pinagkaisahan nyo ko!" Ani Suzet sabay hatak ng kamay nyang hawak ni Darwin na kunyari ay nagtatampo. Tumatawa lang si Darwin at niyakap siya. "Ikaw ha nagpunta ka pala ng U.S hindi ka nagpapakita sakin alam mo bang sobrang miss na miss na kita nung nandoon ako." Mahina niyang hinampas sa braso si Darwin. "Hindi ko kasi alam kung ano magiging reaksyon mo kung magpakita ako iniisip ko baka magalit ka o baka masira ang araw mo. Isang taon kana sa U.S nung unang beses na nagpunta ako hindi ko na kasi kinaya yung lungkot ko na hindi ka nakikita eh kahit busy ako sa trabaho naaalala kita. Tatlong beses ako bumisita noon sayo. Masaya na ko na nakikita kita, sinusundan kita kahit san ka magpunta. Pinapadalhan pa nga kita ng bulaklak eh. Yung huling punta ko doon malapit ka na umuwi dito sa Pilipinas." Sabi ni Darwin habang nakahawak sa kamay niya. "Kaya pala nung umuwi ako dito parang wala lang sayo eh. Ako miss na miss na kita kaya excited ako makita ka." "Sobrang saya ko nga na umuwi ka na dito. Kahit tatlong buwan pa lang nung huli kitang nakita, para sakin matagal na panahon ang katumbas nun." Sabi ni Darwin. Marami pa silang napag usapan ng mga oras na yun hanggang sa magpasya silang umuwi na. Agad nilang ibinalita sa kanilang mga magulang at kaibigan ang plano nila at lahat ay masayang masaya para sa kanilang dalawa. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD