Lumipas ang mga araw na hindi pa rin matanggap ni Suzet ang nangyari sa kanila ni Darwin kahit panay ang pagmamakaawa nito sa kanya na patawarin siya nito.
Araw ng graduation. Sabay sabay na grumaduate ng college ang anim na magkakaibigan na si Suzet, Darwin, Ana, Reymund, Dexter at Marc. Nagpasya ang mga magulang nila na pag isahin ang celebration. Sa bahay ng mga Chavez sila nagcelebrate.
Habang nagkaka siyahan ay naririnig nila ang pinaguusapan ng mga magulang nila.
"Marco will manage Chavez Land, but he will go first through many trainings and seminars so he can master the business process." Wika ng Daddy ni Marc.
"Si Dexter may training munang pagdadaanan sa pagpupulis." Sabi ng Mama niya.
"Si Reymund naman isasama na namin pabalik sa Canada. Magba-bartender muna siya sa bar ng uncle niya dun at kapag gamay na niya ang ganung negosyo tsaka siya magpapatayo na rin ng ganung negosyo doon." Sabi ng Mommy ni Reymund.
"Magma-migrate ka na din bro? Kailan ka babalik dito?" Ani Dexter ng marinig ang sinabi ng Mommy nito.
"Baka hindi na!" Lumamlam ang mga mata nito. Tumingin siya kay Ana. Nakayuko naman si Ana at panay ang inom ng alak.
"Si Ana ko naman ay maghahanda sa CPA exam nya. Sana ay palarin siyang makapasa!" Wika ng Mama niya.
"Ganun din si Darwin sana palaring makapasa sa Architecture Licensure exam nya!" Sabi ng Mama ni Darwin.
"Si Suzet pagbabakasyunin ko muna sa tita nya sa U.S pinadalhan na siya ng ticket ng Tita nya regalo daw sa graduation nya. Hihintayin na lang namin ang visa nya."
"Aalis ka Suzet?" Sabay sabay na sabi ng mga kaibigan niya ng marinig yun maliban kay Darwin na nakatitig lang sa kanya.
"Hindi ka man lang nagkukuwento na aalis ka pala!" May pagtatampong sabi ni Ana.
"Kailan ka babalik?" Tanong ni Marc.
"Hindi ko pa sure. Gusto ko din kasi pag aralan yung cosmetics bussiness ni Tita." Ani Suzet.
"Akala ko mag eexam ka ng civil service dahil gusto mo mag work sa government." Tanong ni Ana.
"I changed my mind bes, plan ko magbusiness ng cosmetics gaya ni Tita kaya pupunta din ako dun para matuto sa process." Sagot ni Suzet.
"Okay, let's have a cheers for their future!" Tinaas ng Daddy ni Marc ang basong may alak.
"Cheeeeersss!"
2 days bago magtungo si Suzet sa U.S ay nagcelebrate muna siya ng 23rd birthday niya. Despedida party na rin niya yun dahil aalis na siya kinabukasan patungo sa U.S
"Guys mami-miss ko kayo kapag nasa US na ko". Mangiyak-ngiyak na sabi ni Suzet.
"Sa tagal ng samahan natin ngayon lang tayo magkakahiwa hiwalay ha!" sabi ni Dexter
"Oo nga eh! Bes ma-mimiss kita ng sobra. Wala na kong bestfriend dito." Naiiyak na sabi ni Ana.
"Si Suzet lang ba ma-mimiss mo?" Nang aasar na tanong ni Marc na ang tinutukoy ay si Reymund na aalis na din Next week.
"Syempre ma mimiss ko din si Reymund pare pareho tayong mula bata pa lang magkakasama na." Sabi ni Ana na hindi makatingin ng diretso kay Reymund. Nakatitig naman sa kanya si Reymund.
"Group hug nga!" Sabi ni Suzet. Nagyakapan sila. Matapos nun ay nagpasya na silang umuwi sa kani kanilang bahay.
Isa isang nagpaalam ang mga kaibigan ni Suzet sa kanya bago umalis sa bahay nila. Isa isa nyang niyakap ang mga ito.
Huling nagpaalam si Darwin.
"Zet mag iingat ka parati ha. Always remember na mahal kita. Hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago. Don't worry hindi na ko naghahangad na mahalin mo din. Sana lang mapatawad mo ko sa nangyari." Namumula ang mga mata ni Darwin na parang nagpipigil ng pag iyak.
"Ikaw din Darwin mag iingat ka dito sana maging successful ka sa kung ano mang plano mong gawin." Nakangiting sabi ni Suzet. "Actually naiisip ko pa rin hanggang ngayon yung nangyari at nasasaktan pa rin ako sa tuwing naiisip yun."
"Ganun ba!" Nasambit ni Darwin. Kahit ganun ang sinabi ni Suzet gusto pa rin niyang itanong ang tungkol sa kanila.
"Zet I want to know kung... kahit konti ba nagkaroon ka rin ng feelings sakin. I mean.. kahit konting pagmamahal para sakin na higit pa sa pagkakaibigan?" Seryosong tanong ni Darwin na nakatitig kay Suzet.
"Ha!" Napaisip si Suzet sa tanong nito. Ramdam na ramdam niya kung gaano niya kamahal si Darwin pero mas nangingibabaw pa din sa kanya yung ginawa nito. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya mararamdaman ang ganun. Ang alam lang niya ay kailangan niyang pigilan ang sarili. Gusto muna niyang ipahinga ang isip sa masamang pangyayari sa kanya bago siya magtapat kay Darwin.
"Okay lang kung ayaw mong sagutin. Siguro hanggang kaibigan lang talaga!" Ani Darwin.
"Sorry!" Sagot naman ni Suzet na nanatiling nakabaling sa iba ang paningin.
"Sana parati mong ingatan ang sarili mo dun. Wala na ko sa tabi mo na mag aalaga sayo. Mula pagkabata nasanay na kong parati kang kasama kaya minahal kita ng sobra. Hindi ko alam ngayon kung paano magsisimulang mabuhay ng wala ka."
"Ano ka ba! Isipin mo na lang yung mga pangarap mo sa buhay. Diba pangarap mo ang maging architect. Ngayon abot kamay mo na." Ngumiti si Suzet kahit naluluha. Nagpaalam na siya bago pa tuluyang bumagsak ang mga luha niya.
"Sige na magliligpit pa ko ng mga gamit ko." Niyakap niya si Darwin. Naramdaman niya ang mahigpit na yakap nito sa kanya. Hindi na napigilan ni Suzet ang pagiyak. Yun na yung huling beses na makikita at mayayakap niya si Darwin. Napakasakit sa kanya pero kailangan niyang tanggapin. Naririnig din niya ang hikbi ni Darwin habang magkayakap sila. Alam niyang masakit din nito para kay Darwin. Siguro ay hindi sila ang para sa isa't isa. Mahal nila ang isa't isa pero hindi sila.
"Sige na bye!" Bumitiw na sa pagkakayakap si Suzet kay Darwin tsaka mabilis na pumasok sa gate. Hindi na niya tinapunan ito ng tingin hanggang maisara niya ang gate.
Pagkaraan ng tatlong taon
Excited si Suzet sa pag iimpake ng mga gamit nya. Bukas kasi ay babalik na siya sa Pilipinas. Tatlong taon siyang nagtrabaho sa cosmetic company ng tita nya sa U.S at ngayong marami na syang natutunan ay mai-aapply nya yun sa itatayo nyang business sa Pilipinas. Nakaipon din sya ng pera na magagamit nya para sa business niya. Naisip niyang magtayo din ng kaparehong business pero sisimulan muna nya sa lipstick.
Isa isa nyang nilagay sa bagahe ang pasalubong na ibibigay niya sa pamilya at mga kaibigan nya. Una ay kay Ana na iba't ibang klase ng make up at pabango. Naalala nyang isa na itong CPA at nagtatrabaho sa isang bangko sa Makati. Si Dexter ay isa ng ganap na pulis. Si Marc naman ay CEO na ng Chavez Land na real estate business ng pamilya nila. Si Reymund naman sa canada ay may sarili ng bar. Bumilis ang t***k ng puso niya ng maisip si Darwin na isa ng Architect. Sa kumpanya ni Marc ito nagtatrabaho at siya ang Head Architect doon. Hindi niya mapigilan ang mapangiti.
♥️