CHAPTER 9: First Love

1066 Words
Hindi makatulog si Suzet ng gabing yun. Iniisip pa rin nya si Darwin. All this time mahal pala siya ni Darwin, akala niya ay siya lang ang nagmamahal dito. Naalala nya ang sinabi ng mama nya na 7 years old pa lang ay gusto na nyang pakasalan si Darwin. Sariwang sariwa pa rin sa alaala nya yung tagpong yun. Yung pangako nila ni Darwin sa isa't isa na magpapakasal sila balang araw. Naisip niya yung pangyayari noong 15 years old siya. Grade 9 sila ni Darwin. Magkaibang section sila. Habang nasa comfort room ay kinompronta siya ni Margaret na kaklase ni Darwin kasama ang tatlo pang babae. "Bakit parati kang nakadikit kay Darwin may gusto ka ba sa kanya?" Nakapamewang na sabi ni Margaret "And so what?" Mataray na sabi ni Suzet. "So what so what ka pa? Wag ka ng lalapit sa kanya ha. Malapit ko na sya maging bf. Kaya ayokong makikitang nakikipag usap ka sa kanya. Naiintindihan mo!" Pagkasabi nun ay umalis na ang grupo nito. Naiwang tuliro si Suzet sa CR. Paulit ulit na pumapasok sa isip niya yung sinabi ni Margaret. Nasasaktan siya akala pa naman nya ay may gusto sa kanya si Darwin. Akala nya ay liligawan siya nito. Naguluhan sya bigla sa mga kinikilos nito sa kanya. Dahil sa pagtatampo kay Darwin ay ilang araw nya itong iniwasan hanggang isang araw pauwi sila ng bahay ay sinadya nyang iparinig kay Darwin ang usapan nila ni Ana tungkol kay Steve. Wala sana siyang plano na sagutin noon si Steve pero dahil sa sama ng loob nya kay Darwin ay nawala sa katinuan ang isip niya kaya sinagot nya iyon. lang araw ay nalaman nyang nagsumbong si Darwin sa Mama nya. Kinompronta nya ito. "May gusto ka ba sakin? Sabi ni Ana may gusto ka daw sakin at gusto mo daw ako ligawan. Ayoko Darwin wag mo ko ligawan. Magkaibigan tayo diba. Hanggang dun lang yun. Kaibigan lng ang tingin ko sayo!" Hindi niya alam kung anong sumagi sa isip niya at yun ang nasabi niya. Gusto lang niyang malaman kung may gusto sa kanya si Darwin. "Sus, wala ako planong ligawan ka. Niloloko ka lang siguro ni Ana. Wala naman ako gusto sayo eh si Margaret ang crush ko. Kami na nga eh!" Saglit siyang natahimik sa sinabi ni Darwin. Pakiramdam niya ay nag akyatan sa ulo niya ang dugo niya sa narinig. "Ah talaga kayo na ni Margaret, bagay na bagay nga kayong dalawa. Si Margaret na napaka arte. Magsama kayo!" Mabigat ang loob niyang umalis sa harap ni Darwin. Mula noon ay sinabi na nya sa sariling kaibigan niya lang si Darwin. Sa tuwing tinutulungan siya nito at lahat ng magagandang bagay na ginagawa nito para sa kanya ay ayaw niyang bigyan na yun ng malisya. Isa pa alam niyang inuutos din yun ng magulang niya kay Darwin. Nung mag college sila iisa lang ang University na pinasukan nila ni Darwin. Mas lalong naging malapit silang dalawa at pakiramdam niya pati ang puso niya ay mas lumapit din dito. Minsan naisip niyang siya na ang gumawa ng move. Sinasadya nyang magpaganda para sa paningin ni Darwin. Naisip nya na kung maraming lalake ang humahanga sa kanya baka si Darwin ay maisip din yun. Ngunit ilang taon ang lumipas hindi man lng ito nagtangkang ligawan siya bagkus ay kung sino sino pa ang nagiging girlfriend nito. Naiinis sya kapag may gf si Darwin tapos parati nyang dinadala yun sa condo unit niya. Nasasaktan siya dahil alam naman niya ang pwedeng mangyari dun. Nung dumating sa buhay niya si Jared at ligawan siya ay sinagot nya ito. Narealize kasi nya noon na wala ng patutunguhan ang pagmamahal nya para kay Darwin kaya gusto na nyang mag move on. Lumipas ang mga araw dahil sa nakikita nyang katangian ni Jared ay natutunan din nya itong mahalin. Akala nya noon ay naka move on na sya kay Darwin dahil nararamdaman nya na mahal talaga nya si Jared. Pero nung minsan na pumunta sya sa condo unit ni Darwin dahil may hihiramin syang libro dito ay hindi inaasahan na makita nya ito na may kahalikan sa loob ng kwarto. Hindi naka lock ang pinto ng condo unit ni Darwin kaya dire diretso siya sa loob. Hinanap nya ito hanggang mapunta sya sa kwarto at doon nga ay nakita nya itong may kasamang babae. Hindi nya kilala ang babae. Akala nya ay wala itong nobya. Palabas na sana sya ng unit nang hindi sinasadya ay matapilok sya sa paanan ng table. Natumba sya at nakagawa ng ingay kaya biglang lumabas yung dalawa. "Beb what's this?!" Nagtatakang sabi ni Darwin nang makita siyang nakaupo sa sahig hawak ang paa niyang nasaktan. "What happened?" "Anong beb? Sino tong babae na to ha. Bakit sya nandito? Ano to babae mo ba to?" Asik ng gf ni Darwin na si Nicole "Hindi..kaibi..." Naputol ang sasabihin ni Darwin ng biglang nagsalita si Suzet. "Beb ang sakit beb!" Ani Suzet na ininda kunyari ang paa. Nilapitan naman sya ni Darwin para tulungan. "Sh*t! F*ck you Darwin!" Umalis at lumabas ng unit si Nicole. Bubuhatin sana ni Darwin si Suzet paupo sa sofa pero nang nagtatakbo si Nicole ay bigla iyon naudlot. Sinundan nito si Nicole at iniwan siya sa ganung sitwasyon. Nasaktan si Suzet. Naisip nyang ngayon lang sya pinabayaan ni Darwin. Yung parati siya nitong tinutulungan at inaalalayan pero ngayon dahil sa babae ay initsapwera sya nito. Tumayo sya at umalis na sa condo ni Darwin ng masama ang loob. Naiiyak siya ng mga oras na yun dahil sa sakit na nararamdaman nya. Akala pa naman nya ay naka move on na sya. Naisip nya mahal nya si Jared pero bakit nasasaktan sya ngayon dahil kay Darwin. Nalito sya sa nararamdaman nya. 1st monthsary nila Suzet at Jared. Nagcelebrate sila sa Tagaytay. Nagcheck in sila sa isang hotel. Matagal na syang inaaya ni Jared na gawin yun ngunit hindi sya pumapayag dahil hindi pa siya handang ibigay ang sarili dito. Pero ng mga oras na yun ay nakahanda na sya. Gusto niyang tuluyan ng mawala sa isip niya si Darwin at si Jared na lang ang manatili doon. Naisip nya kailangan nyang mag focus kay Jared para makalimutan si Darwin at isa yun sa hakbang nya para magawa nyang tuluyan ng kalimutan si Darwin. Ilang araw matapos ng monthsary nila ay nagtungo na nga si Jared papuntang Canada. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD