CHAPTER 8: ♥️

762 Words
Sa sala ay naabutan nya ang mga magulang ni Suzet na nanonood ng tv. "Alis na po ko Auntie, Uncle salamat po pasensya na po sa abala." Hinatid siya ng mama ni Suzet hanggang sa gate. "Ano ba pinag aawayan nyo?" Tanong nito. Hindi nakaimik si Darwin. "Kung ano man yun eh pilitin nyo sanang ayusin. Kayo na ba? Mahal mo ba si Suzet?" Tanong ng Mama ni Suzet. "Opo Auntie, mahal ko po sya!" Mabilis na tugon ni Darwin "Hay sabi ko na eh kayo din ang magkakatuluyan. Okay na sa aming mag asawa na kayo na ni Suzet. Malapit na kayong grumaduate kaya hindi na kami tutol." Masayang sabi ni Aling Mildred. "Ganun po ba!" Hindi alam ni Darwin kung matutuwa o malulungkot sa narinig. "Sige mag iingat ka ha!" "Ay Auntie pwede pong paki-check po si Suzet sabi nya po kasi masakit daw po ang ulo nya at nahihilo sya baka po kasi mangyari uli yung nasa resort kami." Pag aalalang sabi ni Darwin "Ah sige titignan ko sya ngayon!" "Salamat po!" Tumalikod na si Darwin. Nakaupo sa kama si Suzet at umiiyak nang dumating ang Mama niya. Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang buhok niya. "Kung ano man yang pinagdadaanan nyo ni Darwin nak malalagpasan niyo yan kayo pa ba ha diba dati parati kayong nag aaway pero kinabukasan bati na uli kayo kasi hindi nyo matiis ang isa't isa diba." Nakangiting sabi ng Mama niya habang hinahagod hagod ang likod niya. "Mahal na mahal ka ni Darwin nak alam ko na yan dati pa. Sa tuwing nagsusumbong siya sakin kapag may nanliligaw sayo o nung nagka nobyo ka ramdam na ramdam ko sa kanya na nasasaktan siya kaya nga pinapagalitan kita hindi lang dahil pinaghihigpitan kita kundi para na rin sa kanya." "Bakit ngayon nyo lang po sinabi sakin yan?" "Aba'y nagtatanong ka ba? Bakit hindi nyo ba pinag uusapan yun ni Darwin? Kayo yung laging magkasama eh." "Wala po syang sinasabi sakin Ma. Akala ko nagsusumbong siya sa inyo ni papa dahil yun ang inuutos nyo sa kanya... Kung mahal po nya ko kahit dati pa bakit siya nagkaka girlfriend ng iba." "Eh siguro dahil sa lalake din sya. Naiintindihan ko siya dahil hindi ka naman nya pwedeng ligawan dahil nangako siya sa amin ng papa mo na liligawan ka niya kapag nakagraduate na kayo ng college. Napakabait nyang bata malaki ang respeto nya sa amin ng papa mo. Alam naming labag sa loob niyang huwag kang ligawan hanggang makagraduate kayo ng college pero sinunod pa rin niya kami. Hindi nya kami binigo. Ilang araw na lang ga-graduate na kayo." Napatitig si Suzet sa Mama niya ng sabihin yun. "Gusto niyo si Darwin para sakin pero hinadlangan niyo siya na ligawan ako." Naguluhan bigla si Suzet sa magulang niya. "Kung hindi namin yun ginawa baka 10 years old pa lang kayo eh magkasintahan na kayo. 7 years old ka pa nga lang parati mo na kami kinukulit ng papa mo na magpakasal na kayo ni Darwin eh". Bahagyang tumawa ang Mama niya. "Alam ko na mahal mo din si Darwin kaya kung liligawan ka niya sa murang edad nyo eh, ano na lang ang magiging future nyo. May tiwala ako sayo pero hindi pa din sapat. Natatakot kami ni papa mo na baka magaya kayo sa amin na hindi nakapagtapos ng kolehiyo dahil maaga akong nabuntis. Maaga kang dumating sa buhay namin. Huminto din sa pag aaral ang Papa mo para maghanap buhay dahil kailangan niya tayong buhayin. Mabuti at naswertihan ng papa mo na makapagtrabaho sa Saudi kahit hindi graduate ng college kaya maganda ang buhay natin. Ngayon iba na ang panahon kailangan graduate ka ng college para makapag trabaho ka sa abroad o kahit dito sa bansa natin." "Ma, ano pong gagawin ko may ginawa po kasi siya na... ! Natigilan si Suzet. Naisip niyang huwag na munang sabihin ang nangyari sa kanila ni Darwin sa resort. "Kasi po may ginawa siyang hindi ko matanggap. Sobra po akong nasaktan. Nagtiwala ako sa kanya pero sinira po niya yun." Napaiyak uli si Suzet. "Ikaw lang ang makakasagot nyan nak. Pakiramdaman mo ang sarili mo. Isipin mo si Darwin at lahat ng pinagdaanan nyo. Lahat ng ginawa nya para sayo. Pakiramdaman mo ang nasa puso mo. Ngayon kung nahihirapan ka talaga eh magpahinga ka muna. Kung kayo talaga ang para sa isa't isa, kayo talaga, walang makakapigil nun!" Napaisip si Suzet sa narinig. "Oh sige na magpahinga ka na may pasok ka pa bukas!" Niyakap niya ang mama niya bago ito lumabas ng kwarto. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD